You are on page 1of 4

JESUS: THE RESSURECTION AND THE LIFE

(7 I AMS OF JESUS SERIES 5)

Ito ay pang 5 statement ni Jesus bilang kanyang claim na siya ang Son of God. Ang Gospel of John ay punong
puno ng mga katotohanan tungkol sa Deity(Pagka Diyos) ni Jesus.

Siya mismo ang direktang nagsasabi ng mga ito. Kaya pag usapan natin.Natapos na natin ang mga 4 na
statements ni Jesus. JESUS THEBREAD OF LIFE, LIGHT OF THE WORLD, DOOR TO LIFE, GOOD SHEPHERD.

Ngayong umagang ito,nais kong ipakita sa inyo,sa mas malinaw na paraan,kung bakit si Jesus ay karapat dapat
paglaanan ng inyong pananampalataya at pagsamba. Kayang gumawa ni Jesus ng mga kamangha manghang
bagay sa buhay natin sa kasalukuyan maging sa magiging kalalagayan natin sa hinaharap.

Juan 11:1-4 MB 1May isang tao na ang ngala'y Lazaro, Nakatira ito sa Betania, kasama ng kanyang mga kapatid
na sina Maria at Marta. 2Si Maria ang nagbuhos ng pabango at nagpunas ng kanyang buhok sa mga paa ng
Panginoon. Nagkasakit si Lazaro, 3kaya't nagpasabi kay Jesus ang magkapatid, "Panginoon, ang kaibigan mong
minamahal ay may sakit." 4Ngunit nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, "Hindi magwawakas sa kamatayan
ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang
Anak ng Diyos."

Yung pagkakasakit ni Lazaro at napunta sa pagkamatay niya,ay nangyari upang maparangalan ang Diyos.
Interpretation : Lahat ng nangyayari sa buhay natin,tulad nung nangyari kay Lazaro, ay maaaring gamitin niya
para sa kanyang ikakaluwalhati.
Sa ating mga Kristiyano na ang buhay ay na kay Jesus, lahat ng mga nangyari,nangyayari at mangyayari pa lang
ay dapat para sa ikakaluwalhati ng kanyang Pangalan.

“Ano ang dapat nating panalangin..ganito dapat “ Panginoon,masakit itong pinagdadaanan ko, mahirap itong
pinagdadaanan ko,pero kung ito ay magbibigay ng luwalhati sa Pangalan mo,sige po,hayaan mong daanan koi
to, ng may pagtatagumpay”

JESUS: THE RESSURECTION AND THE LIFE.

Juan 11:18-27 NPV 18Ang Betania ay mahigit na tatlong kilometro mula sa Jerusalem. 19at maraMing Judio
ang dumalaw kina Marta at Maria upang aliwin sila sa pagkamatay ng kapatid nilang lalaki. 20Nang marinig ni
Martang dumarating si Jesus, lumabas siya't at sinalubong ito, ngunit si Maria ay nanatili sa bahay.
21"Panginoon," wika ni Marta kay Jesus, "Kung narito ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22Ngunit alam
kong kahit ngayon, ay ibibigay sa iyo ng Dios ang anumang hilingin mo." 23Sinabi ni Jesus, "Ang kapatid mo'y
muling magbabangon," 24Sumagot si Marta, "Alam ko pong magbabangon siya sa pagkabuhay na mag-uli sa
huling araw." 25Sinabi ni Jesus, "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin ay
mabubuhay kahit siya mamatay; 26at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na
mamamatay magpakailamnan. Pinaniniwalaan mo ba ito?" 27"Opo, Panginoon," sagot niya,
"sumasampalataya akong kayo ang Cristong Anak ng Dios, ang paririto sa sanlibutan."

Sa tagpong ito, pinag uusapan ang kamatayan ni Lazarus.Matalik na kaibigan ni Jesus. Ang emosyon ng mga
verses ay may lungkot,dahil may namatay, at kawalang pag asa.(E Kwento ang Background)
Bakit malungkot ang tagpong ito?
1. DEATH IS AN UGLY EVENT.(ANG KAMATAYAN AY HINDI MAGANDANG KAGANAPAN)
 Ito yung nararanasan ng marami ngayon.Sa nakalipas na isang taon.Mula nung nag Pandemic. Hindi
nawawala sa Timeline ng mga FB ang post na.Condolonces.
2.DEATH IS AN UNIVERSAL EVENT. (ANG KAMATAYAN AY PANGKALAHATANG KAGANAPAN)
 Heb. 9: 27 “Itinakda sa tao ang mamatay at pagkatapos nito ay paghuhukom.”
3.DEATH IS AN UNEXPECTED EVENT (ANG KAMATAYAN AY HINDI INAASAHANG KAGANAPAN)
 Ito ay nangyayari sa panahong hindi natin minsan inaasahan.Pero ang kamatayan ay tiyak na darating.
 Nais ko pong Linawin ang mga bagay na ito. Ang kamatayan ng isang hindi mananampalataya at isang
mananampalataya.Ano ba ang damdamin ng Diyos at ano ang sinasabi ng Biblia Tungkol dito?
 SA HINDI MANANAMPALATAYA:
 Ezekiel 18:23 MB 23Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama," sabi pa ni Yahweh. "Ang ibig ko
nga, siya'y magsisi at magbagong buhay.
 SA MGA MANANAMPALATAYA:
 Psalms 116:15 NKJV 15Precious in the sight of the LORD Is the death of His saints.

