You are on page 1of 5

PANIMULANG MODYUL 1: UGNAYAN NG DIYOS AT NG TAO

_______________________________________________________

“TAGPUAN NG DIYOS AT NG TAO”

Bago sumailalim ang mga kalahok sa 3-antas na programang Kristiyanong Paghuhubog para sa
nasa hustong gulang, mabuting dumalo sila sa sesyon ng Pangkalahatang Panimula. Tatalakayin sa
sesyong ito ang balangkas at ang mga pangunahing bahagi ng programa. Ang pangunahing
balangkas tungkol sa Karanasang ‘Diyos-Tao’ kay Kristo. Magsisimula ang pagtatalakay sa
teolohikal-antropolohiyo na pananaw ng paghahanap ng tao sa layunin, kahulugan at kaligayahan,
na matutunghayan sa pagkabukas ng tao at pananatili sa higit sa pisikal na antas. Ang
pangunahing hinahangad ng tao inilagay ng Diyos sa puso niya upang hangarin niya ang Diyos.
Tumutugon ang Diyos sa paghahanap ng tao sa pamamagitan ng pagpapakilala Niya sa
sangkatauhan sa loob ng kasaysayan ng tao na humantong sa katauhan ni Hesukristo. Ang
pagpapahayag na ito nag-aanyaya sa sangkatauhan na tumugon sa pamamagitan ng pakikipag-
usap sa Diyos nang may pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ni Kristo. Ang katauhan ni
Kristo, na perpektong imahe at bisyon ng sangkatauhan, ang batayan at layunin ng ating pagkatao,
at hinahangad sa buhay, sa pamamagitan ng pagiging disipulo ni Kristo, pinunong tagapaglingkod,
katiwala at alagad (misyonero) ng katarungan, pag-ibig, at habag sa ating mundo ng Diyos.

I. PANIMULA

A. Pambungad na Awit: Kalooban Mo

B. Pambungad na Panalangin

C. Layunin
Matapos ang modyul na ito, inaasahan ang mga nagsidalo na:
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa pagpapakilala at pagpapahayag ng Diyos sa tao.
2. Makapagpasyang tumugon sa Diyos sa pagiging disipulo, pinunong-lingkod, katiwala
at sugo sa pagpapahayag na mabuting balita
II. PAGMAMASID: Pagtingin at Paghalaw sa Kalagayan at Karanasan

A. Gawaing Pang-Motibasyon: Pagkilala sa mga dakilang taong nagtaglay ng malalim na


kaugnayan sa Diyos
Ipakita ang iba’t ibang larawan ng mga 10 banal at itanong kung nakikila ng mga kalahok
kung sino ang nasa larawan. Ang makatutukoy kung sino ang nasa larawan ay maaaring
magbigay ng kanyang maikling pagpapakilala sa banal na natukoy. Kapag walang
nakatukoy sa larawan, ang tagapagpadaloy ang siyang magbibigay larawan hanggang sa
mahulaan ang sinuman sa mga kalahok ang pangalan ng inilarawan. Maaaring bigyan ng
tagapagpadaloy ang mga nakasagot ng munting gantimpala at pagkilala.

Mga Gabay na Tanong:


1. Sino ang banal na taong inilalarawan?
2. Sa maikling paglalarawan, ano ang ginawa o naging buhay ng inilalarawan, at bakit
sila naging banal?
3. Papaano nagiging banal at dakila ang isang tao?

B. Pagpoproseso ng Paniniwala at Pagpapahalaga

Bibigyang diin ang pagpopreso sa ikatlong tanong. Maaaring ibigay na kasagutan ang
mga sumusunod:
Madasalin, Mabuti sa kapwa, Tumutulong sa mahirap, Nagtalaga ng sarili sa Diyos, at
Nangaral ng Mabuting Balita
Maaaring itanong kung ang mga nabanggit sapat na palatandaan na banal ang isang
tao? Maaaring linawin ang pagkakaiba ng dalawang uri ng taong may ugnayan sa
Diyos:
1. Dahilan sa mga nagawa o ginagawa ng tao para sa Diyos. Ang tao dito ang sentro ng
ugnayan at mas nagpapasya ayon sa sariling kagustuhan para sa Diyos.
2. Dahilan sa paggawa ayon o pagtugon sa kalooban ng Diyos. Ang Diyos ang Siyang
sentro ng ugnayan at ang Kanyang kalooban ang higit na isinialang-alang kaysa sa
sariling kagustuhan.

