Professional Documents
Culture Documents
Pahalagahan Nang Wasto Ang Kaloob Sa Iyo Na Buhay
Pahalagahan Nang Wasto Ang Kaloob Sa Iyo Na Buhay
Iyo na Buhay
“Ang dugo ng Kristo [ang] makapaglilinis ng ating mga budhi mula sa patay
na mga gawa upang makapag-ukol tayo ng sagradong paglilingkod sa
Diyos na buháy.”—HEBREO 9:14.
KUNG tatanungin ka kung magkano ang halaga ng buhay mo, ano ang sasabihin mo? Lubos
nating pinahahalagahan ang buhay—ang sa atin at yaong sa iba. Bilang katibayan nito,
maaaring nagpupunta tayo sa manggagamot para magpatingin kapag may sakit tayo o para
regular na magpasuri. Gusto nating manatiling buháy at malusog. Maging ang karamihan sa
matatanda na o baldado na ay ayaw mamatay; nais nilang patuloy na mabuhay.
2, 3. (a) Itinatampok ng Kawikaan 23:22 ang anong pananagutan? (b) Paano nasasangkot ang Diyos sa
pananagutang binanggit sa Kawikaan 23:22?
2 Ang antas ng iyong pagpapahalaga sa buhay ay nakaaapekto sa kaugnayan mo sa iba.
Halimbawa, iniutos ng Salita ng Diyos: “Makinig ka sa iyong ama na nagpangyari ng iyong
kapanganakan, at huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lamang sa tumanda na siya.”
(Kawikaan 23:22) Ang ‘pakikinig’ ay nangangahulugan nang higit pa kaysa sa basta pakinggan
ang mga salita; ang kawikaang ito ay nangangahulugang makinig at pagkatapos ay sumunod.
(Exodo 15:26;Deuteronomio 7:12; 13:18; 15:5; Josue 22:2; Awit 81:13) Anong dahilan ang
ibinibigay ng Salita ng Diyos kung bakit dapat tayong makinig? Hindi lamang dahil mas matanda
sa iyo ang iyong ama at ina o dahil mas makaranasan sila. Ang dahilan na ibinigay ay sapagkat
sila ang “nagpangyari ng iyong kapanganakan.” Ganito ang pagkakasabi ng ilang salin sa
talatang ito: “Makinig ka sa iyong ama na nagbigay sa ‘yo ng buhay.” Mauunawaan naman,
kung pinahahalagahan mo ang iyong buhay, nakadarama ka ng obligasyon sa bukal ng buhay
na iyan.
3 Sabihin pa, kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kinikilala mo si Jehova bilang ang orihinal
na Bukal ng iyong buhay. Sa pamamagitan niya, ikaw mismo ay “may buhay”; ‘nakakakilos’ ka,
may damdamin ka; at ikaw ngayon ay “umiiral” at nakapag-iisip o nakapagpaplano para sa
hinaharap, lakip na ang permanenteng buhay. (Gawa 17:28; Awit 36:9; Eclesiastes 3:11)
Kasuwato ng Kawikaan 23:22, wasto lamang na “makinig” sa Diyos nang may pagkamasunurin,
anupat nagnanais na maintindihan at magpaakay sa kaniyang pangmalas hinggil sa buhay sa
halip na piliin ang ibang pananaw.
