You are on page 1of 24

ANG UNANG SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Hesus, “Ngayo‟y


mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao at
2 Visita Iglesia

mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan


Niya. At kung mahayag na ang karangalan ng Diyos, ang
Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak at
gagawin niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na
lamang ninyo ako makakasama. Hahanapin ninyo ako
ngunit sinasabi ko sa inyo ngayon ang sinabi ko sa mga
Judio, “Hindi kayo makakapunta sa paroroonan ko.” Isang
bagong utos ang ibinigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung
paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan
kayo. Kung kayo‟y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo‟t
mga alagad ko.”

(San Juan 13:31-35)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 51:1-6

Ako‟y kaawaan, O mahal kong Diyos


Sang-ayon sa iyong kagandahang loob
Mga kasalanan ko‟y iyong pawiin,
Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin Mo sana ang aking karumhan
At ipatawad Mo yaring kasalanan!

Ang pagsalansang ko ay kinikilala


Laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalng tunay,
At ang nagawa ko‟y di mo nagustuhan
Kaya may matuwid ka na ako‟y hatulan

Marapat na ako‟y iyong parusahan.


3 Visita Iglesia

Ako‟y masama na buhat iluwal


Makasalanan na nang ako‟y isilang
Nais mo sa aki‟y isang pusong tapat
Puspusin mo ako ng dunong mong wagas.

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)
PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
4 Visita Iglesia
ANG IKALAWANG SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus: “Kapayapaan ang iniwan ko sa inyo. Ang


aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo, hindi ito
5 Visita Iglesia

katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong


mabalisa, huwag kayong matakot sinabi ko sa inyo, ako‟y
aalis ngunit babalik ako. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak
ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama
kaysa sa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari
upang kung mangyari na, kayo‟y manalig sa Ama kaysa sa
akin. Hindi na ako pakahaba ng pagsasalita sa inyo,
sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.
Wala siyang kapangyarihan sa akin subalit dapat makilala
ng sanlubutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko‟y
iniutos niya sa akin. Tumindig kayo, tayo na!”

(San Juan 14:27-31)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 51:7-11

Ako‟y linisin, sala ko‟y hugasan


At ako‟y pupuri nang walng kapantay.

Sa galak at tuwa ako ay puspusin


At muling babalik ang galak sa akin.

Ang kasalanan ko‟y iyo nang limutin


Lahat kong nagawang masama‟y pawiin.

Isang pusong tapat sa aki‟y likhain


Bigyan mo,O Diyos ng bagong damdamin.

Sa iyong harapa‟y huwag akong alisin


Ang Espiritu mo ang paghahariin.
6 Visita Iglesia

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)

PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)
MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
7 Visita Iglesia
ANG IKATLONG SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang


tagapagngalaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi
8 Visita Iglesia

namumunga at kanya namang pinuputulan at nililinis ang


bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang
bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. Hindi makapamumunga ang mga sangang hindi
nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi
kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.”

(San Juan 15:1-4)


N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 51:12-17

Ang galak na dulot ng Iyong pagliligtas


Ibalik at ako ay gawin mong tapat.

Kung magkagayon na, aking tuturuang


Sa Iyo lumapit ang makasalanan

Ingatan Mo ako, Diyos kong Manunubos


Ang pagliligtas Mo‟y galak kong ibabantog

Turuan Mo akong makapagsalita


At pupurihin Ka sa gitna ng madla

Hindi Mo na nais ang mga panghandog


Sa haing sinunog di ka nalulugod

Ang handog ko, O Diyos na karapat-dapat


Ay ang pagkumbaba‟t pusong mapagtapat.

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


9 Visita Iglesia

(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)

PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)
MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
10 Visita Iglesia
ANG IKA-APAT NA SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus: “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan,


11 Visita Iglesia

dapat ninyong malamang napopoot na ito sa akin bago sa


inyo. Kung kayo nga‟y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang
kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kung pinili
ko kayo mula rito ito‟y napopoot sa inyo. Alalahanin ninyo
ang sinabi ko sa inyo, walang aliping higit kaysa sa kanyang
Panginoon. Kung ako‟y inusig nila, uusigin din nila kayo,
kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang
salita ninyo.
(San Juan 15:18-20)
N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 51:18-19

Iyong kahabagan, O Diyos ang Sion


Yaong Jerusalem ay muling ibangon.

