You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
ANTONIO BALMES NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. 103-A, Paglaum, Tacloban City

3rd PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10


(SY 2022-2023)

Pangalan: __________________________ Grade: ________ Petsa: _______ Iskor: ___

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos na may malayang desisyon na malaman at tanggapin
ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b.. Panalangin c. Pananampalataya d. Pag-ibig
2. Ito ay pinakamataas na uri ng pagmamahal na walang kapalit.
a. Affection b. Eros c. Philia d. Agape
3. Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao na makapagdudulot ng kaniyang
kasiyahan sa kanyang sarili.
.a. Affection b. Eros c. Philia d. Agape
4. Ito ay pagmamahal bilang magkapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong
nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
a. . Affection b. Eros c.. Philia d. Agape
5. “Ibigin mo ang iyong ________ gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili."- Mateo 22:37-39 MBB.
a.. magulang b. kapwa c. buhay d. kaklase
6. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Ang salitang ito ay:
a. Tama, dahil ito ay payo ng ating mga magulang
b. Tama, dahil ito ay salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia
c. Mali, dahil ito ay pansariling interes lamang .
d. Mali, dahil ang salitang ito ay hindi nagsasabi ng totoo.
7. Paano napakikinang at napatitibay ang kagaapan ng tao tungo sa mapanagutang paggamit ng
kalayaan, paggalang sa dignidad ng tao, at pagkilala sa kabanalan ng buhay.
a. Sa bisa ng pagmamahal sa Diyos, nababago ang kamalayan ng tao, nahihikayat ang bawat isa
tungo sa makatotohanan at walang takoy na pagsusuri ng sariling buhay
b. Pinadadalisay ng banal na pag-ibig sa Diyos ang puso ng bawat tao upang magmahal nang
tunay sa kapuwa at sa lahat ng nilikha ng Diyos.
c. Sa tulong ng pagmamahal sa Diyos, nagagabayang magpasiya at kumilos ang tao batay sa
mga pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga birtyu.
d. Mahalaga ang taos-pusong pagtugon ng tao sa pagmamahal ng Diyos.
8. Audio ng 1 Juan Kabanata 4 “Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay
________”
a. Pag-ibig b. Makapangyarihan c. Walang hanggang d. Mother Teresa
9. “Ang nagsabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.”
Ang pahayag ay _____________.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
b. Mali, dahil maipakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakita sa mabuting ugnayan sa kanya.
d. Tama,dahil maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang
kapwa..
10. Sa aklat ng Mateo 22:37-39 MBB "Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang
buong ____________, nang buong kaluluwa, at nang buong pag- iisip.
a. mundo b.. puso c. takot d. bagay
11.Ito ang pagkakaroon ang tao ng matibay na sandigan upang pag-isahin ang puso ng bawat isa sa
pamamagitan ng pag-ibig.
a. Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbubuklod sa lahat ng tao.
b. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng espiritu.
c. Ang pagmamahal ng Diyos ay banal at walang hanggan.
d. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay
ng tao.
12. Ang pagmamahal na maituturing na pinakamahalagang batayan upang maisabuhay ng tao ang
kaniyang kaganapan at tumugon sa kalooban ng Diyos.
a. Pagmamahal sa sarili.
b. Pagmamahal sa Diyos.
c. Pagmamahal sa Kapuwa.
d. Pagmamahal sa magulang.
13. Paano mapapaloob sa prosesong ito ang malalim na pagsusuri ng mga pansariling buhay kasama
na ang mga adhikain sa buhay.
a. Buksan ang kaisipan at pukawin angkamalayn upang mauri ang bawat karanasan at sitwasyon
sa buhay.
b. Suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaring magbunga ng pagmamahal sa
Diyos.
c. Isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa anomang hakbangin tungo sa
pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
d. Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos.
14. Bakit ang bawat sitwasyon at karanasan sa buhay ng tao ay isang mayamang lundayan ng
pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
a. Ito ay para buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang mauri ang bawat karanasan
at sitwasyon sa buhay.
b. Ito ay para suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaring magbunga ng
