You are on page 1of 2

PANALANGIN NG PAGTANGGAP

O Inang Maria, Mahal na Birhen ng Caysasay,


kami po ay nagpupuri at nagpapasalamat
sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo,
sapagkat ibinigay ka sa amin.
Ikaw ang aming laging gabay at tagapagsanggalang
laban sa mga tukso at kasamaan.
Kung paano mo kinalinga si Hesus,
gayundin ang iyong pag-aalaga sa amin.
Kami ay nagagalak na patuluyin ka sa aming mga puso,
at sana’y manatili kang manahan dito.
Tulungan mong taglayin din namin
ang pananalig sa Diyos na mayroon ka.
Tuwina’y gabayan mo kami tungo sa landas
ng iyong Anak na si Hesus
upang sa araw-araw,
kami ay maging kalugud-lugod sa Ama,
at maging karapat-dapat maging lingkod Niya,
na Siyang naghahari magpakailanman. Amen.

(Dasalin ang Aba Ginoong Maria… nang tatlong ulit.)


PANALANGIN NG PAMAMAALAM

Amang mapagmahal, sa simula pa’y napakabuti Mo:


ibinigay Mo ang Iyong Anak na si Hesus
upang ang mundo ay maligtas;
ibinigay Mo ang Espiritu Santo
upang kami ay tanglawan sa tuwina.
Kami po ay patuloy na nagpapasalamat
sapagkat ibinigay Mo sa amin ang Inang Maria,
ang Mahal na Birhen ng Caysasay,
upang maging ina rin namin.
Patuloy ang pagdaloy ng Iyong biyaya
sa pamamagitan niya.
Sa aming paglalakbay sa dagat ng buhay,
Nawa’y lalagi siyang kasama namin
bilang gabay at tagapagsanggalang.
Ama, ang aming papuri sa Iyo
nawa’y maging kamanyang ng pasasalamat
sa Mahal na Inang Maria,
ang Mahal na Birhen ng Caysasay. Amen.

(Dasalin ang Aba Ginoong Maria… nang tatlong ulit.)

You might also like