You are on page 1of 3

Owacan Provincial Community High School

Owacan, Jimalalud, Negros Oriental


Summative Test (Modules 1-4)
Ikatlong Markahan- 1st Cycle
ESP 10
S.Y 2020-2021
Pangalan: ____________________________________ Pangkat: ______________ Petsa: ________ Iskor: _______
I. PAGPIPILI
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat aytem. Isulat ang titik sa tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____ 1. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa:
A. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos. C. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa.
B. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos. D. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa
____ 2. Ang mga sumusunod ay mga Haligi ng Islam, maliban sa:
A. Shahadatain B. Salah C. 8 Fold Path D. Zakah
____ 3. Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kaniyang kasiyahan sa
kanyang sarili.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
____ 4. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang isang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailanganng kapuwa.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
____ 5. Ito ay pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit.
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
____ 6. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangingibabaw
sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
A. Pagsisinungaling B. Pagpapakatotoo C. Imoralidad D. Paglabag
____ 7. Ito ay nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema.
A. Pag-asa B. Paggalang C. Pamilya D. Suicide
____ 8. Maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng pisikal na kapasidad na isagawa ang pagkakamatay dahil sa
matinding karamdaman.
A. Eutanasya B. Paglaglag ng bata C. Pagpatay D. Pagkitil
____ 9. 10.Ito ay nararamdamang dapat alisin at gawing positibo upang muling lumaban upang maiwasan ang paglabag sa
paggalang sa buhay.
A. Pagkabahala B. Depresyon C. Pangungulila D. Pagiging negatibo
____ 10. Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom
ng mga gamot.
A. Induced B. Miscarriage C. Aborsiyon D. Euthanasia
____ 11. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
A. Nagpapabagal ng isip C. Nagiging sanhi ng iba’t – ibang sakit
B. Nagpapahina sa enerhiya D. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa.
____ 12. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na
kailanman ay hindi na gagaling pa?
A. Suicide B. Abortion C. Euthanasia D. Lethal injection
____ 13. Ito ay maituturing na isang ganap na tao dahil ito ay may kakayahang mabuhay sa labas ng bahay- bata ng kaniyang ina.
A. Fetus B. Pro-life C. Procreation D. Birth control
____ 14. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam. Ang sumusunod ay
sakop nito maliban sa:
A. Pagdarasal B. Pag-aayuno C. Pagninilay D. Pagsamba
____ 15. Ang ibig sabihin ng “Budha” ay:
A. The Enlightened One B. Nirvana C. Golden Rule D. 8 Fold Path
____ 16. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “ Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan
sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
B. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
C. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
D. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
____ 17. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng aral ng Budismo?
A. Pag- aayuno C. Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad
B. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw. D. Pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t isa.
____ 18. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
A. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
B. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa.
C. Ang pananatili na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin sa araw-araw.
D. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
____ 19. Ang patuloy na pagmamahal ng Diyos sa tao sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala nito ay ang
pinaka-tumpak na halimbawa ng:
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
____ 20. Ano ang sinasabi sa Gintong Aral?
A. Mahalin ang kapuwa C. Sambahin ang Panginoon ng buong puso.
B. Anuman ang gawin mo sa iyong kapuwa, ginagawa mo sa iyong sarili. D. Ipagmalaki ang bayan.
____ 21. Nakita niya ang malalim na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggap-tanggap
sa lipunan tulad ng mga pulubi sa lansangan, mga may sakit na ketong, mga matatandang maysakit na iniwan ng kanilang
pamilya, at marami pang iba.
A. Hesukristo B. Mohammed C. Sidhartha Gautama D. Mother Teresa
____ 22. Mula nang magbinata si Kaloy isang tao lamang ang itinuturing niyang espesyal, ito ay si Adarna. Araw-araw
tinutulungan niya ito sa mga gawaing bahay. Sinasamahan niya si Adarna sa mga lugar na pinupuntahan nito at higit sa lahat,
ipinapanalangin niya sa Diyos ang kaligtasan nito. Anong uri ng pagmamahal ang ipinahihiwatig ng sitwasyon na ito?
A. Affection B. Philia C. Eros D. Agape
____ 23. Ito ay ang hindi tamang pagbibigay ng pagkain at pagkontrol ng kinikilos nito sa pamamagitan ng pagiging alipin. A.
Paghalay B. Paglaglag C. Pagpatay D. Pagtrato ng hindi tama sa tao
____ 24. Pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling ikamamatay.
A. Pagpapatiwakal B. Pagkitil C. Pagpatay D. Aborsyon
____ 25. Hindi pagbibigay ng sahod at hindi binibigyan ng tamang benepisyo para mabuhay ng maayos.
A. Paghalay B. Paglaglag C. Pagpatay D. Pag-alipin o pag-alis ng karapatang mabuhay
____ 26. Sinabi ng Diyos na ang buhay na kanyang ibinigay ay hindi kailanman puwedeng bawiin ng tao. Nakalagay ito sa
sampung utos ng Diyos.
A. Pagkitil ng buhay B. Paglaglag ng bata C. Pagtrato ng hindi tama D. Paghalay
____ 27. Ang tao ay binigay ng Diyos dahil mayroon siyang misyon sa buhay at wala tayong karapatang patayin ito o pigilan
siyang mabuhay.
A. Paglaglag ng bata sa sinapupunan C. Paghalay sa mga kabataan/ kababaihan
B. Pag-alipin ng karapatang mabuhay D. Pagpatay ng tao
____ 28. Ito ay ang sadyang pagtanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae, nagsasanhi ng kamatayan ng bata. A.
Aborsyon B. Pagtistis C. Pagkitil D. Pagpatay
____ 29. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at
nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
A. Balita B. Isyu C. Kontrobersiya D. Opinyon
____ 30. Sino ang tunay na manlikha na Siyang dapat mahalin at sambahin?
a. Hesukristo b. Gautama c. Budha d. Wala sa nabanggit

II. PAG-IISA-ISA
A. Apat Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S Lewis
31.
32.
33.
34.
B. Isyu sa Buhay ng tao
35.
36.
37.
38.
39.
C. Magbigay ng apat na pamamaraan na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
40.
41.
42.
43.
III. PAGSUSULAT (5points)
44-48. Ang tao ay nilikha ng Diyos na kawangis Niya at maging kasama Niya at wala tayong karapatan na kitilin ang
buhay na ito. Bilang isang kabataan, paano mo mapananatili ang kahalagahan ng buhay?

Do not let your heart be troubled believe into God, believe also into Me.
John 14:1

Inihanda ni:
Jo-an f. Poligrates
Guro

You might also like