You are on page 1of 16

Modified Strategic Intervention Materials

TUNGO SA MABISANG
KOMUNIKASYON
Mga Konseptong Pangwika
Gabay Pahina
ALAMIN
P amilyar ka ba sa mga Konseptong Pangwika? Kung hindi pa, aalamin mo sa aral-
ing ito kung alin- alin ang mga konseptong pangwika ang tinutukoy at paano
naiuugnay sa sitwasyong komunikatibo. Hindi maikakaila na sa pamamagitan ng
wika higit na napapunlad ang mabisang komunikasyon sa tahanan, paaralan,sa
hanapbuhay at sa iba’t-ibang transaksyon o kalakalan. Ang mga aralin patungkol
sa wika ay dapat mo pa ring maunawaan lalo na ang mga konseptong pangwika

M ahalaga sa tulad mong mag-aaral ang mas mapaunlad ang


iyong kasanayan o kakayahang pang komunikatibo, kaya may
bahagi sa araling ito ang tatlong (3) sitwasyong pangkomunikasyon
na maiuugnay sa mga konseptong pangwika, halimbawa; dapat ay
makuha mo nang tama ang mensaheng nais ipahatid ng tagapagsal-
ita o tamang pakahulugan (1) sa napakinggang programa sa radyo
(ganap na naunawaan) ,(2) sa pinakinggang talumpati (nauunawaan
ang mensahe nito) at (3) sa panayam ,(ganap na nauunawaan ang
PAMANTAYAN napakinggang usapan at tamang interpretasyon sa mga isyu). Ang
kaalaman mo sa mga simpleng
SA PAGKATUTO kahulugan ng salita naman ay
( Komunikasyon at depende sa kung paano mo ito
Pananaliksik MELC #1) ginamit sa pahayag, ang diin at
bigkas , maging sa kamalian sa

N aiuugnay ang mga


konseptong pang-
wika sa mga napaki-
gramatika. Ang matatas na kaala-
man mo sa Wikang panturo (Filipi-
no at Ingles) ay magagamit mo
nggang sitwasyong sa pang-araw araw na buhay, ang
pangkomuni- kahusayan sa komunikasyon ay
kasyon sa masasabing iyong armas sa pag-
radyo, papatuloy ng iyong edukasyon
hanggang sa pagharap mo
talump-
sa mundo ng trabaho.
ati at mga
panayam.

1 )Natutukoy ang mga

LAYUNIN
konseptong Pangwika at
sitwasyong pangkomunikasyon.

Inihanda ni:
2 ) Nasusuri ang mga paha-
yag kaugnay sa sitwasyong
pangkomunikasyon.

ROWENA P. MENDIOLA
MT-I FILIPINO
Becuran Hugh School
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 1
Modified Strategic Intervention Materials

SUBUKIN
PANGKALAHATANG PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto. Piliin ang tamang kasagutan sa bawat aytem. llagay ang
tsek ü sa patlang (blank).

I. Alin-alin kaya sa mga sumusunod na aytem ang mga kabilang sa


konseptong pangwika Piliin ang apat (4) na pinaka tamang sagot (4 na
puntos)
_____ A. Unibersal na wika
_____ B. Wika
_____ C. Wikang Pambansa
_____D Tatas sa wika
_____E. Wikang Panturo
_____F. Wikang Opisyal

II. Batay sa mga sitwasyong pangkomunikasyon , piliin sa mga


sumusunod na larawan ang mga maaring iugnay sa mga konseptong
pangwika (3 puntos)

_________A. _________D.

________ B. ________ E.

_________ C.

III. Suriin ang mga salitang madalas gamitin sa alinmang sitwasyong


pangwika, alin ang angkop na pahayag sa mga sitwasyong pangwi-
ka na napili sa tanong # 2 ( Lagyan ng tsek (/ ) ang napiling sagot.
(3puntos)
______ A.” Maari po ba ninyong ipaliwanag ang inyong panig”
_______ B “Hinihiling kong huwag ninyong kakalimutan ang inyong
bayan”
_______ C. panandalian lamang ang mga pangyayari”
_______ D. “matagal na ring panahon iyon “ dagdag pa niya.
_______ E “Ano pong masasabi ninyo sa mga akusasyon sa inyo?

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 2


Modified Strategic Intervention Materials

BALIKAN

N aalala mo pa ba ang ang isang kabanata sa El Filibusterismo kung


saan ipinaliliwanag ni Simoun ang tungkol sa wika? Sa inyong
pagtalakay sa klase sa Kabanata 7 noong Huling kwarter, nagpaa-
lala ang pambansang bayani sa kahalagahan ng wika partikular ang
ating wikang pambansa.
Matutunghayan mo ngayong araw at susubukan ang iyong galing sa pagsag-
ot sa gawain sa pamamagitan ng ‘rewind’ ng nabanggit na kabanata kung saan
maaring masagot mo rin ng tama ang mga tinutukoy niyang pagpapahalaga sa
ating wikang Pambansa.

