You are on page 1of 12

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagpapahalaga sa iba’t ibang pangkat ng tao sa
lalawigan at rehiyon

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Santa Leonor C. Musico
Editor: Gng. Chona Vergara
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 3
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Pagpapahalaga sa Iba’t Ibang Pangkat
ng Tao sa Lalawigan at Rehiyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng
Modyul para sa araling Pagpapahalaga sa iba’t ibang pangkat ng tao sa lalawigan
at rehiyon.!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 Modyul ukol sa


Pagpapahalaga sa iba’t ibang pangkat ng tao sa lalawigan at rehiyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagpapahalaga sa iba’t ibang pangkat ng tao sa lalawigan


at rehiyon (AP3PKR-IIIa-2)

PAUNANG PAGSUBOK

Bigkasin ang pagbati gamit ang iba’t ibang wika.

Tagalog Magandang umaga!


Ilokano Naimbag nga bigat!
Kapampangan Mayap a abak!
Bikolano Marhay na aga!
Ilonggo Mayong aga!

BALIK-ARAL

Ano ang kultura?


Ano ang mga aspeto ng pagkakakilalan ng kultura?

ARALIN

Sa lahat ng rehiyon sa bansang Pilipinas, ang NCR ang may


pinakamalit na kalupaan ngunit isa ito sa may pinakamalaking
populasyon. Bakit? NCR ang tinaguriang Pambansang Punong
Rehiyon. Ito ang sentro ng ating bansa kung kaya’t marami ang
pumupuntang mga tao na galing sa iba’t ibang rehiyon.
Hindi na mabilang o matukoy ang eksaktong bilang ng mga
taong nanggaling sa ibang rehiyon o pangkat. Halimbawa na
lamang ay ang mga Kapampangan, Ilokano, Pangasinense,
Igorot, Cebuano, Ilonggo, Waray, Aklanon, at iba pa. Maging
mga banyaga ay makikitang narito sa NCR. Lahat ng mga
pangkat na nabanggit ay may sariling wika na ginagamit.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong 87 ng


wikang sinasalita sa ating bansa. Ito ay isang patunay na
mayroong mga pagkakaiba ang mga pangkat ng Pilipino na
naninirahan sa ating bansa. Ngunit, may pagkakaiba man, may
pagkakatulad din. Lahta tayo ay mula sa Lahing Kayumanggi.
Lahat tayo ay Pilipino.

Upang matugunan ang problema sa komunikasyon ng iba’t


ibang pangkat, nagtalaga si dating Pangulong Manuel L. Quezon
ng isang wikang pambansa. Ito ang wikang Filipino na nakabatay
sa Tagalog. Gamit ang pambansang wika, nagkaroon ng
parehong wika ang mga pangkat at nagkaroon ng
pagkakaintindihan at magandang komunikasyon.

Ang bawat pangkat sa ating Rehiyon ay may pagkakaiba.


Iba sa wika, sa tradisyon, sa gawain, sa kaugalian at sa
paniniwala. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, maaari pa rin
mamuhay ng payapa at may pagkakaisa sa pamamagitan ng
pagrespeto at pagtanggap sa bawat isa.
MGA PAGSASANAY

A. Hanapin at guhitan sa puzzle ang mga sumusunod na


pangkat.
Cebuano Ilonggo
Ilokano Igorot
Waray
C T O W A R A Y
E A T I A P P I
B Y O B L I A L
U N R A I N S O
A M O N N O I N
N R G S A Y G G
O T I A M O A G
I L O K A N O O

B. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangugusap.


MALI naman kung hindi wasto.

____________ 1. Respetuhin ang lahat ng pangkat/tao.


____________ 2. Gamitin ang wikang Filipino upang
magkaroon ng magandang komunikasyon ang bawat
pangkat.
____________ 3. Pagtawanan ang wika ng taong galing sa
ibang rehiyon.
____________ 4. Tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa.
____________ 5. Huwag makihalubilo sa mga taong galling sa
ibang rehiyon.
C. Lagyan ng Tsek / ang larawan kung nagpapakita ng
magandang pakikitungo sa kapwa at X naman kung hindi
magandang pakikitungo.

