You are on page 1of 6

EsP 10 3rd Grading

ESPIRITWALIDAD
1.. Kinikilalang the enlightened one o naliwanagan sa relihiyong Budismo
A. Diyos B. Buddha C. Muslim D. Kristo
2. Ito ay tumutukoy sa pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos na kung saan naihahayag ang kanyang
pagpupuri, pasasalamat, paghingi ng tawad at kahilingan sa Diyos.
A. pagninilay C. panalangin
B. pagtulong sa kapwa D. pagmamahal sa kapwa
3. Ito ay tumutukoy sa personal na ugnayan at pagtitiwala ng tao sa Diyos.
A.Paggalang B. Pananampalataya C.Pag-asa D. Pagmamahal
4. Ang banal na kasulatan ng mga kristiyano ay tinatawag na_____
A. Koran B. Eight fold paths C. Hajj D. Bibliya
5. Isa sa mga pamamaraan upang mas mapalalim pa ang ugnayan sa Diyos ay sa pamamagitan ng
pananahimik upang maunawaan ang mensahe ng Diyos sa ating buhay.
A. Pagsisimba B. Pagninilay C. Panalangin D. Pagtulong sa kapwa
6. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang halimbawa ng anong uri ng pagmamahal?
A. Affection B. Agape C. Romantic D. Philia
7. Ayon kay Apostol Santiago, “ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay”, ay
nangangahulugang_____.
A. Mahirap maligtas ang iyong kaluluwa kung magdarasal ka lamang.
B. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya.
C. Ipagdasal nating ang mga taong nagugutom.
D. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos.
8. Sa pananampalataya ay itinatalaga ng tao ang kanyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Ito ay
nagsasabing:
A. Ipinagpasa-Diyos na ng tao kung anuman ang mangyari sa kanya ng walang pagkilos.
B. Ito ang senyales sa tao na siya lamang ang maliligtas dahil sa kaniyang pananampalataya.
C. Inaamin ng tao ang kanyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang pupunuan ito ng
Diyos
D. Anumang gawin ng tao sa kaniyang buhay ay walang pakialam ang mga taong nakapaligid sa
kaniya.

9. Araw-araw ay nagsisimba si Mang Cardo at hindi nakalilimot na magdasal. Ganun pa man,


pinagmamalupitan niya ang kaniyang mga kasama sa bahay. Nagsasabuhay ba si Mang Cardo ng kaniyang
pananampalataya?
A. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasama.
B. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
C. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
D. Hindi, dahil kailangan sumasalamin ang ugnayan niya sa Diyos sa ugnayan niya sa kapwa.
10. Paano masasabi na ang tao ay nagmamahal sa Diyos?
A. Kung ang tao ay nagmamahal at naghihintay ng kapalit
B. Kung ang tao ay hinihiwalay ang kaniyang ugnayan sa kapwa
C. Kung ang tao ay nagmamahal sa kapwa na walang hinihintay na kapalit
D. Kung ang tao ay sarili lamang ang mahalaga sa kanya.
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng tunay at tamang pagtugon sa ugnayan ng tao
sa Diyos?
A. Ang ugnayan sa Diyos ay na isasabuhay sa pagbabalewala sa kapwa.
B. Ang ugnayan sa Diyos ay na isasabuhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa .
C. Ang ugnayan sa Diyos ay na isasabuhay sa araw-araw na pagsisimba.
D. Ang ugnayan sa Diyos ay na isasabuhay sa pagninilay.
12. Ang sumusunod ay naglalarawan ng tunay na may pananampalataya
A. Nagmamahal sa kapuwa.
B. Kumikilala lamang sa Diyos.
C. Palagiang nananalangin sa Diyos
D. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa
13. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Ano ang
kailangan niyang gawin?
A. Makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama
B. May gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom.
C. Manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom
D. Tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.
14. Anong hakbang ang maaaring gawin ni Joshua upang mas papalalim ang kanyang ugnayan sa Diyos?
A. Tumulong lang sa kapwa na alam nyang makaktulong din sa kanya balang araw.
B. Mangako sa Diyos na babalik sa paglilingkod sa Diyos kung tutuparin ang kanyang kahilingan
C. Pagtuunan ng pansin ang kanyang espirituwal na buhay sa pamamagitan ng panalangin,
pagbabasa ng Bibliya, at pagtulong sa kapwa.
D. Tatawag lang sa Diyos kung mayroong pagsubok na pinagdadaanan.
15. Si Maria ay isang aktibong miyembro ng kanilang simbahan. Isa sa mga pangunahing nyang gawain ay
ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan sa kanilang komunidad. Ano ang maaring maging
epekto nito sa kanilang komunidad?
A. Magiging kilala siya sa kanyang komunidad.
B. Magbibigay ng pag-asa sa buhay ng mga nangangailangan sa kanyang komunidad
C. Magiging kaibigan ni Maria ang mga nangangailangan.
D. Aasa na lamang sa tulong ni Maria ang mga tao sa kanyang komunidad.
(Basahin ang Sitwasyon para sa 16-17)
Si Joshua ay mag-aaral sa ikasampung baitang, sya ay nahaharap sa maraming pagsubok sa buhay. Dahil
dito, hindi na niya nakakausap ang kanyang mga kaibigan at wala na ring panahon para sa mga gawaing
pang simbahan. Pakiramdam ni Joshua ay hindi sya naririnig ng Diyos sa kanyang mga kahilingan.
16. Ano ang maaaring gawin ni Joshua upang muling maramdaman ang pagmamahal ng Diyos sa kanya?
A. Lumapit sa kanyang mga kaibigan at magbahagi ng kanyang mga problema upang matulungan.
B. Humingi ng tulong at gabay sa Diyos sa mga pagsubok na pinagdaanan.
C. Huwag pansinin ang mga problema at lilipas din naman.
D. Huminto na sa pag-aaral at guguluhin ang panahon sa gawaing pang simbahan.
17. Paano maipapakita ang tunay na diwa ng espiritwalidad?