Gawain 1

Panuto. Mula sa Hanay A (talk balloon) ang mga direktang sipi/pahayag sa Kabanata 7 ng El Fili
suriin kung saan maiiugnay ang mga ito sa alinmang konseptong pang wika (Hanay B)
Hanay A Hanay B
“Ang wika ay
________1. Ang pahayag sa ay isang pag-iisip ng A. Wikang Panturo
tungkol sa___ bayan”

________2. Sa direktang sabi “Habang may sariling wika B. Wika


ang isang bayan
o pahayag na ito may ay taglay niya ang kalayaan” ”
kinalaman ang tinutu-
koy sa______

_______3. Tinututulan ni Simoun na C. Wikang Pambansa


isulong nina Basilio ang pagnanais
na mapalaganap ang paggamit
ng wikang kastila lalo na ang
ituro ito sa mga PAARALAN. Ang
pahayag ay may kaugnayan sa wikang __

_______4. Ang nararapat D. Wikang Opisyal


na linangin ay ang ka-
laaman magsalita umuna-
wa sa sariling wika.

______5. Ang pambansang E. Wikang Filipino


wika na tinutukoy ni Simoun Ang mga pangkat na nagha-
ay ______ hangad luminang sa wika ng
mananakop na kastila at di sa
kaalamang magsalita o sumulat
sa sarili nilang wika.
F. Wikang Kastila

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 3


Modified Strategic Intervention Materials

TUKLASIN
Gawain 2. ARAL SURI
Basahin. Sitwasyon A: Ipagpalagay na isa kang miyembro ng
Sangguniang Kabataan (SK) na tutulong sa mga magpapaskin sa
campaign signage ng inyong pamahalaang lokal sa mga barangay
ito ang mga paalala ng pag-iingat sa tamang gawi sa kalusugan ng
mga tao kontra sa Covid 19 kaya lamang may dadaanan ka munang
checkpoint ( mga tanong na dapat sagutin) bago ka payagang pu-
masok sa barangay kung saan magpapaskin.
Sitwasyon B : Natalakay ng inyong adbayser sa klase
ang massive information campaign ang mga mahalagang kaalaman sa Covid 19,
noong bago magsara ang mga paaralan.

Panuto sa sitwasyon A. Suriin kung angkop ang mga campaign singage sa Wikang Pam-
bansa. Lagyan ng simbolo ng location map kung oo, lagyan ng X ang hindi.
(4 na puntos)

Mahugas ng kamay ng Cough or sneeze in


madalas Iwasan ang Iwasan ang mga pag- Cleans and disinfect
your elbow not in your titipon at pagtungo sa frequently to touched
paghawak sa mata, hands
ilong at bibig matataong lugar objects and surfaces

1. 2. 3. 4.
Panuto sa sitwasyon B Suriin ang mga pahayag sa ibaba uriin kung angkop ang mga impor-
masyon bilang wikang Panturo (B.1) o wikang opisyal (B.2) . Lagyan ng markang ¶
kung tama
at X kung hindi. (Makakakuha ng tig -3puntos sa B.1 at B.2 sa tamang kasagutan)

B.1 “Ang Coronavirus, na kilala rin bilang COVID-19 ay maaaring may mga
sintomas na banayad hanggang malubha, kabilang dito ang: lagnat, ubo, at igsi ng
paghinga na lumilitaw sa loob ng 2-14 na araw pagkatapos ng pagkahawa. Hindi lahat
ng may COVID-19 ay makakaranas ng mga sintomas, o maaari din na kung banayad
lang ang mga sintomas ay hindi ito pansinin, ngunit maaari pa rin silang makahawa.”

B.2 “The COVID-19 virus spreads primarily through droplets of saliva or dis-
charge from the nose when an infected person coughs or sneezes, so it’s important
that you also practice respiratory etiquette (for example, by coughing into a flexed
elbow).At this time, there are no specific vaccines or treatments for COVID-19”.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 4


Modified Strategic Intervention Materials

Gabay Pahina
SURIIN
Malliban sa nasagot mo na ang mga katanungan sa konseptong pangwika. Tunghayan mo naman ang
mga impormasyon sa ibabang bahagi, basahing mabuti ang nakasulat sa (1) akronim ng wika at upang higit
na maunawaan kung ano ang tinutukoy na iba pang konseptong pangwika, suriin ang (2) concept map,
mas madali mo ngayong mauunawan kung alin-alin ang tinutukoy na wikang Pambansa, wikang Panturo at
wikang Opisyal
(1) Akronim (2) Concept Map
W-ika ay buhay na naglalarawan ng kultura
ng bansa at naglalantad ng saloobin ng tao. Wikang Pambansa ng Pilipinas
I- to ang daluyan ng anumang uri ng komu-
nikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng
mga tao.
ò
K-akayahan ito mga tao na nagagamit sa Wikang Filipino
pagkalap at pagbabahagi ng kaisipan, dam-
damin at anumang naisin niya.
ò
Artikulo 14 Sek.6 ng Saligang Batas 1987
A-ng wika ang sanhi kung bakit nagagawa
ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili, May
pananagisag sa anumang bagay na binibig-
ò
Sek 6.. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay
yang kahulugan kabuluhan, at interpretasyon Filipino samantalang nalilinang, ito ay pay-
sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man abungin sa salig ,sa mga umiiral na mga wika
o naririnig , nakasulat man o binibigkas.
sa Pilipinas at sa iba pang wika.

