You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksiyon

Sa panahon ngayon merong mga bagay na sadyang dumarating ng biglaan o hindi

inaasahan. May mga bagay na pwedeng magdulot ng kabutihan o positibong pananaw sa sarili,

o hindi kaya’y mga bagay na pwedeng magdulot ng kasamaan o pagiging negatibong pananaw o

pagtingin sa kapaligiran o sa sarili. Isang halimbawa ay yung pagkakaroon ng mababang grado

sa akademiko o yung pagkakaroon ng sakit. May mga pagkakataon na ang mga sakit na ito ay

bigla-bigla na lamang nararamdaman ng mga kabataan at nagdudulot ng pagkakaron ng

depresyon

Ang depresyon na kilala sa Ingles bilang Major depressive disorder (MDD), recurrent

depressive disorder, clinical depression, major depression, unipolar depression, o unipolar

disorder ay isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang emosyon na

sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng

interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.

Sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang nakararanas ng depresyon kaya maraing

nakapagpatala na ng mga insidente ng pagpapatiwakal o suicidal attempt karamihan dito ay mga

kabataan na nakakaranas ng depresyon. Kaya naman, dapat mahalagang malaman natin ang

dahilan ng mga ito sa pisyolohikal at sosyolohikal na pagaaral na tunay nga namang magdadala

ng napakalaking epekto lalo na sa mga kabataan na kasalukuyan na dumaranas nito at sa mga


mag-aaral na nakakaranas rin ng ganitong insidente sa hinaharap. Nang sa gayon ay maging

bukas sila sa mga paraan na maaari nilang gamitin upang hindi na sila umabot sa ganitong lebel,

ang lebel ng labis na pagkabahala na magiging isang malaking susi sa pagkakaroon nila ng

depresyon.

Sumasabay ang pagbabago ng paraan ng pag-iisip ng mga kabataan sa mabilis na pag-

inog ng mundo. Ang tila ba gripo na paraan ng pagbabahagi ng mga kaalaman ng mga guro ay

nagdudulot ng maganda at di magandang epekto sa pag-iisip ng mga kabataan. Ang mga

kaalamang may kaugnayan sa akademikong buhay ng mga ito, kapag sinabayan ng panggigipit

ng paligid at ng mataas na ekspektasyon ng mga taong nakapaligid kabilang na ang personal na

kagustuhan na nagiging sanhi rin ng karagdagang bigat ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng

depresyon at pagkabahala.

2. Layunin ng Pagaaral

Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayang isa sa mga dahilan ng kawalan ng gana ng

ibang mga kabataan sa pag-aaral ay dahil sa pagkakaroon ng depresyon. Tatalakayin din ng pag-

aral na ito ang mga sanhi sa kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang bata at higit sa

lahat, layunin nito na makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa kung paano maiiwasan ang

pagkakaroon nito at sa mga batang nakakaranas na ng depresyon, makapagbibigay din ang pag-

aaral na ito ng kaunting kaalaman sa kung paano mapipigil ang paglala nito at kung paano maalis

ang ganitong uri ng sakit sa mga kabataan.

1. Ano ang iba’t-ibang sintomas ng pagkakaroon ng depresyon ng mga kabataan?


2. Anu-anong mga bagay ang dapat gawin upang mapigilan ang pagkakaroon nito?
3. Paanong naging sanhi ang depresyon sa kawalan ng gana ng mga kabataan sa pag-aaral?
4. Kahalagahan ng pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong pusong naniniwala na malaki ang maitutulong ng

pananaliksik na ito upang maagapan ang mga nabibiktima ng depresyon. Bukod pa dito, maari

rin itong maging silbing paalala sa kinauukulan na bumuo ng aksyon upang mabawasan o kung

maari ay matigil ang paglaki ng bilang ng mga nabibiktima ng depresyon. Magsisilbi din itong

gabay upang sa gayon ay magkaroon ng kaalaman ang mga magulang upang mas lalo pang pag-

ibayuhin ang paraan ng kanilang paggabay sa kanilang mga anak. At higit sa lahat, magsisilbi

din itong panuntunan sa mga mag-aaral sa sekondarya at kolehiyo na malapit sa pagkakaroon ng

depresyon upang malaman ang mga epekto ng depresyon na magsisilbing pangmulat upang hindi

nila piliing magkaroon nito.