____ 1. Kausapin ang kapwa. ____ 2. Kaibiganin ang lahat.

____ 3. Tuksuhin ang kalaro. ____ 4. Tulungan ang


nangangailangan.

____ 5. Pagtawanan ang iba.

PAGLALAHAT

Buuin ang talata. Piliin sa kahon ang sagot.

wika Filipino
respeto pagtanggap
pangkat
Ang NCR ay isang Rehiyon na binubuo ng iba’t ibang
(1.)__________ ng tao. Bawat pangkat ay may sariling (2.)
__________ na ginagamit. Upang magkaroon ng maayos na
komunikasyon, ginagamit na natin ang wikang (3.) ___________.
Ngunit sa kabila ng ating pagkakaiba, ang (4.) ___________ at (5.)
___________ ang dapat natin pairalin upang makapamuhay ng
sama sama at payapa.

PAGPAPAHALAGA

Dapat bang pairalin natin ang respeto sa kapwa? Bakit?


Ano ang mga maaring gawin upang maipakita ang
pagrespeto at paggalang sa kapwa?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ang ating Pambansang Wika. At ito ang wikang
ginagamit ng mga nasa Metro Manila.
a. Ilokano
b. Filipino
c. Ingles

2. Sino ang Pangulo na nagtalaga ng ating Pambansang


Wika?
a. Manuel L. Quezon
b. Ferdinand C. Marcos
c. Corazon C. Aquino
3. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ilang wika ang
mayroon sa ating bansa?
a. 88
b. 89
c. 87

4. Ang Pilipino ay galing sa lahing ____________.


a. Kayumanggi
b. Mestizo
c. Hapon

5. Anong kaugalian ang ating kailangan upang magkaroon


ng magandang ugnayan sa ating kapwa?
a. Magsungit sa lahat.
b. May respeto sa bawat isa.
c. Manghusga ng kapwa.

SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay A Pagsasanay B Pagsasanay C

C T O W A R A Y Mali 5. X 5.
E A T I A P P I
Tama 4. / 4.
B Y O B L I A L
Mali 3. X 3.
U N R A I N S O
Tama 2. / 2.
A M O N N O I N
Tama 1. / 1.
N R G S A Y G G
O T I A M O A G
I L O K A N O O
Paglalahat Panapos na Pagsusulit
5. respeto b 5.
ap a 4.
4. pagtangg c 3.
3. Filipino a 2.
2. wika b 1.
1. pangkat

Sanggunian
A. Aklat

1. Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlagas, Jocelyn L. Lagarto.


Mayo 2018. RBS Serye sa Araling Panlipunan Kayamanan 3
(National Capital Region) Binagong Edisyon 2017.84-86 P.
Florentino St., Sta Mesa Height, Quezon City Rez Book
Store, Inc.(RBSI)

2. Mary Ann DG. Goyal, Emilyn F. Gerilla, Cristina DC. Cruz,


Paul Nylden A. Carable, Eric John D. Lao, Janice N.
gagante, Lenie A. Tiamzon, Annie D. Pesito, Clarissa DC.
Catabay, Alona B. Miano, Daisy M. Gonatise, Rosemarie S.
Sto.Domingo, Jenalyn I. Datuin, Analine R. De Guzman,
Margie P. Cas, Ever Bryan A. De Asis. Araling Panlipunan –
Ikatlong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral – National
Capital Region, Unang Edisyon 2019. Bonifacio Bldg.,
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, Studio
Graphics Corp.

B. Online o Elektronikong Pinagmulan


1. https://images.app.goo.gl/47kDcpgskwbY7MrY9
2. https://images.app.goo.gl/T3vH63Kwjo7FFRGf6
3. https://images.app.goo.gl/X5EwzHFZ4PYc3pzY7
4. https://images.app.goo.gl/ksWfZ9TJuzu1ACLs9
5. https://images.app.goo.gl/MhpTsPMDzXEuf7L27

You might also like