You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 10

Summative Test – 3rd Quarter


Pangalan: __________________________ Marka: __________
Baitang: ___________________________ Petsa: _________
PANUTO: Piliiin ang letra ng tamang sagot at ISULAT ito sa PATLANG bago ang bilang.
_______________1. Sa aklat ng Mateo 22:37-39 MBB "Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
____________, nang buong kaluluwa, at nang buong pag- iisip.
A. puso B. mundo C. takot D. bagay
_______________2. “Ibigin mo ang iyong ________ gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili."- Mateo 22:37-39 MBB.
A. kapwa B. magulang C. buhay D. kaklase
_______________3. “Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay _______________ .”Audio ng 1 Juan
Kabanata 4.
A.Pag-ibig B. Walang hanggang C. Makapangyarihan D. Puso
_______________4. “Ang nagsabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang
pahayag ay _____________.
A. Tama, dahil maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa.
B. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
C. Mali, dahil maipakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
D. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakita sa mabuting ugnayan sa kanya.
_______________5. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik na pagninilay?
A. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
B. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.
C. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsasabuhay ng aral ng Diyos.
D. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga salita.
_______________6. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakakalimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Biblia
bago matulog sa gabi. Kahit ganito,malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinaparusahan niya ito kapag sila ay
magkamali. Nagsasabuhay ba si Aling Cora sa kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa.
C. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Biblia ay ikinalulugod ng Diyos.
D. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
_______________7. Sinasabi sa Hebreo 11.1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang
kasiguruhan sa mga bagay-bagay na hindi nakikita. “Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
B. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
C. Nagiging panatag ang tao dahil siya umaasa sa pagmamahal sa Diyos.
D. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
_______________8. Ano ang makatutulong sa tao upang makapag-isip siya ng mabuti at makapagnilay?
A. Pagsisimba B. pananahimik C. Pagsamba D. Pagkain
_______________9. May mga pagkakataong hindi natutupad ang hinihiling ng tao sa kanyang panalangin. Ang mga sumusunod
ay tama maliban sa ____________.
A. Dahil hindi siya mahal ng Diyos C. Dahil maaaring makasama ito sa kanya
B. Dahil hindi pa ito dapat mangyari. D. Dahil hindi siya gusto ng Diyos
_______________10. Anong pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos ang nagpapakita ng papuri at pasasalamat, paghingi ng tawad at
paghiling sa kanya.
A. pagsamba B. panalangin C. pagsisimba D. pagmamahal
_______________11. Paano malalaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kanyang paglalakbay at kung saan ang kanyang
patutunguhan?
A. Sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran. C. Sa pamamagitan ng pananahimik at pagninilay.
B. Sa pamamagitan ng pamamasyal. D. Sa pamamagitan ng pagtingin sa google map
_______________12. Kung ang pagsisimba ay makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng
Diyos, ano naman ang makatutulong sa tao upang lubusan niyang makikilala ang Diyos?
A. Pag-aaral ng salita ng Diyos
B. Pagbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran
C. Pag-aaral ng salita ng Diyos at pagbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran
D. Paglilibang
_______________13. Hindi masasabing maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kanyang kapwa. Bakit?
A. Dahil ang tao ay umiiral para sa sarili lamang C. Dahil ang tao ay umiiral kasama ang kanyang kapwa
B. Dahil ang tao ay umiiral para sa Diyos lamang D. Dahil ang tao ay umiiral para sa pamilya lamang
_______________14. Ang mga sumusunod ay ang pagbabahagi ng mga biyayang natanggap. Alin dito ang nagpapakita ng may
pagmamahal sa kapwa?
A. Nakisali sa paligsahan ng sayaw si Bea para sa premyong pera.
B. Hindi siguradong mananalo sa laro si Karen kaya din a siya sumali.
C. Masayang tumugtog ng piano si Alex habang nagmimisa.
D. Wala sa nabanggit.
_______________15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng may pagtulong sa kapwa maliban sa isa…
A. Nagbibigay ng tulong lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad. C. Pinagtatawanan ang kapintasan ng iba.
B. Hindi namimili ng kaibigan, lahat ay pinakisasamahan. D. Nagpapakita ng malasakit sa kapwa.
_______________16. Ang iyong kaibigan ay nagyaya sayo na sa kanilang pook-sambahan ikaw ay sumama. Nagkataon namang
may ritwal sila na nagaganap dito nang kayo ay pumasok. Bilang pagtanaw ng respeto ng kanilang ritwal, ano ang iyong
gagawin ?