ANG SOLUSYON SA KAMATAYAN : JESUS : THE RESSURECTION AND THE LIFE.

Hindi lang sinabi ni Jesus ang mga pangako na nasa Biblia nung sinabi nya ito. Ang ginawa niya ay inilagay ang
focus sa kanya ng tinatawaga na Pag asa ng muling pagkabuhay.Na Siya ang pag asa,hawak niya ang pag asang
ito at ang sinumang nananalig sa kanya ay makakaranas ng Buhay, at muling pagkabuhay.

23Sinabi ni Jesus, "Ang kapatid mo'y muling magbabangon," 24Sumagot si Marta, "Alam ko pong
magbabangon siya sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw." 25Sinabi ni Jesus, "Ako ang muling
pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit siya mamatay; 26at
sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamamatay magpakailamnan.
Pinaniniwalaan mo ba ito?" 27"Opo, Panginoon," sagot niya,

Ang statement ni Jesus na Siya ang buhay at muling pagkabuhay ay sagot niya kay Marta. Bakit?Kasi si Marta
ay may pinaniniwalaang konsepto, na mabubuhay ang mga patay sa huling araw. Ngayon ang ginagawa ni
Jesus ay inililipat niya ang paniniwala ni Marta mula sa konsepto, patungo sa kanya. Na yung tinutukoy ni
Marta na magkakaroon ng muling pagkabuhay ay SI JESUS DIN ANG GAGAWA kaya kahit sa sandaling iyon ay
pwede niyang gawin yun.

MULA SA KONSEPTO na pinanghahawakan ni MARTA, inilipat ni Jesus ang FOCUS sa kanya. MULA SA
KONSEPTO TUNGO SA KANYA NA SENTRO NG BUONG KONSEPTO.
MULA SA PAG ASA SA MGA SALITA TUNGO SA MISMONG PANGINOON NA TUTUPAD NUNG PAG ASANG IYON.

Dahil si Jesus ang Buhay at muling pagkabuhay, Tinalo niya ang Physical Death at Spiritual Death. Binuhay
niyang muli ang anak ni Jairus (Mark 5:41-42).Ito din ang pangako niya.Siya mismo ay tinalo ang pisikal na
kamatayan. Ngunit mas matinding tinalo ni Jesus ang Spiritual Death. Ang pagkahiwalay ng Tao sa Diyos..

KUNG SI JESUS ANG BUHAY AT MULING PAGKABUHAY, ANO ANG MAGANDANG MAIDUDULOT ITO SA
ATIN?

23Sinabi ni Jesus, "Ang kapatid mo'y muling magbabangon," 24Sumagot si Marta, "Alam ko pong
magbabangon siya sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw." 25Sinabi ni Jesus, "Ako ang muling pagkabuhay
at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit siya mamatay; 26at sinumang nabubuhay at
sumasampalataya sa akin ay hindi na mamamatay magpakailamnan. Pinaniniwalaan mo ba ito?" 27"Opo,
Panginoon," sagot niya,

1.SIYA’Y NAGBIBIGAY NG PAG ASA SA MGA NAMATAY NA SUMAMPALATAYA SA KANYA.


 ." 25Sinabi ni Jesus, "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin ay
mabubuhay kahit siya mamatay;
 Ito ang pag asang pinanghahawakan natin na nagbibigay sa atin ng comfort. Kapag kasi may mga mahal
tayo sa buhay na pumanaw.Sorrow is real. Ang kalungkutan ay totoo. Ito’y hindi lamang
dadaan,minsan makakasama mo sya ng matagal na panahon.
 Ang pag asang makakatanggal lang sa lungkot na ito ay ang katotohanang sila ay muling mabubuhay
dahil silay sumampalataya sa Panginoon.
 Kaya nga si Paul ay nagbigay ng encouragement sa mga taga Tesalonica.
 1 Tesalonica 4:13-18 MB 13Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga
namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. 14Naniniwala tayong
si Jesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Diyos ang
lahat ng namatay na nananalig kay Jesus-upang isama sa kanya. 15Ito ang aral ng Panginoon na
sinasabi namin sa inyo: pagparito ng Panginoon, tayong mga buhay ay hindi mauuna sa mga namatay
na. 16Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trompeta ng
Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay
Cristo.
 Magdadalamhati tayo pero hindi tulad ng pagdadalamhati nung mga walang pag asa.Iba yung
pagdadalamhati,lungkot ng isang taong wala ng natatanaw na pag asa.
 Ngunit mas iba din ang pagdadalamhati ng isang taong may tinatanaw, may pinanghahawakang pag
asa.Nalulungkot ngunit may nakikitang pag asa. Umiiyak pero may nakikitang chances pa.

