You are on page 1of 30

PAGDIRIWANG NG BANAL NA EUKARISTIYA PARA SA

IKA-41 ANIBERSARYO SA PAGKAPARI NI

Rektor at Kura Paroko

Setyembre 25, 2023 | 4:00 ng hapon


PANDIYOSESIS NA DAMBANA AT PAROKYA NI SAN JUAN BAUTISTA
Poblacion, Calumpit, Bulacan
PANIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, pasisimulan na ang maringal na pagpasok ng mga
tagapaglingkod at ng paring tagapanguna.

Ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang awiting
pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang mga pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod


sa hinihinging paraan. Magbibigay- galang ang mga pari sa dambana sa pamamagitan ng
paghalik sa ibabaw. Iinsensuhan ng pari ang Altar at pagkatapos ay paroroon sa kanyang
upuan.

Padre Turing:
+ Sa ngalan ng Ama, + at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Padre Turing:
Sumainyo ang Panginoon!

Bayan:
At sumaiyo rin.

Padre Turing:
Apatnapu’t isang taon na ang nakararaan nang ako ay tinawag upang
maglingkod sa banal na orden ng pagkapari. Sa kabila ng maraming
kahinaan at kakulangan, patuloy akong kinahahabagan ng Diyos upang
maghatid ng mabuting balita sa kanyang sambayanan. Samahan ninyo po
ako upang magpasalamat sa Diyos sa biyaya ng buhay at bokasyon.

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging
marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

Sandaling katahimikan

1
Lahat:
Sandaling katahimikan
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos
at sa inyo mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdid.
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo mga kapatid na ako’y ipanalanagin
sa Panginoong ating Diyos.

Padre Turing:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan:
Amen.

Padre Turing:
Panginoon, kaawaan Mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan Mo kami.

Padre Turing:
Kristo, kaawaan Mo kami.
Bayan:
Kristo, kaawaan Mo kami.

2
PAPURI SA DIYOS

Padre Turing:
Gloria In Excelsis Deo!
Aawitin ang Papuri Sa Diyos.

Gloria! Gloria! in excelsis Deo!


Gloria! Gloria! in excelsis Deo!

Gloria! Gloria! in excelsis Deo!


Gloria! Gloria! in excelsis Deo!

At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.


Pinupuri ka namin dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
Pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong, Diyos, Hari ng langit.
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

Gloria! Gloria! in excelsis Deo!


Gloria! Gloria! in excelsis Deo!

Panginoong Diyos, Hesukristo, bugtong na Anak.


Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


Maawa ka, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin mo, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama.
Maawa ka, maawa ka sa amin.

Gloria! Gloria! in excelsis Deo!


Gloria! Gloria! in excelsis Deo!

Sapagkat Ikaw lamang ang banal.


Ikaw lamang ang Panginoon.
Ikaw lamang O Hesukristo ang kataas taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.

Amen..Amen..Amen. Amen. Amen...

3
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 588.

Padre Turing:
Manalangin tayo.

Sandaling katahimikan

Ama naming makapangyarihan,


sa kabila ng maraming kakulangan
minagandang-loob mong maging lingkod na hirang
akong pinapangasiwa mo sa iyo ng sambayanan.
Ipagkaloob mong marapat kong magampanan
ang tungkuling iyong iniatang para pangasiwaan ang inyong bayan
na iyong pinamamahalaan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

4
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA 1 Hari 3, 5. 7-12


Leksyonaryo I: Salita ng Diyos, p. 310.

Lektor:
Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng mga Hari.

Noong mga araw na iyon, ang Panginoo’y napakita kay Solomon sa


panaginip. “Ano ang ibig mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.
Sumagot si Solomon, “Panginoon, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang
kahalili ng aking amang si David, bagaman ako’y bata pa’t walang karanasan.
Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa
dami. Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng
masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito
na napakalaki?” Ikinalugod ng Panginoon ang hiling ni Solomon.

Kaya’t sinabi sa kanya: “Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng


mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang
hiniling mo’y pagkaunawa at katalinuhang humatol, ipinagkakaloob ko sa iyo
ang hiniling mo. Binibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging
sa mga nauna, maging sa mga susunod pa sa iyo.”

Ang Salita ng Diyos.


-Salamat sa Diyos-

5
SALMONG TUGUNAN
Salmo 16, 1-2a at 5. 7-8 (Tugon: 5a)

Tugon:
Diyos ko, aking kapalara’y
Manahin ang iyong buhay.

O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,


ang hangad ko ay maligtas kaya sa’yo dumudulog
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O Poon ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

Tugon: Diyos ko, aking kapalara’y


Manahin ang iyong buhay.

Pinupuri ko ang Poon na sa akin ay patnubay.


Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko sa oras-oras.
Sa piling niya kalianma’y hindi ako matitinag.