Wikang Panturo

÷
÷ *magagamit ang wikang Filipino at Ingles bilang
wikang panturo ÷
Wikang FIlipino ò Wikang Ingles
WIKANG OPISYAL
ò
Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV Sek 7
÷
ò
Sek 7….“ Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang
batas, Ingles
Mga Katanungan
1) Sa iyong palagay ano ang kahalagahan ng wika?
2) Ano ang wikang pambansa sa Pilipinas?
3) Alin- alin ang mga wikang gagamitin bilang midyum ng pagtuturo ( wikang panturo).
4) Ano ang ibig ipakahulugan Sek 7 ng Saligang Batas Artikulo XIV ?
5) Sa iyong pananaw, bakit kailangan mong maunawaan ang mga konseptong pangwika?
Isulat dito ang kasagutan:
1.
2.
3.
4.
5.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 5


Modified Strategic Intervention Materials

Pahina ng Pagpapayaman
PAGYAMANIN
GABAY NA GAWAIN
Ngayong may ideya ka na sa mga konseptong pangwika. Ipagpatuloy mo
sagutin ang mga tanong mula sa ibaba.
GAWAIN 1. Panuto: Basahin ang ilan sa mga mahalagang mensahe ni Randy David sa kanyang
mahalagang pahayag sa kayang talumpati-sanaysay “Ang politika ay Wika at ang Wika ay politika” Suriin
mula sa mga pahayag ang tatlong salitang may pakahulugan sa mga konseptong pangwika, isulat ang
napili mong tatlong (3) salita sa sa loob ng kahon.
A. “ Ang politika ng wika ay isang perspektiba na sumusuri sa mga epekto sa wika
ng tagisan ng kapangyarihan .”
B. ” Isang masuwerteng aksidente lamang po ang aking paggamit ng wikang Filipino sa
aking programa” Walang ibang wikang ginamit kundi Filipino para isulat ang idelohiya ng
pagtutol
C.“ Ang sadyang pinroblema ko ay ang “wikang Ingles –sapagkat wari’y napakahirap i
-master nito.
D. “….lumaki ako sa paniniwala na ang Ingles ang wika , na mga edukado, ng mga
mayayaman..subalit marami-rami rin ang mas bihasa sa paggamit ng wikang Ingles”

Wika Wikang Pambansa Wikang Panturo Wikang Opisyal


Wikang Filipino Filipino at Ingles Wikang Filipino at Ingles

Gawain 2

N apakinggan mo na ba ang mga mga programang pang radyo? ng Talumpati ?


ng Panayam? Nararapat lamang na malinaw na naihahatid sa “tagapakinig”
ang mensaheng nais ipabatid sa pamamagitan ng wika. Alin–aling mga sitwasyong
pangkomunikasyon ang maiuugnay sa mga konseptong pangwika? Paano maiuugnay sa
radyo, talumpati at panayam ang mga konseptong pangwika? Ipaliwanag ang kasagutan sa bilog.
(Maaring magsulat sa likod na papel na ito kung sasagot sa Gawain 2).

Wika
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal

Sitwasyong Kulay Asul - Wikang Pambansa


Pangkomuni- Kulay Luntian-Wikang Panturo
kasyon Kulay Pink- Wikang opisyal

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 6


Modified Strategic Intervention Materials

PAGYAMANIN
Malayang Gawain
Iuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga sumusunod na sitwasyong pangkomunikasyon.

l. PANUTO
MAGSULAT NG ISANG TALUMPATI na may kaugnayan Rubriks para sa pagsulat ng Talumpati
sa pananakit /pang aabuso sa mga kababaihan at ka- Nilalaman ng talumpati - 5
bataan sa panahon ng lockdown Organisasyon ng ideya - 5
Mahusay na panimula - 5
(hikayat) at wakas
Kabuuan 15 puntos

(Pamagat)

2. Panuto: Gumawa ng sariling iskrip (komentaryo) para sa radyo, ipagpalagay na may panawagan
ng pagbibigay priroridad sa mga nawalan ng hanapbuhay sa mga ayuda ng Pamahalaan . Maaring
magsulat sa likod nitong papel.)

Rubriks sa Iskrip ng Komentaryong Pang radyo


Nilalaman ng iskrip 5
batay sa paksa
May kaisahan (coherence)/
wastong grammar sa Filipino 5
Kabuuan 10 puntos

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 7


Modified Strategic Intervention Materials

PAGYAMANIN
Pang dalawahang Awtput B
Gawain 1
- Makipareha sa kaklase ( tatawagin/ kakausapin via Messenger) .
-Sundin ang TATLONG – HAKBANG SA PAKIKIPANAYAM( Three –Step
Interview)
(1) Mag-aaral 1 iinterbyuhin si Mag-aaral 2
pagkaraan , magpalitan si Mag-aaral 1 naman ang kakapanayamin ni
Mag –aaral 2
(2) Maghahanda ng katanungan , ang mga katanungan ay nakabatay sa paksang
isusulat ng Guro at kung ilang minuto ang ilalaan sa interbyu.
(3) Tatawagan via messger ang dalawa pang kaklase , bawat mag-aaral ay magbaba-
hagi kung ano ang kani- kanilang bagong nalaman
sa naganap na interbyu.
Rubriks ng pagmamarka sa Panayam
Naisagawa ang mga (Paksa : Mga inaasahan mong pagbabago sa
hakbang sa pakikipanayam 10 ilalim ng “new normal” / Paghahanda sa pag-aaral
/ Maaaring maitulong sa iyong komunidad . 5
Nakapagsumite ng maikling minuto ang itatagal ng interbyu.) Isusumite sa
video ng panayam/naisulat na panayam 5 guro ang recorded video ng pag-uusap / isulat sa
Kabuuan 15 puntos papel ang usapan ot kasagutan sa naganap na
interbyu

GAWAIN 2
Panuto: Bisitahin ang mga sumusunod na link https://www.youtube.com/watch?v=80qzK6O9fyc
ng Super Radyo DZBB sa isang panayam at ang link mula sa Phil star Global na https://www.
youtube.com/watch?v=1Aq6Ozsj33A para sa Talumpati.

