You are on page 1of 3

QUEZON-PANITIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 10

Pangalan:___________________________________________________ Grado/Seksyon:_________________

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pangungusap at isulat ang MALI kung ito ay hindi totoo.
__________1. Ang Diyos ang pinagmulan ng tao at ang patutunguhan ng tao.
__________2. Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong kumilos at magtrabaho pa.
__________3. Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyon na dapat gawin.
__________4. Mahirap ipakita ang pagmamahal kung hindi lalapatan ng gawa.
__________5. Mahalaga ang pagmamahal ng kapwa dahil inililigtas Niya tayo.
___________6. Kadalasan ay may parehong mabuti at masamang epekto ang anumang kilos ng tao kaya
nararapat lamang isa-alang- alang ang bawat epekto.
__________7. Anuman ang katayuan sa buhay, anyo, gulang at antas ng kalinangan at kakayahan, bawat tao ay
may dignidad.
__________8. Ang pagkakaroon ng dignidad ng bawat tao ay isang maliwanag na batayan na obligasyon o
responsibilidad ng bawat isa na igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
__________9. Ang Pro-choice ay tumatalakay sa pagkakaroon ng karapatan sa buhay ng sanggol na hindi pa
naisisilang.
________ 10. Ang buhay ay isang napakagandang biyaya sa atin ng Maykapal at nararapat lamang na ito’y
pangalagaan at gamitin sa mabuting pamamaraan.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
11. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang _________.
a. Kasipagan b. Katalinuhan c. Kabutihan d. Kagandahan
12. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang ________________.
a. Kawangis ng Diyos b. Kamukha ng Diyos c. Kamanlilikha ng Diyos d. Katuwang ng Diyos
13. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita.
14. Ayon sa kanya, kadalasan ay may parehong mabuti at masamang epekto ang anumang kilos ng tao kaya
nararapat lamang isaalang- alang ang bawat epekto.
a. Sto. Tomas de Aquino b. Sta. Maria Jose c. Sto. Nino Bisadlak d. Sta. Ana Borloloy
15. Ano ang diwa ng pahayag na ito ni Leo Buscaglia? “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung
paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”
a. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
b. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo sa kanya.
c. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
d. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.
16. Mahalin mo ang Diyos gaya ng pagmamahal mo sa iyong __________.
a. Kapwa b. Kaibigan c. Sarili d. Kaawa
17. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.”
Ang pahayag ay______.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
b. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
d.Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapuwa.
18. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan.
a. Affection b. Eros c. Philia d. Agape
19. Ayon sa kanya, mayroong apat na uri ng pagmamahal.
a.Thomas Aquinas b. Aristotle c. C.S. Lewis D. Mother Teresa
20. Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay hindi maaaring
A.Ipagsama C. Magkahiwalay
B.Magkatulad D. Wala sa nabanggit
21. Ito ay ang “prinsipyong ipinapairal sa mga sitwasyong parehong may epekto sa kilos na gagawin ng ina sa
bata”.
A. prinsipyo ng double effect C. prinsipyo ng double season
B. prinsipyo ng double merit D. prinsipyo ng double action
22. Ang mga sumusunod ay hindi maituturing na mabuting layunin ng pagpapalaglag maliban sa isa.
A. paglilimita ng paglaki ng pamilya C. pagkakaroon ng problema sa kalusugan
B. pagpapanatili ng hubog ng katawan D. pag-iwas sa kahihiyan dulot ng di-inaasahang pagbubuntis
23. Ito ay isa sa mga paraan upang mapigilan ang pagpapakamatay o suicide.
A. isipin ang mga bagay na nagpapalungkot sa iyo C. ipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa iyo
B. pakialaman ang problema ng iba D. maging positibo sa buhay
24. Iba pang tawag sa Euthanasia.
A. assisted suicide B. mercy killing C. voluntary suicide D. involuntary suicide
25. Ang bawat tao, may kapansanan man o wala, ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon at makapag-
ambag sa pagbabago ng lipunan.
A. Tama, Dahil ang bawat isa sa atin ay pantay-pantay.
B. Tama, dahil parte sila ng lipunan.
C. Mali, dahil mga taong walang kapansanan lamang ang tinatanggap at pinapakinggan sa lipunan.
D. Mali, dahil limitado lamang ang magagawa ng mga taong may kapansanan.
26. Mararamdaman pa rin natin ang __________; na ang bawat isa sa atin ay mahalagang bahagi na bumubuo
sa pamilya.
A. sense of belongingness C. pakikisalamuha
B. pagbabalat-kayo D. mithiin
27. Ang patriyotismo ay mula sa salitang __________.
A. Pader C. Pater
B. Patriyo D. Wala sa nabanggit
28. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land).
A. Patriyotismo C. Kumunikasyon
B. Spolarium D. Pasong Tirad
29. Hitik siya sa mga __________ at napakabuluhan ng kanyang kasaysayan at pinagdaanan.
A. kabuluhan C. pananagutan
B. likas na yaman D. sumasalamin
30. Bawat isa sa atin ay may __________ o responsibilidad na dapat tandaan
A. kabuluhan C. pananagutan
B. likas na yaman D. sumasalamin
31. Ang kanyang alyas ay “Magdiwang”.
A. Andres Bonifacio C. Graciano Lopez Jaena
B. Lapu-Lapu D. Francis Magalona
32. Siya ay nakilala sa “Miss Saigon” at “Les Miserable”.
A. Andres Bonifacio C. Graciano Lopez Jaena
B. Lea Salonga D. Gabriela Silang
33. Ipinadama nya ang kanyang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanyang mga rap.
A. Andres Bonifacio C. Lea Salonga
B. Francis Magalona D. Gabriel Elorde
34. Ang La Solidaridad ang kanyang naging sandata sa pagtatanggol sa bansa.
A. Graciano Lopez Jaena C. Francis Magalona
B. Gabriel Elorde D. Manny Pacquiao
35. Siya ang maharlikang hindi nagpasakop sa mga manlulupig.
A. Lapu-Lapu C. Manny Pacquiao
B. GOMBURZA D. Gregorio Del Pilar
36. Ang tinaguriang “Tandang Sora”.
A. Gabriela Silang C. Melchora Aquino
B. Lea Salonga D. Wala Sa Nabanggit
37. Ang tao sa likod ng “Spolarium”
A. Juan Luna C. Gregorio Del Pilar
B. Apolinario Mabini D. Manny Pacquiao
38. Ang heneral sa Pasong Tirad.
A. Apolinario Mabini C. Lapu-Lapu
B. GOMBURZA D. Wala Sa Nabanggit
39. Ang 3 paring hindi natakot para sa bayan.
A. Apolinario Mabini C. Lapu-Lapu
B. GOMBURZA D. Wala Sa Nabanggit
40. Ang binansagang “Dakilang Lumpo”
A. Lapu-Lapu C. GOMBURZA
B. Apolinario D. Wala Sa Nabanggit

Good luck! 

INIHANDA NI:

JASMIN C. TUAN
Guro sa ESP

You might also like