You are on page 1of 8

Pahina |1

EsP 10

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon Sa Pagpapakatao 10
SY 2022-2023
Pangalan: ___________________________________________ Iskor: __________
Baitang & Pangkat : __________________________________ Petsa: __________

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang
katotohanan sa pagkatao.
A. Pananampalataya C. Pagninilay
B. Pag – aayuno D. Pagsisisi

2. Ano ang paraan ng pakikipag – ugnayan sa Diyos?


A. Panalangin C. Pagbabasa
B. Pagsusulat D. Pananahimik

3. Ang tao ay nagmula sa Diyos kaya’t marapat lamang na siya ay ________


A. mahalin at paglingkuran C. sambahin
B. paniwalaan at mahalin D. papurihan

4. “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi
nakikita.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay nagtitiwala sa Diyos kahit pa hindi niya ito nakikita at mula rito, nararanasan
niya ang kapanatagan
B. Bahagi ng buhay ng bawat tao ang makaranas ng mga sitwasyong humahamon sa kanyang loob at kakayahan
C. Nagbibigay ng kapanatagan ang magagandang pangyayari at pagtugon ng Diyos sa ating mga kahilingan
D. Nakakatulong ang ating ugnayan sa Diyos ang pagharap sa mga hamon sa buhay

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos?


A. Naglilingkod sa simbahan araw – araw
B. Nagbabasa ng bibliya at nagsisimba tuwing lingo
C. Kumikilala sa Diyos na siyang makapangyarihan sa lahat
D. Nagmamahal sa Diyos, palaging nananalangin at tumutulong sa kapwa

6. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa tao upang lalong lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos?
A. Pagbabasa ng aklat C. Pagmamahal sa kapwa
B. Pag – aaral sa Salita ng Diyos D. Panalangin

7. Likas sa tao ang pagiging maka-Diyos at ang patunay nito ay:


A. ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos.
B. ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan.
C. ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos.
D. ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng buhay na pananampalataya?


A. Mabuting pamumuhay
B. Pakikisangkot sa lipunan
C.Namumuhay nang mag - isa
D. Patulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit
Pahina |2
EsP 10

9. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling.”
Ang pahayag ay ____
A. TAMA, dahil dapat mahalin ang kapwa
B. TAMA, dahil maipapakita lamang ang tunay na pananampalataya sa Diyos kung minamahal din ang kapwa
C. MALI, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting pakikipag – ugnayan sa Kanya
D. MALI, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba

10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa bilang tanda ng pagmamahal at paglilingkod sa Diyos
MALIBAN sa isa.
A. Pakikiramay sa mga taong namatayan o nagging biktima ng kalamidad
B. Pagbibigay prayoridad sa gawaing pansimbahan kaysa sa pamilya
C. Pagpapatawad sa mga nakasakit o nagkasala sa iyo
D. Paggalang sa karapatang pantao
11. Alin sa mga sumususond na pahayag ang magpapatunay na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa?
A. Mula sa pagmamahal ay naipapakita ng tao ng kaniyang sarili sa iba
B. Magkaiba ang paglalakbay kasama ang kapwa at ang paglalakbay kasama ang Diyos
C. Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapwa
D. Lahat ng nabanggit

12. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa.
B. Ginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa.
C. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay.
D. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan.

13. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangan ay:
A. makiramay ka sa kanyang gutom na nadaraman.
B. may gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom.
C. manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom.
D. tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.

14. Tuwing Sabado, ikaw ay nagtuturo ng pagbasa sa mga batang hindi nakapag – aral sa inyong parokya o simbahan. Ito
ay proyekto ng inyong simbahan. Ngunit ngayong Sabado, nakatakdang magtipon – tipon ang iyong buong pamilya.
Walang hahalili sa iyo sa pagtuturo. Mamarapatin mong…
A. Ipagliban ang pagtuturo at sasama sa pagtitipon ng iyong pamilya
B. Magturo sa mga bata dahil marami pa naman pagkakataon para bumawi sa iyong pamilya
C. Ipagbigay alam sa mga lider ng inyong simbahan ang iyong sitwasyon
D. Hilingin na ilipat ang araw ng pagtitipon ng iyong pamilya

15. Ang mga taong kinaiinisan mo, nagmalupit, umalipusta, galit o nanakit sa iyo ay maituturing mong kaaway. Paano mo
maipapahayag ang kautusang ng Diyos na mahalin mo ang iyong kaaway?
A. Ipanalingin sa Diyos na pagpalain ang mga taong umuusig sa iyo.
B. Hilingin sa Diyos na siya ang bahala sa mga taong ito
C. Huwag na lamang pansinin ang mga taong ito
D. Kausapin sila upang magkaliwanagan kayo
16. Sa anong karanasan natin lubusang nararanasan ang nakapagpapalakas at nakapagpapagalang na pag – ibig ng
Diyos?
A. Pagkakaroon ng masayang pamilya
B. Pagdadalamhati sa pagkawala ng mahal sa buhay
C. Kawalan ng pag – asa na gumaling sa sakit o karamdaman
D. Sa pinakamasaya at pinakamalungkot na pangyayari sa buhay
Pahina |3
EsP 10

17. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng pamamaraan sa pagpapaunlad sa pagmamahal sa Diyos MALIBAN sa isa.
A. Maging sensitibo at “responsive” sa mga pang – araw – araw na daloy ng buhay
B. Pag – iwas sa mga taong maysakit upang mapangalagaan ang sarili
C. Paglalaan ng panahon para sa pag - aayuno
D. Magsimba kung kinakailangan

18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapahalaga ang nagpapamalas ng pagmamahal sa Diyos?
A. Kumakain at nag-eehersisyo nang mabuti si Ruben
B. Sa tuwing matatapos ang mahabang pagsusulit, hindi nakakalimot si Josie na magpasalamat sa Diyos.
C. Hindi pinayagan si Ricky ng kanyang ama na sumama sa fieldtrip kaya nanatili na lamang siya sa kanilang
tahanan.
D. Bagama’t natalo si Mang Jaime sa halalan, naniniwal siyang naging malinis ang pagkapanalo ng kanyang
kalaban kaya siya ay sumusunod dito.

19. Si Charlie ay may eksamen kinabukasan. Ipinanalangin niya sa Diyos na siya ay makapasa dahil naniniwala siyang
palaging dinidinig ang kanyang mga hiling, ngunit alam niyang hindi siya nakapag – aral ng mabuti. Ano ang nakaligtaan ni
Charlie?
A. Ang panalangin ay pagpapaubaya sa Diyos
B. Ang tao ay may responsibilidad sa ikatatagumpay ng kanyang kahilingan
C. Higit na epektibo ang kangyang panalangin kapag paulit – ulit na ginagawa
D. Alam ng Diyos ang ating dinaraing kaya hindi na kailangan na manalangin

20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may tamang konsepto?


A. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa sarili
B. Ang pagmamahal ng Diyos ay nababawasan kapag nakagawa ang tao ng malaking kasalanan
C. Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapwa
D. Lahat ng nabanggit

21. Ano ang pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao?


A. Buhay C. Bahay
B. Kakayahan D. Pamilya

22. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang __________.
A. kawangis ng Diyos C. kamanlilikha ng Diyos
B. kamukha ng Diyos D. katuwang ng Diyos

23. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag at pag – alis ng isang fetus o sanggol na hindi
maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay – bata ng ina?
A. Aborsiyon C. Euthanasia
B. Alkoholismo D. Pagpapatiwakal

24. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng paggalang sa buhay?


A. Pagpataw ng parusang kamatayan sa mga nahuling criminal
B. Pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan bunga ng pagkakasala
C. Pag – aalaga sa mga matatanda o taong may sakit ng may pagkukusa
D. Pagbibigay ng labis na dosis ng gamot sa isang pasyenteng malubha na
Pahina |4
EsP 10

25. Bakit mahalagang igalang ang ating buhay?


A. Ito ay isang benepisyo
B. Nagbibigay ito ng kulay sa ating pangarap
C. Sapagkat ito ang pinakamahalagang handog ng Diyos
D. Dahil kung wala ang buhay hindi natin matatamasa ang lahat sa mundo

26. Bilang isang mapanagutang kabataan, maipapamalas ko ang paggalang sa kasagraduhan ng buhay sa pamamagitan
ng
A. Mainam na pagtingin sa sarili
B. Pagiging mapili sa mga kakaibiganin
C. Pag – iwas sa mga bisyong makakasira sa katawan
D. Paggamit ng conceptives upang hindi magkakaanak ng maaga

27. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


A. Nilikha siyang may isip, kilos – loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang
kaganapan bilang tao
B. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral.
C. May kakayahang hanapin, alamin, unawain at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-
bagay sa kanyang paligid.
D. May isip at kilos – loob na nagbibigay na kakayahang kumilos, gumawa at magpahalaga sa kaniyang sarili,
kapwa at iba pang nilikha

28. Si Mark ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan. Dahil dito, naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal, nakagagawa na siya ng mga bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw.
Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata. Ipaliwanag ang naging kaugnayan
ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip a kilos- loob ni Mark at sa kaniyang maling pagpapasiya.
A. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy ddito-
sanhi ng maling kilos at pagpapasiya.
B. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag- abuso rito.
C. Ang isip at kilos-loob ay hindi nagtugma dahil sa kkawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip.
D. Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito ng kabutihan

29. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag – asa. Sa kabilang banda,
hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpapatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at
wala sa tamang pag – iisip
(halimbawa depresyon) sa oras na ginawa nila iyon.” Ano ang mahalang diwa na isinasaad ng pahayag?
A. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay.
B. Ang pag – asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan
C. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal
D. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay

30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo?