Sundin ang mga sumusunod . Bumuo ng pangkat na may tatlong (3) miyembro suriing mabuti
ang mga pahayag kung ano ang pagkakaiba ng paraan ng pagpapahayag na angkop at kara-
niwan sa mga panayam o interbyu, sa radyo at talumpati.

PANAYAM RADYO TALUMPATI


Mensahe

Impormasyon

Tamang pagbigkas
(malinaw at madal-
ing maunawaan)

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 8


Modified Strategic Intervention Materials

PAGYAMANIN
Gabay na Gawain
Panuto. Bigkasin ang mga sumusunod na salita na kada-
lasang naririnig sa sitwasyong komunikatibo, sa ikalawang
hanay gamitin sa pangugusap ang mag salitang ito batay
pa rin sa kasalukuyang panahon/sitwasyon.

Mga salita Pangungusap

1. gáling (come from)

2. balita’ (news)

3. hápon (afternoon )

4. bagà (lung)

5. samantála (meanwhile)

Gawain 2.
Panoorin ang talk show ni Mareng Winnie Bawal ang Pasaway youtube.
com/watch?v=H8nrID2VJic at ang karugtong ng link https://www.you-
tube.com/watch?v=nfH5sx7n8HU

Panuto. Suriin , ilarawan (tukuyin) ang mga sumusunod ang


(1) sitwasyong pangkomunikasyon (2) wika (3) mensahe
( 4) mahalagang pahayag. (10puntos)

Sitwasyong
Pangkomunikasyon

Wika

Mensahe

Mahalagang
Pahayag

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 9


Modified Strategic Intervention Materials

PAHINA NG PAGNINILAY
Isaisip
Basahin ang mga impormasyon sa ibaba.
Mga konseptong Pangwika
• Ang wika ay isang kakayahan ng tao nagagamit sa pagkalap at pagbabahagi ng kaisipan,
damdamin at anumang naisin niya. ( Komunikasyon , 2016 Talaan ng mga Gawain; Konsep-
tong Pangwika; DepEd LR)
• Wika rin ang daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan
ng mga tao.
• Nakasaad sa Saligang Batas 1987 Artikulo 14 Sek 6“ “ Ang Wikang Pambansa ng Pili-
pinas ay Filipino, samantalang nililinang , ito ay payabungin sa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang wika “( kasama ang wikang Ingles)
• Kailangang kilalanin at gamitin ang Filipino bilang wikang panturo
• Batay sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV Sek 7 na “ ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang
itinatadhana ang batas, Ingles

Sitwasyong komunikatibo
• Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood/napaking-
gang sitwasyong pangkomunikasyon tulad ng pagsasalita ng komentarista
sa kanyang programa, gayundin sa napakinggang mananalumpati at
panayam ng talk show host sa kanyang panauhin.

Isagawa
- Magsulat ng maikling pahayag na may kinalaman sa kampanya kontra online
bullying, ito’y upang matulungan ang mga mag-aaral na hindi makaranas ng depre-
syon o stress dala ng pandemya maaring gamitin ang wikang Filipino at Ingles
sa pagsulat.
- Itatapat mo sa kahon ang iyong sagot / maaring i post na rin gamit ang alin-
man sa iyong social media account.

Facebook

Twitter

Instagram

Pinterest

Youtube

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 10


Modified Strategic Intervention Materials

PAHINA NG PAGNINILAY

I. Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot na binibigyang kahulugan


______1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ________
a. Pilipino c. Filipino
b. Tagalog d. wikang tagalog
______2. Alin ang konseptong pangwika sa mga sumusunod na aytem;
a. awitin c .komunidad
b. pelikula d. wikang opisyal
______3. “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino samantalang nalilinang, ito ay pay-
abungin sa salig ,sa mga umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika” ito ay nakasaad sa
:
a. Saligang Batas 1987 Artikulo 14 Sek 6 c.Saligang Batas 1987 Artikulo 14 Sek 4
b. Saligang Batas 1987 Artikulo 16 Sek 7 d.Saligang Batas 1987 Artikulo 15 Sek 6
______4.Ipinahayag naman sa _________________________ ng Saligang Batas 1987 na ang
mga wikang opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles
a. Seksyon 7 c. Seksyon 8
b Seksyon 6 d. Seksyon 10
______5. Batay pa rin sa Artikulo XIV ng Sek 6 itataguyod ang Filipio bilang ___________ ng
pagtuturo
a. pagtagyuyod c. midyum
b wika d. instrumento
II. Panuto. Balikan ang ginawang pagsusuri sa mga napanood sa youtube, Rubriks
Napakahusay na pagsusuri 3
ito ay panayam, talumpati at programa sa teleradyo. Lagyan ng ü kung Mahusay na pagsusuri 2
naiugnay sa mga konseptong pangwika batay sa mga ginamit na salita / Hindi mahusay na pagsusuri 1
mensahe / nilalaman o kahalagahan ng impormasyon. Kabuuan 5 puntos

