You are on page 1of 4

Solemnity of the Most Sacred Heart of Jesus 

(White)
UNANG PAGBASA
Ezekiel 34, 11-16
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang sinabi ng Panginoon: “Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking
mga tupa. Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko
hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saan man sila itinapon noong panahon ng
kanilang kasamaan. Titipunin ko sila mula sa iba’t ibang dako upang ibalik sa sarili nilang
bayan. Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig at sa
magagandang pastulan. Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan sa tahimik na kaburulan ng
Israel. Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan. Hahanapin
ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, at
babantayan ang malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan nilang pagkain.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Pastol ko’y Panginoong D’yos
hindi ako magdarahop.
Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
Pastol ko’y Panginoong D’yos
hindi ako magdarahop.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.
Pastol ko’y Panginoong D’yos
hindi ako magdarahop.
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.
Pastol ko’y Panginoong D’yos
hindi ako magdarahop.
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay.
Doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
Pastol ko’y Panginoong D’yos
hindi ako magdarahop.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 5, 5b-11
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid: Ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan
ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin. Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si
Kristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman
ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid – bagamat maaaring may mangahas
na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang
pag-ibig sa atin nang mamatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. At
ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang tiyak na
maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya. Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos,
ngunit ngayon, tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng
kanyang Anak. Kaya’t tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging buhay ni
Kristo. Hindi lamang ito! Nagagalak tayo’t nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating
Panginoong Hesukristo sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo ng Diyos na mga kaibigan
niya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab
Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
“Dalhin n’yo ang aking pasan;
kaamuan ko’y tularan.”
Aleluya! Aleluya!
o kaya:
Juan 10, 14
Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 15, 3-7
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo at mga eskriba ang talinghagang ito:
“Kung ang sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya?
Iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan,
hindi ba? Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito. Pagdating ng bahay,
aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya,
‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’
Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang
makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na
matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus
Makatatawag tayo sa ating Ama nang may pagtitiwala sapagkat binuksan niya sa atin ang
kanyang puso dahil kay Kristo.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin Mo kami ng iyong pagibig, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging kapani-paniwalang tanda at kasangkapan ng pag-ibig ng


Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-anak nawa’y mamuhay na mayroong tunay na pagmamahalan at


pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapan at nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y makatagpo ng ginhawa
sa mapagbigay na Puso ng ating Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makilala ang pag-ibig ni Kristo sa kanilang pakikiisa sa
paghihirap ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kagalakan sa Puso ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mahabagin, tanggapin mo ang mga panalanging ito na iniaalay namin kaisa ng
tinusok ng sibat na Puso ng iyong Mahal na Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang
hanggan. Amen.

You might also like