You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Samar
District of San Sebastian
INOBONGAN INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MAKAHANG PAGSUSULIT sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Test I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong o pangungusap at e-shade ang inyong sagot
sa sagutang papel.

1. Ano ang dapat linangin upang lalo mong maunawaan ang iyong pakikipag-ugnayang
espiritwal sa Panginoon?
a. Likas at natatanging talino
b. Hilig at talent
c. Kagandahan at kasipagan
d. Pagnanasa sa magandang buhay

2. Ano ang tawag sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos na isang malayang desisyon na
malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao?
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya

c. Pag-ibig
d. Panalangin
3. Ayon sa aklat ng Genesis 1:27 hinubog ng Diyos ang tao ayon sa ano?
a. Unggoy c. Estatwa
b. Kambing d. Kanyang sariling wangis
4. Ano ang nag- uudyok sa iyo upang ikaw ay maglingkod sa kapwa ng walang hinihinging
kapalit?
a. katarungan at pagmamahal c. pagmamahal
b. paggalang at pagmamahal d. dignidad
5. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba na may
____________.
a. katarungan at pagmamahal c. pagmamahal
b. paggalang at pagmamahal d. dignidad
6. Sino ang nagpahayag na, “Nararapat na may kalakip na paggalang at pagmamahal ang
pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa”?
a. Ramon Magsaysay c. Ramon Agapay
b. St. Thomas Aquinas d. Thomas Agapay
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tama tungkol sa pagmamahal ng Diyos?
a. Ang tanging mahal ng Diyos ay yaong nagpapahalaga at sumusunod sa Kanya.
b. Ang pagmamahal sa Diyos ang nag- uudyok sa isang tao upang maglingkod sa kapwa
ng walang may hinihinging kapalit.
c. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang buhay sa atin tanda ng Kanyang Dalisay nap ag-
ibig para sa lahat ng tao.
d. Ang mga taong lumalabag s autos at pangaral ng Diyos ay walang puwang sa
Kanyang kaharian.
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad na ang pag-ibig sa kapwa-tao ang
pinakadakila sa lahat ng kabutihan?
a. Ang pagmamahal ang nag- uudyok sa isang tao upang maglingkod sa kapwa ng
walang hinihinging kapalit.
b. Dapat tangkaing magpasya kung karapat-dapat ba o hindi ang isang tao sa ating
tulong.
c. Kailangan maibigay ang nararapat sa kapwa na walang iba kundi ang paggalang sa
kanyang dignidad kapalit ng isang halaga.
d. Wala sa nabanggit
9. Ano ang magiging epekto sa ating pananampalataya kung hindi tayo marunong magmahal
ng kapwa?

Page 1 of 7
a. Hindi natin maiintindihan ang kahalagahan ng pananampalataya.
b. Maaaring maging mapagmataas at walang pakialam sa iba.
c. Hindi natin mararanasan ang tunay na kagalakan at kapayapaan.
d. Lahat ng nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod na kilos ang makakatulong upang mapaunlad ang pagmamahal sa
Diyos at sa kapwa?
a. Pagdalo sa mga pagtitipon sa simbahan at paglilingkod sa kapwa.
b. Pagpapakita ng kayabangan at pagpapakita ng kasikatan sa mga mata ng iba.
c. Pagiging mapag-isip at mapanuri sa mga desisyon.
d. Lahat ng nabanggit.
11. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa?
a. Pagiging sakim at pag-aaksaya ng mga materyal na bagay sa sarili.
b. Pagiging mapagbigay sa mga nangangailangan at pagiging tapat sa Diyos.
c. Pagiging mahilig sa pagpapakita ng yaman at tagumpay sa buhay.
d. Pagiging makasarili at pagpapabaya sa mga pangangailangan ng iba.
12. Ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagpapasiya upang mapaunlad ang pagmamahal
sa Diyos?
a. Pagiging mapanuri at mapag-isip sa mga desisyon.
b. Pagtitiwala sa ibang tao upang magbigay ng payo.
c. Pagpapakita ng lakas ng loob at kawalan ng takot sa anumang pagsubok.
d. Pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa Banal na Kasulatan at sa mga aral ng
Diyos.
13. Ano ang tawag sa pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina na isa mga
paglabag na kume-kwestiyon sa moral na integradad ng tao?
a. Suicide c. Abortion
b. Euthanasia d. Panganganak
14. Ito ay isang prosesong nagpapadali sa pagkamatay ng isang tao (ng gamot o medisina)
na kinakailangang gawin ng mga doktor upang hindi na magdusa pa ang pasyente o sinabi
ng pasyente mismo na ito ang kanilang gagawin.
a. Suicide c. Abortion
b. Euthanasia d. Panganganak
15. Ano ang dalawang uri ng aborsiyon?
a. kusa at sinadya c. sapilitan at sinadya
b. kusa at sapilitan d. sapilitan at hindi-kusa

