You are on page 1of 13

Name: __________________________Date: __________

Grade: _____________________ Section: ___________


KONSEPTONG PANGWIKA
(Register/Barayti ng Wika at Lingguwistikong Komunidad)

Mga Kailangan Kong Gawin

Matutunghayan sa sanayang-aklat na ito ang iba’t ibang mga gawain o


pagsasanay upang malinang ang iyong kaalaman tungkol sa mga konseptong
pangwika: Register/Barayti ng Wika at Linggwistikong Komunidad.

Pagkatapos na maisagawa at masagot ang mga gawain, inaasahang


malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. F11PT-Ia-85 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga


konseptong pangwika:

2. F11-PD-Ib-86 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood


na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. (Hal. Tonight with Arnold
Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com);

3. F11PS-Ib-86 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling


kaalaman, pananaw, at mga karanasan; at

4. F11EP-Ic-30 Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,


google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika

Sana ay maging makabuluhan ang iyong pagsasanay. Kasiyahan nawa


ikaw ng ating Maykapal.

…gemllara…
Paghahanda

Upang maisagawa nang mabuti at makabuluhan ang mga gawaing


itinatampok sa sanayang-dahong ito, mahalagang basahin ng mga mag-aaral
nang may pag-unawa ang panuto ng bawat gawain. Ang mga mag-aaral ay
hinihikayat at inaasahang sasagutin at gagawin ang lahat ng mga gawain.
Bilang panimula, subukan mo muna ang gawaing SALITA KO, SAGOT MO!
Basahin ang mga sumusunod na salita o pahayag. Isulat sa patlang kung anong
kahulugan nito

1. 2.
lespu chaka

3. 4.
OOTD madayaw

5. 6. Repapips,
cr ala na ako
datung eh!

Pagiging Mas Mabuti

Ang mga gawaing makikita sa bahaging ito ay tutulong sa iyong lubos na


maunawaan ang mga konseptong pangwikang nakapaloob sa sanayang-dahong
ito.
I. Tingnan ang mga salitang nakalista sa kahon. Uriin ang mga salitang nasa
kahon ayon sa hinihingi ng talahanayang nakasunod rito.

monitor number lock printer shift


HDMI delete motherboard backspace
bug window CPU menu
virus USB software cut
save network Wi-Fi bite
Mga salitang ginagamit sa Mga salitang may iba pang kahulugan
kompyuter maliban sa gamit nito sa kompyuter

II. Basahin ang mga salitang nasa kahon. Uriin ito ayon sa larangang
inabibilangan nito.

kita pamahalaan pagsusulit akda


tauhan akademiks korapsyon produkto
batas enrolment konsumo prosa
awit kalakal kongreso klase
senado mitolohiya class record puhunan
kurikulum korte awtor pamilihan
kampus eleksiyon pananalapi salaysay

EKONOMIKS POLITIKA EDUKASYON LITERATURA

III. Pag-aralan ang mga halimbawang register. Isulat kung sa ano-anong larangan
ginagamit ang salitang ito at ang kahulugan nito sa larangang iyon.

1. BITUIN
LARANGAN KAHULUGAN

2. BATO
LARANGAN KAHULUGAN

3. BUWAYA
LARANGAN KAHULUGAN

4. KAPITAL
LARANGAN KAHULUGAN
1. HALIGI
Larangan Kahulugan

IV. Gamit ang mga graphic organizer sa ibaba. Maglista ng mga salita o terminong
nakaregister sa mga larangang ito.

pelikula

basketbol

facebook
Online
game

youtube
V. Magkaroon ng isang maikling panayam sa iyong mga magulang, kapatid, o
kamag-anak hinggil sa mga barayti ng wika. Maglista ng tiglilimang halimbawang
salita at kahulugan nito sa iba’t ibang uri ng barayti.

IDYOLEK DAYALEK

SOSYOLEK ETNOLEK

PIDGIN CREOLE

VI.

Magsagawa ng maikling pananaliksik ng


mga salitang etnolek. Maglista ng limang salitang maiuugnay sa mga kagamitang
makikita sa bahay. Isalin ito sa salitang iyon.

Hal.
MANGGUANGAN KATUMBAS SA FILIPINO
bukog tabo

SALITANG ETNOLEK: __________________ KATUMBAS SA FILIPINO

VI. Magbasa ng mga post sa facebook o text message ng iyong mga kakilala.
Magbahagi ng tatlong mga post o text message na gumagamit ng alinman sa uri ng
barayti ng wika.
Pagiging Dalubhasa
I. Basahin ang bahagi ng sanaysay-pananaliksik na “LOBAT” ni Jelson Estralla
Capilos. Maglista ng terminong ginamit ng may-akda tungkol sa cellphone. Isulat
mo rin kung paano mo nauunawaan ang mga terminong ito batay sa iyong sariling
pag-unawa o sa iyong karanasan sa paggamit ng cellphone.