Sitwasyong Salita Mensahe Nilalaman at kahalagahan


Pangkomunikasyon ng impormasyon
Wika sa programa
ng teleradyo

Wika sa Talumpati

Wika sa panayam

III. Isulat ang mga natutuhan sa araling ito. Hindi lalagpas o kakulangan sa 25 salita.
Nauunawan ko sa aralin ang Paraan ng
pagmamarka
(Tayahin III)
Nakasagot
ng tig 25
Natutunan ko na salita at
angkop ang
kasagutan
– 5puntos).
Kung hindi
nakasu-
Dapat ko pang pag-aralan ang nod may
pagbawas
ng dalawang
puntos mula
sa lima

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11


Modified Strategic Intervention Materials

KARAGDAGANG IMPORMASYON
Basahin ang bahagi ng Sanaysay – talumapati ni Randolf S. David Politika ng Wika, Wika ng Politika
Malugod ko pong ipinaaabot ang aking pagbati at pakikiisa sa inyo sa okasyong ito ng Unang Pamban-
sang Kongreso ng Sanggunian ng mga Unibersidad at Kolehiyo sa Filipino (o SANGFIL). Bawat isa sa mga
layuning nais isulong ng SANGFIL–ang pagpapalaganap sa Filipino bilang wikang panturo, bilang opisyal na
wikang pantalastasan, at wikang pangkabuhayan, at bilang midyum sa agham, teknolohiya, kalakalan at in-
dustriya–ay itinuturing kong mga layunin ko rin. Nakahanda akong kumilos na kasama ninyo upang makamit
ang mga layuning ito lalo na sa madaling panahon. Gayunman, kung ano ang pinakamabisang paraan para
higit tayong makalapit sa ating mga mithiin ay bagay na hindi ko pa ganap na napag-isipan. Ako’y nababa-
hala na baka wala akong maibahagi ngayong hapon na makapaglilinaw sa ganitong praktikal na problema.
Halos buong buhay ko bilang isang estudyante at bilang propesor ay aking inilaan sa pagbabasa, pag-
susulat at pagsasalita sa wikang Ingles. Sapul sa pagkabata, ang wika ng aming pamilya ay Kapampangan.
Nakakaintindi kami ng Tagalog, nagbabasa kami ng komiks sa Tagalog, nanonood ng pelikulang Tagalog, at
nakikinig sa programang Tagalog sa radyo. Subali’t Kapampangan ang salitang gamit namin, hindi Tagalog
at lalong hindi Ingles. Ang Ingles ay pang-declamation lamang, pang-displey kumbaga, isang bandera ng
iyong pagka-edukado. At ang Tagalog ang wikang ginagamit sa mga love letter.
Kailanma’y hindi ko pinroblema ang alinman sa ating mga wika; ang sadyang pinroblema ko ay ang
wikang Ingles–sapagkat wari’y napakahirap i-master ito, at iilan lang ang may talentong humawak sa wikang
ito. Lumaki ako sa paniniwala na ang Ingles ang wika ng mga edukado, ng mayayaman, ng makapangyari-
han at ng mga respetado sa mataas na lipunan. At sino ang ayaw maging bahagi ng mga hanay na iyon?
Sa probinsiya, kung saan ako nag-elementarya at naghay-iskul, nahilig ako sa pagbabasa ng mga
komiks at mga magasing tulad ng Liwayway at Bulaklak. Wala itong kinalaman sa pagiging makabansa o
pagka-Filipino sapagkat hindi ko natatandaan na ito’y naging isang punto ng pagpapasiya para sa akin.
Bahagi lang talaga ng aking mundo sa pang-araw-araw.
Ang sabi ko nga, ang talagang pinagsadyaan ko ay ang wikang Ingles. Nagbasa ako ng maraming libro sa
Ingles upang matutunan ang lengguwaheng ito; pangalawa na lamang siguro ang anumang kasiyahang
maidudulot ng aking pagbabasa. Pag-aaral para sa akin ang pagbabasa ng Ingles, hindi bahagi ng aliw o
pamamahinga.
Sa kabilang banda, ang Kapampangan sa akin ay wikang sinasalita lamang o midyum ng pang-araw-
araw na komunikasyon; hindi binabasa at minsan lamang ginagamit sa sulat. Noong ako’y nag-aaral sa
England, madalas akong sulatan ng aking ina kalahati sa Ingles, kalahati sa wikang Kapampangan; pero
lahat ng aking mga kapatid ay pawang sa wikang Ingles nakikipag-ugnayan sa akin. Sa palagay ko walang
kinalaman ito sa anumang likas na kahinaan ng Kapampangan. Bagkus, resulta ito ng unti-unting paglalaho
ng mga babasahin sa wikang ito. Bukod sa mga matatandang sarsuwelista at makata, wala nang masipag
na nagsusulat sa Kapampangan kahit noong bata pa ako. Nanatili itong simpleng oral na lengguwahe
lamang. Pero bakit hindi Tagalog? Palagay ko ang dahilan ay una kaming tinuruan at natututong magsulat
sa wikang Ingles, hindi sa Tagalog.
Kaiba ang naging papel ng Tagalog, na mabilis kumalat dahil sa komiks, pelikula, magasin, at radyo.
Ang mundong binuksan nito ang nagbigay ng mga modelo sa mga Filipino sa lahat ng sulok ng kapuluan
kung paano umibig, mangarap, at mabuhay. Hindi ipagtataka kung ganoon na hindi lamang sa Pampan-
ga kundi sa maraming lalawigan ng bansa, ang mga love letter ay sa Tagalog isinusulat, hindi sa Ingles
o Kapampangan at marahil hindi rin sa Cebuano o Ilokano. Hindi dahil sa kulang sa damdamin ang ating
pangrehiyong wika, kundi dahil Tagalog ang nagkataong naitampok ng pang masang kultura. Wala tayong
dapat ipagpasalamat sa gobyerno sa pagkakaroon ng ganitong sitwasyon.
Noong ako’y nasa elementarya pa, nariyan na rin ang Ingles noon – sa Reader’s Digest, sa mga pelikula, sa
mga textbuk sa eskuwelahan, at sa mga pocketbook. Subali’t hindi pa ito kasing laganap ng Tagalog. Wala
ito sa karaniwang pang-abot ng Filipino, kahit high school graduate pa, puwera na lang kung nagtapos ka
noong peace time.
Bukod dito, ang wikang Ingles – tulad ng wikang Filipino na pormal na itinuturo bilang asignatura noon – ay
wikang hindi natural, o bahagi ng pang-araw-araw na mundo ng karaniwang Filipino.
Nag-iba ang sitwasyong ito para sa akin nang pumasok ako sa UP noong 1961. Sa pamantasan, Tagalog –
o marahil ang tinatawag nating Filipino ngayon – ang wika sa dormitoryo. Subali’t marami-rami rin ang mas