16. Alin sa mga sumusunod na kilos ang hindi nagpapakita ng paggalang sa buhay?
a. Pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa pasyente sa isang ospital
b. Pagsasagawa ng pag-aaruga at pag-alaga sa mga may sakit
c. Pagsasagawa ng mga aktibidad na nagpapahalaga sa kalusugan at kabutihan ng
katawan
d. Pagsasagawa ng mga aktibidad na nagdudulot ng panganib at pinsala sa kalusugan
ng iba
17. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa buhay?
a. Pagsasagawa ng mga pampublikong serbisyo
b. Pagbibigay ng tamang edukasyon sa mga bata
c. Pagsasagawa ng mga krimen at paglabag sa batas
d. Pagsasagawa ng mga medical procedures para sa pagpapabuti ng kalagayan ng
pasyente
18. Anong uri ng mga hakbang ang maaaring isagawa upang matiyak na naipapakita ng isang
indibidwal ang tamang paggalang sa buhay?
a. Pagpapakita ng respeto sa bawat tao at pagkakapantay-pantay ng lahat.
b. Pagiging laging masunurin sa mga magulang at nakatatandang kapatid.
c. Pagpapakita ng kayabangan at pagpapakita ng kakulangan ng respeto sa mga nasa
kaparehong posisyon.
d. Pagiging hindi mapagkakatiwalaan at hindi pagbibigay ng tamang halaga sa ibang
tao.
19. Nakita mo ang iyong mga lalaking kaklase na nagve-vape sa loob ng paaralan. Ang
kanilang katwiran, hindi naman sigarilyo ang vape. Pero ayon sa ulat ng John Hopkins
Medicine, ang vape ay mas may mababang epekto sa tao kaysa sa regular na tabako pero
ang juice na ginagamit sa vape ay naglalaman ng mga harmful chemicals na may mas
masamang epekto sa katawan ng tao. Ano ang dapat mong gawin?
Page 2 of 7
a. Isipin na hindi ka na makikialam dahil nasa loob sila ng kanilang paaralan
b. Lapitan ang mga kabataan at sabihin na bawal magvape sa loob ng paaralan
c. Kunin ang vape at itapon sa basurahan para hindi na sila magvape
d. Sabihan ang guro o principal ng paaralan upang sila ang magtakda ng kaukulang
aksyon
20. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng induced o sapilitang
aborsiyon?
a. Namatay ang tatlong buwang sanggol dinanadala ni Miya ng siya ang madulas sa
kanilang hagdan.
b. Si Layla ay isang guro sa Inobongan IS na bumabyahe araw-araw pauwi sa
kanilang tahanan sa Catbalogan. Dahil sa di-maayos na kalsada, nalaglag ang kanyang
ipinagbubuntis na dalawang buwan na sanggol sa kanyang asawang si Saber.
c. Nagkayayaan ang magkakaibigan na sina Lou Yi, Eudora, Odette, Johnson, at Chou
na mag-inuman sa night market sa Calbiga. Dahil sa sobrang kalasingan, minabuti ni
Odette na hindi na muna pauwiin si Johnson at doon na lamang sa kanila makitulog at may
hindi magandang nangyari sa kanila sa gabing iyon. Dahil sa takot sa kanilang mga
magulang, nagpasya ang dalawa na ipalaglag ang dinadala ni Odette.
c. Dalawang buwang buntis si Carmilla sa kanilang ikatlong anak ni Cecilion ng
matuklasan niya na may relasyon ang kanyang asawa sa kaniyang kaibigang si Rafaela.
Dahil sa stress nalaglag ang kanyang dinadalang sanggol.
21. Ang suicide ay isang sensitibong paksa na kadalasan ay nangyayari sa mga menor de