A. Pagdarasal araw-araw B. Pagbabasa ng bibliya araw-araw


C. Pagsisimba D. Pagmamahal at mabuting ugnayan sa kapwa
EsP 10 3rd Grading
PANGANGALAGA SA BUHAY

1. Isa sa paglabag sa kasagraduhan ng buhay na dapat iwasan sapagkat ito ay pagkitil sa sariling buhay.
A. Euthanasia B. Suicide C. Abortion D. Paggamit ng bawal na gamot
2. Ito ang pinakamahalagang regalo ng Diyos sa bawat tao kaya dapat itong pahalagahan.
A. Dignidad B. Karapatan C. Buhay D. Pagpapahalaga

3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang prinsipyo na ito ay parehong may mabuti at masamang epekto sa
kilos ng tao.
A. Abortion B. Double Effect C. Suicide D. Mercy Killing
4. Ito ay mga ipinagbabawal na gamot na maaaring kumitil ng buhay ng isang taong lulong dito.
A. Euthanasia B. Suicide C. Abortion D. Droga
5. Ito ang karaniwang nagiging dahilan kung bakit nagagawa ng tao ang paglabag sa kasagraduhan ng
buhay sa paraan ng pagpapatiwakal.
A. Pagkagumon sa Droga B. Pagsusugal C. Pagkakautang D. Kawalan ng Pag-asa
6. Sa isyu ng aborsiyon ay mayroong magkasalungat na posisyon ang publiko ukol dito. Alin sa mga ito ang
naninindigan na “ang fetus ay hindi pa maitutring na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang
mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kaniyang ina.”
A. Pro-life B. Pro-choice C. Induced Abortion D. Miscarriage
7. Bakit itinuturing na ang buhay ng bawat tao ay sagrado?
A. Ang Diyos ang nagkaloob ng isip sa tao.
B. Ang Diyos ang nagkaloob ng tinitirahan ng tao.
C. Ang Diyos ang nagkaloob ng buhay ng tao at nilikha ayon sa Kanyang wangis.
D. Ang Diyos ang nagkaloob ng makakasama ng tao.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaalala sa atin na hiram lamang ang ating buhay at moral na
obligasyon natin sa Diyos na ito ay pahalagahan?
A. Katotohanan B. Paggalang C.Pananampalataya D. Pagpapahalaga sa buhay
9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa at pagpapahalaga sa buhay maliban sa
A. Pag tanggi sa labis na pagkunsumo ng alak.
B. Pagpapanatili ng positibong pananaw sa kabila ng mabigat na pinagdaanang pagsubok sa
buhay
C. Pagbili at paggamit ng pinagbabawal na gamot para alerto sa trabaho.
. D. Pangangalaga sa kalusugan at mental health
10. Aling sitwasyon ang naglalarawan sa euthanasia o mercy killing?
A. Nalalag ang sanggol dahil sa pagkakadulas sa hagdan.
B. Pag-inom ng labis na alak upang makalimot sa problema.
C. Pagpapainom ng gamot upang makapagpahinga na habang buhay ang taong may malubhang
sakit.
D. Paggamit ng gamot na may preskripsyon ng doctor.
11. Isang ina ang nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang pagbubuntis at kinakailangan ang agarang
operasyon upang iligtas ang kanyang buhay at buhay ng kanyang sanggol. Ngunit mahaharap sa panganib
ang sanggol habang isinasagawa ang operasyon. Sa sitwasyon na ito ay kailangang pumili kung buhay ng
sanggol o ng ina ang ililigtas. Ang sitwasyong ito ay naglalarawan ng
A. Pro-choice B. Aborsyon C. Prinsipyo ng double effect D.Pro-life