INBOX
Kaso Blg.1. Nagkaroon ng alitan ang magkasintahang sina Bruno at Criselda ilang
araw bago ang nakatakdang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Dahil dito, hindi na
muna nakipagkita ang dalaga sa kaniyang nobyo nang sumapit ang araw na iyon.
Napagpasiyahan ni Bruno na magpakumbaba at makipagbati na kay Criselda. Hinanap
niya sa memory ng kaniyang cellphone ang entri ng kaniyang Honey, sabay pindot sa “call”
button. Wala siyang narinig na ring sa kabilang linya. Tiningnan niya ang iskrin at
nanghina sa nakita.
Kaso Blg.2. Kanina pa nakatutok sa telebisyon si Inday. Hindi siya kumukurap
habang pinapanood ang paborito niyang programa tuwing tanghali. Inaabangan niyang
banggitin ng host ang numerong puwede niyang tawagan para makamit ang isang milyong
piso na ipinamimigay ng programa. Hindi man niya makuha ang jakpat, umaasa siyang
kahit papaano ay makakuha ng isa sa ipinamimigay na mga consolation prize.
Pagkabanggit na pagkabanggit ng host sa numero, mabilis na nag-dial si Inday.
Itinutok niya agad sa tainga ang cellphone. Nagtaka siya dahil walang ring sa kabilang
linya; kung sakali ma’t naunahan siya, tiyak na tunog na busy sana ang maririnig niya.
Tiningnan niya ang iskrin, at napailing na lamang siya sa nakita.
Kaso Blg. 3. Nakidnap si Gloria. Paglabas niya ng opisina, bigla siyang
sinunggaban ng tatlong lalaki at isinakay agad sa van. Pagdating sa kuta, agad siyang
tinalian ng mga suspek at iniwan sa isang silid. Dahil maparaan siya, nagawa niyang
palayain ang kanang kamay at agad niyang kinuha ang cellphone na nakasukbit sa
kaniyang baywang. Umaasa siyang makatawag sa kaniyang pamilya o kaibigan para
makahingi ng tulong, o di kaya’y matunton ng mga ito ang kaniyang kinaroroonan sa
pamamagitan ng high tech na track finder program na naka-install sa kaniyang cellphone.
Hahanapin pa lamang niya sa kaniyang phonebook memory ang numero ng kaniyang
kakilala nang may nakita siya sa iskrin. Napayuko na lamang si Gloria at nawalan ng pag-
asa.
Higit sa mensaheng “message sending failed,” “check balance inquiry,” at “message
not sent, try again later,” malaking pag-alala para sa sinumang may cellphone ang paglitaw
sa iskrin ng babalang “battery low,” lalo pa kung susumpungin ang cellphone sa mga
alanganing lugar, at walang matatagpuang charger. Gaya ng mga ibinigay na halimbawa,
malaking abala ang ganitong pangyayari sa mga tao na may mahahalagang gagawin sa
tulong ng kanilang cellphone. Sa mga panahong nakasalalay ang buhay, suwerte, o di
kaya’y ang mga ugnayang personal o propesyunal sa isang tawag o text, maituturing na
sumpa ang paglitaw ng naturang mensahe, na may kasama pang imahen ng baterya na
may aalon-along likido sa loob, tila ba lalong nangungutya. Sadyang kataka-takang
katawanin ng nasabing pagkilos ang malapit nang maubos na enerhiya ng baterya, ang

MGA TERMINONG
MAY KAUGNAYAN KAHULUGAN
SA CELLPHONE
1.
2.
3.
4.
5.

II. Sumulat ng isang talatang impresyon hinggil sa register ng wika. Isulat ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng register sa isang wika.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

III. Bumuo ng isang liham para sa iyong matalik na kaibigan gamit ang sosyolek
na barayti ng wika. Siguraduhing masunod ang tamang pormat ng pagsulat ng
liham pangkaibigan.

IV. Balikan ang iyong hindi malilimutang paglalakbay kasama ang pamilya o mga
kaibigan. Bumuo ng isang salaysay hinggil dito gamit ang idyolek. Salungguhitan
ang mga salitang idyolek na ginamit.
Pamantayan sa Pagwawasto

Ang mga sumusunod na pamantayan ang pagbabatayan sa pagwawasto ng


gawain III, at IV sa bahaging Pagiging Dalubhasa ng sanayang-dahong ito.
A. Pagsulat ng Liham Pangkaibigan.