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 12


Modified Strategic Intervention Materials

KARAGDAGANG IMPORMASYON
bihasa sa paggamit ng wikang Ingles kahit sa pang-araw-araw lang. Sa loob ng klase, halos wala nang narir-
inig na ibang wika kundi Ingles. Ang wikang ito ang masasabi nating humati sa mga probinsiyano at sa mga
taga-siyudad. Pawang pelikulang Ingles ang pinag-uusapan sa pamantasan; sa kontekstong ito’y naging bakya
ang komiks at pelikulang Tagalog. Mga nobelang Ingles ang pinagpasa-pasahan, hindi Bulaklak at Liwayway.
Wala, ni isang subject na itinuturo noon sa katutubong wika. Mga awiting Ingles ang patok, sa loob at sa labas
ng pamantasan.
Ang modelo ng makabago at edukadong Filipino ay nilikha mula sa laganap na mga elemento ng Kan-
luraning sibilisasyon. Ang wikang Ingles ang nagsisilbing pinakamabisang behikulo ng kulturang ito. Sa aking
paningin, dito nagsimula ang unti-unting paglubog ng kaluluwang Filipino.
Nagsimula lamang ang pagtutol sa ganitong kalakaran bandang dekada sitenta na. Sa panahong ito, muling
natuklasan ang katutubong wika bilang sandata ng pagtutol. Ang pagtutol sa imperyalismong Amerikano ay
mas madaling nasakyan nang ito’y naging pagtutol din sa wika ng imperyalista. Sinasadya, may pagkapormal,
self-conscious ang paggamit sa wikang Filipino sa panahong ito. Ang katutubong lengguwaheng gamit ang siya
na ring pinakadiwa ng mensahe ng paglaya. Pagkatapos ng maraming dekada ng pagkabusabos, noon lang
natin inangking muli ang sariling wika bilang mahalagang sagisag ng ating identidad.
Sa isang iglap, ang pinatulog na diwa ng katutubong lengguwahe ay nagising. Ginamit ito bilang sandata
sa pakikibaka; puno ng puwersa, galit, at angkop na pananalita. Walang ibang wikang ginamit kundi Filipino
para isulat ang ideolohiya ng pagtutol – sa mga dula, awiting makabayan, mga tula, mga manipesto at mga
islogan. Sa panahong ito, muling nagsama ang bakya at intelektuwal.Sapagkat mga kabataan ang nanguna sa
muling pagsibol na ito ng wikang katutubo, pinakamalalim ang epekto sa kultura, lalo na sa mga awitin. Hang-
gang ngayon, patuloy nating inaani ang mga bunga ng pagyabong ng wika sa dekada sitenta – mapapansin ito
sa mga awiting rock-protest ng mga banda ng mga kabataang mang-aawit ngayon. Subalit sa ibang larangan,
mapapansin din natin na wari’y paatras na naman ang katutubong wika. Ang Ingles, ang wikang tinutulan ng
henerasyon ng dekada sitenta, ay tila ganap nang nakabawi, at ngayo’y higit pang malakas at arogante.
Anong mga kaisipan ang nais kong halawin mula sa ganitong karanasan? At ano ang kinalaman nito sa
politika ng wika?
Una, ating mapapansin na ang pag-usbong at paglaho, ang pamumukadkad at pagtiklop ng isang wika, ay
resulta ng isang masalimuot na proseso. Maraming puwersa ang naglalaro sa larangang ito, subali’t mahirap
sabihing may iisang makapangyarihang may akda sa naging kalagayan ng isang wika. Ang isang sitwasyong
pangwika ay produkto lamang ng interaksiyon ng marami at iba’t ibang proyekto. Ang ilan dito ay sadyang
tumutukoy sa isang patakaran sa wika. Subali’t karamihan ay bahagi lamang ng mga maniobra sa negosyo at
politika at hindi tuwirang nakatuon sa pagpapalaganap ng alinmang wika.
Lahat ng public affairs talkshows noon ay sa wikang Ingles lamang ginagawa. Ang Filipino ay ginagamit
lamang sa mga movie at celebrity gossip. Ang dahilan nito – ang sabi sa akin – ay sapagkat ang mga talk-
shows na pang-alas diyes y media ay sadyang para sa middle class at opinion leaders nakatuon. Sila umano
ang gising pa sa mga oras na ito, at sila lamang umano ang may interes na makinig sa tipo ng mga isyung
pinagtatalunan. Sa kabilang banda naman daw, ang public affairs radio mula sa madaling araw – habang tulog
pa ang middle class at elite – hanggang sa pagpasok sa trabaho ay sadyang laan lamang para sa masa.
Mahirap baguhin ang ganitong mga tradisyon sa telebisyon. Kaya natural lamang na sumunod kami sa
ganitong kalakaran. Bukod dito, talagang mababa ang aking kakayahang gumamit ng Filipino. Walang kuwesti-
yon na Ingles ang dapat naming gamiting wika sa Public Forum.
Datapwa’t nangyari ito sa unang palabas lamang noong Nobyembre 1986. Sa aming unang pagtatanghal na
iyon na ayaw ko nang maulit, lumabas akong isang malaking tanga. Panauhin ko noon si Kumander Dante na
kalalabas pa lamang sa bilangguan. Sa bawat tanong ko sa kanya sa Ingles, wala siyang pangingiming sumag-
ot sa Filipino. Bagama’t Kapampangan siyang katulad ko, magaan at magandang pakinggan ang kanyang
Filipino. Lubha akong napahiya sapagkat nakita ko’t nadama ang malaking kahangalan ng pagpipilit magsalita
ng Ingles gayong ang kausap mo ay kapwa Filipino at ang pinag-uusapan ninyo ay mga isyung Filipino at ang
mga nakikinig ay pawang mga Filipino.
Sa madaling salita, ang aking proyekto sa simula’t simula ay ang demokratisasyon lamang ng telebisyon
sa pamamagitan ng pagbibigay puwang at tinig sa karaniwang Filipino. ( Bahagi ng sanaysay- talumpati ni
Randolf S. David )

