You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IX
DIVISION OF PAGADIAN CITY
TAWAGAN SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan ng Guro: GELIA A. GAMPONG Grade Level: Grade 7-ARPAN


Petsa: Bilang ng oras: 1 Oras

I. Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa


Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at makabagong Panahon ( ika-16 hanggang ika-20
siglo)

Pamantayang Pagganap :
Ang mga mag-aaral nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago , pag-unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at makabagong panahon ( ika-16 hanggang
ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Timog- Kanlurang Asya. CODE:
AP7TKA-IIIh-1.24

LAYUNIN:
1. Natatalakay ang kahulugan ng neokolonyalismo.
2. Nakakalikha ng malikhaing presentasyon tungkol sa neokolonyalismo sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya
3. Nabibigyang halaga ang mabuti at di mabuting epekto ng neokolonyalismo.

II. NILALAMAN
a. Paksa : Mga Anyo at Epekto ng Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
b. Sanggunian: Aklat sa ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaibaiba. (280-282)
c. Kagamitan: Laptop, Projector, Cartolina, manila paper , Mga larawan
d. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resources o ibang
Website: https://www.google.com.ph/search?q=multinational+corporations+logo
https://www.google.com.ph/ search?q=nationalism+logo

III. PAMAMARAAN
A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagtala ng lumiban sa klase
D. Balik- aral
Ano – ano ang mga pamamaraang ipinakita ng mga Asyano upang makamit ang kalayaan?
E. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
ACTIVITY/PAGGANYAK

Integrasyon sa ESP at Mathematics


Indicator 1 Apply knowledge of content within and across curriculum
Indicator 2 Use a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and
numeracy skills

Gawain I.
Tara - Charade
 Ang klase ay hahatiin sa 3 grupo. Bawat grupo ay pipili 2 miyembro upang maging
kanilang kinatawan. Huhulaan ng grupo ang mga sikat na mga produkto na i-aakto ng
kanilang piniling kinatawan sa loob ng 30 segundo. Ang mga produktong huhulaan ay
ipapakita sa screen at tanging mga kinatawan lamang ang maaring makakita nito. Ang
grupong may maraming tamang sagot ang tatanghaling panalo.

1. Ano ang inyong napapansin sa mga produkto?


2. Gumamit ng calculator, kung ang 1 toblerone chocolate na 100 grams ay ngkakahalaga ng $5 at
bibili ka ditto sa Pilipinas,at ang halaga ng 1 dolyar ay 50 pesos, magkano ang toblerone gamit
ang pera mo sa Pilipinas?
3. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa bayan?
4. Sa inyong palagay ano ang ating leksyon ngayong umaga?

IV. PAGLALAHAD SA PAKSA AT LAYUNIN


PAKSA: NEOKOLONYALISMO
MGA LAYUNIN:
1. Natatalakay ang kahulugan ng neokolonyalismo.
2. Nakakalikha ng malikhaing presentasyon tungkol sa neokolonyalismo sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya
3. Nabibigyang halaga ang mabuti at di mabuting epekto ng neokolonyalismo.

PAGSUSURI/ANALYSIS

INDICATOR 3 Apply a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking skills
MAKINIG-MAGSURI-MAG-ULAT!
 Hahatiin ng guro sa apat (4) na pangkat ang mga mag-aaral, kinakailangang makinig at
suriin ang mga impormasyon sa video na ipapakita ng guro patungkol sa
Neokolonyalismo. Pagkatapos ay iuulat ng bawat grupo ang kanilang mga kasagutan
tungkol sa bawat anyo ng neokolonyalismo.
 Bawat pangkat ay magkakaroon ng diskusyon sa bawat grupo.
Pangkat 1- Suportang Militar at Politikal
Pangkat 2- Suportang Pang-ekonomiya
Pangkat 3- Neokolonyalismong Kultural
Pangkat 4 – Globalisasyon ng Edukasyon

Rubriks Para sa Pangkatang Gawain


Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
10 puntos 6 puntos 3 puntos
Kaangkupan ng May malaking Di gaanong may Walang kaugnayan
paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sa sa paksa
paksa
Kooperasyon Mahusay na nakiisa Nakiisa ang Hindi gaanong
ang bawat kasapi ng pangkat sa pagbuo nakiisa ang pangkat
pangkat ng presentasyon sa pagbuo ng
presentasyon
Estilo at Ang pangkat ay Ang pangkat ay Ang pangkat ay
pamamaraan ng nagpresenta ng lumagpas ng ilang lumagpas ng higit 3
presentasyon tamang oras na segundo na minuto sa itinakda
itinakda itinakda
Kabuuan

1. Ano ang neokoloyalismo?


2. Anu-ano ang ibat ibang anyo ng neokolonyalismo?
3. Paano nakaaapekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansa sa timog at kanlurang asya?

ABSTRAKSYON

Indicator 2 Use a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and
numeracy skills
INDICATOR 3 Apply a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking skills

DATOS-SURI (AYON SA PHILIPPINES TRADE STATISTICS)


 Papangkatin ng guro sa tatlo ang klase at sasagutin ng mga mag aaral ang bawat
katanungan at magkakaroon sila ng maliit na diskusyon sa bawat pangkat

1. Kung ang pagbabasehan ay ang grap sa itaas, saang bansa tayo may pinakamataas na inaangkat
na produkto? Anong bansa naman ang pumapangalawa?at ano ang pinaka mababa?
2. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas nais mong tangkilikin ang sariling atin o yakapin ang dala
ng mga dayuhan? Pangatwiranan.
3. Ano ang mabuti at di-mabuting epekto ng neokolonyalismo?

