You are on page 1of 8

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
1ST SEMESTER S.Y. 2020-2021

Module 4: Ang Wika sa Lipunan

Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino

Inihanda ni: ROGEN L. BAAY, LPT

1|Pahina
Ang Wika sa Lipunan

Layunin:

Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng


napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My
Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com)
Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay
halimbawa
Introduksyon:

Nalalaman natin na wika ang dahilan ng pagkakapagbuklod-buklod ng mga tao


sa lipunan. Ngunit ang lipunan ay mayroong iba’t ibang kultura, mithiin,
gampanin, paniniwala, paninindigan, at pinaglalaban. Samakatuwid, ang wika din
kung minsan ang dahilan ng di pagkaka-unawaan ng mga tao. Sa ating aralin
ngayon ay tatalakayin natin ang mga gamit ng wika sa ating lipunan. Ano nga ba
ang naitutulong ng wika sa ating lipunan? Halina’t ating alamin ang mga gamit
ng wika sa ating lipunan.

2|Pahina
Si Halliday (1978) ay nagkaroon ng isang obserbasyon sa isang bata kung
saan ay nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng
pagkakagamit ng isang bata. Tulad ng isang hagdan, ang kakayahan sa paggamit ng
wika ng isang bata ay may mga hakbang-hakbang na yugto.

Ang chart na inyong nakikita sa ibaba ay ang visual na representasyon ng naging


obserbasyon ni Halliday sa isang bata.

Pagpapahayag ng Pag-uutos at
Pagtatanong
Pangangailangan Pagkokontrol

Mula sa chart na ito ay makikita natin ang tatlo sa pitong tungkuling ng wika na
nabuo ni Halliday sa kaniyang obserbasyon. Ang mga sumusunod ay ang tatlong
tungkulin ng wika:

Instrumental
Regulatori
Heuristiko

Ang unang hakbang ay ang Pagpapahayag ng Pangangailangan, at ito ay


pumapaloob sa Instrumental na tungkulin ng wika.

Ang pagsulat ng isang liham ay isang paraan upang maipahayag mo ang iyong
pangangailangan, pagpapahayag ng iyong kagustuhan sa isang tao, pasasalamat,
kalungkutan, at pagpapatawad atbp. Ang wika ay ginagamit bilang isang intrumento
upang manghikayat, direktang pag-uutos, at pagtuturo at pagkatuto ng maraming
kaalaman at karunungan.
Nalalaman natin na isa sa mga tungkulin ng wika ay maging instrumental, at isa
sa mga gamit ng instrumental na wika ay manghikayat. Ang paggamit ng wika upang
paganapin ng direkta at di-direkta ang tao batay sa nilalaman ng mensahe ay tinatawag
na speech-act o sa tagalog ay tinatawag na bigkas-pagganap. Ito ay hinango ni

3|Pahina
Jaworowska, n.d sa teorya ni John L. Austin noong 1962. Ang teoryang ito ay
nahahati sa tatlong bahagi:
➢ Literal na pahayag o lokusyunaryo – Ito ay ang literal na kahulugan ng
pahayag.
Halimbawa:
“Tama na!”
➢ Pahiwatig sa konteksto ng kultura’t lipunan o ilokusyunaryo – ang
kahulugan ng pahayag ay nakabatay sa taong nakikinig o tumatanggap nito.
Halimbawa:
Ang “Tama na!” ay maaaring mangahulugang:
- totoo
- tapusin na
- mula sa mali papunta sa tama
- pagtitimpla ng niluluto
➢ Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo – Ito ang ginawa pagkatapos
pakinggan ang pahayag
Halimbawa:
Maaaring tumigil ang tao sa kaniyang ginagawa sa pagsabi ng
“Tama na!”.
Ang ikalawang hakbang ay ang pag-uutos at pagkontrol, at ito naman ay
pumapaloob sa Regolatori na tungkulin ng wika.

BAWAL TUMAWID DITO BAWAL MAGTAPON DITO

Ang bawat bansa ay mga binubuo na tuntunin o regulatoryo upang sundin ng


lipunan na binubuo ng institusyon tulad ng pamilya, paaralan, edukasyon, simbahan,
industriya, midya, at pamahalaan.
Tiyak kong naranasan na ninyo na harangin ng security guard pagpasok ng
paaralan kung ikaw ay walang suot na I.D., bakit kaya nila ito ginagawa? Ito ay kanilang
ginagawa upang magkaroon ng kaisahan ang paaralan, at para mangyari iyon ay
nagtatakda sila ng mga kautusan, patakaran, at alituntuning ipapatupad.
Ang regulatori, ay tungkulin ng wika na nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-
deriksyon, sa atin bilang kasapi ng isang institusyong kinabibilangan. Mayroong tatlong
klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito:
➢ Berbal – sa klasipikasyong ito ay sinasambit lamang ng pinuno ng isang
institusyon ang mga batas, kautusan o tuntunin na kailangang sundin ng mga
kasapi.

