You are on page 1of 11

Pag-aaral sa Kahalagahan ng

Mental Health ng Kabataan


Mga Mananaliksik:
Shalleine Daniela D. Supil
Joanne A. Ballester
Diamond A. San Andres
Ylmas Zee-Jay C. Eclarinal
Jhonna Mae S. Havana
• Ang Suliranin
• Paglalahad ng Suliranin
Agenda: • Asumpsyon
• Kahalagahan ng Pag-aaral
• Depinisyon ng mga
Terminolohiya
Ang Suliranin
Ito ang panahon ng paglaki, pagkatuto, at pagbuo ng kanilang
mga pangarap at pagkatao. Ang kabataan ay isa sa
pinakamahalagang yugto ng buhay ng isang indibidwal.
Maraming mga kabataan ang nakararanas ng mga suliranin tulad
ng pag-aalala, depresyon, at iba pang mga mental na
karamdaman na maaaring humadlang sa kanilang pag-unlad at
kagalingan. Sa kabila ng mga potensyal na kasiyahan at pag-
unlad na dala ng kabataan, hindi dapat natin ipagwalang-bahala
ang isang aspeto na lubhang kritikal sa kanilang buhay ang
kanilang mental health o kalusugan sa pag-iisip.Sa kasalukuyang
panahon, ang isyung pangkalusugan sa pag-iisip ng kabataan ay
lumalaki at nagiging mas kritikal.
Nais din naming suriin ang mga solusyon at pamamaraan na
maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kanilang mental
health, kasama na ang paglalaganap ng kamalayan,
edukasyon, at suporta mula sa mga pangunahing ahensya at
komunidad, ayon sa REPUBLIC ACT NO 11036 na
nagsasabing;An act establishing a national mental health
policy for the purpose of enhancing the delivery of
integrated mental health service, promoting and protecting
the rights of person utilizing psychiatric, neurological and
psychosocial health services, appropriating funds therefore,
and for other purpose.Sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa
isyung ito, nais naming magsulong ng kamalayan at pagkilos
upang matiyak na ang mga kabataan ay makakaranas ng mas
malusog na kalusugan sa pag-iisip. Layunin naming
maunawaan ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang
kalusugan sa pag-iisip, tulad ng mga panganib na dulot ng
mga saloobin, kapaligiran, at teknolohiya.
Paglalahad ng Suliranin
​ ilalayon ng pananaliksik na “Pag-aaral sa Kahalagahan ng Mental Health ng
N
Kabataan” na malaman at mapag-aralan ang mga kahalagahan ng mental health
sa mga Kabataan. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay sa mga kasagutan sa mga
espesipikong mga katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga ika labing-isa hanggang ika labing-dalawang baitang sa
iba’t ibang kurso ng Pamantasan ng Hilagang Silangan ng Pilipinas batay sa:
a. Edad
b. Kasarian
2. Ano ang pananaw ng mga kabataan ukol sa usaping mental health?
3. Ano-ano ang mga negatibong maidudulot nito sa mga kabataan kapag hindi
pinahalagahan ang kanilang mental health?
4. Ano-ano ang kahalagahan ng mental health sa kabataan batay sa kanilang: a.
Kasarian b. Personal na pag-unlad
5. Paano makakamit ng mga kabataan ang maayos na mental health?
Asumpsyon
1. Ang mga magaaral na sasagot sa pananaliksik na ito ay nasa edad 13-
19 taong gulang at ang kanilang kasarian ay hindi mahalaga sa pag
sagot.
2. Ang pananaw ng mga kabataan ukol sa mental health ay ang kanilang
mental na kalagayan o problema na madalas nilang nararanasan.
3. Ang negatibong maidudulot ng hindi pagpapahalaga sa mental health
ng kabataan ay ang maaaring pagkasira ng buhay o pagkasira ng
buong pagkatao ng mga kabataan.
4. Mahalaga ang mental health sa kahit anumang kasarian dahil lahat
sila ay tao na nakakaramdam ng kahit anong damdamin at sakanilang
personal na pag-unlad mahalaga ito upang makilala pa ang kanilang
mga sarili.
5. Maraming paraan upang makamit ang maayos na mental health, naka
depende ito sa isang tao sa kung paanong paraan sya komportable at
mahalagang pangalagaan din ang sarili upang makamit ito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
1. Mag-aaral. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng
kaalaman ang mga mag-aaral ukol sakanilang mental health at maaari rin
nila itong gamiting gabay sakanilang mga nararamdaman.
2. Guro. Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga guro upang magkaroon
sila ng ideya sa mga nararanasan ng mga kabataan ngayon.
3. Magulang. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga magulang upang
magkaroon sila ng ideya sa mga kilos o damdamin ng kanilang mga anak
at malaman kung paano nila ito pakikisamahan.
4. Mananaliksik. Maaaring maging sanggunian ng mga sunod na
mananaliksik.
5. Administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mag
bigay kaalaman sakanila at upang makabuo ng programa ukol sa
pangangalaga ng mental heath ng kabataan.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw at saloobin
ng piling mag-aaral at nililimitahan nito ang pag-aaral sa
isang Pamantasan ng Hilagang-Silangan ng Pilipinas.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga baryabol
tulad ng propayl, preperensya, saloobin, pananaw at iba
pang mga kaugnayan sa paksa. Mas lalo itong
nalilimitahan sa pamamagitan ng pagkuha ng
respondente mula sa piling mag-aaral sa iba’t ibang
strand o kurso na nasa ika labing-isa hanggang ika labing-
dalawang baitang.
Depinisyon ng mga
Terminolohiya
Ang mga terminolohiyang ito ay mahalaga sa pag-aaral. Ito ay mga
kahulugan ng mga salitang ginamit sa pagsasaliksik:
Kabataan - Mga taong nasa 15 hanggang 24 taong gulang. Sila ang
pokus ng pag-aaral at ang mental health nila ay mahalagang aspeto.
Kasarian - Ito ay pagiging responsible sa sariling buhay. Ginamit ito
para matukoy ang kahalagahan ng mental health sa kabataan.
Mental Health - Kalusugan ng isip, emosyon, at pakikisalamuha ng
tao, tinalakay ang kabataan, kasarian, at personal na pag-unlad.
Personal na Pag-unlad - Paraan ng pagmamahal sa sarili,
pagpapasya sa buhay, at pagtatakda ng mga layunin.
Sikayatri - Medikal na doktor sa kalusugan ng isip, maaaring
lapitan ng kabataang may mental health na problema.
Depresyon - isang malubhang sakit na nakakaapekto sa
damdamin, pag iisip,  at pag kilos isang tao.
Bipolar Disorder - Sakit sa kaisipan na nagdudulot ng hindi
pangkaraniwang pagbabago sa kalooban, enerhiya,
aktibidad, at konsentrasyon.
Schizophrenia: Malalang karamdaman sa isip,
pagkakaintindi sa katotohanan, delusyon, at paghihirap sa
pang-araw-araw na buhay; pangangailangan ng
habambuhay na paggamot.
Maraming Salamat
Po!

You might also like