12. Ang iyong kaibigan ay nabuntis ng kaniyang kasintahan dahil sa kanilang kapusukan at kapabayaan.
Ikaw lamang ang tanging pinagsabihan at natatakot na malaman ng kaniyang mga magulang. Alin ang
pinakamainam na dapat gawin?
A. Sasabihin sa kaibigan na ipagsawalang bahala sapagkat pagbubuntis lamang iyon
B. Papayuhan ang kaibigan na hikayatin ang kasintahan na magtanan.
C. Ipapaunawa sa kaibigan na problema ito ng kanyang kasintahan kaya’t siya lamang ang
makalusat
D. Hihihikayatin ang kaibigan na ipagbigay alam ito sa magulang at tanggapin ang
pagkakamaling nagawa at magsilbing aral sa bawat isa.
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng paggalang sa buhay?
A. Pagkilala sa kakayahang makapag-ambag sa lipunan.
B. Pagkilala sa natatanging tungkulin ng ating kapwa sa pagpapalago sa atin.
C. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao na mabuhay.
D. Pagkilala sa tungkuling alagaan ang ating kalusugan
14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epekto ng alkolismo?
A. Pagkabangga dahil sa labis na kalasingan. C. Pagkakaroon ng pag-aaway -away at gulo
B. Pagkakasakit sa atay. D. Pagkakaroon ng blank spot sa utak.

