O Birhen ng Caysasay, takbuhan sa aming mga pangangailangan,
tanggulan at tagapagsanggalang laban sa mga kaaway, ibinigay ka sa amin ng iyong Anak upang maging Ina namin, at inari mo po naman kaming iyong mga anak upang ingatan at pangalagaan.
Ipanalangin mo po kami na magkaroon ng pang-unawa
upang matalos ang kalooban ng Diyos, gayundin, ng pananampalataya upang magpahinuhod at magpaubaya sa iyong Anak bilang mabubuti at masunuring mga anak mo at mga kapatid ni Hesus.
Sa mga sandali ng aming kahinaan at kakulangan
tulungan mo po kami sa aming pangangailangan at dinggin mo po ang aming mga kahilingan:
(sa bahaging ito, banggitin ang iyong mga kahilingan).
Ang lahat ng ito ay ipinaaabot at ipinagkakatiwala po namin sa iyo
sapagkat nababatid po namin na ikaw ang aming mabisang tagapamagitan sa iyong Anak at Panginoon namin, si Hesukristo na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Amen.
(Dasalin ang Aba Ginoong Maria nang tatlong ulit.) +