You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A
Rodriguez I
BURGOS NATIONAL HIGH SCHOOL
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Name: _____________________________________________ Date: _____________________


Section: ____________________________________________ Iskor: _____________________
I. Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pinakarurok na punto kung saan nakakatagpo ng tao ang Diyos.
A. Pagninilay B. Pagmamahal C. Pananampalataya D. Espiritwalidad
2. Ito ay personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
A. Pagninilay B. Pagmamahal C. Pananampalataya D. Espiritwalidad
3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
A. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
B. Ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa.
C. Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin sa araw-araw.
D. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
4. Araw-araw nagsisimba si Aling Cely at hindi nakakalimot na magdasal. Siya rin ay hindi
nakakalimot magbasa ng Bibliya sa umaga at bago matulog. Kahit ganito, malupit si Aling
Cely sa kanilang kasambahay. Sinisigawan niya ito tuwing ito ay nagkakamali.
Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang tungkulin niya sa Diyos.
B. Oo, dahil araw-araw naman siyang nagbabasa ng Bibliya.
C. Hindi, dahil sinisigawan niya ang kanilang kasambahay.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang
ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
5. Ito ang uri ng pagmamahal na tumutukoy sa pagmamahal bilang magkapatid.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
6. Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
7. Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
8. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na
kung saan sila magkakaugnay.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
9. Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa paraan na ito, nakapagbibigay
ang tao ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kanya.
A. Panalangin B. Pagmamahal sa Kapwa C. Pag-aaral ng Salita ng Diyos D.
Pagninilay
10. Ito ang makakatulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita
ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman.
A. Pagninilay B. Pagsimba o Pagsamba C. Pagmamahal sa Kapuwa D. Panalangin
11. Ito ay makakatulong upang ang tao ay makapag-isip at maunawaan ang tunay na
mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
A. Panalangin B. Pagmamahal sa Kapwa C. Pag-aaral ng Salita ng Diyos D.
Pagninilay
12. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang pagninilay o pagbibigay ng panahon ng
pananahimik?
A. Upang malaman ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
B. Upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kapuwa.
C. Upang magmahal at tumulong sa kapuwa.
D. Upang makapagbahagi ng Salita ng Diyos.
13. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
A. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad. C. Pagsmiba o Pagsamba
B. Pagmamahal sa kapuwa D. Pananampalataya
14. Si Hera ay nagbibigay ng oras para sa panalangin at pag-aaral ng Salita ng Diyos lalo na
sa tuwing siya ay may dinaranas na problema. Siya ay taimtim na nananalangin mag-isa at
nag-aaral ng Salita ng Diyos. Anong paraan ng pananampalataya ang ipinapakita ni Hera?
A. Pagninilay B. Pagmamahal sa Kapuwa C. Pagsisimba o Pagsamba D. Pananampalataya
15. Anong paraan ng pananampalataya ang nagbibigay ng pagkakataon sa tao na lubos na
lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos?
A. Panalangin B. Pagmamahal sa Kapwa C. Pag-aaral ng Salita ng Diyos D.
Pagninilay
16. Si Ana ay isang pinuno ng isang Samahan sa kanilang simbahan. Bilang isang pinuno ay
nagsasagawa siya ng isang recollection para sa kaniyang mga kasama. Anong pamamaraan
ng pagpapaunlad ng pananampalataya ang nais ibahagi ni Ana sa kaniyang mga kasama?
A. Panalangin B. Pagmamahal sa Kapwa C. Pag-aaral ng Salita ng Diyos D.
Pagninilay
17. Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi ng iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman
sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling…”. Ang pahayag ay ____________________.
A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
B. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at
pagsisimba.
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
D. Tama, dahil maipapakita ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang
kapuwa.
18. Anong isyung moral sa buhay ang nagiging dahilan kung bakit nagiging blank spot ang
isip ng tao?
A. Aborsiyon B. Euthanasia C. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot D. Alkoholismo
19. Ito ay tumutukoy sa labis na pagkonsumo ng alak.
A. Aborsiyon B. Euthanasia C. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot D. Alkoholismo
20. Ito ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
A. Aborsiyon B. Euthanasia C. Paggamit ng ipinagbabawal na gamut D. Alkoholismo
21. Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
A. Euthanasia B. Aborsiyon C. Pagpapatiwakal D. Alkoholismo
22. Ito ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at
wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng modernong medisina at
kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang may sakit.
A. Euthanasia B. Aborsiyon C. Pagpapatiwakal D. Alkoholismo
23. Isa ito sa dalawang uri ng abosiyon na tumutukoy sa pagkawala ng isang sanggol bago
ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay natural na pangyayaru, at hindi ginamitan ng
medical o artipisyal na pamamaraan.
A. Sapilitan (Induced) B. Pro-life C. Kusa (Miscarriage) D. Double Effect
24. Ito ay pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng
pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.
A. Sapilitan (Induced) B. Pro-life C. Kusa (Miscarriage) D. Double Effect
25. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
A. Nagpapabagal ng isip C. Nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
B. Nagpapahina sa enerhiya D. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
26. Dahil dito, nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy
sa kanyang isip.
A. Ipinagbabawal na gamot (Droga) at Alak C. Aborsiyon
B. Double Effect D. Euthanasia