A. Bawat may buhay ay maaaring mabuhay nang hindi umaasa sa tulong ng iba
B. Ang paggalang sa kasagraduhan ng buhay ay indikasyon ng pasasalamat
at pagkilala sa kadakilaan ng Diyos
C. Ang tao bilang pinakamataas na uri ng nilalang ng Diyos ay may karapatang kumitil ng buhay kung nakakasira
ito sa kanya
D. Ang buhay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos kaya pwede mong gawin ang nais mo sa iyong katawan upang
maging masaya sa buhay
Pahina |5
EsP 10

31. Ang isang taong malusog ang isip at katawan ay


A. Masaya, masigla at matulungin
B. Malinis sa katawan at paligid
C. Hindi nagkakasakit
D. Hindi inaapi

32. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa _____________


A. Damdaming makabayan C. Gawaing makabayan
B. Kaisipang makabayan D. Lahat na nabanggit

33. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
A. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong-bayan.
B. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sap ag-unlad ng sarili at kapwa-Pilipino.
C. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
D. Sa pAgsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.

34. Ang bawat bansa ay may kinamulatang kultura na sumisimbolo ng:


A. Batas ng isang bayan
B. Antas ng tao sa lipunan
C. Pagkakakilalan ng isang bansa
D. Suliraning kinakaharap ng isang bansa

(Para sa bilang 35,36 at 37)

Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang
koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang
salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang
ipanalo ang kanilang koponan?
35. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?
A. Pagmamahala sa laro C. Pagmamahal sa bayan
B. Pagmamahal sa koponan D. Pagmamahal sa kapwa

36. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?


A. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na isakatuparan
ang mithiing manalo.
B. Mahalaga ang pagbibigay at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang tunggalian at sakitan
C. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na pangangatawan at
isipan.
D. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga para makamit ang
tagumpay.
37. Paano nakakahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag – unlad ng isang bayan gayundin sa pagka – Pilipino
natin?
A. Nakaaapekto sa mabuting pakikipag – kapwa
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
D. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
Pahina |6
EsP 10

38. Alin ang pinakaangkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


A. Pag – awit ng pagbansang awit nang may paggalang at dignidad
B. Pagiging tapat sa sarili, mga minamahal at pamilya sa lahat ng pagkakataon
C. Pagsisikap na makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliraning kinahaharap ng bansa

39. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa
bayan?
A. Paggalang at pagmamahal C. Katarungan at pagkakaisa
B. Katahimikan at kapayapaan D. Katotohanan at pananampalataya

40. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


A. Utang natin sa ating baying sinilangan ang kalayaan at pagkkataong hubugin an gating pagkatao.
B. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga
kakayahan.
C. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayananang matitirhan
D. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang baying sinilangan.
41. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?
A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
B. Gumagamit ng midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
C. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
D. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan.

42. Sa panahon ng pandemya, maraming mga tao naaapektuhan ang kabuhayan at nawalan ng trabaho dahil sa pinaiiral
na lockdown ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19. Ano ang nararapat mong gawin upang
maipamalas ang iyong pagiging maka-bayan?
A. Sumunod sa health protocol na pinaiiral ng pamahalaan/DOH
B. Tumulong sa paghahatid ng relief goods upang siguradong makakuha para sa pamilya
C. Umaasa nalang sa bigay ng pamahalaan dahil sa pinaiiral na lockdown
D. Magbahagi ng kunting tulong sa mga kapitbahay upang makahingi din ng tulong balang araw .

43. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
A. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.
B. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.
C. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit, kailangan niya
itong alagaan at pahalagahan.
D. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.

44. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang ginagawa?
A. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kaniya.
B. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan
ng pag-unlad at panahon.
C. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang
pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran.
D. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling.
Pahina |7
EsP 10

45. Ano ang maaaring epekto ng global warming?


A. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
B. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
C. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian.
D. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.

46. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?


A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag.
B. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan.
C. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing
pangkalikasan.
47. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala at tagapangalaga ng
kalikasan?
A. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
B. Magpatupad ng mga batas.
C. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
D. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.

48. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang ___


A. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
B. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
C. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
D. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.

49. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.


A. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
B. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
C. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
D. Pagsusunog ng basura.

50. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?
A. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
B. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.
C. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
D. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.
Pahina |8
EsP 10

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon Sa Pagpapakatao 10
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Skills
No. NILALAMAN TOTAL Percentage
Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating

Pagmamahal sa Diyos.
EsP10PB-IIIa-9.1
1 EsP10PB-IIIa-9.2
EsP10PB-IIIa-9.3
EsP10PB-IIIa-9.4

Paggalang sa Buhay.
EsP10PB-IIIc-10.1
2 EsP10PB-IIIc-10.2
EsP10PB-IIIc-10.3
EsP10PB-IIIc-10.4

Pagmamahal sa Bayan.
EsP10PB-IIIe-11.1
3 EsP10PB-IIIe-11.2
EsP10PB-IIIe-11.3
EsP10PB-IIIe-11.4

Pangangalaga sa Kalikasan
EsP10PB-IIIg-12.1
4 EsP10PB-IIIg-12.2
EsP10PB-IIIg-12.3
EsP10PB-IIIg-12.4

TOTAL

PERCENTAGE 100%

You might also like