PAGLALAPAT/APLIKASYON

INDICATOR 4 Manage classroom structure to engage learners, individually or in groups, in


meaningful exploration, discovery and hands-on activities within a range of physical and learning
environments
INDICATOR 6 Use differentiated, developmentally appropriate learning experiences to address
learners’ gender, needs strengths, interest and experiences
PANGKATANG GAWAIN.
 Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat at magsasagawa ng malikhaing presentasyon na
nagpapakita ng mga mabuti at di-mabuting epekto sa ekonomiya, politika, kultura at
edukasyon sa ilalim ng neokolonyalismo.
 Bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na naglalaman ng mga Gawain at mga pantulong na
materyales at bawat pangkat ang magbibigay ng puntos sa pangkat na naatasan ng guro
batay sa rubric na inihanda ng guro.
Unang Pangkat-pagsasadula (Suportang Pang-ekonomiya)
Ikalawang Pangkat- poster (Suportang Militar at Politikal)
Ikatlong pangkat- balitaan (Neokolonyalismong Kultural)
Ikaapat na pangkat- tula (Globalisasyon ng Edukasyon

Rubrik sa Pangkatang Gawain

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman


10 puntos 6 puntos 3 puntos
Kooperasyon Mahusay na nakiisa Nakiisa ang Hindi gaanong
ang bawat kasapi ng pangkat sa pagbuo nakiisa ang pangkat
pangkat ng presentasyon sa pagbuo ng
presentasyon
Pagkamalikhain Ang likha ay orihinal Ang likha ay Ang likha ay hindi
orihinal subalit orihinal
kulang sa
kaayusan
Kaangkupan ng May malaking Di gaanong may Walang kaugnayan
paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sa sa paksa
paksa
Estilo at Ang pangkat ay Ang pangkat ay Ang pangkat ay
pamamaraan ng nagpresenta ng lumagpas ng ilang lumagpas ng higit 3
presentasyon tamang oras na segundo na minuto sa itinakda
itinakda itinakda
Kabuuan

V. PAGTATAYA
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang tawag sa di-tuwirang pananakop sa isang bansang Malaya na may mahinang ekonomiya
na umaasa sa makapangyarihang bansa?
a. Kolonyalismo b. neokolonyalismo c. nasyonalismo d. kapitalismo
2. Dahil sa patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa Asya, ano ang masamang epekto nito sa
mga asyano?
a. Naging dependent ang asyano c. nagging independent ang asyano
b. Nagging magulo d. nagging Masaya
3. Sa aspetong political, ano ang masamang dulot ng neokolonyalismo sa bansa sa Asya?
a. Naging kontrolado nila ang pamamahala sa bansang mahihina
b. Naging Malaya ang mahihinang bansa sa pamamahala sa kanilang sariling bansa
c. Naging magulo ang pamamahala sa sariling bansa
d. Naging maunlad ang mahihinang bansa
4. Ano ang kabilang sa mga bansang tinatawag na third world countries?
a. Mahihirap na bansa b. mayayamang bansa c. makapangyarihang bansa d. asya
5. Ano ang kabilang sa mga bansang tinatawag na first world countries?
b. Mahihirap na bansa b. mayayamang bansa c. makapangyarihang bansa d. asya
6. Sa aspetong militar, ano ang magandang dulot ng neokolonyalismo?
a.Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung ito ay
nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
b. Naging kasing galing ng kanluraning bansa ang mga asyano sa pakikipaglaban sa kaaway
c. Naging mananakop dn ang mga bansa sa timog asya
7. Ano ang pangunahing dahilan ng neokolonyalismo?
a. Upang makontrol ang ekonomiya ng sinakop na bansa
b. Upang magkaroon ng kalayaan ang isang bansa
c. Upang maitaguyod ang patakarang pantao sa isang bansa
d. Upang maiparaya sa isang bansa ang kanilang sariling likas na yaman
8. Sa aspetong Kultural, halos lahat ng istilo ng pamumuhay na tao ay naimpluwensya ng mga
mananakop maliban sa isa.
a. Paraan ng pananamit b. pagkain c. libangan d. relihiyon
9. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga bansa sa kanlurang asya na pinagmulan ng mga
produktong kadalasan ginagamit ng mga Pilipino, alin ang hindi kabilang?
a. Saudi Arabia b. Italy c. Kuwait d. Lebanon
10. Ano ang pangunahing dahilan ng neokolonyalismo?
a. Upang makontrol ang ekonomiya ng sinakop na bansa
b. Upang magkaroon ng kalayaan ang isang bansa
c. Upang maitaguyod ang patakarang pantao sa isang bansa
d. Upang maiparaya sa isang bansa ang kanilang sariling likas na yaman

VI. PAGPAPAYAMAN SA GAWAIN


1. Ano ang kahulugan ng salitang kalakalan?
2. Paano ito nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya?

Prepared by:

GELIA A. GAMPONG
Subject Teacher

Checked by:

ROSALYN BARAQUIA
Master Teacher I in Araling Panlipunan

You might also like