You are on page 1of 8

Name: __________________________Date: __________

Grade: _____________________ Section: ___________


REGULATORYONG NA GAMIT NG WIKA

Mga Kailangan Kong Gawin

Matutunghayan sa sanayang-aklat na ito ang iba’t ibang mga gawain


o pagsasanay upang malinang ang iyong kaalaman tungkol sa instrumental
na gamit ng wika sa lipunan.

Pagkatapos na maisagawa at masagot ang mga gawain, inaasahang


malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. F11PT-Ic-86 Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit


ng wika sa lipunan (ayon kay M.A.K. Halliday);

2. F11PD-Id-87 Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa


pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula
(Halimbawa: Be Careful with my Heart, Got to Believe in Magic, On
the Job, Word of the Lourd;

3. F11PS-Id-87 Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa


lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa;

4. F11EP-Ie-31 Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na


nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan; at

5. F11WG – Ie – 85 Nagagamit ang mga cohesive device sa


pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa
lipunan.

Sana ay maging makabuluhan ang iyong pagsasanay. Kasiyahan


nawa ikaw ng ating Maykapal.

…gemllara…
Paghahanda

Upang maisagawa nang mabuti at makabuluhan ang mga gawaing


itinatampok sa sanayang-dahong ito, mahalagang basahin ng mga mag-
aaral nang may pag-unawa ang panuto ng bawat gawain. Ang mga mag-
aaral ay hinihikayat at inaasahang sasagutin at gagawin ang lahat ng mga
gawain.
Bilang panimula, subukan mo munang isulat sa kahon ang isinasaad
ng simbolo.

https://images.app.goo.gl/LMccUuBUZAJUvBKA8
https://images.app.goo.gl/9GKXt3nV5r6o9wQF6

Pagiging Mas Mabuti

Ang mga gawaing makikita sa bahaging ito ay tutulong sa iyong lubos


na pag-unawa sa regulatoryong gamit ng wika sa lipunan.
I. Punan ng mga salitang maiuugnay sa regulatoryong gamit ng wika ang
burger organizer sa ibaba.

II. Bumuo ng isang komiks na nagpapakita ng gamit ng regulatoryong wika


sa lipunang iyong kinabibilangan.
III. Magbigay ng tatlong sitwasyong makikita sa loob ng iyong purok o
baranggay na ginagamit ang regulatoryong gamit ng wika.

Pagiging Dalubhasa

I. Magsaliksik hinggil sa mga sumusunod na paksa. Magbigay ng isang


saklaw ng batas na ito at ibigay ang iyong pagtatasa kung ito ba ay
nagdulot ng kabutihan sa mamamayan.

A. Batas sa Karapatang Pantao


B. Batas sa Kalikasan

C. Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo ng Pilipinas.

II. Magbigay ng tatlong batas na pinaiiral sa iyong paaralan na nagdulot ng


magandang epekto sa katiwasayan ng pamamalakad sa paaralan.
Ipaliwanag ang mabuting dulot ng mga regulasyong ito.

1. ________________________________________________

Paliwanag:
________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. ________________________________________________

Paliwanag:
________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. ________________________________________________
Paliwanag:
________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
III. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong bumuo ng regulasyon o batas
para sa ikauunlad ng paaralan, ano ito? Banggitin ang iyong dahilan ng
pagbuo ng nito at magandang maidudulot nito sa mga guro, mga mag-aaral,
at mga namamahala sa paaralan.
Mga Dapat Kong Tandaan

Malaki ang ginagampanang papel ng mga batas o alituntuning


sinusunod ng bawat mamamayan sa isang bansa, kompanya, o komunidad.
Ito ay naghahatid ng pagkakaisa at katiwasayan sa kinabibilangang
organisasyon.
Nagagamit ang regulatoryong wikang ito sa pagkontrol sa mga ugali o
asal ng ibang mga tao, sitwasyon o kaganapan.
Tinitiyak nito na ang tao ay makapagpapahayag ng utos o gabay sa
kung ano-ano ang dapat at hindi dapat gawin ng kaniyang kapwa.
Samakatuwid, ang wikang ito ay nagbibigay ng kaayusan at kalinawan sa
lipunan.
Kabilang sa gamit ng wikang ito ang pagbibigay ng patakaran o
polisiya, gabay o panuntunan, pag-aaproba o pagpapatibay, pagbibigay
pahintulot o pagbabawal, pagpuri o pagbatikos, pagsang-ayon o di pagsang-
ayon, pagbibigay paalala, babala, at panuto.
Ilang halimbawa ng gamit ng regulatoryong wika ay pagbibigay ng
direksyon ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng ulam, direksyon sa
pagsagot ng pagsusulit, at direskyon ng paggawa ng isang bagay.

ME,MYSELF, AND I Bilang panapos, ibigay ang mga sumusunod:

Bumuo ng pick-up line na


magpapakita ng iyong pag-unawa
hinggil sa regulatoryong gamit ng
wika.

Ibigay ang mahalagang


realisasyon na iyong natutunan
matapos na masagot ang mga
gawain
Sanggunian

Jocson, M. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Vibal Group, Inc. Quezon City

Taylan, D. , Petras, J. & Geronimo, J. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store. Manila

https://images.app.goo.gl/LMccUuBUZAJUvBKA8
https://images.app.goo.gl/9GKXt3nV5r6o9wQF6

Writer: GEMMA L. ARANAYDO


School: NABUNTURAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL–
INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL
Division: DAVAO DE ORO
Illustrator: GEMMA L. ARANAYDO
School: NABUNTURAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL-
INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL
Division: DAVAO DE ORO

You might also like