You are on page 1of 2

ESP 10: 3RD QUARTER REVIEW

____1. Anong isyung moral sa buhay na itinuturing na isang lehetimong paraan upang kontrolin o pigilin ang
paglaki ng pamilya o populasyon ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong krimen?
a. abortion b. euthanasia c. lethal injection d. suicide
____2. Ang mga sumusunod ay ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. Alin dito ang may maraming
kaso ukol sa pre-marital sex?
a. euthanasia b. pagpapalaglag c. pagpapatiwakal d. alkoholismo
____3. Sino ang nagwika na ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung siya ay
walang buhay?
a. Agapay b. de Torre c. Scheler d. Sto.Thomas
____4. Anong isyung moral na may kinalaman sa mga away at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas ng
ating mga tahanan?
a. alkoholismo b. paggamit ng bawal na gamot c. pagpapatiwakal (suicide) d. wala sa nabanggit
____5. Anong argumento na may paniniwalang ang sanggol ay dapat isilang at mabuhay kahit anong
mangyari?
a. pro- act b. pro- choice c. pro-create d. pro-life
____6. Ano ang tininutukoy na dahilan kung bakit ang isip ng tao ay nagiging “blankspot” at nahihirapan
ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito?
a. alak b. droga c. pagtatalik d. sigarilyo
____7. Anong uri ng pagmamahal na tinatawag na unconditional love at ang pinakamataas na uri ng
pagmamahal?
a. affection b. agape c. eros d. philia
____8. Anong gawain na tumutukoy sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos at isa itong malayang desisyon
na malaman at tanggapin ang katotohanan ng pagkatao?
a. pagninilay b. panalangin c. pagmamahal d. pananampalataya
____9. Anong uri ng pagmamahal ayon kay C. S Lewis na nagbabatay sa pagnanais lamang ng isang tao na
kung ano ang makakapagdulot ng kasiyahan sa kanyang sarili?
a. affection b. agape c.eros d. philia
____10. Ano ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaalaman sa salita ng Diyos?
a. paglalakbay b. pagsamba c. pagninilay d. panalangin
____11. Sa anong talata sa aklat ng Hebrew mababasa na “ang pananampalataya ang siyang kapanatagan
sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita”.
a. Hebreo 11.1 b.Hebreo 11.2 c. Hebreo 11.3 d. Hebreo 11.4
____12. Sino ang nagsabi na ang persona ay ang “pagka- ako” ng bawat tao na nagpapabukod tangi
sa kanya?
a. Father Pio b. Mother Teresa c. Scheler d. Thomas Aquinas
____13. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa biyaya na maaaring malayang tanggapin o tanggihan
ng tao?
a. pag-aayuno b. pagninilay c. pagsasamba d. pananampalataya
____14. Alin sa mga binabanggit ay kabilang sa isyung moral tungkol sa buhay?
a. euthanasia b. plagiarism c. pornography d. whistleblowing
____15. Alin sa mga gawain ang ginagawa sa panahon ng pananahimik o pagninilay?
a.pag-iisip b. pagbabasa c. pagdarasal d. pag-aayuno
____16. Ano ang tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. pagdadarasal sa mga taong may sakit
b. manood ng tv buong araw
c. makipaglaro ng ML sa iyong kapitbahay
d. paglilingkod sa kapwa at pamayanan
____17. Alin sa mga gawain sa buhay ng tao na mahalaga upang maunawaan ang tunay na mensahe ng
Diyos at malaman ang kanyang ginagawa sa paglalakbay?
a. pagmamahal b. pagninilay c. panalangin d. pagsasamba
____18. Bakit ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos?
a. dahil sa espiritu na nagpapawangis sa kanya sa Diyos
b. dahil sa kanyang espiritu na kinaroroonan ng persona
c. dahil sa kanyang angking talino at kakayahan
d. wala sa nabanggit
____19. Bakit hindi maaring paghihiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang diyos?
a. dahil dito makikita ang kahulugan ng buhay
b. dahil maging magaan ang paglalakbay na parehong kasama
c. dahil matatagpuan niya ang kanyang hinahanap
d. lahat ng nabanggit
____20. Upang makaiwas sa depresyon ang isang tao. Anong makabuluhang gawain na dapat panatilihing
abala ang sarili?
a. magpapakabusog sa pagkain na binibili sa carenderia
b. makikipaglaro ng ML sa iyong kaibigan
c. makikipagtsimisan sa iyong kapitbahay
d. makapaglilingkod sa kapwa at pamayanan
____21. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa masamang epekto ng alak sa tao?
a. kawalan ng pokus c. nagpapahina ng enerhiya
b. nagpapabagal ng isip d. napalinang ang kakayahan

____22. Anong maaaring gawin ng isang kabataan tulad mo upang maiwasan na hindi maimpluwensiyan sa
paggamit ng droga?
a. magkaroon ng sapat na kaalaman c. hindi makipagbarkada
b. mag–eksperimento para malaman d. sumusunod sa utos ng magulang
____23. Ano ang tawag ng pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito?
a. Pakikilahok b. Nasyonalismo c. Patriyotismo d. kultura
____24. Bakit mahalaga sa tao ang pananampalataya?
a. para maipakita ng tao ang kanyang paglilingkod sa kapwa
b. para malaman ang turo o aral ng Diyos
c. para malaman at tanggapin ang presensya ng Diyos sa kanyang buhay
d. para makatulong sa tao na lumawak ang kaalam sa salita ng Diyos
____25. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit may mga taong nagpapatiwakal?
a. hindi nakapag aral c. nakakuha ng maliit na marka
b. kawalan ng pag-asa d. kawalan ng trabaho

You might also like