PANUKATAN DESKRIPSIYON 5 4 3 2 1
Nilalaman Nakatuon sa layunin ng liham
Pormat Nakasusunod sa tamang pormat ng liham
Balarila Tamang paggamit ng gramatika.
Kalinisan Malinis na pagkakasulat
KABUUAN

B. Pagsulat ng Hindi Malilimutang Paglalakbay

PANUKATAN DESKRIPSIYON 5 4 3 2 1
Nilalaman Naisasalaysay ang hindi malimutang paglalakbay
Balarila Tamang paggamit ng gramatika.
Kalinisan Malinis na pagkakasulat
KABUUAN

Mga Dapat Kong Tandaan

Isang kakaiba at natatanging katangian ng wika ng isang bansa ang


pagkakaroon ng registri o barayti nito. Ang ganitong pagkakaiba ay dulot ng
paghahalo-halo ng angkan, tribo, o lipi sa isang bansa. Ang iba naman ay bunga
ng makabagong teknolohiya, pag-iidolo ng mga artista, pananalitang nabubuo ng
isang grupo ng indibidwal, at pagkakaroon ng pagkakaiba sa tirahan, gawain,
tahanan, at hilig ng isang tao. Lingguwistikong komunidad ang tawag dito na
kung saan ang mga kasaping ay sumasang-ayon sa ispesipikong patakaran at
alituntunin sa paggamit ng wikang nabuo.
Ang ganitong pagkakabuo ng wika, kakaiba man ay maituturing pa ring
mahalaga sapagkat ginagamit ito ng mga lipon ng indibidwal sa pagkakaunawaan
at pakikipagtalastasan.
ME,MYSELF, AND I Bilang panapos, ibigay ang mga sumusunod:

Bumuo ng slogan na magpapakita ng


iyong pag-unawa hinggil sa
barayti/register ng wika at
lingguwistikong komunidad.

Ibigay ang mahalagang realisasyon


na iyong natutunan matapos na
masagot ang mga gawain
Susi sa Pagwawasto

Paghahanda
1. pulis 4. palikuran
2. pangit o hindi maganda 5. pare, wala na akong pera eh!
3. outfit of the day

Pagiging Mabuti
I.

Mga salitang ginagamit sa Mga salitang may iba pang kahulugan


kompyuter maliban sa gamit nito sa kompyuter
HDMI number lock monitor bug
USB printer virus save
network motherboard delete window
CPU software shift menu
backspace cut bite
II.

EKONOMIKS POLITIKA EDUKASYON LITERATURA


kita batas kurikulum tauhan
kalakal senado kampus awit
konsumo pamahalaan akademiks mitolohiya
pananalapi korte enrolment awtor
produkto eleksiyon pagsusulit akda
puhunan korapsiyon class record prosa
pamilihan kongreso klase salaysa
III.

1. BITUIN
LARANGAN KAHULUGAN
puting tabing/showbiz artista
astronomiya makikita sa kalawakan tuwing gabi

2. BATO
LARANGAN KAHULUGAN
heolohiya matigas na bagay
medisina ipinagbabawal na gamot

3. BUWAYA
LARANGAN KAHULUGAN
biologi isang reptilya may mahabang nguso, may
malaki at mabigat na panga, at matatalas
na ngipin
politika tumutukoy sa isang opisyal na gahaman
sa pera
4. KAPITAL
LARANGAN KAHULUGAN
ekonomiks puhunan
politikal kabisera ng isang bansa

1. HALIGI
LARANGAN KAHULUGAN
arkitektura bahagi ng bahay o gusali
idyomatikong pahayag ama

IV.
basketbol - foul, dribol, opensa, depensa, travel, pasa
pelikula – cut, dialogue, blocking, sci-fi, action, drama
facebook – block, page, like, share, comments, post, live
online game – attack, skill, Aldous, creeps, retreat
youtube – video, audio, stream, share, subscribe

Sanggunian
Salazar, J.T. at Lim, MB.F. 2017. Sangguniang Aklat: Babasahin sa Kultural na
Malayuning Komunikasyon. Komisyon ng Wikang Filipino.

Aimil Pineda. Lingguwistikong Komunidad.


https://prezi.com/b4fcs0gxa_co/lingguwistikong-komunidad/?fallback=1
June 30, 2020

Abelida, Carl Arnold. Ang Rehistro ng Wika.


https://www.academia.edu/34230070/Ang_Rehistro_ng_Wika retrieve:
June 28, 2020, 5:45 pm

jenijoycegarciarollo https://brainly.ph/question/566338 June 28, 2020

Rochelle S. Nato. Register bilang Varayti ng Wika.


https://www.slideshare.net/RochelleNato/register-bilang-varayti-ng-wika
June 28, 2020
Maestro Valle Rey. BARAYTI NG WIKA – Uri At Ang Mga Halimbawa Nito
https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/
June 25, 2020

Writer: GEMMA L. ARANAYDO


School: NABUNTURAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL–INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL
Division: DAVAO DE ORO
Illustrator: GEMMA L. ARANAYDO
School: NABUNTURAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL-INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL
Division: DAVAO DE ORO

You might also like