You are on page 1of 2

TAWAGAN SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

S.Y. 2022 – 2023


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA (BAITANG 10)

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at unawain ang tanong.Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot.Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang._____
1. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin
ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Panalangin c. Pananampalataya d. Pag-ibig
2. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa
tawag ng Diyos.
3. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos.
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa
4. “ Ang nagsabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.”
Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
b. Mali, dahil maipakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakita sa mabuting ugnayan sa kanya.
d. Tama, dahil maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa.
5. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik at pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsasabuhay ng aral ng Diyos.
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga salita.
6. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakakalimot na magdasal. Siya rin ay nagba-basa ng
Biblia bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinaparusahan
niya ito kapag sila ay magkamali.Nagsasabuhay ba si Aling Cora sa kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil ginawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos
b. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Biblia ay ikinalulugod ng Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kapwa.
7. Ito ay isang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
a. Pananampalataya b. Pagsamba c.pagdarasal d. Panalangin
8. Ito ang isang pinakamataas na uri ng pagmamahal.
a. Philia b. Pag-ibig na walang dangal c. Agape d. Eros
9. Ito ang pagmamahal pangkaibigan.
a. Eros b. Philia c. Agape d. Pananampalataya
10. Sa pamamagitan ng pananahimik o pagninilay mauunawaan ng tao ang __________ ng Diyos?
A. Kakayahan B. Mensahe C. Pagpapala D. Pagmamahal
11. Paano mo lubos na makikilala ang Diyos? Sa pamamagitan ng ___________.
A. Pagdarasal B. Pagsisimba C.Pag-aaral ng Kaniyang Salita D. Pagmamadre/pagpapari
12. Paano mapalalago at mapapalalim ang pananampalataya ng isang tao?
A. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa
B. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat tungkol sa espiritwalidad
C. Sa pamamagitan ng pagdarasal
13. Analohiya: _____________:Makapagbibigay ng papuri,Pananahimik:Makapag-isip
A. Pag-aaral B. Pagsamba C. Panalangin D. PAgdarasal
14. Bakit sinasabi na sa apat na uri ng pagmamahal , ang Agape ay ang pinakamataas na uri ?
a. Ito ay pagmamahal na mayroongg iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
b. Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga
taong nagkakilala at nagging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
c. Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit.
d. Ito ay pagmamahal sa kapwa
15. Sa pamamagitan ng pagninilay ay mahihirapang mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos
sa kaniyang buhay. Ang pangingusap ay _____________
a. Tama, dahil kailangan ng tao na maagbasa ng mga aklat ng espiritwalidad upang mas maunawaan ang
mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
b. Mali, dahil ang pagninilay ay makatutulong upang higit na maunawaan ng tao ang mensahe ng Diyos
sa kaniyang buhay.
c. Tama, dahil hindi nakatutulong ang pagninilay upang maunawaan ng tao ang mensahe ng Diyos sa
kanyang buhay.
d. Mali, dahil kailangan ng tao na maagbasa ng mga aklat ng espiritwalidad upang mas maunawaan ang
mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
16. Siya ang nagbigay ng ating mga talino at talento? Sino ito?
a. magulang b. Diyos c. guro d. kaklase
17. Ang tao ay dapat magbigay halaga sa ating Panginoon sa pagsisimula ng ating araw sa pamamagitan
ng _____
a. pagkain b. pagpapasalamat c. paliligo d. PagliliniS
18. Ikaw ay pumasok sa isang pook-sambahan kasama ang iyong nanay upang magdasal doon. May
nakita kang dalawang batang lalaki na nagtatakbuhan sa loob. Ano ang gagawin mo upang maipakita
nang may respeto sa pook-sambahan?
a. Sasabihin ko sa nanay ko para paalalahanan sila.
b. Sisigawan ko sila.
c. Hahanapin ko ang namumuno rito para isumbong sila.
d. Makikisali ako sa kanila.
19. Ang mga sumusunod ay ang pagbabahagi ng mga biyayang natanggap. Alin dito ang nagpapakita ng
may pagmamahal sa kapwa?
a. Nakisali sa paligsahan ng sayaw si Bea para sa premyong pera.
b. Hindi siguradong mananalo sa laro si Karen kaya din a siya sumali.
c. Masayang tumugtog ng piano si Alex habang nagmimisa.
d. Wala sa nabanggit.
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng may pagtulong sa kapwa maliban sa isa...
a. Nagbibigay ng tulong lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad.
b. Hindi namimili ng kaibigan, lahat ay pinakisasamahan.
c. Nagpapakita ng malasakit sa kapwa.
d. Pinagtatawanan ang kapintasan ng iba.
21. Ang iyong kaibigan ay nagyaya sayo na sa kanilang pook-sambahan ikaw ay sumama. Nagkataon
namang may ritwal sila na nagaganap dito nang kayo ay pumasok. Bilang pagtanaw ng respeto ng
kanilang ritwal, ano ang iyong gagawin ?
a. Pagtatawanan ko sila b. Lalabas na lang ako
c. Magmamasid ako sa kanilang ginagawa d. Hindi ko papansinin
22. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa labis na pagkonsumo ng alak o anumang inuming may
alkohol.
a. Alkoholismo b. Euthanasia c. Pagpapakahilig sa Alkohol D. Aborsyon
23. Ito ay nagsasaad ng intensyonal na pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
a. Euthanasia b. Aborsiyon c. Alkoholismo d. Pagpapatiwakal
24. Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
a. Alkoholismo b. Euthanasia c. Pagpapatiwakal d. Aborsyon
25. Ang matinding depresyon, kawalan ng pag-asa at kawalan ng tamang pag- iisip ay iilan sa mga
dahilan ng _________________.
a. Pagpapatiwakal b. Alkoholismo c. Disiplina d. Aborsyon
26. Isang gawain kung saan mapadadali ang kamatayan ng isang tao na may matindi at walang lunas na
karamdaman.
a. Alkoholismo b. Euthanasia c. Pagpapatiwakal d. Aborsyon
27. Ang patriyotismo ay nagmua sa saitang pater na ang ibig sabihin ay ___
a. Pinagmulan b. Katapusan c. Katapatan d. pagmamahal
28.Ang mga sumusunod ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan, maliban sa:
a.Pag-aaral ng mabuti b. Tamang pagboto c. Panloloko ng kapwa d. Pagbili ng produkto na hindi smuggle
29. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin may buhay man o wala.
a. kalikasan b. karagatan c. kagubatan d. kabahayan
30. Ano ang maari mong gawin upang makiisa sa pangangalaga sa kalikasan?
a. Magtapon ng basura kahit saan b. Magtanim ng puno c. Gumamit ng dinamita d. Pagputol ng puno

You might also like