You are on page 1of 18

Romans 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang


habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay
ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy,
banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na
pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong
baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang
maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod
at ganap na kalooban ng Diyos.
Paghahandog sa Lumang Tipan
Inihandog ni Cristo ang Kanyang Buhay
Inihandog niya ang buhay at buhay niya.
Buhay – pamumuhay niya dito lupa.
Buhay – Ibinigay/inialay nya ang kanyang buhay, namatay sa
Krus alang-alang sa ating mga makasalanan.
“Nawala pero nakamit”
Who am I?
1. Nakita ako ng Panginoong Jesus
2. Limitado lamang ang kita ko
3. Salat ako sa Pera ngunit mayaman sa
Espiritual.
4. Mag-isa lamang ako sa buhay ngunit alam
kong makakasama ko ang Panginoon balang
araw.
5. Ako ay makikita sa aklat ng Marcos at Lucas.
6. Babae ako.
7. Isang halimbawa ako sa mga mayayaman.
8. Ibinigay ko ang lahat ng meron ako sa
Panginoon
9. Kahit mahirap ako nagbigay ako ng higit sa
mga mayayaman.
10. Ako ang Babaeng Balo.
Marcos 12:41-44
41
Naupo si Jesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob sa Templo,
at pinagmasdan ang mga naghuhulog ng salapi. Napansin
niyang maraming mayayaman ang naghuhulog ng malalaking
halaga. 42 Lumapit naman ang isang biyudang dukha at naghulog
ng dalawang salaping tanso. 43 Tinawag ni Jesus ang kanyang
mga alagad at sinabi sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo, ang
inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa
inihulog nilang lahat. 44 Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng
bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng
babaing iyon, bagama't siya'y dukha, ay ang buo niyang
ikinabubuhay.”
Ang sakripisyo sa Buhay ng Babaeng Balo
1. Hindi maituturing na sakripisyo ang ibinigay ng magaan.
2. Hindi maituturing na sakripiyo kung mali ang layunin at mali ang
dahilan.
3. Ang sakripisyo ay pagbibigay ng bagay na kailangan din natin.
Who am I?
1. Ako ay Judio.
2. Nakasalubong Ko si Cristo.
3. Ako ay Apostol.
4. Halos ng paglalakbay ko ay sa Bangka.
5. Ipinangaral ko ang Mabuting Balita sa mga
Hentil.
6. Marami akong naisulat na Aklat.
7. Iniwan ko ang mga bagay na pinaghirapan ko
para kay Cristo.
8. Naranasan ko ang malatigo, makulong,
masiraan ng Bangka, at mga paguusig dahil
sa pagsunod ko kay Cristo.
9. Ako si Pablo.
Filipos 3:3-8
3Ngunit tayo ang totoong tuli, dahil sumasamba tayo sa Dios sa tulong ng Banal
na Espiritu, at ipinagmamalaki ang ginawa ni Cristo Jesus. Hindi tayo nagtitiwala
sa mga panlabas na seremonya o panuntunan para maligtas tayo. 4Kung sabagay,
mayroon akong maipagmamalaki kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-
uusapan. Kung iniisip ninuman na may katuwiran siyang magmalaki sa mga
bagay na ito, lalo na ako. 5Sapagkat noong walong araw pa lamang ako ay tinuli na
ako. Isa akong Israelita na mula sa lahi ni Benjamin. Kaya kung pagiging tunay na
Judio ang pag-uusapan, talagang tunay akong Judio. At kung pagsunod sa
Kautusan ng mga Judio naman ang pag-uusapan, talagang sinusunod ko ito dahil
Pariseo ako. 6Kung tungkol naman sa sigasig ng pagsunod ko sa relihiyon ng mga
Judio, inusig ko ang iglesya. Walang maipipintas sa akin pagdating sa pagsunod sa
Kautusan. 7Pinapahalagahan ko noon ang lahat ng ito, pero ngayon itinuturing ko na
itong walang halaga dahil kay Cristo. 8At hindi lang iyan, para sa akin, ang lahat ng bagay
ay walang halaga kung ihahambing sa pagkakakilala ko kay Cristo Jesus na aking
Panginoon. Itinuring ko na parang basura ang lahat ng bagay makamtan lang si Cristo,
Ang sakripisyo sa Buhay ni Pablo
1. Ang sakripisyo ay paghahandog ng lahat ng mga narating natin para
kay Cristo. Walang narating ang tao na napakarangal para hindi ialay
sa Panginoon.
2. Hindi maituturing na sakripisyo ang paglilingkod sa Panginoon kung
ito ay magaan.
- Ang Pagsunod sa Panginoon ay sakripisyong personal at pisikal.
Mateo 16:25-26
Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay
ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng
kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Ano ba ang
mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo,
pero mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba
siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
Sabi ng Panginoong Jesus...

“Pasanin mo ang Iyong Krus at


sumunod ka sa Akin”
Nakahanda ka bang magpasan ng Krus?
- Handa ka bang sumunod sa Panginoong Jesus kahit ito ay maging
dahilan ng pagkawala ng mga malalapit mong kaibigan?
- Handa ka bang sumunod sa Panginoong Jesus kahit ito ay
nangangahulugan ng pagkawala ng iyong reputasyon?
- Handa ka bang sumunod sa Panginoong Jesus kahit nangangahulugan
ito ng pagkawala ng iyong trabaho?
- Handa ka bang sumunod sa Panginoong Jesus kahit nangangahulugan
ito ng pagkawala ng iyong buhay?
Walang sakripisyo ang nasasayang
kung inialay sa Panginoon
Mateo 16:25

Sapagkat ang taong naghahangad


magligtas ng kanyang buhay ay
mawawalan nito. Ngunit ang
mawalan ng buhay alang-alang sa
akin ay magkakamit nito.
Ikaw ano na ang naisakripisyo mo para sa
Panginoon?
“Nawala pero nakamit”

You might also like