III. PAGHAHAWI: Pagkamulat at Pagtanggap ng Liwanag na Nagmumula sa Diyos

A. Pagpapahayag ng Ebanghelyo: Mt 7: 21; 12: 46-50

B. Buod ng Ebanghelyo
Ang Ebanghelyo tungkol sa mga binitiwan na kataga ni Jesus na naglilinaw kung sino
talaga ang mapapabilang sa Kanyang paghahari. Hindi ang mga tumatawag lang sa
Kanyang pangalan sa pananalangin, o gumagawa ng mga himala, bagkus yung
gumagawa ng kalooban ng Diyos.
C. Paglilinaw at Pagtanggap sa Liwanag ng Diyos:
1. Sa isang tunay at lumalalim na ugnayan sa Diyos, nagiging banal at ganap ang isang
tao. Ang ugnayang ito mas higit na nadadalisay sa proseso ng higit na pagkilala ng
tao na isuko niya ang kanyang kagustuhan sa banal na kalooban ng Diyos.
2. Ang ugnayan ng tao at Diyos maaaring isalarawan nang ganito:

a. Una, ang tao naghahanap ng makabubuti sa kanyang buhay: mga bagay na


inaasam-asam tulad ng yaman, kapangyarihan, at katanyagan. Subalit sa lalim
ng kayang paghahanap, matutunghayan ang tunay na hinahanap niya:
seguridad, kaligayahan, kahulugan ng buhay, at tunay na kapayapaan. Sa
maraming pagkakataon, inaakala ng tao ng kanyang masusumpungan ang mga
ito sa pamamagitan ng mga nabanggit na binibigyan ng tao ng sobrang
pagpapahalaga.

Sa higit na nagsisikap na palalimin ang paghahanap, sumisibol ang pagkilala sa


mas dakilang kapangyarihan sa buhay, dahilan sa pagsibol ng iba’t-ibang
relihiyon. Ang paghahanap ng tao nabibigyang kaganapan sa pagtuklas niya ng
tunay na inaasam-asam ng kanyang puso, walang iba kundi ang Diyos.

b. Hindi ganap ang masusumpungan ng tao ang tunay na Diyos, kung hindi
magpapakila ang Diyos sa tao. Kaya nga niiloob ng Diyos na ipahayag ang
Kanyang Sarili sa tao bilang isang kapangyarihan na nagkakaloob ng lahat ng
pangangailangan ng tao, o isang nagliligtas sa tao sa tiyak na kapahamakan o
kawalang kalayaan, o maaari rin sa pamamagitan ng pagbubuklod ng mga
ugnayang nasira (ugnayan ng tao sa kanyang sarili na nabasag dahil sa kahinaan;
sa kanyang kapwa na naging hidwaan, at higit lalo sa Diyos, na tinalikuran at di
kinilala).

Dito makikita na ang Diyos mismo ang gumagawa ng paraan upang mahanap ng
tao ang tunay na inaasam-asam at hinahanap ng tao na kanya lamang
masusumpungan sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos na maaari niyang
kilalaning Ama na nagkakaloob, Diyos na Anak na si Jesus na kanyang
Tagapagligtas, at Diyos Espiritu na nagbibigay daan sa kanyang karanasan ng
pagbubuo ng kanyang sarili, ng kanyang ugnayan sa kapwa, kasama na sa
kalikasan, at uganayan sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo.

c. Ang pagpapakilala ng Diyos sa tao matutugunan sa pamamagitan ng kanyang


pagbabalik-loob at pananampalataya na magbibigay daan sa kanyang pagiging
disipulo ni Kristo, patungo sa kanyang paglago sa pagiging lingkod, katiwala at
sugo ng Diyos sa kanyang ginagalawang mundo.
d. Ang Diyos nagpakilala bilang kasagutan sa tunay na inaasam-asam at hinahanap
ng tao na kahulugan, kaligayahan at tunay na yaman at kapayapaan. Ang
narapat tugon ng taon ang magtatalaga ng kanyang sarili at kikilos ayon sa
kalooban ng Diyos na siyang ganap na magpapabanal sa kanya.