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 13


Modified Strategic Intervention Materials

PAHINA NG SANGGUNIAN

Karagdagang Babasahing materyal

• Samson, C Mga Konseptong Pangwika (Antas ,Katangian at Kasaysayan) https://


www.academia.edu/37003204/Mga_Konseptong_Pangwika

• Deped LR (2016)xKomunikasyon Talaan ng mga Gawain; Konseptong Pangwika


https://www.yumpu.com/xx/document/view/59218085/04-komunikasyon-as-v10

Websites/link

• https://www.deped.gov.ph/1987/05/21/do-52-s-1987-the-1987-policy-on-bilingual-ed-
ucation/

• DO 52, S. 1987 – THE 1987 POLICY ON BILINGUAL EDUCATION May 21, 1987
https://www.napca.org/resource/covid-19-tagalog/

• https://www.who.int/health-topics/coronavirus#tab=tab_1

YouTube link

• https://www.youtube.com/watch?v=80qzK6O9fyc SUPER RADYO DZBB

• Talumpati ni Pangulong Duterte Phil star Global April1,2020


https://www.youtube.com/watch?v=1Aq6Ozsj33A

• Bawal ang Pasaway Mareng winnie youtube.com/watch?v=H8nrID2VJic


https://www.youtube.com/watch?v=nfH5sx7n8HU

ICON, VECTOR /IMAGES

• https://thenounproject.com/

• https://www.clipartmax.com

• https://wikiclipart.com

• https://clipart-library.com

• https://pinterest.com

• https://kissclipart.com

• https://clipartbarn.com

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 14


Modified Strategic Intervention Materials

MGA KASAGUTAN
Subukin : Panimulang Pagtataya
Lagyan ng (/ ) ang napiling sagot na kabilang sa konseptong
pangwika at sitwasyong komunikatibo
I. A. II. / A. / A. Balikan Gawain 1
/ B. B. / B. 1. B 4. D
/ C. / C. _C 2. C 5. E
D. / D. _D.
3. A
/ E. E. / E
/ F.
( 4 na puntos) (3puntos) (3 puntos) = 10pts

TUKLASIN
A) 1.
2 X
3. X
4.
(4 na puntos)
B.1

(3 puntos)
B.2

(3puntos)= 10pts.
SURIIN
Posibleng kasagutan (nagiba-iba man ang paraan ng pagsagot- bigyang puntos pa rin ang mag-aaral lalo na
kung umangkop ang sagot sa katanungan )
1) Mahalaga ang wika sa ating lahat hindi lamang sa ating sarili , mahalaga ito sa ating lipunang ginagalawan
maging sa larangan ng komunikasyon, simula sa ating tahanan, sa kapwa tao .
Ang wika ang daan upang maiparating natin ang anumang mensahe sa kapwa, sa hanapbuhay , sa edu-
kasyon o pag-aaral at transaksyon sa alinmang tanggapan.
2) Ang wikang Filipino ang ating pambansang wika
3) Wikang Filipino at Wikang Ingles
4) Ang mga wikang opisyal na gagamitin sa Pilipinas ay Wikang Filipino at Ingles .
5) Upang maunawaan ang tungkol sa wikang ginagamit ko sa aking pag-aaral ,partikular ang batas na
nagsasabing may dalawang wikang opisyal na gagamitin , Filipino at Ingles maliban pa sa mother tounge
(wika sa isang partikular na lugar/ komunidad).