KABATAAN/KAPWA MAG-AARAL – Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga

kabataan o sa mga kapwa mag-aaral sapagkat nakapagbibigay ito ng mga kaalaman sa

kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng depresyon. Higit na mahalaga ito sa mga

kabataang nakakaranas na ng ganitong uri ng sakit dahil sa pamamagitan nito, malalaman

ng mga kabataang ito kung paano ito maiaalis o malalabanan at kung anu-anong mga

bagay ang kinakailangang gawin upang hindi na muling makaranas nito.

MAGULANG – Ito ay nagsisilbing gabay din sa mga magulang upang malaman ang

kinakailangang gawin nang sa gayon ay matulungan nila ang kanilang mga anak.

KAPWA MANANALIKSIK – Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga kapwa

mananaliksik sa mga susunod na taon upang kanilang maging gabay at magsilbing

karagdagang impormasyon sa kanilang ginagawang pag-aaral.


MGA GURO – Isang malaking tulong din ang pag-aaral na ito upang maging gabay ng

mga guro sa kanilang pagtuturo sa klase. Sa pamamagitan nito makakapagbibigay sila ng

mga impormasyon sa kanilang mga estudyante ukol sa kung paano maiiwasan ang

pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Ang pag-aaral na ito ay maari lamang maging

5. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga kabataan karaniwang nabibiktima ng

depresyon partikular na sa mga mag-aaral sa kolehiyo na may posibilidad na magkaroon nito.

Tatalakayin rin sa pananaliksik na ito ang mga nagiging sanhi at bunga ng depresyon. Bukod pa

dito, magbibigay kaalaman rin ito kung paanong nagkakaiba ang pagkabahala sa depresyon at

kung paanong ang simpleng pagkabahala ay magsilbing tulay sa pagkakaroon ng depresyon

kapag hindi naagapan.

Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay tanging mga mag-aaral na lamang sa Maria

Assumpta Seminary upang mabigyan pansin nang sa gayon ay malaman at maintindihan kung

bakit sila nagkakaroon ng depresyon at ano ang mga bagay na maaring magsilbing solusyon

upang maagapan o malagpasan ang pagkakaroon ng depresyon.

6. Depinisyon ng mga Termino

Ang mga mananaliksik ay naglaan ng mga kahulugan ng mga pangunahing terminolohiya

upang higit na maintindihan ang nais ipabatid ng pananaliksik na ito.


Biktima- ay ang mga taong nadadamay sa isang sitwasyon.

Depresyon – isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na

sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng

interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.

Kapaligiran o paligid- katulad ng likas na kapaligiran, ay ang lahat ng panlabas na mga

puwersa, mga kaganapan, at mga bagay na gumagalaw sa ibabaw ng isang bagay.

Magulang- isang ina o ama na nag dedesiplina sa kanilang mga anak nagpapalaki nito.

Mga gawaing pang-akademiko- ito ay ang iba’t-ibang gawain na ibinibigay sa loob ng

paaralan upang sanayin ang mga estudyante at subukin ang kanilang kakayahan.

Pagkabahala- labis na pag-aalala sa kung ano ang pweden mangyari.

Pag-iisa- Isang sitwasyon na kung saan pinipili ng isang taong mapag-isa o dumistansya sa

mga tao at bagay sa kaniyang paligid

Pisyolohikal- ay ang pag-aaral ng galaw at tungkulin ng bawat bahagi ng pangangatawan.

Problema- isang sitwasyon o kaganapan sa buhay na maaaring nahihirapan ang isang tao.

Sosyolohikal- pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis at

hinihiwalay ang mga tao hindi lamang bilang indibidwal kundi bilang kasapi ng mga

asosasyon, grupo at institusyon.

You might also like