Tugon: Diyos ko, aking kapalara’y


Manahin ang iyong buhay.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,


Sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Tugon: Diyos ko, aking kapalara’y


Manahin ang iyong buhay.

6
IKALAWANG PAGBASA Galacia 5, 16-25
Leksyonaryo: Salita ng Diyos, p. 204.

Lektor:
Ang Salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia.

Ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag


ninyong susundin ang pita ng laman. Sapagkat ang mga pita ng laman ay laban
sa mga ninanasa ng Espiritu, at ang mga ninanasa ng Espiritu ay laban sa mga
pita ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang
ibig ninyong gawin. Kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa
ilalim ng Kautusan.
Hindi maikakaila ang mga gawa ng lamn: pangangalunya, karima-
rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam,
pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi,
pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba
pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa
kaharian ng Diyos ang gumagawa sa gayong bahay.
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, katiyagaan,
kapayapaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa
sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. At pinatay na ng mga nakipag-
isa kay Kristo Hesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita
nito. Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari
sa ating mga buhay. Huwag tayong maging palalo, palaaway at mainggitin.

Ang Salita ng Diyos.


-Salamat sa Diyos-

ALLELUYA
Aleluya! Aleluya!
Dakila ang Amang mahal,
Anak, Espiritung Banal,
noon, ngayon, kailan pa man.
Aleluya! Aleluya!

7
MABUTING BALITA Mateo 28, 16-20

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.
Iinsensuhan ang Aklat ng Mabuting Balita.

Bayan:
Papuri sayo, Panginoon.

Noong panahong iyon, ang labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa


bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila,
bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na
sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya, humayo kayo at gawin
ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.
Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo-

HOMILIYA

Sandaling katahimikan matapos ang homiliya.

8
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Lahat:
Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,


iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus,
namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,


sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.

Amen.

9
PANALANGIN NG BAYAN

Padre Turing:
Manalangin tayo sa Diyos Ama upang magdulot sa lahat ng pag-asa
at kapayapaan ang liwanag ng kanyang Anak na si Jesu-kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Lektor:
Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging isang tulad ng dakilang ilaw na
nagliliwanag sa kadiliman sa pamamagitan ng kanilang pagtatatag ng
isang higit na mabuting daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor:
Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y makapagdala ng sinag ng pag-
asa sa mga nagdurusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katarungan
sa mga inaapi at dangal sa bawat tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor:
Ang mga magulang nawa’y maging tulad ng liwanag sa taluktok ng
bundok na gumagabay sa kanilang mga anak sa pag-ibig ng Diyos sa
pamamagitan ng kanilang huwarang buhay, manalangin tayo sa
Panginoon.

Lektor:
Ang mga maysakit, ang mga nalulumbay, at ang mga may pusong
sawi nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa gitna ng kanilang
pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor:
Ang ating mga pari, lalo't higit ang ating kura paroko, Rev. Fr. Ventura
Galman, na nagdiriwang ng kanyang ika-41 Anibersaryo ng
Pagkapari, nawa'y patuloy nilang magampanan ang atas na kanilang

10
ipinangakong sundin noong sila'y inordenahan at manatiling matatag
na maging pastol ng ating simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor:
Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang
liwanag, kaligayahan, at kapahingahan, manalangin tayo sa
Panginoon.

(Sandaling katahimikan)

Padre Turing:
Diyos Ama, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at kalakasan
upang aming maitalaga ang paglilingkod namin sa kapwa at maging
ilawan kaming nagliliwanag sa kanila. Hinihiling namin ito sa ngalan
ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Bayan:
Amen.

11
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang Awit sa Paghahanda ng mga Alay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay
ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, ang pall
at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-


aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Sa prusisyon ng mga alay, ang mga tatanggap ng pakikinabang sa unang pagkakataon ay


makagaganap na tagapagdala ng tinapay at alak na kanilang pagsasaluhan.

Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay
nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-


loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa
aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-


loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa ang
alak na ito para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Pagkatapos, yuyuko ang pari habang
dinarasal niya ng pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong
sumunod sa Iyo ng buong puso.

12
Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal


kasalanan ko’y hugasan at
linisin Mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng Kardinal sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang ipinahahayag:

Padre Turing:
Manalangin kayo, mga kapatid, upang itong paghahain natin ay
kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan.
Bayan:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya’t karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan niyang banal.
Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang Panalangin ukol sa mga
Alay.

13
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 619.

Padre Turing:

Ama naming Lumikha,


tanang araw at panahon ay nasa iyong maawaing pamamahala.
Ang tungkuling minabuti mong sa aki’y ipagkatiwala
at ang mga alay na ngayo’y nasa dambana
ay itaguyod mo upang ang bayan at pari ay magkaisa ng adhika
sa ikapagkakaroon ng pagsunod ng kawan sa tagapangasiwa
at ikapananatili ng tagapangasiwa sa malasakit na matiyaga
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

14
PAGBUBUNYI O PREPASYO:
ATAS NA GAWAIN NI SAN JUAN BAUTISTA
Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 588.

Padre Turing: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Padre Turing: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Padre Turing: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na Siya ay pasalamatan.

