You are on page 1of 5

The Good Samaritan

Parables of Jesus Christ, #3

PARABLE #3: THE GOOD SAMARITAN

Lucas 10:25-37

25
At may isang dalubhasa sa kautusan ang tumindig upang si Jesus [a] ay subukin na
nagsasabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?”

26
Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ang nabasa mo?”

27
At sumagot siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang
buong kaluluwa mo, nang buong lakas mo, at nang buong pag-iisip mo, at ang iyong kapwa
na gaya ng iyong sarili.”

28
At sinabi niya sa kanya, “Tumpak ang sagot mo, gawin mo ito at mabubuhay ka.”

29
Subalit sa pagnanais niya na ipagmatuwid ang kanyang sarili ay sinabi kay Jesus, “At sino
ang aking kapwa?”

30
Sumagot si Jesus, “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem patungo sa Jerico at siya'y
nahulog sa kamay ng mga tulisan, hinubaran siya ng mga ito at binugbog. Pagkatapos ay
umalis sila at iniwan siyang halos patay.

31
At nagkataong bumababa sa daang iyon ang isang pari. Nang kanyang makita ito, siya ay
dumaan sa kabilang panig.

32
Gayundin ang isang Levita, nang dumating siya sa lugar na iyon at kanyang nakita ang
taong iyon, siya ay dumaan sa kabilang panig.

33
Subalit ang isang Samaritano, sa kanyang paglalakbay ay dumating sa kanyang
kinaroroonan; at nang kanyang makita ang taong iyon, siya ay nahabag.

34
Kanyang nilapitan siya at tinalian ang kanyang mga sugat pagkatapos buhusan ng langis at
alak. Pagkatapos isakay sa kanyang sariling hayop, siya ay dinala sa bahay-panuluyan at
inalagaan.

1
35
Nang sumunod na araw, dumukot siya ng dalawang denario at ibinigay sa may-ari ng
bahay-panuluyan at sinabi niya, ‘Alagaan mo siya, at sa anumang karagdagan mo pang
gastusin ay babayaran kita sa aking pagbabalik.’

36
Ano sa palagay mo, alin sa tatlong ito, ang naging kapwa tao sa nahulog sa kamay ng mga
tulisan?”

37
At sinabi niya, “Ang nagpakita ng habag sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka, at
gayundin ang gawin mo.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

A. Tanong: Ano ang tunay na pakikipagkapwa-tao ayon sa kalooban ng Diyos?

B. Tandaan: Ang tunay na pakikipagkapwa-tao ay ang pagpapamalas ng pag-ibig at


kabutihang-loob sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit, katanyagan, kayamanan o
anupamang materyal na bagay. Ito ay higit na nasusubok kapag ang iyong kapwa ay walang
kakayahang tumbasan o gumanti ng kabutihan sa iyo ngunit pinili mo pa ring gumawa ng
kabutihan at magmalasakit sa kaniya, kilala mo man o hindi, nang walang inaasahang
kapalit.

C. Representasyon/Maikling Paliwanag

1. Ang talinghagang ito ay sagot ng Panginoon sa tanong ng isang dalubhasa sa kautusan ni


Moises – “Sino ang aking kapwa tao?” (Lucas 10:25-29).

2. Ang isang taong naging biktima ng mga tulisan – kumakatawan ito sa sinumang may
pangangailangan, kakilala man o hindi, kapanalig man o hindi.

3. Ang isang saserdote - Sa relihiyong Judaismo, ang tungkuling pagka-saserdote ay inilaan


sa sinumang nagmula sa angkan ni Aaron na isang Levita. Hindi lahat ng nagmula sa lahi ni
Levi ay maaaring maging saserdote, kundi ang kwalipikado lamang sa tungkulin bilang
tagapamahala ng templo sa mga gawaing nauukol sa Diyos.

Sa talinghaga, ang isang saserdote ay maaaring kumatawan sa mga religious leader,


mga namumuno sa relihiyon o sinumang nagpapakilalang lingkod ng Diyos sa ating
panahon.