edad dulot ng iba’t ibang problema tulad ng selos, pagkabigo, problema sa pamilya,
bullying, at maraming pang iba. Kung ikaw ay may kaibigang nagkaroon ng mabigat na
problema, paano mo ito tutulungan na hindi humantong sa ganoong sitwasyon?
a. Sikaping kausapin ang kaibigan ng masinsinan at pribado upang damayan siya sa
kanyang problema at pagsabihang mahalaga ang buhay at lahat ng problema ay may
solusyon.
b. Sabihin sa kanyang mga magulang ang problema ng kaibigan upang hindi ka
madamay sa kung anumang mangyayari sa kanya bilang isang kaibigan.
c. Ipagwalang bahala ang problema ng kaibigan.
d. Wala sa nabanggit.
22. Ang isyu ng abortion ay isang maiinit na usapin sa ating bansa. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa mga ipinaglalaban ng mga Pro-Life?
a. Masama ang aborsiyon sapagkat mula nang ipaglihi ito ng kanyang ina, siya ay
tao na kaya ang paglaglag o pag-abort sa sanggol ay isang aksiyon ng pagpatay.
b. Kung ang ina ay nabuntis dahil hindi sila nag-ingat ng kaniyang nobyo o
kasintahan, dapat pa rin nilang pangatwiranan ang nangyari.
c. Tungkulin nila bilang magulang na alagaan ang kapakanan ng bata dahil sa bawat
sanggol o anak ay may karapatang mabuhay.
d. Karapatan ng ina na magkaroon ng kalayaan na ipalaglag ang kanyang dinadala
kung ito ay bunga ng isang hindi magandang pangyayari tulad ng rape.
23. Paano mo mapapatunayang karapatan ng mga “drug addict” ang mabigyan ng karapatang
mabuhay sa kabila ng kanilang masamang idinudulot sa ating kumunidad?
a. Sila ay mga salot sa lipunan na hindi na dapat binibigyan ng karapatang
mabuhay.
b. Sinasabi na Diyos nga nagpapatawad, tao pa kaya. Pero tayo ay hindi Diyos,
kaya’t sila ay walang karapatang mabuhay dito sa mundo. Diyos na ang bahala sa kanila
sa kabilang buhay.
c. Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay. Siya lang ang may karapatang bawiin ito.
d. Lahat ng nabanggit
Para sa bilang 24-25, basahin ang sitwasyon sa ibaba.
Mula pa noong nasa sekondarya si Manuelo ay natuto na itong maglasing. Ilang ulit
na rin siyang napagalitan sa opisina ng principal dahil dito. Ngayon ay mahigit na
siyang 50 gulang. Nasa ospital dahil may cancer sa atay.
24. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Manuelo at sa kasalukuyan ay mahilig ka ring
maglasing, ano ang iyong maaring gawin upang hindi ka humantong sa sitwasyon niya?
a. Titigilan ang pag-inom ng alak dahil ito ay walang magandang epekto sa katawan
ng tao.
b. Ipagpapatuloy ang pag-inom ng alak dahil sabi nga nila “You only live once, so
live your life to the fullest”.
Page 3 of 7
c. Hindi ititigil ang pag-inom ng alak. Iiinom nalang ng gamot na makatutulong
maiwasan ang pagkasira ng atay dahil sa alak.
d. Ipagpapatuloy ang pag-inom ng alak dahil lahat naman tayo ay mamamatay,bakit
hindi pa sulitin ang buhay.
25. Si Linda ay may asawa at limang anak. Dahil medyo kapus sa buhay, nagtatrabaho siya
bilang isang labandera para makatulong sa pangtustus sa gastos sa bahay. Naging masaya
ang lahat ng malaman nila na buntis pala siya. Napag-usapan nilang mag-asawa na