A. Pagtatawanan ko sila C. Magmamasid ako sa kanilang ginagawa
B. Hindi ko papansinin D. Lalabas na lang ako
_______________17. Ikaw ay magaling umawit, niyaya kang sumali sa choir sa simbahan. Ikaw ba ay sasali? Paano mo ipapakita
na mahal mo ang Diyos?
A. Oo, upang maipagmayabang ko ang aking kakayahan. C. Hindi, dahil nahihiya akong kumanta sa harap ng maraming tao.
B. Hindi, dahil maraming oras ang magagamit. D. Oo, upang makapagpasalamat sa biyayang bigay ng Diyos.
_______________18. Ang ating katawan at regalo ng Diyos, papaano natin maipapakita na nagpapasalamat tayo sa kanya?
A. kumain ng masasarap na pagkain C. pabayaan natin ito
B. magdasal tayo D. alagaan, mahalin at ingatan natin ito
_______________19. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
A. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
B. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
C. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita.
D. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
_______________20. Alin sa mga paraan ang magpaunlad ng ugnayan ng tao at Diyos na lubos na mauunawaan ng tao ang
tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay?
A. Panalangin B. Pagsisimba o Pagsamba C. Pagmamahal sa Kapuwa D. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
_______________21. Paano nakatutulong ang pagsamba sa pagpapaunlad ng pagmamahal ng tao sa Diyos?.
A. makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos
B. Panalangin
C. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
D. Pagmamahal sa Kapuwa
_______________22. Alin sa mga paraan ang magpaunlad ng ugnayan ng Diyos at tao na nagbibigay tuon sa dahilan ng pag-iral
ng tao?
A. Panalangin B. Pagmamahal sa Kapuwa C. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay D. Pagsisimba o Pagsamba
_______________23. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa labis na pagkonsumo ng alak o anumang inuming may alkohol.
A. Euthanasia B. Pagpapakahilig sa Alkohol C. Alkoholismo D. Paggamit ng Bawal na Gamot
_______________24. Ito ay nagsasaad ng intensyonal na pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
A. Euthanasia B. Alkoholismo C. Paggamit ng bawal na gamot D. Aborsiyon
_______________25. Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
A. Pagpapatiwakal B. Alkoholismo C. Euthanasia D. Paggamit ng bawal na gamot
_______________26. Ang matinding depresyon, kawalan ng pag-asa at kawalan ng tamang pagiisip ay iilan sa mga dahilan ng
_________________.
A. Alkoholismo B. Pagpapatiwakal C. Disiplina D. Paggamit ng bawal na gamot
_______________27. Isang gawain kung saan mapadadali ang kamatayan ng isang tao na may matindi at walang lunas na
karamdaman.
A. Alkoholismo B. Paggamit ng bawal na gamot C. Euthanasia D. Pagpapatiwakal
_______________28. Alin sa mga sumusunod na mga bansa na ipinagbabawal ang aborsiyon dahil ito ay isang iletihimong
paraan upang kontrolin ang paglaki ng pamilya.
A. Amerika B. Canada C. New York D. Pilipinas
_______________29. Nais mag eksperimento, nais mapabilang sa samahan o barkada at impluwensya ng mga kaibigan o taong
nakakasalamuha ay iilan sa mga dahilan ng ____________.
A. Paggamit ng ilegal na droga B. Pagpapatiwakal C. Euthanasia D. Aborsyon
_______________30. Ito ay isang estadong sikiko o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot,na nangyayari
matapos gumamit nito ng paulit-ulit at sa tuloytuloy na pagkakataon.
