You are on page 1of 3

JESUS:THE GOOD SHEPHERD

(JESUS:ANG MABUTING PASTOL)


(7 I AMS OF JESUS SERIES 4)

Tayo ay patuloy sa ating 7 I ams of Jesus. Natapos na ang The Bread of life,Light of the World,Door to Life, at
ngayon naman ay JESUS:THE GOOD SHEPHERD.

Juan 10:14-17 MB 14Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya'y nakikilala ko,
gayon din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y nakikilala nila. 15At iniaalay ko ang aking
buhay para sa mga tupa. 16Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y alagaan
ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo'y magiging isa ang kawan at isa ang pastol. 17Dahil dito'y
minamahal ako ng Ama, sapagka't iniaalay ko ang aking buhay, upang ito'y kunin kong muli.

Si Jesus bilang Mabuting pastol. Mula sa Old testament, makikita natin na ang Diyos ang Siyang Dakilang Pastol
ng Israel.Si Jesus ang katuparan ng mga prinsipyong pinapakita sa Old Testament.

Ano ba ang ginagawa ng ating GOOD SHEPHERD.?

1.PAG AALAY KANYANG BUHAY PARA SA MGA TUPA


 Juan 10:11-12 MB 11Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para
sa mga tupa. 12Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat. Iniiwan niya
ang mga tupa, palibhasa'y hindi siya pastol at hindi kanya ang mga tupa. Kaya't sinisila ng asong-gubat
ang mga ito, at pinangangalat.
 Napakaganda ng salitang “INIAALAY”. Yan ang salitang ginamit sa verses na ito. Iba ang salitang Inialay
sa salitang ibinigay. Mas malalim ang salitang ito.Mas personal at mas mabigat ang tintutukoy.
 Limang beses (5x) na ginamit ang salitang inialay sa verses 11-18.
 Ang ibig sabihin ng Inialay ang buhay ay kusang pagkakaloob ng buong buhay nya para sa mga pinag
aalayan nito.
 Ang mabuting pastol ay iniaalay niya ang kanyang buhay para sa mga tupa. Siyay namatay para ang
mga tupa ay magkaroon ng buhay.
 Inialay niya ang kanyang buhay PARA SAYO.
 Noong siyay hinuli, willing siyang nagpahuli PARA SAYO.
 Siyay, pinahirapan ,hinagupit, PARA SAYO.
 Siyay kinoronahan ng tinik, PARA SAYO.
 Siyay nagpasan ng napakabigat na Krus, PARA SAYO.
 Siyay Naipako sa Krus, Para sayo. Lahat ng mga bagay na isinakripisyo nya ay pawang para sayo.
 At nais ko lang linawin, Hindi siya napilitang gawin ito. Kundi may pagkukusa niyang INIALAY ang
kanyang buhay PARA SAYO.
 Bilang Application sa Point na to..basahin natin ang verse
 2 Corinto 5:15 MB 15Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang
mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.
 Bilang pagbibigay halaga sa kanyang pag aalay ng buhay, dapat ay mamuhay na tayo hindi para sa ating
sarili kundi para kay Kristo.
 KUNG NAMATAY SIYA PARA SAYO, DAPAT MABUHAY KA NAMAN SA MUNDONG ITO, PARA SA KANYA.

2.PAGKAKILALA NG LUBUSANG SA KANYANG MGA TUPA.