PAGYAMANIN
Gawain 1 Susing kaalaman
A. Wika B. Wikang Pambansa C Wikang Panturo D. Wikang
Opisyal
1. politika ng wika 1. paggamit ng wikang Filipino 1.pinroblema 1. Ingles ang wika
2. perspektiba 2. Wikang Filipino 2.napakahirap 2. mga edukado ,
mga mayayaman
3. epekto sa wika 3. Ideolohiya ng pagtutol 3 .i -master 3. bihasa sa pag
gamit ng wikang Ingles
GAWAIN 2
Posibleng kasagutan (bigyang puntos ang paliwanag ng mag-aaral kung umangkop sa katanungan).
Ang paggamit sa ating wikang pambansa (Filipino) ay malaganap sa radyo, sa talumpati ng
mga opisyal sa alinmang tanggapan pribado man o gobyerno, ang radyo ay itinuturing na
pang-masa, madaling ma-acess ng mga tagapakinig, mas madalas wikang Filipino ang gamit
sa mga panayam/interbyu lalo na sa mga programang napapanood

Ang midyum na ginagamit sa pagtuturo ay Filipino at Ingles, gayundin sa mga sit-


wasyong pangwika, ito ang dahilan kung bakit naiuugnay ito.

Ang wikang Filipino at Ingles ang kinikilalang mga opisyal na wika hindi rin makakaila
na kahit kasabay ng iba pang wika sa Pilipinas mas nagingibabaw sa kasaukuyan sa
larangan ng media ang dalawang wika.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 15


Modified Strategic Intervention Materials

PAGYAMANIN
Malayang Gawain 1 &2
Susundin ang Rubriks sa pagmamarka
Gabay ng Gawain 1
Pang Dalawahang Awtput
Pangkatang may Tatlong ( 3) miyembro
*Panayam ( Mike Enriquez at MM Mayor ‘ Isko’ Moreno)
Mensahe –Mahalaga naintindihan/ nauunawaan ang ibig ipakahulugan ng kinakapanayam at
nag-iinterbyu
Impormasyon – mahalaga,napapanahon
Tamang pagbigkas- nauunawaan ang paliwanag sa bawat isyu
*Teleradyo ( Super Radyo) DZBB
Nakapagbigay nang maayos na pamamahayag mula mensahe
hanggang sa tamang pagbigkas ang anchor/ host ng programa sa teleradyo
*Talumpati
May mahalagang mensahe
Mahalagang impormasyon
Naunawaan ang nais ipahayag maliban sa may mga salitang hindi kaagad naunawaaan kapag binibigkas,
Pagyamanin
Gabay na gawain
Mga halimbawa sa gamit sa pangungusap (kahit iba ang nasagot ng mag-aaral maari pa ring big-
yang puntos depende sa kung paano niya nagamit nang tama ang salita sa pangungusap)
1.Muling binigyang pansin ng gobyerno ang “ Balik- Probinsya Program” na naglalayong ma-decon-
gest ang lungsod kung kaya karamihan ng mga bumiyahe ngayong buwan pauwing probinsya ay
galing sa iba’t ibang parte ng National Capital Region (NCR).
2. Naging laman ng balita si DepEd Sec. Leonor Briones sa usaping pagpapatuloy ng edukasyon
bagamat nahaharap pa sa krisis ang sektor pangkalusugan ng bansa.
3. Magandang hapon ang bati sa teleradyo ni Mike Enriquez
4. Isa sa pinakamasamang epekto sa katawan ng paninigarilyo ay ang sakit sa baga.
5. “ Naapektuhan pa rin ng pandemya ang ekonomiya ng ating bansa samantala hindi naman nag-
patinag ang sektor ng paggawa dahil halos 75 porsyento ay nakahandang bumalik na sa trabaho”.
Ito ang laman ng balita ngayon.
Gawain 2 (5 puntos)
(ang pagbibigay ng puntos ay batay sa pagkakasuri niya sa panayam)
PAGNINILAY
Isagawa (kampanya sa online bullying)
Rubriks :
*1-2 pangungusap lamang sa FB at Youtube (komentaryo ), 14 character sa Twitter , pinterest at
instagram ------------------------------------------------------ 6 puntos
*Direktang panawagan ----------------------------------- 2 puntos
*Pagbibigay ng mas malinaw na paliwanag------------2 puntos
10 puntos
Pagtataya
Tayahin I Tayahin II Tayahin III
1.C 4. A (susundin ang Rubriks ) (Susundin ang pamantayan ng pagmamarka )
2 D 5. C
Rubriks: Nakasagot ng tig 25 salita at angkop ang kasa-
3. A
Napakahusay na pagsusuri - 3 gutan – 5puntos) . kung hindi nakasunod may
Mahusay na pagsusuri - 2 pagbawas ng dalawang puntos mula sa lima.
Inihanda ni:
ROWENA P. MENDIOLA Hindi mahusay na pagsusuri - 1
MT-I FILIPINO
Becuran Hugh School

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 16

You might also like