pagmamahal sa Diyos.
c. Upang isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa anomang hakbangin tungo sa
pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
d. Upang maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos.
15. Ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan.
a. suicide b. paggamit ng droga c. euthanasia d. aborsiyon
16. Ang gawaing nakakasira sa ating atay na kung hindi maagapan ay magiging kanser sa atay.
a. suicide b. paggamit ng droga c. alkoholismo d. euthanasia
17. Nagdudulot ito ng negatibong epekto na maaaring kinabibilangan ng balisang pagtulog, sobrang
kalikutan, pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding pagka-agresibo at pagiging
iritable.
a. suicide b. paggamit ng droga c. alkoholismo d. euthanasia
18. Isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa iba’tibang paraan. Bukod sa labag sa utos ng
Panginoon, ito ay mag-iiwan ng malaking dagok sa pamilya.
a. suicide b. paggamit ng droga c. alkoholismo d. euthanasia
19. Ito ay paraan ng pagpatay sa sarili sa tulong ng ibang tao, o ayon sa kagustuhan ng isang
pasyente upang wakasan ang nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng
lunas.
a. suicide b. paggamit ng droga c. alkoholismo d. euthanasia
20. Mga paraan kung paano puwedeng masolusyonan ang kalungkutan o depresyon, maliban sa..
a. Maaaring magdasal sa Diyos.
b. Magsabi sa isang taong pinagkakatiwalaan kagaya ng magulang, ibang nakakatanda at
kaibigan,
c. Tumulong sa kapwa o lipunan, maghanap ng ikakasaya at iba pa
d. Mahiya na maghanap ng tulong.
21. Paano nakaaapekto ang sigarilyo at alcohol sa katawan ng tao?
a. Makaapekto sa pag-iisip ng tao, tulad ng dahas na pananalita, madaling magalit, nahihilo at
maaari rin itong sumira ng mga pamilya, barkada at kakilala dahil may pagkakataon na pwede
kang maging abusado.
b. Ito ay nakakadagdag kagandahan at kagwapuhan.
c. Nagkakaroon ng maganda at malusog na katawan.
d. Nakakapatagal ng buhay ng isang tao.
22. Bakit ang Euthanasia ay kumekwestiyon din sa moral na integridad ng isang tao?
a. Dahil ito rin ay pagkitil sa isang buhay at hindi angkop sa plano ng Diyos.
b. Ito kinakailangang gawin ng mga doktor upang hindi na magdusa pa ang pasyente o sinabi ng
pasyente mismo na ito ang kanilang gagawin.
c. Pagkitil sa sariling buhay na kung saan ginusto ng pasyente ang pangyayari.
d. Ito ay ayon sa kagustuhan ng isang pasyente upang wakasan ang nararamdamang sakit sa
katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng lunas.
23. Alin ang tinutukoy na paraan ng pagpatay kung ito ay nagawa na walang intensiyong isagawa.
a. Murder b. Homicide c. Extra Judicial Killing d. genocide
24. Tinutukoy nito ang pagpatay na sinasadya o may layunin.
a. Murder b. Homicide c. Extra Judicial Killing d. genocide
25. Aling isyu na may kinalaman sa paggalang sa buhay ng tao ang tumutukoy sa paglalaglag sa
sanggol mula sa sinapupunan?
a. aborsyon b. genetic engineering c. mercy killing d. murder
26.Ain sa mga moral na isyu ang hindi angkop sa bioethics?
a. aborsyon b. Euthanasia c. Organ donation d. Digmaan
27. Aling batayan ang nasasalig sa kalikasan at tunguhin ng tao at buhay?
a. personal b. Institusyonal c. propesyonal d. unibersal/natural
28. Paano mo mapananatili ang “Kasagraduhan” ng buhay ng tao?
a. Hindi paggalang sa kabanalan ng buahy.
b. Kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos.
c. Ang buhay ng tao ay napakahalaga, ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos na may
dignidad na galing sa Kanya.
d. Walang galang sa sariling buhay at ang buhay ng kanyang kapuwa.
29. Paano naipapakita ang paraan sa pagpapahalaga sa buhay?
a. Kumain ng kahit ano tanda ng pag-aalaga sa katawan.
b. Magsumikap sa pag-aaral tanda ng pagpapahalaga sa sarili.
c. Maligo araw-araw.
d. Pahalagahan ang kalusugan ng katawan tanda ng pagmamahal sa buhay na ibinigay ng Diyos.
30. Bakit tinuturing maselan at kumplikadong proseso ang organ transplan?
a. May ibang ginagawa ito kapalit na salapi.
b.Mahirap tukuyin kung galing sa patay o buhay ang organ.
c. Posibleng malagay a panganib ang buhay ang donor.
d. Lahat ng nabanggit.
31. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Katatagan at kasipagan c. Kabayanihan at katapangan
b. Pinagkopyahan o pinagbasehan d.Pinagmulan o pinanggalingan
32. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
33. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa-
Pilipino.
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa
34. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang
pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang at pagmamahal c. Katotohanan at pananampalataya
b. Katahimikan at kapayapaan d. Katarungan at pagkakaisa
35. Ito ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkas sa isang tao at
sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
a. kalayaan b. katarungan c. patriyotismo d. nasyonalismo
36. Isinaalang-alang nito ang kalikasan ng tao, kasama rito ang pagkakaiba-iba sa wika, kultura, at
relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
a. kalayaan b. katarungan c. patriyotismo d. nasyonalismo
37.Sino ang una at dapat magtulungan na mapaunlad ng bansa?
a. Lider b. Kamag-anak c. Mamamayan d. Dayuhan
38. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan maliban sa:
a. Laging inuuna ang pansariling kapakanan c. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
b. Pagsulong sa kabutihang panlahat d. Pagpapahalaga sa buhay
39. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?
a.Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
b.Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan at magdamayan.
d. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
40. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
a. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan.
b. Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang hubugin ang ating
mga kakayahan.
c. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa ating bayang
sinilangan.
d. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
41. Sa anong dimensiyon ng tao nabibilang ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa?
a. Moral b. Ispiritwal c. Pangkatawan d. Pangkaisipan
42. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”?
a. Kaugaliang pagpasok nang eksaktong minuto sa nakatakdang oras ng okasyon
b. Kaugaliang pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras ng okasyon.
c. Kaugaliang pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras ng okasyon.
d. Kaugaliang pagpasok ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon bago pumunta.
43. Alin sa mga sumusunod ang sumasagot sa tanong na “Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa
kapwa ko?”
a. Tumulong sa kaayusan ng komunidad at sa kapwa
b. Makisama sa mga barkada
c. Pakikiisa sa mga nananawagan ng reporma sa kalye.
d. Paglinis sa dumi sa labas ng bahay
44. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang kailangan linangin ng mga Pilipino sa pagsasabuhay
ng pagmamahal sa bayan?
a. Pagtangkilik ng mga imported na produkto
b. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.
c. Pagtulong sa kapwa sa harap ng kamera.
d. Pagnanais na kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas sa kahit anong paraan.
45. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda?
a. Pagtulong at pagsunod sa kanilang tagubilin
b. Pag-iwan sa mga magulang kapag may sarili nang pamilya.
c. Pagtulong sa mga nakatatanda kapag may nakakakita.
d. Paghingi ng payo mula sa mga nakatatanda kapag kinakailangan.
46. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa kapwa at umaaasang may kapalit.
47. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamayan ay may pagmamahal sa
bayan?
a. Patuloy na paglakad habang inaawit ang Pambansang awit
b. Pagpasok sa paaralan kapag kinakailangan
c. Pagnakaw sa kaban ng bayan
d. Naglilingkod sa bayan at sa kapwa
48. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin
sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.
49. Sa anong paraan makatutulong ang tao sa pagbuti ng bansa?
a. Pananatili sa bahay para makaiwas sa sakit.
b. Panonood ng magagandang programa sa telebisyon.
c. Pakikilahok sa mga programa para sa ikauunlad ng bansa.
d. Panonoodng balita para alam ang mga nangyayari sa bansa.
50. Bakit sinabing ang pagbebentan ng boto ay hindi paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
bayan?
a. Dahil ito ay para sa sarili lamang
b. Dahil ito ay ipinagbabawal ng batas
c. Dahil mali ito sa mata ng ating Diyos
d. Dahil ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa ng tama.

Prepared by: Checked by: Recommending Approval:

Approved by: Attested by:

You might also like