15. Paano makakatulong ang isang Kabataang tulad mo sa mga Kabataang nawawalan na ng pag-asa sa
buhay at nagnanais na magpatiwakal?
A. Hikayatin na magsimba
B. Makinig sa kanyang mga saloobin at ipakita na ang lahat na may masa magandang plano ang
Diyos.
C. Paggalitan na itigil na mag-isip ng negatibo at ayusin na lang ang pag-aaral
D. Ayain siyang uminom ng alak upang makalimutan ang problema.
16. Ikaw ay naatasang gumawa ng proyekto para maiwas ang mga kabataan sa paggamit ng gamot. Ano
ang maaari mong gawing proyekto ?
A. Maggawa ng liga tuwing bakasyon
B. Pamimigay ng libreng gamit pampasok
C. Feeding Program
D. Pagbuo ng samahan na may layuning mapaunlad ang hilig at talento ng mga Kabataan.
EsP 10 3rd Grading
PANGANGALAGA SA BUHAY
1. Ito ay binubuo ng mga katangi-tanging kaugalian, paniniwala at batas na siyang pagkakakilanlan ng
isang bansa.
A. Sagisag ng bansa B. Kultura C. Nasyonalismo D. Patriyotismo
2. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal sa bayang sinilangan.
A. Patriyotismo B.Nasyonalismo C. Patriotiko D. Nasyonalistiko
3. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo
A. Katatagan at kasipagan C. Kabayanihan at katapangan
B. Pinagkopyahan o pinagbasehan D. Pinagmulan o pinanggalingan
4. Ito ang nangingibabaw na gampanin ng pamilya na siyang tutugon sa inaasam sa kabutihang panlahat.
A. Kaayusan B. Katarungan C. Kapayapaan D. Kasipagan
5. Ang mga sumusunod ay bunga ng pagmamahal sa bayan maliban sa isa.
A. Daan upang makamit ang mga layunin na gustong maisakatuparan.
B. Pinagbubuklod ang mga tao sa lipunan.
C. Ang kultura, paniniwala at tradisyon at pagkakakilanlan ay napahahalagahan.
D. Iniingatan at pinahahalagahan ang karapatan ng mga mamamayang mayayaman.
6. Alin sa mga sumusunod ang nakapaloob sa panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
A. Mga Opinyon na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan
B. Mga Pananaw na Indikasyon ng Pagmamahal sa bayan
C. Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa bayan
D. Mga Birtud na Indikasyon ng Pagmamahal sa bayan
7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasad kahalagahan ng pagmamahal sa bayan ?
A. Ang tao ay umiiral upang magdesisyon kung kailan lamang gustong makipagkapwa
B. Ang tao ay umiiral lamang para sa pansariling kapakanan.
C. Ang tao ay umiiral na walang responsibilidad sa kanyang kapwa.
D. Ang tao ay umiiral na nagmamahal na kasama ang kapwa.
8. Ang pagsasabuhay ng paggalang sa karapatan ng kapwa na naglalayong mapabuti ang ugnayan ng
bawat mamamayan ay kabilang sa dimensiyong?
A. Pang-ekonimiya B. Panlipunan C. Pampolitikal D. Pangkaisipan
9. Ang anyo at kalagayan ng isang lipunan ay salamin ng mga uri ng mamamayang mayroon ang isang
bayan.
A. Tama dahil ang mamamayan ay bahagi ng kanyang bayan.
B. Tama dahil mamamayan ang siyang nagtatakda ng buhay at kapalaran ng isang bansa.
C. Mali dahil nakadepende ito sa lider na mayroon ang isang bansa
D. Mali dahil nakasalalay ito sa uri ng Sistema ng pamahalaan na umiiral sa isang bansa
10. Kung ikaw ay nandaya sa isang pagsusulit, alin sa mga sumusunod ang HINDI niya naisakatuparan
na pagpapahalaga na ng pagmamahal sa bayan?
A. Katarungan B. Pananampalataya C. Katotohanan D. Kapayapaan
11. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
A. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mayayaman at may kapangyarihan sa lipunan.
B. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mahihirap at nasa laylayan sa lipunan..
C. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang politiko at kilala sa lipunan.
D. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang lahat ng tao sa lipunan
12. Alin sa mga sumusunod ang maaring epekto kung patuloy na nangingibang bansa ang ating mga
kababayan?
A. Pag-unlad ng turismo C. Pagbaba ng bilang ng mga propesyonal ng bansa
B. Pag-unlad ng lokal na produkto. D. Pagdami ng mga dayuhang namumuhunan
13. Ang korapsyon at pagkamakasarili ay nakakaapekto sa pag-unlad sa bansa sapagkat
A. Nagiging sanhi ito ng kawalan ng paggalang sa batas.
B. Nagiging sanhi ito ng kahirapan at kaguluhan.
C. Nagiging sanhi ito ng hindi magandang halimbawa sa mga kabataan
D. Nagiging sanhi ito ng pagtitiwala ng mamamayan sa pamahalaan.
14. Alin sa mga sumusunod na angkop na kilos nagpapamalas ng pagmamahal sa Bayan ang HINDI pa
maaaring gawin isang mag-aaral na tulad mo?
A. Pumila ng maayos C. Mag-aaral ng mabuti
B. Bumuto ng maayos tuwing eleksyon. D. Awitin ang pambansang awit na may paggalang
15. Isang indikasyon ng pagmamahal sa bayan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Paano
mo ito maisasabuhay?
A. Pagtapon ng basura sa tamang lugar. C. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo
B. Tapusin ang mga itinakdang gawain D. Pagdadasal sa mga pinuno ng bansa.
16. Paano mo maisasabuhay ang katarungan na isang indikasyon ng pagmamahal sa bayan?
A. Pagbabayad ng tamang buwis. C. Pagtulong sa proyekto ng pamahalaan.
B. Pagmamano sa nakakatanda D. Pag-iwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

You might also like