Mga posibleng dahilan ng saserdote kung bakit hindi niya nagawang tulungan
ang lalaking naging biktima ng mga tulisan:
a. Natatakot ako para sa buhay ko. Ang mga tulisan ay maaaring nasa malapit
lamang.
b. Natapos ko nang gampanan ang tungkulin ko bilang saserdote sa templo. Natapos
na din akong sumamba.
c. Mahuhuli na ako sa aking pupuntahan.
d. Paparating na ang isang Levita. Siguradong tutulungan siya nito.
2
4. Ang isang Levita – Ang mga Levita ay nagmula sa lahi ni Levi na anak ni Jacob (Israel).
Ang lahat ng mga saserdote ay mga Levita, ngunit hindi lahat ng mga Levita ay may
katungkulan ng pagka-saserdote. Ang mga saserdote ay may katungkulang pang-relihiyon
gaya ng sa paghahandog ng alay at panalangin para sa mga Israelita, samantala ang mga
Levita na wala sa pagka-saserdote ay naglilingkod bilang mga musikero at tagapagbantay ng
templo o may katungkulang politikal sa mga Israelita. Ang mga saserdote at mga Levita ay
kapwa kinikilala sa kanilang panahon bilang mga relihiyoso, tagapagtanggol ng relihiyon at
may mataas na reputasyon sa komunidad.

Sa talinghaga, ang isang Levita ay maaaring kumatawan sa mga alagad ng relihiyon o


sa mga sumasamba sa Diyos na may katungkulan sa komunidad, sa isang kongregasyon o
katungkulang political sa bayan.

5. Ang Samaritano – kung mataas ang pagkakilala sa mga Levita at saserdote, salungat
naman ito sa mga Samaritano. Ang mga Samaritano ay itinuring na maliliit at hindi dapat
makisalamuha sa mga Judio (Jews/Israel) dahil na rin sa pagiging half-Jew at half-Gentile ng
kanilang pinagmulan (Juan 4:9).

Sa talinghaga, ang isang Samaritano ay maaaring kumatawan sa mga maliliit na


mamamayan, mga “under dogs” kung tawagin, mga di kinikilala sa lipunan, o kaya ang mga
inaayawan dahil sa kanilang pinagmulan o paraan ng pamumuhay, ngunit sila’y may takot sa
Diyos at may kabutihang-loob sa kapwa.

Mga posibleng maging dahilan ng Samaritano para hindi tulungan ang isang
lalaking nahulog sa kamay ng mga tulisan:
a. Magkaiba kami ng relihiyon.
b. Siya ay nagmula sa ibang lahi.
c. Hindi naman siya umaasa ng tulong mula sa akin.

Ngunit, sa kabila nito, hindi siya nagdalawang isip na isantabi ang anumang
alinlangan, at siya’y tumulong sa nangangailangan ng tulong nang walang hinahanap na
kapalit.

D. Mga Mahahalagang Aral

1. Ang isang dalubhasa sa kautusan (Lucas 10:25) at ang isang lalaking mayaman (Marcos
10:17) na kapwa nasa ilalim ng kautusan ay kapwa lumapit kay Jesus at itinanong ang
pinakamahalagang tanong sa kasaysayan –
“Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang
buhay?”
Mahalaga pa rin ba ang tanong na ito sa ating panahon? Naitanong mo na rin ba ito?

a. Alam mo ba ang sagot ni Cristo? Sila’y kapwa dinala sa kung ano ang nasusulat sa
Banal na Kasulatan (Lucas 10:26-27, Marcos 10:18-20). Ngunit, tandaan na hindi natatapos
sa kung anong nasusulat sa kautusan ang nais ipaunawa ng Panginoon (Lucas 10:36-37,
Marcos 10:20-21). Nais ni Cristo na sila’y manalig sa Diyos at sundin ang kalooban ng Diyos
(Mateo 7:21-23).

3
b. Sa pag-akyat ni Cristo sa langit at sa pangangaral ng mga apostol ay may
kaparehong tanong ang isinangguni sa kanila –
“Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?”
(Gawa 2:36-39, Gawa 16:29-34).

2. Kailangan ang tamang motibo o intensyon para sa pag-aaral ng Bibliya. Nais mo bang
ganapin ang kalooban ng Diyos kung kaya ikaw ay naghahangad ng kaalaman sa mga aral
ng Diyos?