At kung magkagayon, ang handog na haing


dala sa dambana torong susunugin
malugod na ito‟y Iyong tanggapin

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)

PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS


12 Visita Iglesia

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
13 Visita Iglesia
ANG IKALIMANG SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus: Ama, ipagkaloob Mo sa akin ngayon ang


14 Visita Iglesia

karangalang taglay Ko sa piling Mo bago pa likhain ang


sanlibutan. “Ipinakilala Kita sa mga taong ibinigay Mo sa
Akin mula sa sanlibutan. Sila‟y Iyo, ibinigay Mo sila sa Akin
at tinupad nila ang Iyong salita. Ngayo‟y alam na nilang
mula sa Iyo ang lahat ng ibinigay Mo sa Akin sapagkat
itinuro Ko sa kanila ang lahat ng Aking nabatid sa Iyo at
tinanggap naman nila. Natitiyak nilang Ako‟y galing sa Iyo at
naniniwala silang Ikaw nga ang nagsugo sa Akin.
(San Juan 17:5-8)
N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 55:1-7

Ang aking dalangi‟y dinggin, Panginoon


O dinggin Mo ako sa aking pagtanghoy
Lingapin Mo ako, ako‟y sagipin.

Sa bigat ng aking mga suliranin


Sa maraming banta ng mga kaaway
Nalilito ako at di mapalagay

Ang dulot sa Akin nila‟y kaguluhan


Namumuhi sila at galit na tunay
Yaring aking puso‟y tigib na ng lumbay.

Sa katatakutan kong ako ay pumanaw


Sa tindi ng takot, ako‟y nanginginig
Sinasaklot ako ng sindak ng labis.

Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak


Parang kalapati,ako ay lilipad
Ako ay hahanap ng dakong panatag
15 Visita Iglesia

Aking liliparin ang malayong lugay


At duon sa ilang mananahan.”

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)
PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
16 Visita Iglesia
ANG IKA-ANIM NA SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

Dumalangin si Hesus:
17 Visita Iglesia

“Ama, idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang


lahat ng ibinigay Mo sa akin, sapagkat sila‟y Iyo. Ang lahat
ng akin ay Iyo at ang Iyo ay akin at pararangalan ako sa
pamamagitan nila. At ngayon, ako‟y pupunta na sa Iyo, aalis
na ako sa sanlibutan ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang
banal, ingatan Mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan
ng Iyong pangalan, pangalang ibinigay Mo sa akin.
Inalagaan ko sila at ni isa‟y walang napahamak liban sa
taong humanapng kanyang kapahamakan upang matupad
ang kasulatan. Ngunit ngayon, ako‟y papunta na sa Iyo at
sinasabi ko ito habang ako‟y nasa sanlibutan upang
mapuspos sila ng aking kagalakan.

(San Juan 17:9-13)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 4:1-3

Sagutin Mo sa aking pagtawag


Panginoong Diyos na aking kalasag
Ikaw na humango sa dusa‟t hirap
Ngayo‟y pakinggan Mo sa aki‟y mahabag.

Hanggang kailan pa kaya lilibakin


Niyong mga taong ang Iyong alipin?
Hanggang kalian pa nila iibigin
Ang walang halaga‟t pagsisinungaling?

Dapat mapagkuro ninyo at malaman


Na mahal ng Panginoon ang Kanyang hinirang
Dininig Niya sa panawagan.
18 Visita Iglesia

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)

PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)
MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
19 Visita Iglesia
ANG IKAPITONG SIMBAHAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Nakaluhod)

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa


o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon ako sa
piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na
ngayo‟y nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay
naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling


habilin Mo sa Iyong mga alagad ay magbukas ng aming
puso sa ibayong pagsunod at pagmamahal sa Iyo sa aming
kapwa.
B. Amen.

ANG MABUTING BALITA


(Nakatayo)

N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B. Papuri sa Iyo, Panginoon.

