You are on page 1of 2

SET B

Lagumang Pagsusulit (Summative Test)


I. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Pagpapahalagang dapat ibigay sa pagkakaiba-iba ng pananampalataya.
A. Pananahimik B. Pananampalataya C. Paniniwala D.Respeto
2. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang
katotohanan sa pagkatao.
A. Espiritwalidad B. Pananampalataya C. Panalangin D. Pag-ibig
3. Pinakamahalagang biyaya ng Diyos
A. Buhay B. Isip at kilos-loob C. Kalayaan D. lahat
4. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na mag
kasalungat at nagangailangan ng mapanuring pag-aaral para malutas.
A. Balita B . isyu C. kontrobersya D. opinyon
5. Ang tao ang bukod tangi sa lahat ng nilalang, nagpapabukod tangi sa kanya ang kanyang :
A. Espiritwalidad B. Kabuluhan C. kahalagahan D. Pananampalataya
6. Ito ay ang hindi sadyang pagkakalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng ina, kung kayat hindi maituturing na
kasalanan.
A. Induced B. miscarriage C. pro-life D. pro-choice
7. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang
sakit na kailan man ay hindi na gagaling pa?
A.Suicide B. abortion C. Euthanasia D. lethal injection
8. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng paghina ng isipan ito ay tinatawag na:
A. blank spot B. depresyon C. Euthanasia D. nirvana
9. Dahilan upang mapigilan ang pagpapatiwakal.
A. Kawalan ng pag-asa B. may mabigat na problema C. pagiging positibo sa buhay D. lahat
10. Ang patriyotismo ay may kahulugang
A. Gampanan ang pagkamamamayan B. pagiging Pilipino C. pagmamahal sa bayang sinilangan
D. pagtangkilik sa sariling atin
11. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. katatagan at kasipagan B. pinagmulan o pinanggalingan
C. kabayanihan at katapangan D. pinagkopyahan o pinagbasehan
12. Ang pag-alis ng life support sa pasyenteng may taning na ay halimbawa ng:
A. mercy killing B. aborsyon C. suicide D. alkoholismo
13. Isyung moral sa buhay na tumutukoy sa pagpapalaglag o pag alis ng fetus o sanggol na hindi na maaaring
mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay bata ng ina?
A. aborsiyon B. alkoholismo C. Euthanasia D. pagpapatiwakal
14. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag inom ng alak maliban sa:
A. nagpapabagal ng isip B. nagpapahina ng enerhiya
C. nagiging sanhi ng ibat ibang sakit D. nababawasan ang kakayahan na makipag kapuwa.
15. Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan?
A. Upang may maiwan sa susunod na henerasyon
B. Upang mapunan ang pansariling pangangailangan
C. Dahil ito ay pananagutang panlipunan ng tao
D. Dahil ito ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat
16. Ang kahulugan ng nasyonalismo ay:
A. pagbibigay kahulugan sa kabutihang panlahat
B. pagkakaroon ng ideolohiyang pagkamakabayan
C. pagsasaalang-alang ng kalikasan ng tao
D. lahat ng nabanggit
17. Ito ay tumutukoy sa malawakan o matagal na pag-ulan na nagdudulot ng matinding pagbaha
A. La Niña B. El Niño C. Global Warming D. Climate Change
18. Ang kalikasan ay tumutukoy sa:
A. lahat ng nakapaligid sa atin
B. lahat ng nilalang na may buhay
C. lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao
D. lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay
19. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. hindi maayos na pagtatapon ng basura
B. paghihiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok
C. pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig
D. pagsususnog ng basura
20. Magiging Madali ang paglinang ng pagkatao kung maliwanag sa kanya kung bakit at paano siya
A. mabubuhay B. mamatay C. nilikha D. makikipamuhay
ll. Suriin kung kaninong paniniwala ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang ang titik ng tamang sagot.

A. PANANAMPALATAYANG BUDHISMO
B. PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO
C. PANANAMPALATAYANG ISLAM

_____ 21. Ang kahirapan ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa.


_____ 22. Ang pag -aayuno ay isang disiplina sa sarili upang mapaglabanan ang mga tuksong darating sa buhay.
_____ 23. Ang pag-aayuno ay isang sakripisyo bilang pagsisisi sa nagawang kasalanan.
_____ 24. Ang pagtanggal sa kamangmangan at pag-alis ng pagnanasa ay pagkamit ng pinakamataas na
kaligayahan.
_____ 25. Ang tamang pananaw,intensiyon, kilos,pag-iisip, kabuhayan, atensiyon,pananalita at pagsisikap ang
daan tungo sa tunay na kahulugan ng buhay.
_____ 26.Pagdalaw sa banal na lugar ng Meca, bilang sentro ng relihiyong kinaaaniban.
_____ 27. Paniniwalang kasama natin ang Diyos sa bawat sandal ng ating buhay.
_____ 28. Ang pinakamataas na uri ng pagpapahalaga ay ang paglilingkod sa kapwa bilang pagmamahal at
paglilingkod sa Diyos.
_____ 29. Pagtatakda ng limang beses na pagdarasal araw-araw upang malayo sa tukso at kasalanan.
_____ 30. Magmahalan at maging mapagtawad sa bawat isa.Maging mapagumbaba at ialay ang sarili sa
pagtulong sa kapwa.

lll. Tukuyin kung anong paksa ang isinasaad ng mga sumusunod.Piliin ang tamang titik sa kahon.

A. Pagmamahal sa Diyos C. Paggalang sa buhay


B. Pagmamahal sa Bayan D. pangangalaga sa
kapaligiran

_____ 31. Patriyotismo _____ 36. Pagtatapon ng basura sa tamang paraan


_____ 32. Global warming _____ 37. Bayanihan
_____ 33. Pananampalataya _____ 38. pagsisimba
_____ 34. Lupang hinirang _____ 39 . Euthanasia/Mercy killing
_____ 35. Pagpapatiwakal _____ 40. Pagmamahal at paglilingkod sa kapwa at sa Diyos

IV. A. Suriin ang mga pahayag kung anong uri ng pagmamahal ang mga sumusunod.Piliin ang tamang sa kahon
sa ibaba.
A. Affection C. Eros
B. Philia D. Agape

_____ 41.“ Panginoon patawarin mo po ako sa aking mga pagkakasala”


____ _42. “Ipagtabi ng ulam si kuya siguradong gutom at pagod yun pag-uwi sa trabaho”
_____43.“Absent ka na naman kanina, huwag mo masyadong dibdibin ang problema mo.Di bale tutulungan
nalang kita sa mga assignments ngayon”
_____44. “ Ikaw ang mahal ko,ang nais kong makapiling habang buhay”.
_____ 45. “Mahal tayo ng Diyos, kayat huwag mong sayangin ang buhay na kaloob sa iyo”.

B.Tama o Mali. Isulat ang TAMA Kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung mali ang
ipinapahayag ng pangungusap.
_____ 46 . Utang natin sa ating bayang sinilangan ang Kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao.
_____ 47. Isang sanhi ng pagkawala ng balanseng ekolohiya ay maruming kapaligiran,polusyon at pagbaha.
_____ 48. Makatarungang Lipunan ang mga taong walang paggalang sa buhay at Karapatan ng iba.
_____ 49. Matatagpuan ng tao ang kaniyang hinahanap sa pamamagitan ng pagbabago ng relihiyon.
_____ 50. Ang bata ay hindi lamang nilalang, siya ay isa sa pinakamahalagang yaman ng bansa.

To God be the glory… EsC 2024

You might also like