Padre Turing:
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na Ikaw ay aming pasalamatan

Sa iyong paglingap at kagandahang-loob


ang tao’y nilikha mo’t pinangngangasiwa sa sansinukob
sa hangad mong siya’y iwastong lubos
siya’y pinagdusa mo sa kanyang pagtalikod.
Sa iyong paggiliw iyong ipinahintulot na makabalik siya sa pamamagitan
ni Kristo Hesus

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa Iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:

SANCTUS
Santo, Santo, Santo!
Panginoong Diyos na makapangyarihan!
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo.
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana! Osana! Sa kaitaasan!

15
IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT
PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya
ang mga alay habang siya'y nagdarasal.

Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ng kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at


kalis, samantalang kanyang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo +


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

16
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng
malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong gabing ipagkanulo siya,

Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng


dambana habang patuloy na ipinahahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang tagapagdiwang ay magpapatuloy.

Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana


habang kanyang patuloy na ipinahahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.

17
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipapahayag ng tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

(Aawitin)
Aming ipinahahayag
na namatay ang iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas

Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong anak
na sa ami'y nagligtas,
gayundin ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat

18
ngayo'y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan mo ang handog na ito


ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Nakikipagdiwang 1:

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ng kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga Apostol, mga martir, (ni San Juan Bautista)
at kaisa ng lahat ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.

Nakikipagdiwang 2:

Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,

19
kasama ng iyong lingkod na si Papa FRANCISCO,
ang aming Obispo DENNIS,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang kahilingan ng iyong angkan
na ngayo'y tinipon mo sa iyong harapan.

Amang maawain,
kupkupin mo't pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
+ Kaawaan mo't patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makakarating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng nakikipagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan. +
Hahawakan ng tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at kalis na kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen.
Aawitin ang Amen. Susunod ang yugto ng pakikinabang

20
ANG PAKIKINABANG
AMA NAMIN
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na
mga kamay:

Padre Turing:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng obispo sa pagdarasal:

Padre Turing:
Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng
kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw
ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

21
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.

HALIK NG KAPAYAPAAN

Pagkatapos, malakas na darasalin ng pari na nakalahad ang mga kamay:

Padre Turing:
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng
kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa
pagpapahayag:

Padre Turing:
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

22
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Padre Turing:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng
kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

PAGHAHATI-HATI NG TINAPAY

Pagkatapos, hahawakan ng obispo ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan
at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na


ito:

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa


amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa
ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo
sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka
pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama


ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking
kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga
utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.

23
PAKIKINABANG
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Padre Turing:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita


mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang


hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.


Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang
itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:


Amen.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.


Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na
huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong
siyang magdarasal:

24
Ama naming mapagmahal,
ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan at
ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na


katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.

25
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 620

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Padre Turing:
Manalangin tayo.

Ama naming Mapagmahal,


ikaw ang pinagmumulan ng tanang kaganapan at kabutihan.
Ipagkaloob mong sa pagsasalong ito sa banal na pakikinabang
ako’y magkakaroon ng kakayanang ganapin
ang ayon sa iyong kalooban
at ituro ang katotohanan sa ikababatid at ikatutupad ng tanan sa
aral na iyong bigay sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasalawang hanggan.
Bayan:
Amen.

PAG-AALAY NG APATNAPU’T ISANG PIRASO NG KANDILA

Ang mga piniling maghandog ng apatnapu’t isang piraso ng kandila ay isa-isang lalapit
sa harapan upang mag-alay.

Matapos ang pag-aalaay ay isusunod ang Panalangin para sa mga Pari.

26
MARINGAL NA PAGBABASBAS
Padre Turing:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.

Padre Turing:
Iyuko ang ulo at tanggapin ang maringal na pagbabasbas.

Pagpalain nawa kayo ng kapayapaan ng Diyos na


pinagmumulan ng tanang kasiyahan sa buhay ngayon at
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Padre Turing:
Pagkalooban nawa kayo ng Diyos ng Kalayaan mula sa takot
at pangamba, palakasin ang inyong loob sa pagpapadama
niya sa inyo ng pag-ibig niyang walang hanggan.
Bayan:
Amen.

Padre Turing:
Pasaganain nawa niya sa inyo ang kaloob na
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig upang lahat ng inyong
gawain araw-araw ay magbunga ng kaligayahan sa buhay na
walang hanggan.
Bayan:
Amen.
27
Padre Turing:
Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos +, Ama +
at Anak, + at Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Padre Turing:
Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang
Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Bayan:
Salamat sa Diyos.

28
KOMISYON SA LITURIHYA

29

You might also like