magpatingin sa doktor upang mapangalagaan ang kanyang pagbubuntis. Ano ang ipinakitang
pagpapahalaga?
a. Pagpapahalaga sa ugnayan c. Pagpapahalaga sa katawan
b. Pagpapahalaga sa buhay d. Pagpapahalaga sa pamilya
26. Ito ay ang pagwawakas o pagpapaalis sa buhay ng sanggol sa sinapupunan sa
pamamagitan ng pag opera o pag inom ng mga gamot pampalaglag.
a. Aborsiyong Alam ng iba c. Aborsiyong Tinatago
b. Aborsiyong Kusa d. Aborsiyong Sapilitan
27. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. Lahat ng materyal na galing sa kalikasan ang siyang bumubuhay sa tao.
b. Ang tao ay may responsibilidad na pangalagaan ang Kalikasan.
c. Ang kalikasan ang bumubuhay sa tao kaya ang kapalit nito ay dapat pahalagahan
at protektahan para sa susunod na henerasyon.
d. Dahil sa taglay na biyayang hatid ng kalikasan, nakasalalay dito ang
kinabuhaksan ng tao.
28. Sa anong paraan naipapakita ng tao ang pagpapahalaga sa kalikasan?
a. Bilang tagapangalaga ng kalikasan ay dapat gawin ang tungkulin nito kahit na
mapag-iwanan ng panahon.
b. Matatamo lamang ang pag-unlad kung gagawa ng hakbang ang tao sa pagtulong sa
sarili at sa kapwa upang mapangalagaan at masugpo ang pagkawasak ng kalikasan.
Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at
earth balling.
d. bibigyang pansin ang mga batas na nakalatag upang mapatupad na naaayon sa
pangangalaga sa kalikasan.
29. Ano ang epekto ng Global Warming sa tao?
a. Mag-iiba ang klima ng mundo, na maaaring maka apekto sa buhay ng tao at
pinsala sa ari-arian.
b. Magkakaroon ng pagtaas sa libel ng tubig sa dagat at magiging dahilan ito ng
pagbaha.
c. Magkakaroon ng mga kalamidad magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa
at pag-init ng panahon.
d. Magkakroon ng madalas na pag-ulan at pag-init ng panahon.
30. Sa anong paraan maisasagawa ang programang magtataguyod sa pangangalaga ng
kalikasan?
a. Magpapatupad ng dagdag na multa kung may nilabag na batas.
b. Maghikayat sa iba na magkaisa sa pagtatanim para sa kalikasan.
c. Isaisip na dapat magkaroon tayo ng takot sa Diyos dahil sa Kanya ang lahat na
ito.
d. Gagawa ng isang pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing makakatulong
sa kalikasan.
31. Bilang isang mamamayan, sa anong simpling paraan maipapakita mo ang pagiging
tagapamahala ng kalikasan?
a. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
b. Magpatupad ng mga batas na may kaukulang parusa.
c. Mag bolontaryo at maging disiplinado.
d. Maging matapang na ipaglaban sa pangangalaga sa kalikasan.
32. “Masdan mo ang iyong paligid bawat isa ay nanganganib, sa dalang kapahamakan na
tayo rin ang may lalang.” Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
a. Pagkasira ng ating kalikasan dahil sa ating kapabayaaan.
b. Lahat ng tao sa mundo ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.
c. Ang tao ang siyang dapat sisihin sa lahat ng mga pangyayari sa paligid na siya
ring nagdadala ng kapahamakan sa lahat.
d. Lahat tayo ay mapapahamak dahil na rin sa ating kagagawan.