IV. PAGTATABAS: Pagtutuwid ng Buhay Bilang Tugon sa Liwanag ng Diyos


Hahayaan ng tagapagpadaloy na sagutin ang mga tanong sa pagninilay at maaari ring
himukin na ibahagi ito sa katabi o sa isang maliit na grupo.

A. Pagtutuwid ng Pananaw
May mga paniniwala ba ako na salungat sa mga pagliliwanag ng kaloob ng Diyos?

B. Pagtutuwid ng Pagpapahalaga
Sa aking pagiging Kristiyano, mas binibigyang halaga ko ba ang aking kagustuhan at mga
bagay na ginagawa para sa Diyos kaysa tuklasin ang Kanyang kalooban?

C. Pagtutuwid ng Pag-uugali o Pagkilos


Anu-ano ang mga ginagawa ko na na kailangang ituwid o iwanan dahil labag ito sa
kalooban ng Diyos?

V. PAGSASAAYOS: Paglilinaw at Pagpapalalim sa mga Batayang Paninindigan

A. Buhay Pananampalataya
Ang gagawing paghuhubog na daraanan ng mga kalahok nakasentro kung papaano ang
isang Kristiyano tunay na sumuko at sumunod sa kalooban ng Diyos sa paraang ginawa
ni Jesus. Babalangkasin ito sa pagtuklas ng tunay na kahulugan at hamon ng pagiging
disipulo ni Jesus na lumalago sa kabanalan sa pagiging punong-lingkod, katiwala at sugo
ng Diyos para sa iba pang Kanyang mga anak.

B. Buhay Pagsamba
Ang tunay na pagsamba at pagkilala sa Diyos na nagpapalalim ng uganyan ng tao sa
Diyos at magdudulot nawa sa tao na isuko ang kanyang sarili sa Kalooban ng Diyos sa
pagiging disipulo na naglilingkod, napagkakatiwalaan ng lahat ng mga kaloob na patuloy
na ibinabahagi sa kapwa.

C. Buhay Pagtalima
Sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, magiging handa ang alagad sa lahat ng kalagayan na
maaaring hindi madali at nangangailangan ng tunay na pagmamalasakit at pagkakaloob
ng sarili, sa pamamagitan ng pagbibigay ng panahon, pagbabahagi ng kakayahan at
talento, at pagkakaloob ng yaman para maisakatuparan ang layunin ng Diyos. Maaaring
masimulan ito sa konkretong pagtugon sa hamon ng programang paghuhubog na
kailangan suportahan ng bawat kalahok.
VI. PAGDIRIWANG: Pangangako at Pagtatalaga ng mga Pinunong Lingkod

A. Pagdiriwang ng Pananampalataya
Ibahagi ang isang halimbawa ng buhay ng Patron ng Parokya na sumasalamin sa
ipinahayag na pagbabago at pagsasaayos ng kalagayan ayon sa liwanag ng Ebanghelyo.

B. Mala-Liturhiya
Babalikan ang mga larawan ng mga 10 banal na tao, at hahayaang ang mga kalahok na
mamili ng santong kanilang magiging patron sa kanilang paglalakbay sa tatlong taon ng
paghuhubog. Ang bawat grupo dapat na may magkakaparehong bilang. Gagawa ng
maliit na panalangin ang bawat grupo at kanila itong dadasalin bilang isang grupo.
Magiging mas maganda kung ang panalangin may kasamang pangako na magpatuloy sa
programa ng paghuhubog.

C. Paghahayo: Pagbubuod at Pagsusugo


Ibubuod ng tagapagpadaloy ang mga mahahalagang punto sa buong proseso ng
pagninilay, pagbabahaginan, talakayan at pagdiriwang, at isusugo ang mga nakikilahok
bilang mga mapagpakumbaba at mapagmahal na mga lingkod ng Simbahan.

D. Pangwakas na Awitin
Magtatapos ito sa pag-awit ng “Our Father” o ibang awit na may kaugnay sa pagsunod
sa kalooban ng Diyos.

You might also like