A. Paggamit ng sobrang alcohol C. Euthanasia
B. Paggamit ng ilegal na droga D. Paggamit ng katawan
_______________31. Ang pag-iinom ng alak ay hindi masama kung paiiralin nito ang pagtitimpi at _______.
A. Pag-aabuso B. Pagkakibigan C. Disiplina D. Pag-aaway
_______________32. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng paraan sa pagpapahalaga sa buhay?
A. Kumain ng kahit ano tanda ng pag-aalaga ng katawan.
B. Magsumikap sa pag-aaral tanda ng pagpapahalaga sa sarili
C. Maligo araw araw.
D. Pahalagahan ang kalusugan ng katawan tanda ng pagmamahal sa BUHAY na ibinigay ng Diyos.
_______________33. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol na
hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
A. Aborsiyon B. Alkoholismo C. Euthanasia D. Pagpapatiwakal
_______________34. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
A. Balita B. Isyu C. Kontrobersya D. Opinyon
_______________35. Sa pahayag na “Limitado lamang ang bilang ng mga lifeboat at hindi lahat ng mga pasahero ay
makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang kaligtasan,” ano ang dapat na
maging kaisipan ng taong may hawak ng lifeboat ?
A. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.
B. Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin.
C. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan.
D. Mahalaga ang edad sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng sasakay sa lifeboat.
_______________36. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa kasagraduhan ng
buhay?
A. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.
B. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay.
C. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.
D. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay.
_______________37. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong posisyon sa kanila
ng iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
A. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal.
B. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.
C. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawi, at kilos.
D. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan sa kaniyang paligid.
_______________38. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
A. Nagpapabagal ng isip
B. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
C. Nagpapahina sa enerhiya
D. Nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
_______________39. Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan. Dahil dito,
naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal, nakagagawa na siya ng mga
bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw. Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang
mabuting bata. Ipaliwanag ang naging kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at kilos-loob ni Matteo
at sa kaniyang maling pagpapasiya.
A. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag-abuso rito at di pag-ayon ng kilos-loob sa
pagpapasiya.
B. Ang isip at kilos-loob ay hindi nagtugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip.
C. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito – sanhi ng
maling kilos at pagpapasiya.
D. Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito ng kabutihan.
_______________40. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
A. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan
bilang tao.
B. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral.
C. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa
kaniyang paligid.
D. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba
pang nilikha.
_______________41. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may
malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
A. Euthanasia B. Suicide C. Abortion D. Lethal injection
_______________42. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa
kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na
suliranin at wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon.” Ano ang mahalagang diwa ng
isinasaad ng pahayag?
A. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay.
B. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.
C. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal.
D. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan.
_______________43. Alin sa mga ito ang nagiging sanhi sa pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit.
A.Pag-inom ng alak B. pag-ehersisyo C. Pagtatrabaho D. Pag-aaral
_______________44 .Bakit sinasabing ang tao ay kawangis ng Panginoon ayon sa kanyang mukha?
A. dahil may katangian ang tao na gaya ng katangian Niya C. Siya ay lalang ng Diyos
B. Siya ay pinakadominanting hayop sa ibabaw ng mundo D. Dahil kamukha siya ng Diyos
_______________45. Bakit sinasabing pinakadominante ang tao sa lahat ng hayop?
A. dahil ang tao ay alam niya kung ano ang tama at mali C. dahil ang tao ay may kakayahang mag-isip
B. dahil ang tao ay may ispiritu D. dahil siya ay nakakapagsalita
_______________46. Alin sa mga salitang ito ang hindi naakit sa kasamaan, hindi nito kailanman naakit sa kasamaan.
A. kilos-loob B. Dignidad C. Konsinsya D.Pagmamahal
_______________47. Bakit sagrado ang buhay ng tao?
A. Nilalang na may ispiritu B. Bigay ng Diyos C. May isip D. May puso
_______________48. Paano pahalagahan ng isang Ina ang bata sa kaniyang sinapupunan?
A. Tamang pag-iingat B. Paglilihi C. kumain ng masustansiyang pagkain D. Aborsyon
_______________49. Alin sa mga paraang ito nang pagkontrol na magkaanak ang mag-asawa ang sinasang-ayunan ng isang
relihiyon?
A. Rhythm Methods B. Contraceptive Methods C. Aborsiyon D. pag-inom ng pills
_______________50. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
A. May isip at kilos-loob na nabibigay ng kakayahang kumilos,gumawa at magpahalaga sa kaniyang sarili ,kapuwa,at iba
pang nilikha
B. Nilikha siyang may isip,kilos loob,puso,kamay,at katawan na magagamit, niya upang makamit ang kaganapan bilang tao.
C. May kakayahang hanapin,alamin,unawain,at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagaybagay sa
kaniyang paligid.
D. Dahil marunong magsalita ang tao

You might also like