Igalang ang Buhay
4. Sa maagang bahagi ng kasaysayan ng tao, paano naging usapin ang paggalang sa buhay?
4 Maaga sa kasaysayan ng tao, niliwanag ni Jehova na hindi niya pinahihintulutan ang tao na
gamitin (o abusuhin) ang buhay sa kung anu-anong dahilan lamang. Palibhasa’y nalipos ng
pagngangalit dahil sa paninibugho, kinitil ni Cain ang isang inosenteng buhay, ang buhay ng
kaniyang kapatid na si Abel. Sa palagay mo ba’y may karapatan si Cain na gawin ang gayong
pagpapasiya hinggil sa buhay? Hindi gayon ang pangmalas ng Diyos. Pinapagsulit niya si Cain:
“Ano ang ginawa mo? Pakinggan mo! Ang dugo ng iyong kapatid ay sumisigaw sa akin mula sa
lupa.” (Genesis 4:10) Pansinin na ang dugo ni Abel sa lupa ay kumakatawan sa kaniyang
buhay, na may-kalupitang kinitil nang wala sa panahon, at sumigaw ito sa Diyos para sa
paghihiganti.—Hebreo 12:24.
5. (a) Anong pagbabawal ang itinakda ng Diyos noong panahon ni Noe, at kanino ito kumakapit? (b) Sa anong
diwa isang mahalagang hakbang ang pagbabawal na ito?
6. Sa pamamagitan ni Noe, paano idiniin ng Diyos ang Kaniyang pangmalas sa halaga ng buhay?
6
Nagpatuloy ang Diyos: “Ang inyong dugo ng inyong mga kaluluwa ay sisingilin ko. Mula sa
kamay ng bawat nilalang na buháy ay sisingilin ko iyon; at mula sa kamay ng tao, mula sa
kamay ng bawat isa na kaniyang kapatid, ay sisingilin ko ang kaluluwa ng tao. Sinumang
magbububo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay ibububo ang kaniyang sariling dugo,
sapagkat ayon sa larawan ng Diyos ay ginawa niya ang tao.” (Genesis 9:5, 6) Makikita mo mula
sa kapahayagang ito sa buong pamilya ng tao na minamalas ng Diyos ang dugo ng isang tao
na kumakatawan sa kaniyang buhay. Ang Maylalang ang nagbibigay ng buhay sa tao, at
walang sinuman ang dapat kumuha sa buhay na iyan, na kinakatawanan ng dugo. Kung may
mapatay ang sinuman, gaya ni Cain, may karapatan ang Maylalang na ‘singilin’ ang buhay ng
mamamatay-tao.
7. Bakit tayo dapat maging interesado sa kapahayagan ng Diyos kay Noe hinggil sa dugo?
7 Sa pamamagitan ng kaniyang kapahayagan, inutusan ng Diyos ang mga tao na huwag gamitin
ang dugo sa maling paraan. Napag-isip-isip mo na ba kung bakit? Gayundin, ano kaya ang
dahilan ng ganitong pangmalas ng Diyos sa dugo? Ang totoo, nauugnay ang sagot dito sa isa
sa pinakamahahalagang turo sa Bibliya. Ito ay nasa pinakasentro ng mensaheng Kristiyano,
bagaman pinili ng maraming relihiyon na ipagwalang-bahala ito. Ano ang turong iyan, at paano
nasasangkot ang iyong buhay, mga pagpapasiya, at mga pagkilos?
Dugo—Paano ba Ito Maaaring Gamitin?
8. Sa Kautusan, anong limitasyon ang itinakda ni Jehova hinggil sa paggamit ng dugo?
8 Nagbigay si Jehova ng higit pang mga detalye hinggil sa buhay at dugo nang ibigay niya sa
Israel ang kodigo ng Kautusan. Sa paggawa nito, gumawa siya ng karagdagang hakbang sa
pagsasakatuparan ng kaniyang layunin. Malamang na alam mong ang Kautusan ay humihiling
ng mga handog para sa Diyos, gaya ng butil, langis, at alak. (Levitico 2:1-4; 23:13; Bilang 15:1-
5) May mga hain ding hayop. Ganito ang sabi ng Diyos may kaugnayan sa mga ito: “Ang
kaluluwa ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar upang
maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo ang nagbabayad-
sala dahil sa kaluluwa na naroroon. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi sa mga anak ni Israel:
‘Walang kaluluwa sa inyo ang kakain ng dugo.’ ” Idinagdag pa ni Jehova na kung sinuman,
gaya ng isang mangangaso o isang magsasaka, ang magkatay ng hayop upang kainin ito,
kailangan niyang patuluin ang dugo at tabunan ito ng alabok. Ang lupa ang tuntungan ng Diyos,
at sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo sa lupa, kinikilala ng indibiduwal na ang buhay ay
ibinabalik sa Tagapagbigay-Buhay.—Levitico 17:11-13; Isaias 66:1.