Dumalangin si Hesus:
20 Visita Iglesia

Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga


binigay mo sa akin upang mamasdan nila ang karangalang
binigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa
nilikha ang sanlibutan,ngunit nakikilala kita at nalalaman ng
mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ipinakilala kita sa kanila at ipakikilala pa upang ang pag-ibig
na sa akin ay sumapuso nila ako nama‟y sumakanila.

(San Juan 17:24-26)


N. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B. Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
(Sandali ng katahimikan at luluhod)

SALMO 137:1-2a, 2k-3k, 4-5, 7k-8

Ako Poon, buong pusong awit ng pasasalamat


Sa harap ng mga anghel pupurihin kitang ganap

Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang


Pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan.

Dahilan sa pag-ibig mo sa iyong katapatan


Ika‟y tunay na dakila, pati „Yong kautusan
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo.
Sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari


Pupurihin ka ng lahat at ika‟y ipagbubunyi.
Ang lahat ng ginawa mo ay aking aawitin
At ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin
Nakahandang harapin mo mapupusok kong kaaway
Ligtas ako sa piling mo sa lakas na iyong taglay.

Yaong mga pangako mo ay handa mong tupdin lahat


21 Visita Iglesia

Ang dahilan nito, Poon pag-ibigmo‟y di kukupas


At ang mga sinimulang gawain may magaganap.

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NG SANTO PAPA


(Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati)
PANGWAKAS NA PANALANGIN
(Dasalin ang Panalangin para sa Taon ng mga Kaparian at ng mga
Nagkonsagra ng Buhay sa Diyos)

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

B. Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako.


Katawan ni Kristo,iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako‟y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway, ako‟y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw, ako‟y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga banal
Ako‟y makapagpuri sa Iyo
Sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ng Espiritu Santo.


B. Amen.
22 Visita Iglesia
PANALANGIN SA TAON NG MGA KAPARIAN AT
NG MGA NAGKONSAGRA NG BUHAY SA DIYOS

O Diyos, lubhang masintahing


Ama, kaisa ng tanang kaparian at
ng mga nagkonsagra ng kanilang
buhay sa Iyo, lagi nawa kaming
lubusang naka-ugnay kay Kristo.
Sila nawa ang maging aming
laging patnubay sa pakikiisang ito
sa Iyo sa pamamagitan ng
panalangin, sa Eukaristiya, at
pangsariling pagbabalik-loob.
Kami ay nagkasala at binigo Ka
namin sa maraming pagkakataon.

Hindi mabilang sa aming mga


kapatid ang patuloy na nagdurusa. Nauuhaw sila sa
katotohanan at katarungan, sa pagmamahalan at
pagdadamayan. Idinadalangin namin na kami‟y maging
tagapaghatid sa kanila ng Mabuting Balita na nakapagbabago
ng mga buhay sa aming pagtulong sa kanila.

Idinadalangin namin na ang Ebanghelyo ni Kristo ang


magbunsod sa aming kumilos, at magpatotoo sa pamamagitan
ng pagmamahalan at mahabaging paglilingkod. Sama-sama
nawa kaming mapagbago at matutunan namin kung
papaanong maging mga tunay na Punong-Lingkod alang-alang
23 Visita Iglesia

sa Ebanghelyo ni Kristo.

Tulad Niyang tumindig mula sa lamesa upang hugasan ang


paa ng mga alagad, kami nawa‟y makabangon din sa
paghamong kalingain ang mga dukha at mahihina, lagi nawang
malalapitan sa halip na hindi mahagilap, at tuluyang “akuin ang
amoy ng kawan.”
Nawa‟y ang aming mga kabataan na naririnig ang mahinahong
tawag ng Panginoon upang maglingkod bilang mga pari at
relihiyoso, ay mapuno nawa ng tapang at katibayan ng loob na
tumahak sa landas ng paglilingkod na may kababaang-loob at
pag-ibig.

Kaisa ni Maria, ang Tala ng Bagong Ebanghelisasyon,


makapag-patuloy nawa kaming maging mga kasangkapan ng
Mabuting Balita sa aming bansa at sa buong mundo. Amen.
24 Visita Iglesia

You might also like