2.SIYA’Y NAGBIBIGAY NG PAG ASA SA MGA NABUBUHAY NA SUMASAMPALATAYA SA KANYA.


 26at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamamatay magpakailamnan.
 Hindi lang tayo binigyan ng pag asa ng Panginoon, para sa mga mahal sa buhay na namatay na, kundi
para din sa atin na mga buhay ngayon na sumasampalataya sa kanya.
 Para sa mga buhay ngayon, may pag asa kasi sumasampalataya na tayo. Death is not permanent. Para
sa mga Sumampalataya, Ang Death ay door para makasama si Lord.
 Kaya ito ang pananaw ni Paul regarding this Life.
 2 Corinto 4:16-18 MB 16Kaya't hindi ako pinanghihinaan ng loob. Bagamat humihina ang aking
katawang-lupa, patuloy namang lumalakas ang aking espiritu. 17Ang bahagya at panandaliang
kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad.
18Kaya't ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na di nakikita, hindi sa nakikita. Sapagkat
panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita.
 Kayat hindi dapat tayo panghinaan ng loob.Dahil ang ating dinadanas ngayon ay magbubunga ng
kaligayahang walang hanggan at walang katulad.
 Every journey to Healing begins with HOPE.Ang Hope na ito ay galing sa Diyos. Sa atin na mga
nabubuhay, laging may pag asa.
 Sa ating mga Mananampalataya, There is Life after Death. And we have Life before death.
 So sa kahit anong paraan,dahil may Jesus tayo,may buhay tayo bago mamatay, at may buhay tayo
pagkatapos ng kamatayan.Panalong panalo ang na kay Cristo di ba?San ka pa!!!!

3. SIYA’Y NAGBIBIGAY NG TAMANG LAYUNIN SA BUHAY NA ITO.


 “Ako ang buhay, at muling pagkabuhay…”
 May 3 Gk.Words ang salitang buhay sa Bible.
 BIOS – Physical Life (Dito galing yung Biology-Study of Life)
 PSUCHE – Soul Life (emotion,will,Intellect,)(Dito galing yung salitang Psychology
 Now itong dalawang ito,merun lahat ng tao nito. Merung Bios at merung Psuche.Ito ay buhay na
nilikha ng Diyos sa bawat may buhay.
 ZOE – Divine Life possess by God Alone. (Un created ito, kasi ito mismo yung buhay na taglay ng Diyos)
ito yung klase ng buhay na inilagay niya sa bawat sumasampalataya sa kanya.
 Kaya ang bawat mananampalataya ay hindi ka lang may Bios(pisikal na buhay),o psuche (Soul life,)
kundi merung tayong ZOE, isang buhay na kaloob ng Diyos.
 Kaya ang buhay ng bawat mananampalataya ay may kahulugan at buhay.
 Now gusto kong mas maunawaan nyo ito,itong ZOE life na ito, ito ay un created, hindi ito nilikha kasi
ito mismo ang buhay nya, indestructible,(Hindi masisira) incorruptible,(Hindi mabubulok) Eternal
(Walang hanggan) Life of God,Shared with you and me thru Christ.
 Ang nais niya ay ipamuhay natin sa buhay na ito, yung Zoe Life,na ito ang pumuno sa atin.Na ito talaga
ang maging buhay natin.Ang Diyos na gumawa sa buong universe ay nagnanais na ibahagi sa atin ang
buhay na galing sa kanya.ZOE LIFE”
 Yan ang Specific na dahilan, layunin bakit tayo nabubuhay.
 Ibinabalik tayo sa Original na dahilan ng Diyos kung bakit nilikha ang tao, upang magkaroon at
maranasan ang ZOE life na galing sa kanya.
 John 10:10 “ I have come that they may have Zoe, and have it Zoe Abundantly”
 Kapag nakita mo na ito pala ang purpose ng Diyos, You will be more concern sa iyong ZOE life, hindi sa
iyong Bios, at Psuche.
 Pinapalago natin, ang ZOE life,by feeding on his Word, Encountering His presence
everyday.Experiencing Christ day by day as our life.

Kung ang pinaka matinding kalaban ng tao,ang kamatayan ay tinalo at ipinailalim niya sa kanyang
pamamahala, then, marapat lamang na sabihin, biblically na ang mga maliliit na problema natin sa
kasalukuyan ay kayang kaya ng Panginoong Jesus.

Naniniwala tayo sa muling pagkabuhay sa hinaharap, na itoy ipagkakaloob ng Diyos, so mas dapat na
maniwala tayo sa pagtulong ng Diyos sa atin sa kasalukuyan, kung ano man ang ating kinakaharap. Thru Jesus,
na tumalo sa lahat ng kalaban, Dahil sa buhay na kaloob niya na nasa atin, Sa pamamagitan ni Jesus,
mapagtatagumpayan natin ang mga struggles sa buhay na ito.

1 Corinto 15:27 NPV 27Pagkat "lahat ng bagay ay napasuko na niya sa ilalim ng kanyang mga paa."

Efeso 1:22 MB 22Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo
ng iglesya.

Ang tanong, naniniwala kaba dito?

You might also like