4|Pahina
Halimbawa:
Pamilya – Sinabihan ng mga magulang ang anak na pagsapit ng ika-
10 ng gabi ay kinakailangang nasa bahay na ang lahat, kundi ay may
kaukulang parusa.
Guro – “Makakakuha ng mababang marka ang sinumang mag-aaral
na hindi makapagpapasa sa takdang panahon ng kanilang proyekto”
pahayag ng guro sa kaniyang mga mag-aaral.
➢ Nasusulat, nakalimbag, at biswal – Ang mga kautusan, batas, at
alituntunin ay nakasulat, nakalimbag, at mayroong biswal na representasyon
na mababasa at makikita ng kasapi ng isang institusyon.
Halimbawa:
Ang Karapatang Pantao
Kontrata sa trabaho
Mga batas at mga ordinansa
➢ Di-nasusulat na tradisyon – Sa klasipikasyong ito ay hindi mo na
kailangang banggitin at isulat ang kautusan, bagkus ito ay isa ng mahabang
tradiyson na kung saan ay nagpasalin-saling kautusan, batas, o tuntunin na
sinusunod ng lahat ng kasapi sa isang institusyon.
Halimbawa:
Sa patriyarkal na lipunan, panganay na lalaki lagi ang tagapagmana
ng negosyo
Ang ikatlong hakbang ay ang pagtatanong, at ito naman ay pumapaloob sa
Heuristiko na tungkulin ng wika.

Ang heuristikong tungkulin ay ang pagtatanong at paghahanap ng kasagutan.


Pag-iimbestiga, pag-eeksperimento kung tama ba o mali. Sabi nga ng matatanda, “ang
batang mahilig magtanong ay matalino” dahil sa pagtatanong ay natuto tayong
tumuklas ng mga bagay sa ating paligid, pagkuha ng mga impormasyon, at maghanap
ng solusyon sa mga problema.
Bilang isang mag-aaral ay bahagi na sa inyong pag-aaral ang pagsasaliksik kaya
naman mahalaga na lagi kang nagtataka, nagtatanong, at nakapapansin ng mga
problema ng lipunan na kailangang bigyan ng solusyon.

5|Pahina
Natutunan na ninyo ang tatlo sa pitong tungkulin ng wika o gamit ng wika sa
ating lipunan. Tunay nga bang malaki ang naitutulong nito sa pang-araw-araw nating
pamumuhay? Nagamit mo na ba ang mga tungkuling ito? Upang malaman natin kung
iyong naunawan ang araling ito halina’t ating sagutan ang mga katanungan patungkol
dito.

A. Panuto: Gamit ang sarili mong mga salita, ihayag at ipaliwanag ang kaibahan
ng mga sumusunod:
a. Instrumental
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
b. Regulatori
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
c. Heuristiko
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pangwakas na Gawin:
A. Panuto: Panonoorin at susuriin ng mabuti ang trailer ng pelikulang “English
Only, Please” (http://www.youtube.com/watch?v=hvF95LfSAMA). Tukuyin
ang mga linya sa trailer ng pelikula ang nagpapakita ng tungkulin ng wika na
ating natalakay. Gamitin ang espasyo sa ibaba upang isulat ang mga linya.

6|Pahina
B. Kumuha ng mga larawan na nagpapakita ng mga komunikatibong tungkulin o
gamit ng wika sa lipunan na ating natalakay sa aralin na ito. Bawat tungkulin
ay magbigay ng tatlong larawan at bawat larawan ay bigyan ng maikling
paliwanag.

7|Pahina
Reperensya:

Nuncio, R. V. et.al (2016). SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. C&E Publishing, Inc.:839 EDSA, South Triangle, Quezon City
Taylan, D.R, et,al (2016).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Rex Book Store: 856 Nicanor Reyes Sr. St.
Gender diversity can make businesses more productive (Picture)
(https://www.google.com/search?q=gender+diversity+can+make+businesses+m
ore+productive&client=ms-
operamobile&prmd=niv&sxsrf=ALeKk022n3csdqOFVknMPg1ajuu9m6Ssow:159583
5859302&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiuqY3s9-
zqAhUQcCsKHYNPAfgQ_AUoAnoECA4QAg#imgrc=C6DZf3-Nfq7S_M)
People speaking different languages with flat design
(https://www.freepik.com/free-vector/people-speaking- different-languages-with-
flat-design_2564895.htm)
Quantum Films (2014, December 8). English Only Please Trailer 2 MMFF 2014.
Retrieved from (http://www.youtube.com/watch?v=hvF95LfSAMA).

8|Pahina

You might also like