 14Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya'y nakikilala ko, gayon din
naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y nakikilala nila
 Kilala tayo ng ating mabuting pastol.Alam niya ang lahat sa atin. Taglay ng Panginoon ang isang
perpekto at kumpletong kaalaman ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng lahat ng tao.
 God knows us completely. Kilalang kilala tayo ng Diyos.
 Alam nyo ba na noong unang panahon sa Old testament, kapag Malaki ang kulungan ng mga tupa,
marami ang mga tupang inilalagak doon sa gabi, halo halong mga tupa, ibat ibang mga pastol,
pinagsasama sama nila iyon sa gabi.Tapos kapag umaga, tatawag ang mga pastol sa labas ng kulungan,
at lalabas naman ang mga tupa nila, at kilala naman ng mga pastol ang kanilang mga tupa kasi
maghapon nila itong kinikilatis at nakakasma.
 Noong panahon na yun, literal na alam ng pastol kung ano ang lagay ng mga tupa, alam niya yung
matamlay,yung may sugat,yung mahaba na ang balahibo, yung nawawala.
 Ganun ang ibig tukuyin ng Panginoon Dito.Kilalang kilala tayo ng DIyos. Alam niya ang lahat sa
atin.Walang nalilihim sa kanya.
 Alam niya ang ating mga alalahanin.Alam niya ang nakakapag pasaya sa atin. Alam niya ang mga plano
natin.Alam niya ang mga pasakit natin. Alam niya ang mga malalalim natin mga takot,sugat at
pangamba.
 Dahil kilalang kilala tayo ng ating mabuting pastol, alam din niya kung paano niya tayo maalagaan.
 Dahil kilalang kilala tayo ng ating mabuting pastol, ang ipagkakaloob niya ay hindi yung ating
kagustuhan lamang,kundi yung ating tunay na kailangan at kung ano ang higit na makakabuti satin.
 Dahil kilalang kilala tayo ng ating mabuting pastol, inihanda na niya sa hinaharap ang lahat ng
kakailanganin natin upang maging matagumpay sa buhay na ito.

3.PAGKAKALOOB NG BIYAYA SA KANYANG MGA TUPA.


 Isa sa mga ginagawa ng mabuting pastol ay inaakay niya ang kanyang tupa sa mainam na pastulan. Sa
isang lugar o kalalagayan na alam niyang hindi magugutom ang mga tupa.
 Sinisigurado ng Pastol na hindi magugutom, hindi magkukulang ang kanyang mga Tupa.
 Awit 23:1-2 MB 1Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang. 2Ako'y pinahihimlay sa mainam
na pastulan, At inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
 3 Katotohanan na kailangan tanggapin natin
 A.)ANG DIYOS ANG PINAGMUMULAN(SOURCE) NG LAHAT NG KAILANGAN NATIN PARA MABUHAY.
 Hindi mo na kailangan pang hanapin sa iba.Dahil siya ang source ng lahat ng bagay.
 Lahat ng bagay.Pisikal,Espiritwal,pinansyal, material,siya ang source ng lahat ng ito.
 Kung ilalagak natin ang ating seguridad,dapat sa hindi nauuga,sa hindi nawawala,sa Diyos dapat.
 MB1Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang.
 ANG PASTOL AY NAGPAPAKAIN,NANGUNGUNA AT TUMUTUGON SA PANGANGAILANGAN.
 Sabi ng Lord siya ang magiging shepherd natin,siya ang magiging Pastol.
 B)WALANG PANGANGAILANGAN NA HINDI KAYANG TUGUNAN NG DIYOS.
 Filipos 4:19 MB19At buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong
kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
 Anuman ang pangangailangan natin,ang mabuting pastol ang siyang magkakaloob noon.
 C).AYAW NG DIYOS NA TAYO’Y NABABALISA SA MGA PANGANGAILANGANG ITO.
 Filipos 4:6 NPV 6Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay.
 Ang utos ng Biblia ay,Manalangin so pwede kang mamili..Manalangin o mag alala...mag worry o mag
worship.

4.PAG IINGAT AT PROTEKSIYON SA KANYANG MGA TUPA.


 Juan 10:28-29 MB 28Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y di sila
mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. 29Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin,
ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama.
 Ang mabuting pastol ay nagkaloob sa kanyang mga tupa ng Buhay na Walang hanggan.
 Parte ng pag iingat ng Diyos ay yung kanyang pag sigurado ng ating kaligtasan.Sabi ng verse, binigyan
na tayo ng Panginoon ng buhay na walang hanggan, at walang makaka agaw sa atin sa kamay ng
panginoon Jesus, at sa kamay ng Ama.
 Ang tawag dito ay DOBLENG PAG IINGAT. Hawak tayo ng Panginoong Jesus, Hawak din tayo ng Amang
nasa Langit.
 At idiniin sa verses na ito na “walang makaka agaw sa atin, kamay ng Panginoon at sa kamay ng Ama.
 Ang sarap isipin na noong sumampalataya sa Panginoon ay nandoon na ang kanyang pag iingat at
proteksyon.

You might also like