9. Ano ang tanging gamit ng dugo na binabanggit sa Kautusan, at ano ang layunin nito?
9
Ang kautusang iyan ay hindi basta isang relihiyosong ritwal na walang kahalagahan sa atin.
Napansin mo ba kung bakit hindi dapat kumain ng dugo ang mga Israelita? Sinabi ng Diyos:
“Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi sa mga anak ni Israel: ‘Walang kaluluwa sa inyo ang
kakain ng dugo.’ ” Ano ang dahilan? “Ako mismo ang naglagay [ng dugo] sa ibabaw ng altar
upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa.” Nakikita mo bang nagbibigay ito
ng kaunawaan kung bakit sinabi ng Diyos kay Noe na hindi dapat kumain ng dugo ang mga
tao? Ang Maylalang ang nagpasiyang malasin ang dugo nang may nakahihigit na halaga,
anupat inilalaan ito sa isang pantanging gamit na makapagliligtas ng maraming buhay.
Gaganap ito ng isang mahalagang papel sa pagtatakip ng mga kasalanan (pagbabayad-sala).
Kaya sa ilalim ng Kautusan, ang tanging ipinahintulot ng Diyos na gamit ng dugo ay sa altar
upang gumawa ng pagbabayad-sala para sa buhay ng mga Israelita, na naghahangad ng
kapatawaran ni Jehova.
10. Bakit hindi makapagdudulot ng lubusang kapatawaran ang dugo ng mga hayop, ngunit ano ang
ipinaaalaala ng mga hain sa ilalim ng Kautusan?
12. May kinalaman sa dugo, paano natin makikita ang pagsisiwalat sa layunin ng Diyos?
12 Bilang sumaryo, tandaan na noong panahon ni Noe ay iniutos ng Diyos na maaaring kumain
ng karne ng hayop ang mga tao upang mabuhay, ngunit hindi sila maaaring kumain ng dugo.
Nang maglaon, sinabi ng Diyos na “ang kaluluwa ng laman ay nasa dugo.” Oo, pinili niyang
malasin ang dugo bilang kumakatawan sa buhay at sinabi: “Ako mismo ang naglagay [ng dugo]
sa ibabaw ng altar upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa.” Gayunman,
magkakaroon ng karagdagang kamangha-manghang pagsisiwalat sa layunin ng Diyos.
Inilarawan ng Kautusan ang mabubuting bagay na darating. Ano iyon?
16. Ang salin na “sa dugo ng isang iyon” ay dapat magpaalaala sa atin ng ano?
16 Ang salin na “sa dugo ng isang iyon” ay punô ng kahulugan at dapat magpaalaala sa atin ng
maraming bagay hinggil sa dugo. Higit pa ang kailangan kaysa sa kamatayan ng isa, maging ng
kamatayan ng sakdal na taong si Jesus. Tinupad niya ang inilalarawan sa Kautusan, partikular
na sa Araw ng Pagbabayad-Sala. Sa pantanging araw na iyon, inihahain ang mga hayop na
itinakda ng Kautusan. Pagkatapos, nagdadala ang mataas na saserdote ng dugo ng mga ito sa
Kabanal-banalang silid ng tabernakulo o templo, at doon ay inihaharap ito sa Diyos, na para
bang ang mataas na saserdote ay nasa kaniyang presensiya mismo.—Exodo 25:22;Levitico
16:2-19.