Page 4 of 7
33. Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan? Ano ang
gagawin mo kung nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa ilog?
a. Ipag alam agad sa barangay o sa may awtoridad ang pangyayari para mabigyan ng
kaukulang aksyon.
b. Pagsabihan na wag nang ulitin dahil magiging madumi ang tubig.
c. Pabayaan nalang para walang away.
d. Mag kunwari na wala kang nakita.
34. Ang tao at kalikasan ay parti ng isang malaking disenyo. Anong ibig sabihin ng
pangungusap na ito?
a. Ang tao at ang kalikasan ay magka-ugnay.
b. Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos kaya dapat na ito ay gamitin.
c. Lahat ng nasa ibabaw ng mundo ay pantay-pantay.
d. Ang kalikasan ang nagpapayaman sa tao.
35. Habang lumalaki ang kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang pananagutan.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapatotoo nito?
a. Ang tao ang may karapatan sa lahat ng bagay na nasa lupa.
b. ang tao ang tagapangalaga ng kalikasan kaya dapat niya itong gamitin.
c. Ang tao ay binigyan ng kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan, kaya malaki
rin ang kanyang panangutan nito.
d. Ang kapangyarihan ng tao ay naayon lamang sa magagawa nito.
36. Ang tao ay pinagkatiwalaan ng Diyos sa lahat ng mga nilikha sa mundo. Ito ay
nagpapahiwatig na___
a. Tayo ay may pananagutan sa pagsisilbi sa layunin ng kaharian ng Diyos.
b. Tayo ay may kakayahang gawin ang lahat ng ipinag-uutos ng Diyos.
c. Tayo ay nilikha na mas mataas sa ibang nilalang.
d. Tayo ay mahal ng Diyos
37. Ayon kay Papa Benedicto, “mararating natin ang hinaharap kung hindi natin sisirain
ang mga nilikha ng Diyos”. Anong ibig sabihin nito?
a. Kailangang pangalaagan natin ang kalikasan para sa ating kinabukasan.
b. Mararating natin ang hinaharap kung gagamitin natin mabuti ang mga likha
Diyos.
c. Kailangang protektahan ang kalikasan para naman tayo ay protektahan din ng
kalikasan.
d. Ang kalikasan ang daan sa kinabukasan.
38. “Ang tao at kalikasan ay magkaibang umiiral sa mundo kasama na ang mga hayup at
halaman at lahat nag may buhay o wala, ngunit lahat nang ito ay parti ng isang
kabuohan”. Anong ibig sabihin nang pangungusap na ito?
a. Ang lahat ng bagay sa mundo ay magkaiba.
b. Ang tao at kalikasan ay magkaiba, dahil ang tao ang mas maykapangyarihan sa
lahat ng bagay.
c. Ang tao at kalikasan ay kasabay na umiiral, kahit na magkaiba, ay parti parin
sa iisang sistema.
d. ang mga walang pakinabang sa tao ay hindi kasali sa isang Sistema.
39. Ang tao ay may kalayaan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Gawin ang gustong gawin sa lahat ng oras, dahil ang buhay ay mailki lang.
b. Lumabas ng bahay kahit na sa Enhance Community Quarantine.
c. Gawin ang lahat ng gusto basta’t para sa ikabubuti ng lahat.
d. Ipakita na walang sino man ang makakapigil sa lahat ng gusto mo.
40. “Ang taong may pinag-aralan ay hindi kailanman gagawa ng anumang paglabag sa batas
na ipinapatupad ng lipunang kinabibilangan.” Ang pangungusap na ito ay
________________.
A. Tama, dahil natutuhan niya sa paaralan kung paano gawan ng paraan upang
mahanap ang solusyon sa bawat problema.
B. Tama, dahil gaya ng sinasabi ng karamihan, “ignorance of the law excuses no
one”
C. Mali, dahil hindi lahat ng taong may pinag-aralan ay alam ang gagawin upang
hanapin ang solusyon sa problemang kinakaharap.
D.Mali, dahil ang batas ay batas at walang sinuman ang may karapatan upang
suwayin ang mga ito.