3. Ang ating pagsamba sa Diyos ay dapat na bumago sa ating pamumuhay. (Mateo 5:23-24,
Juan 8:11, Lucas 5:32, Roma 12:1-2)

4. Hindi sapat na may alam tayo sa Bibliya, sa kung ano ang matuwid at kalooban ng Diyos.
Dapat na ito’y ipamuhay. (Santiago 1:22)

5. Ang tunay na pag-ibig ay maipapamalas hindi sa salita kundi sa paggawa ng mabuti.


(Mateo 25:34-40, 1Juan 3:18)

6. Tungkulin ng mga Cristiano na gumawa ng mabuti sa kapwa. Maging sa mga kaaway at


sa mga umuusig sa atin nang dahil sa ating pananampalataya kay Cristo ay inaasahan tayo
na gumawa ng kabutihan sa kanila. (Mateo 5:16, 44, Lucas 6:35-36, Efeso 2:10)

7. Sa panahon ng ating pangangailangan, makikilala ang tunay na may mabuting kalooban.


(Roma 5:7-8)

8. Sa panahon ng pangangailangan ng iba, makikilala kung tayo ay magiging kapwa sa


kanila. (Juan 13:34, 1Juan 3:16-17)

9. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iba ay hindi kailangang ipaalam sa madla o sa


nakararami. (Mateo 6:1-4)

10. Gumawa ng mabuti kahit ang karamihan ay di gumagawa nito, kahit na ang inaasahang
gumawa ay tumalikod dito, kahit walang maaasahang kapalit, kahit walang nakakakita (gaya
ng isang mabuting Samaritano). (Kawikaan 19:17)

11. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay maaaring nangangailangan ng pagsasakripisyo


gaya ng panahon, lakas o ikabubuhay.

12. Hindi kailangang maging mayaman, nasa katungkulan o tanyag para sa paggawa ng
kabutihan sa kapwa. Kahit sino ay may kakayahan nito sa iba-ibang kaparaanan.

13. Hindi dahilan ang pagkakaiba sa paniniwala, lahi o estado sa buhay upang hindi tumugon
sa pangangailangan ng iba.

14. Ang Saserdote, ang Levita at ang Samaritano – kung sino pa ang pinakamaliit sa tatlo sa
paningin ng marami ay siya pa ang naglakas-loob na tumulong sa nangangailangan.

15. Itinataas ng Diyos ang sinumang umiibig sa Kaniya at sa kaniyang kapwa.

16. Hindi ka man makilala sa iyong mga nagagawang kabutihan, nalalaman naman ito ng

4
Diyos na ating sinasamba at kinalulugdan Niya ito.

17. Ang sinumang nakakaalam ng paggawa ng mabuti ngunit hindi ito ginagawa, ito ay
kasalanan sa kanya. (Santiago 4:17)

18. Ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kaniyang kapwa. (1Juan 4:20-21)

19. Ang umiibig sa Diyos ay gumagawa ng kalooban ng Diyos. (Mateo 7:21)

20. Hindi kinalulugdan ng Diyos ang pananampalatayang walang pag-ibig. (1Corinto 13:1-3)

E. Repleksyon

Ipinakita sa talinghaga na ang mga umiibig sa Diyos ay may tungkulin ding umibig sa kapwa.
Ang kaalaman sa kautusan at katuwiran ng Diyos ay hindi sapat kung hindi ito makikita sa
ating pamumuhay at sa pakikipagkapwa. Sa talinghaga, sino ang dapat nating tularan?

Sa talinghagang ito ay ipinapakita na hindi sapat ang sumampalataya lamang sa Diyos. Ang
kinalulugdan ng Diyos ay ang pananampalatayang may gawa. Malinaw na kailangang
ipamuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting gawa. Hindi
kinalulugdan ng Diyos ang pagsamba na walang pag-ibig sa kapwa. Gaya ng sinasabi ng
Bibliya,
“Kung mayroon man akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ko ang lahat
ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at taglayin ko man ang lahat ng
pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong
pag-ibig, ako ay walang kabuluhan”. (1 Corinto 13:2)

Ang pananampalatayang Cristiano ay hindi patay, hindi sa kaisipan lamang, kundi isang
pananampalatayang may pagpapasakop at pagtalima sa kalooban ng Panginoon. Amen.

“PAKABANALIN MO SILA SA KATOTOHANAN:


ANG SALITA MO’Y KATOTOHANAN.”

MGA PANIMULANG ARALIN NG SALITA NG DIYOS


Disciple’s Notebook, Philippines
disciplesnotebook@gmail.com

You might also like