You are on page 1of 6

Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro

1 Pedro 5, 1-4
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6.
Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.
Mateo 16, 13-19

UNANG PAGBASA
1 Pedro 5, 1-4
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, sa matatandang namamahala sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang tulad ninyo.
Nasaksihan ko ang paghihirap ni Kristo at makakahati naman ako sa karangalang nalalapit nang ipahayag.
Ipinamamanhik kong alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. Pamahalaan ninyo ito nang
maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin,
hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pansariling kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod; hindi
bilang panginoon ng inyong mga nasasakupan, kundi bilang uliran ng inyong mga kawan. At pagparito ng Pangulong
Pastol ay tatanggap kayo ng maningning na koronang di kukupas kailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6.
Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.


Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan


sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.
Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,


ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.
Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,


sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

1
MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad,
“Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi
naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang
sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na
Buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi
inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa
ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng
kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit,
at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

2
(Paksa)

Magandang umaga po sa ating lahat, sa pagdiriwang natin ngayon ng banal na


Eukaristisya ay ating inaalala ang paghirang at pagkakilala ni Apostol San Pedro na si
Kristo ang ipinangakong Mesiyas. Hinirang si Pedro ni Kristo bilang kauna-unahang
Santo Papa ng Santa Iglesya.

May misyon na ipinagkakatiwala ang Panginoong Hesus kay San Pedro


Apostol. Ipinagkatiwala ni Hesus kay Pedro ang mga susi ng kalangitan. Ang ibig
sabihin ng mga susi na ito ay pamamahala. Siya ang mamamahala at mamumuno sa
pagpapatuloy ng misyon ni Hesus pagdating ng araw ng pagbabalik ni Hesus sa
langit. Alam ni Hesus na hindi Siya magtatagal sa mundong ito. Balang araw ay babalik
Siya sa langit. Kaya, ipinagkatiwala ang pamamahalang ito kay Pedro upang
ipagpatuloy ang mga aral ng Panginoong Hesus.

Bilang tagapamahala ng Simbahang itinatag ni Kristo sa lupa, nakaranas rin si Apostol


San Pedro ng mga kahinaan at ng pagkakamali. Ang Panginoon ang Siya lamang walang
kasalanan o pagkakamali. Napakahirap na tungkulin ang maging bikaryo ni Kristo dito
sa lupa. Noong nagsalita si Kristo tungkol sa Kanyang kamatayan sa Jerusalem,
tumutol at naging hadlang si San Pedro at pinagsabihan Siya ng Panginoon.

Pero, sa kabila ng mga kahinaan ni San Pedro, pinili pa rin siya ni Kristo. Kahit
napakarami Siyang mga kasalanan at pagkakamali, inamin niya ang pagkakamali. Si
Pedro ay nagpakababa at humingi ng kapatawaran mula kay Kristo. Hindi siya nawalan
ng pag-asa noong siya’y pagkakamali. Nagturo ang Panginoon tungkol sa kabutihang-
loob at awa ng Diyos. Noong siya’y humingi ng kapatawaran mula sa Panginoon,
pinatawad siya ng Panginoon. Tayo bilang mga nakikiisa ngayon, kaya ba nating maging
matapat sa ating kapwa at ating mga sarili sa ating mga nagawang pagkakamali,
magagawa ba nating ibaba ang ating mga sarili upang hingin ang kapatawaran ng iba?.
Magnilay po tayo.

3
(Pagbabalik –Loob)

Panginoon, patuloy ang iyong pagtawag sa amin patungo sa paglilingkod, ngunit


hindi namin ito pinakikinggan dahil sa takot na humarap sa mga pagsubok ng
buhay . Panginoon, kaawaan mo kami!

Kristo Hesus, walang hanggan ang iyong biyaya sa simbahang nanampalataya


ngunit pinanghihinaan kami ng loob dahil sa pambabatikos ng iba. Kristo,
kaawaan mo kami!

Panginoon, madalas kaming nagkakasala sa inyo ngunit patuloy ang iyong


pagtitiwala sa amin. Panginoon, kaawaan mo kami!

4
(Panalangin ng Bayan)

* Para sa Santo Papa, mga obispo, pari at mga relihoyoso, Makita nawa nila ang
patuloy na pangangailangan ng simbahang magpapatotoo kay Kristong mahabagin.
Manalangin tayo sa Panginoon

* Para sa mga pinuno, tugunan nawa nila ng buong dunong at kababaang loo bang
krisis na bunga ng pagiging makasarili. Makilala nawa nila ang kanilang sariling
mga pagkukulang . Manalangin tayo sa Panginoon

* Para sa mga pinanghihinaan ng loob sa pananampalataya, naway tulad ni San


Pedro ay matagpuan nila si Hesus sa kanilang mga puso . Manalangin tayo sa
Panginoon

* Para sa mga guro at mag-aaral nawa’y maging mulat nawa ang bawat isa sa
pananampalataya at paglilingkod sa iyo. Manalangin tayo sa Panginoon

* Para sa ating lahat na natitipon sa pagdiriwang ng banal na Eukaristiyang ito:


Makita nawa natin an gating mga sarili bilang taong tuwinang nangangailangan ng
pagbabago. Manalangin tayo sa Panginoon

5
(Pasasalamat)

Panginoon, maraming salamat po sa pagkakataong kami ay nagkakatipon ngayon


sa iyong harapan, sa paggabay ng banal na Espiritu upang kami ay sama-samang
manalangin. Sa pagtanggap namin ng iyong katawan at dugo sa anyo ng tinapay at
alak. Maraming salamat sa pagbibigay mo sa amin kay Hesus na nagturo sa amin
upang makita ang kahalagahan ng paglilingkod. Sa pag-aalay niya ng kanyang
sarili upang kami ay maligtas.

Maraming salamat po aming mga pamilya at kaibigan na walang sawang


sumusuporta at nagbibigay ng lakas ng loob sa bawat hinaharap naming pagsubok.
Sa kalikasan na ipinagkatiwala mo sa amin upang pagyamanin at nagbibigay
kalakasan sa aming kalusugan

Maraming salamat din po Oh Diyos sa pagbibigay mo ng buhay sa bawat isa na


kung hindi dahil dito ay hindi namin nararanasan ang halaga namin sa mundo.
Hindi sapat ang lahat ng katagang ito sa lahat ng nagawa mo ama ngunit hindi
kami magsasawang magpasalamat sa iyo. Sa lahat ng ito Panginoon salamat po.

You might also like