Page 5 of 7
41. Ang kaisipang “Tayong lahat ay magkakasama sa pag-unlad bilang isa.” ay tanda ng
ano?
a. Pagiging makasariling mamamayan
b. Pagiging mabuting mamamayan
c. Paggawa ng isang bagay kapag kinakailangan
d. Pagtulong sa iba para sa sariling kapakanan
42. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa kapwa at umaaasang may kapalit.
43. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagmamahal mo sa
bayan?
a. Mag-aral nang mabuti
b. Sundin lahat ng utos ng magulang
c. Tumulong sa kapwa kapag kailangan
d. Gawin lahat ng pinapagawa ng guro
Basahin ang sitwasyon sa ibaba para sa bilang 44-45.
Matalik na magkaiibigan sina Julio at Julia. Naawa si Julia kay Julio dahil
palagi siyang bumabagsak sa kanilang pagsusulit. Isang araw, kinausap ni Julio si Julia
na pakopyahin siya nito sa kanilang mga pagsusulit kapalit ang gusto niyang gamit
galing ibang bansa.

44. Kung ikaw si Julia, ano ang iyong gagawin?


a. Hindi ako magpapakopya ng anuman kay Julio dahil mali ito.
b. Pagbibigyan ko ang kahilingan ni Julio dahil kaibigan ko siya.
c. Gagawin ko ang sinabi ni Julio ngunit hindi tatanggapin ang kapalit nito.
d. Magagalit ako kay Julio kahit gustong-gusto ko ang kapalit ng pagpapakopya.
45. Mali ang pagpapakopya na kahilingan ni Julio, ano pa ang kilos na hindi nagpapakita
ng pagmamahal sa bayan?
a. Pagpilit kay Julia na gawin ang isang bagay.
b. Paghingi ng tulong kay Julia na may kapalit.
c. Pananamantala ng pagkakaibigan nila ni Julia.
d. Pagtangkilik ni Julia sa mga gamit galing sa ibang bansa
46. Alin sa mga sumusunod ang sumasagot sa tanong na “Ano ang magagawa ko para sa bayan
at sa kapwa ko?”
a. Tumulong sa kaayusan ng komunidad at sa kapwa
b. Makisama sa mga barkada
c. Pakikiisa sa mga nananawagan ng reporma sa kalye.
d. Paglinis sa dumi sa labas ng bahay
47. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”?
a. Kaugaliang pagpasok nang eksaktong minuto sa nakatakdang oras ng okasyon
b. Kaugaliang pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras ng okasyon.
c. Kaugaliang pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras ng
okasyon.
d. Kaugaliang pagpasok ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon bago
pumunta.
48. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
a. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang
matitirahan.
b. Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang
hubugin ang ating mga kakayahan.
c. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa
ating bayang sinilangan.
d. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.

49. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang


kasangkapan?
a. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
b. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran

Page 6 of 7
c. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi
d. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani
50. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
a. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag
b. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proketong pangkalikasan
dahil sila ang may pondo.
c. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan
d. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.

“Hindi mo kailangan ng ibang tao para magkusa ka. Kung gusto mo talagang magtagumpay, sapat na ‘yong ikaw mismo ang
magkukusa para sa ikabubuti mo.”

Inihanda ni:

Jeffre A. Abarracoso
Guro

SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 11. B 21. A 31. A 41. B


2. B 12. D 22. D 32. C 42. D
3. D 13. C 23. C 33. B 43. A
4. C 14. B 24. A 34. A 44. A
5. B 15. B 25. B 35. C 45. D
6. C 16. D 26. D 36. A 46. A
7. C 17. C 27. C 37. A 47. D
8. A 18. A 28. D 38. C 48. D
9. D 19. D 29. A 39. C 49. A
10. A 20. C 30. B 40. C 50. C

Page 7 of 7

You might also like