27-30. Para sa bilang 27, 28, 29, at 30, punan ng mga salita ang mga patlang upang mabuo
ang pahayag. Piliin at i-shade ang titik ng tamang sagot.
A. posisyon B. kilos-loob C. lipunan D. mabuti
“Dahil sa ating isip at ___27. inaasahan na tayo ay makabuo at makagagawa ng isang
___28.____at matalinong ____29.____ sa kabila ng iba’t ibang isyu na umiiral sa
ating___30.____.”

31. Sa pananaw ng iba’t ibang mga relihiyon, ang buhay ay ____________________.


A. sagrado B. dignidad C. parang isang lipunan D. pangkalahatan
32. Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay
indikasyon ng __________________________.
A. pagkakaroon ng tiwala sa kapuwa
B. pagmamahal sa magulang
C. kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos
D. pagsasabuhay ng dignidad at paninindigan
33. Bakit natatangi at naiiba ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
A. Dahil ang tao ay pinagkalooban ng isip, kilos-loob, puso, kamay at katawan na siyang
nagpabubukod sa iyong pagkatao at nagpapatibay na nilikha ka na kawangis ng Diyos.
B. Dahil ang tao ay may buhay.
C. Dahil marunong tayong makipagusap sa ating kapuwa.
D. Dahil naiintindihan natin ang ating isip at kilos-loob
34. Ang tao ay nakakaranas ng kalituhan at unti-unti nang nagbabago ang papanaw sa
moralidad? Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng karanasang ito maliban sa:
A. pagsulong ng agham
B. mabilis na agos ng pamumuhay ng tao
C. nakakalitong mensahe ng media
D. kawalan ng tiwala sa kapwa

35-40. Para sa bilang 35, 36, 37, 38, 39 at 40, i-shade ang (A) kung nagpapakita ang bawat
pahayag ng pagpapahalaga at paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan at i-shade
naman ang (B) kung hindi.
35. May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng
pag-asa.
36. Pahuhusga sa mga taong nagpapakita ng kanilang kahinaan.
37. Pagpapakita ng katatagan sa kabila ng problemang kinakaharap.
38. Pagiging disiplinado sa pagpili ng mga desisyon na gagawin.
39. Pagpapatibay ng mga unibersal na katotohanan at pagpapanatili ng pagsasagawa nito.
40. Hindi kailangang mag-isip ang isang tao ng mga malalaking posibilidad at natatanging
mga paraan upang harapin ang kanyang kinabukasan.

41. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. Katatagan at kasipagan C. Pinagkopyahan at pinagbasehan
B. Kabayanihan at katapangan D. Pinagmulan o pinanggalingan
42.Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong ____________________.
A. patriyotismo B. nasyonalismo C. native land D. lipunan
43. Ano ang literal na kahulugan ng pagmamahal sa bayan?
A. pagmamahal sa kapuwa C. pagmamahal sa bayang sinilangan
B. paglilinis ng kapaligiran D. pagbubuklod ng tao at lipunan
44. Ano ang kadalasang iniuugnay sa patriyotismo?
A. lipunan B. pagmamahal C. nasyonalismo D. kultura

45-49. Para sa bilang 45, 46, 47, 48, 49, i-shade ang (A) kung ang bawat pahayag ay
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at i-shade naman ang (B) kung nagpapahayag ito ng
paglabag sa pagmamahal sa bayan.
45. Pagpapahalaga sa buhay
46. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
47. Manloloob at magmamalabis sa kapuwa
48. Mga negosyanteng nagtatago ng kanilang paninda upang tumaas ang demand
49. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran

50-53. Para sa bilang 50, 51, 52, at 53, punan ng mga salita ang mga patlang upang mabuo
ang pahayag. Piliin at i-shade ang titik ng tamang sagot.
A. kabutihang panlahat B. karapatan C. pakikilahok D. dignidad
“Ang ___(50)____ ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang ____(51)______ na maging bahagi
sa aktibong _____(52)______ sa lipunan upang makapag-ambag sa _____(53)______.”
-San Juan Pablo XXII

54. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng pagpapahalagang dapat linangin ng bawat


Pilipino maliban sa _________________________.
A. Pagpapahalaga sa buhay C. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
B. Pagsasabuhay ng katotohanan D. Pagsulong sa sariling kagustuhan at interes
55. Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang
pangangailangang ______________________________________.
A. maglingkod sa bayan at sa kapuwa
B. kumpletuhin ang mga materyal na bagay ayon sa kagustuhan
C. magkaroon ng barkada na makakasama sa lahat ng oras
D. magpasalamat sa mga bagay na natatanggap
56. Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat na lumahok sa mga
pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang ng sarili at pamilya. Anong
pagpapahalaga ang tinutukoy sa pahayag?
A. Pagsunod sa batas C. Pagsusulong ng kabutihang panlahat
B. Kalayaan D. Kabayanihan
57. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
B. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap upang makamit ang pangsariling kagustuhan lamang.
D. Pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas.
58. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman mag-iisip na gumawa ng anumang
paglabag sa mga batas na ipinatupad ng kanyang bansa. Anong angkop na kilos ang
tinutukoy sa pahayag?
A. Huwag magpahuli sa oras C. Maging totoo at tapat
B. Pumila ng maayos D. Mag-aral nang mabuti
59. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”. Anong
angkop na kilos ang tinutukoy sa pahayag?
A. Alagaan at igalang ang nakatatanda C. Mag-aral ng mabuti
B. Maging totoo at tapat D. Isama sa panalangin ang bansa
60. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno ng kakatawan sa mga
bagay na nais mangyari sa lipunang ginaggalawan. Anong angkop na kilos ang tinutukoy sa
pahayag?
A. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
B. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama
C. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
D. Isama sa panalangin ang bansa
ESP 10 Q3 PT
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D
2. C
3. D
4. D
5. A
6. D
7. C
8. B
9. A
10. B
11. D
12. A
13. A
14. A
15. C
16. D
17. D
18. C
19. D
20. A
21. C
22. A
23. C
24. A
25. D
26. A
27. B
28. D
29. A
30. C
31. A
32. C
33. A
34. D
35. A
36. B
37. A
38. A
39. A
40. B
41. D
42. A
43. C
44. C
45.A
46.A
47.B
48.B
49.A
50. D
51. B
52. C
53. A
54. D
55. A
56. C
57. C
58. D
59. A
60. B

You might also like