You are on page 1of 13

SI JESUS ANG AKING PASTOL

SOL 1- MODULE 1 CLASS 1


LIFE CHURCH GENSAN
Biblical Reference:

Ang PANGINOON ang aking pastol, hindi


ako magkukulang ng anuman.
(Salmo 23:1 ASND)
MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL:
1. Upang maintindihan ano ba ang Pastol
(Shepherd) base sa Bibliya.
2. Upang mas makilala si Hesus bilang ating
mabuti, nakamamangha, at pinakapinunong
Pastol.
3. Upang mas maintindihan ang katangian ng
isang Pastol.
Ano ang Pastol (Shepherd)?
• Ang salitang ito ay matalinghagang ginamit na
kumakatawan o nagpapakita sa relasyon ng
Diyos at tao. Sa halip, nagagamit minsan ang
salitang “Pastor”.
• Ang Pastol ay taong nag-aalaga, nagpapastol,
nagpapakain, at nangangalaga sa mga tupa.
• Sila ay gumagabay at pumapatnubay sa mga
tupa.
A. Ang Mabuting Pastol
Juan 10: 11, 14-15
11 “Ako ang mabuting pastol, at ang isang
mabuting pastol ay handang mag-alay ng
kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.
14-15 Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako
nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya
nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa
aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin.
At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.
A. Ang Mabuting Pastol
1. Ang kinabukasan ng bata ay dumedepende sa
gabay na binibigay ng magulang. Ganon din,
ang landas ng tupa ay dumedepende sa gabay
ng kanyang Pastol.
2. Magiging tupa lamang tayo ng Panginoon sa
pamamagitan ng ating pananampalataya kay
Hesu Kristo at ang ating pananampalataya ang
magdadala sa atin ng proteksyon at kaligtasan.
B. Ang Dakilang Pastol
20 Idinadalangin ko rin kayo sa Dios na siyang
pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang bumuhay sa
ating Panginoong Jesus na ating Dakilang Pastol. At
dahil sa kanyang dugo, pinagtibay niya ang walang
hanggang kasunduan. 
21 Nawaʼy ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng
inyong kailangan para masunod ninyo ang kalooban
niya. At sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, nawaʼy gawin
niya sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Purihin natin siya magpakailanman. Amen.
HEBREO 13:20-21
B. Ang Dakilang Pastol
1 Si Hesus ang dakilang Pastol na naging daan
upang manumbalik ang ating relasyon sa Diyos
Ama sa pamamagitan ng pagdanak ng kanyang
dugo sa krus para matubos ang ating
kasalanan.
2 Taglay niya ang lahat ng kapangyarihan,
awtoridad, magagandang pag-uugali at
abilidad upang madala tayo sa spiritual
maturity at magawa ang Kanyang kalooban.
C. Ang Punong Pastol (The Chief Shepherd)
Alagaan ninyong mabuti ang mga
mananampalatayang kasama ninyo. Katulad sila ng mga
tupa at kayo ang mga tagapag-alaga nila. Dapat taos-puso
ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Dios. Hindi
dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay
kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong
makatulong sa kanila. 3Huwag kayong maghahari-harian
sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo upang
alagaan, kundi maging halimbawa kayo sa kanila. 4At
pagdating ni Cristo na siyang Pangulong Tagapag-alaga,
tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi
kukupas kailanman.
1 Pedro 5:2-4
C. Ang Punong Pastol (The Chief Shepherd)
1. Si Hesus ang ating Punong Pastol. Binigay ng
Diyos ang mga Pastor upang paramihin ang
pangangalaga ng mga pastol.

2. Ang pinakatanging nasa puso ng mga Pastol ay


pangalagaan ang mga tao at pagyamanin sa
pamamagitan ng salita ng Diyos hanggang sila
ay magkaroon ng spiritual maturity.
D. Mga katangian ni Hesus bilang Pastol
1. Mahal Niya ang kanyang mga tupa.
2. Siya ay nagmamalasakit sa kanyang mga tupa.
3. Ibinibigay niya ang kanyang buhay para sa kanila.
4. Kilala niya ang Kanyang mga tupa.
5. Pinapangalagaan Niya ang kanyang mga tupa.
6. Nagbibigay sa Kaniyang mga tupa.
7. Nagpapakain sa Kaniyang mga tupa.
8. Pinamumunuan at ginagabayan ang Kaniyang mga
tupa.
9. Binibigyan Niya ng masaganang buhay ang Kanyang
E. Dininig ng Panginoon ang ating mga panalangin
1. Nananalangin tayo sa ating Ama sa pangalan ni Hesus.
2. Para lubos tayong maging masaya, nais ng Diyos na
marinig at sagutin ang ating mga panalangin.
“Sa araw na iyon, hindi nʼyo na kailangang humingi sa
akin ng kahit ano. Sinasabi ko sa inyo ang totoo,
anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay
ibibigay niya sa inyo. 24Hanggang ngayon ay wala pa
kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi
kayo at makakatanggap kayo, para malubos ang
inyong kagalakan.
Juan 16:23-24
CONCLUSIONS
Bilang Kristiyano, tayo ay nagiging kakaiba sa
lahat. Alam natin na si Hesus ang Salita ng Diyos.
Ang Salita simula pa noong una hanggang sa
nagkatawang tao. Naniniwala tayong Siya ay
buhay at ginawang ilaw ng sablibutan at kung
sinuman ang susunod sa Kanya ay hindi na lalakad
sa dilim. Si Hesus ang nagbabago ng mga nasirang
buhay dahil siya ay muling nabuhay at siya ang
ating buhay. Kung sinuman ang naniniwala sa
Kanya kahit namatay na ay mabubuhay at
magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

You might also like