18. Bakit dapat maging mahalaga sa mga Kristiyano sa ngayon ang mga pananalita ng Bibliya hinggil sa dugo?
18 Ang katotohanang ito mula sa Diyos ay nagpapahintulot sa atin na maunawaan ang lahat ng
kamangha-manghang aspekto ng sinasabi ng Bibliya hinggil sa dugo—kung bakit gayon ang
pangmalas ng Diyos dito, kung ano ang dapat na maging pangmalas natin dito, at kung bakit
dapat nating igalang ang mga restriksiyong itinakda ng Diyos hinggil sa paggamit ng dugo.
Kapag binabasa ang mga aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, masusumpungan mo ang
maraming pagtukoy sa dugo ng Kristo. (Tingnan ang kahon.) Maliwanag na ipinakikita nito na
ang bawat Kristiyano ay dapat manampalataya “sa kaniyang [ni Jesus] dugo.” (Roma 3:25) Ang
pagtatamo natin ng kapatawaran at pagkakaroon ng kapayapaan sa Diyos ay posible lamang
“sa pamamagitan ng dugo na kaniyang [ni Jesus] itinigis.” (Colosas 1:20) Totoong-totoo ito sa
mga indibiduwal na sa kanila’y pantanging nakipagtipan si Jesus na mamahalang kasama niya
sa langit. (Lucas 22:20, 28-30; 1 Corinto 11:25; Hebreo 13:20) Totoo rin ito sa “malaking
pulutong” sa ngayon, na makaliligtas sa dumarating na “malaking kapighatian” at magtatamasa
ng buhay na walang hanggan sa isang makalupang paraiso. Sa makasagisag na paraan,
‘nilabhan nila ang kanilang mahahabang damit sa dugo ng Kordero.’—Apocalipsis 7:9, 14.
19, 20. (a) Bakit ipinasiya ng Diyos na limitahan ang paggamit ng dugo, at ano ang dapat nating madama
hinggil diyan? (b) Dapat maging interesado tayong malaman ang ano?
19 Maliwanag, ang dugo ay may pantanging kahulugan sa paningin ng Diyos. Dapat na maging
gayon din sa atin. Ang Maylalang, na may malasakit sa buhay, ay may karapatang limitahan
ang ginagawa ng mga tao sa dugo. Dahil sa matinding malasakit niya maging sa ating buhay,
ipinasiya niyang ilaan ang dugo para gamitin sa isang napakaimportanteng paraan, ang tanging
paraan upang maging posible ang buhay na walang hanggan. Kalakip sa paraang iyan ang
mahalagang dugo ni Jesus. Kaylaking pasasalamat natin na kumilos ang Diyos na Jehova para
sa ating kabutihan sa pamamagitan ng paggamit sa dugo—ang dugo ni Jesus—sa ganitong
nagliligtas-buhay na paraan! At laking pasasalamat nga natin kay Jesus sa pagbubuhos niya ng
kaniyang dugo bilang hain alang-alang sa atin! Tunay nga, mauunawaan natin ang damdaming
ipinahayag ni apostol Juan: “Sa kaniya na umiibig sa atin at nagkalag sa atin mula sa ating mga
kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo—at ginawa niya tayong isang kaharian,
mga saserdote sa kaniyang Diyos at Ama—oo, sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang
kalakasan magpakailanman. Amen.”—Apocalipsis 1:5, 6.
20 Matagal nang nasa isipan ng ating pinakamarunong-sa-lahat na Diyos at Tagapagbigay-
Buhay ang nagliligtas-buhay na papel na ito. Kung gayon, maaari nating itanong, ‘Ano ang
dapat na maging epekto nito sa ating mga pagpapasiya at mga pagkilos?’ Tatalakayin ng
susunod na artikulo ang tanong na ito.
Paano Mo Sasagutin?
• Ano ang matututuhan natin hinggil sa pangmalas ng Diyos sa dugo mula sa mga ulat tungkol
kay Abel at Noe?