You are on page 1of 7

Republic of The Philippines

Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Norte
BANGUI NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangui
_________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKATLONG PAGSUSULIT
S.Y 2022-2023

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang TITIK ng pinakaangkop na sagot at isheyd
ang sagot sa sagutang papel sa loob ng isang oras. Isang (1) puntos bawat bilang

1. Ano ang tumutukoy sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos at isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin
ang katotohanan sa pagkatao?
A. Espiritwalidad B. Pag-ibig C. Panalangin D. Pananampalataya

2. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?


A. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
B. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa.
C. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
D. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.

3. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
B. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
C. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
D. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.

4. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?


A. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
B. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
C. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
D. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita.

5. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog
sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali.
Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang
kapuwa.

6. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng aral ng Budismo?


A. Pag-aayuno.
B. Pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t isa.
C. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.
D. Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad.

7. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam. Ang sa mga
sumusunod ang sakop ng Limang Haligi ng Islam?
I. Pagdarasal II. Pag-aayuno III. Pagninilay IV. Pagsamba

A. I at II B. II at III C. I, II, III D. I, II, IV


8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng buhay na pananampalataya?
I. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
II. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa.
III. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos.
IV. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.

A. I, II, III B. I, III, IV C. I, II, IV D. II, III, IV

9. Alin sa mga sumusunod ang mahahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo?


I. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
II. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
III. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
IV. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay.

A. I, II, III B. I, III, IV C. II, III, IV D. I, II, IV

10. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pangungusap
ay nagpapahayag ng alin sa mga sumusunod?
A. Tama, dahil dapat hindi mahalin ang kapuwa.
B. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
C. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba.
D. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapuwa.

11. Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang matutuluyan dahil naanod ng baha ang kanilang
bahay. Ano ang dapat na gawin?
A. Hindi sila papansinin.
B. Tatanggapin sila ng maayos.
C. Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
D. Sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.

12. Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang malayong lugar, lagi siyang nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Ano
ang marapat na gawin?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
C. Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
D. Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?


A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na mahuli sa usapan natin.”
D. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana kasi umalis ka ng bahay nang mas maaga.”

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng makabuluhang pakikipagkapuwa?


I. Kakayahan ng taong umunawa.
II. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa.
III. Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan.
IV. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan.

A. I at II B. II at III C. I, II, IV D. II, III, IV

15. Alin ang wastong pag-uugali sa pakikitungo sa kasambahay o katulong?


A. Mahalin at igalang din sila.
B. Sigawan at palaging pagalitan.
C. Mag-utos ng sunud-sunod dito.
D. Magsumbong sa mga magulang ng hindi totoo tungkol dito.

16. Anong uri ng pagpatay sa sarili ang isinasagawa sa iba’tibang paraan at ito rin ay labag sa ikalimang utos ng ating
Panginoon?
A. Aborsyion B. Mercy killing C. Paninigarilyo D. Suicide

17. Anong gawain ang nakakasira sa ating baga na kung hindi maagapan ay magiging kanser sa baga?
A. Aborsiyon B. Euthanasia C. Paggamit ng droga D. Paninigarilyo
18. Anong uri ng pagpatay ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan?
A. Aborsiyon B. Hazing C. Miscarriage D. Sapilitan

19. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng paggamit ng droga?


I. Balisang pagtulog
II. Sobrang kalikutan
III. Delusyon sa kapangyarihan
IV. Napatinding pagka-agresibo

A. I, II B. II, III C. I, II, III D. I, II, III, IV

20. Anong uri ng pagpatay na kung saan ang paraan ay ayon sa kagustuhan ng isang pasyente upang wakasan ang
nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng lunas?
A. Hazing B. Mercy killing C. Paninigarilyo D. Suicide

Para sa bilang 21-22: Basahin at unawaing mabuti ang talata.

The Lifeboat Exercise


Hango sa aklat ni William Kirkpatrick
Why Johnny Can’t Tell Right from Wrong: And What We Can Do About It (1992).

Sa isang klase, nagbigay ng sitwasyon ang guro upang mapag-isipan ng mga mag-aaral. Ayon sa kaniya, isang
barko ang nasiraan sa gitna ng karagatan at nanganganib nang lumubog. Dahil dito, ihinanda ng mga tauhan ng barko ang
mga lifeboat upang mailigtas ang mga pasahero. Ngunit limitado lamang ang bilang nito at hindi lahat ng mga pasahero ay
makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan ito na may maiiwan at di tiyak ang kanilang kaligtasan. Nagbigay ang
guro ng maikling paglalarawan ng mga nasa loob ng barko. Kabilang dito ang mag-asawa at ang kanilang anak, accountant,
manlalaro ng basketball, guro, doktor, inhinyero, artista, mang-aawit, pulis, sundalo, isang batang Mongoloid, matandang
babae, at marami pang iba. Mula sa nabanggit, dapat pumili ang mga mag-aaral kung sino-sino ang mga sasakay sa
lifeboat at ang mga maiiwan sa barko.

21. Sa pahayag na “Limitado lamang ang bilang ng mga lifeboat at hindi lahat ng mga pasahero ay makagagamit nang
sabay-sabay. Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang kaligtasan,” ano ang dapat na maging
kaisipan ng taong may hawak ng lifeboat?
A. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.
B. Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin.
C. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan.
D. Mahalaga ang edad sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng sasakay sa lifeboat.

22. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa kasagraduhan ng buhay?
A. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay.
B. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.
C. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay.
D. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.

23. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda,
hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at
wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon.” Ano ang mahalagang diwa ng isinasaad
ng pahayag?
A. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.
B. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal.
C. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan.
D. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay.
24. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
A. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral.
B. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan
bilang tao.
C. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at
iba pang nilikha.
D. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa
kaniyang paligid.

25. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral. Tama ba
ang pangungusap?
A. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.
B. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawi, at kilos.
C. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal.
D. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan sa kaniyang
paligid.

26. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


A. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan.
B. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan.
C. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao.
D. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kanyang mga
kakayahan.

27. Alin ang angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


I. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
II. Paggawa ng paraan upang makatuling sa mga suliranin ng bansa.
III. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
IV. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.

A. I, II, III B. I, III, IV C. I, II, IV D. I, II, III, IV

28. Ano ang kahulugan ng ‘pater’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. Katatagan at kasipagan
B. Kabayanihan at katapangan
C. Pinagmulan o pinanggalingan
D. Pinagkopyahan at pinagbasehan

29. Alin sa mga sumusunod ang indikasyon ng pagmamahal sa bayan?


I. Pagpapahalaga sa buhay
II. Pagsulong sa kabutihang panlahat
III. Laging inuuna ang pansariling kapakanan
IV. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa

A. I, II, III B. I, III, IV C. I, II, IV D. I, II, III, IV

30. Ano ang tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may
pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon?
A. Kalayaan B. Katarungan C. Nasyonalismo D. Patriyotismo

31. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda?
A. Pagmamano at pagsabi ng po at opo.
B. Paghingi ng tulong sa mga nakatatanda.
C. Pagtulong sa mga nakatatanda kapag kinakailangan.
D. Pag-iwan sa mga nakatatanda kapag may sariling pamilya.

32. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”?


A. Pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras.
B. Pagpasok limang minuto bago ang nakatakdang oras.
C. Pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras.
D. Kaugalian ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon bago pumunta.
33. Saan nakapaloob ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng mga Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa
bayan?
A. 1879 Konstitusyon ng Pilipinas C. 1978 Konstitusyon ng Pilipinas
B. 1789 Konstitusyon ng Pilipinas D. 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

34. Ano ang tanda ng kaisipang “tayong lahat ay magkakasama sa pag-unlad bilang isa”?
A. Pagiging mabuting mamamayan. C. Pagiging responsableng mamamayan.
B. Pagiging masamang mamamayan. D. Pagiging malayang mamamayan ng bansa.

35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamayan ay may pagmamahal sa bayan?
A. Tinatangkilik ang produkto ng ibang bansa.
B. Tumutulong sa kapwa kapag may nakakakita.
C. Umaasa sa gagawin ng bansa para sa kanya.
D. Naglilingkod sa bayan at sa kapwa na walang kapalit.

36. Alin sa mga sumusunod ang ipinapahiwatig sa tanong na “Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapwa ko”?
A. Kaayusan B. Kabayanihan C. Kalayaan D. Pagkakaisa

37. Ang taong may pinag-aralan ay HINDI kailanman gagawa ng anumang paglabag sa batas ng lipunang kinabibilangan.
Tama ba ang pangungusap?
A. Tama, dahil natutuhan niya sa paaralan kung paano gawan ng paraan upang mahanapan ng solusyon ang bawat
problemang kinakaharap.
B. Tama, dahil lahat ng mga taong may pinag-aralan ay inaasahang igagalang ng mga tao at gagawin ang lahat para sa
ikabubuti ng mamamayan.
C. Hindi, dahil hindi lahat ng taong may pinag-aralan ay gumagawa ng paraan upang mabgyan ng solusyon ang
problemang kinakaharap ng bayan.
D. Hindi, dahil ilan lang sa mga may pinag-aralan ay ginagawa ang responsibilidad para sa bayan.

38. Sa anong dimensiyon ng tao nabibilang ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa?


A. Ispiritwal B. Moral C. Pangkatawan D. Pangkaisipan

39. Bakit sinabing ang pagbebentan ng boto ay HINDI paraan ng pagpapakitan ng pagmamahal sa bayan?
A. Dahil ito ay para sa sarili lamang.
B. Dahil ito ay ipinagbabawal ng batas.
C. Dahil mali ito sa mata ng ating Diyos.
D. Dahil ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa ng tama.

40. Isa si Jana sa mga kabataang pwede nang bumoto. Agad siyang nagparehistro para sa paparating na halalan. Nang
dumating ang araw ngkampanya, kinausap siya ng kanyang mga magulang na ibenta niya ang kanyang boto upang
magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Dahil dito nalilito si Jana kung ano ang kanyang gagawin. Kung ikaw si Jana, ano
ang marapat mong gagawin?
A. Ibebenta ko ang aking boto para sa pera
B. Hindi ko ibebenta ang aking boto dahil mali ito
C. Susundin ko ang utos ng aking mga magulang
D. Hindi nalang ako boboto para sa aking kaligtasan

41. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang marapat na gawin upang maipakita ang pagmamahal sa bayan?
A. Mag-aral nang mabuti
B. Tulungan ang kapwa at humingi ng kapalit
C. Sundin lahat ng mga utos ng mga nakatatanda
D. Gawin lahat ng mga pinapagawa ng guro sa paaralan

42. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang kailangang linangin ng mga Pilipino sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa
bayan?
A. Pagpanggap na may dugong banyaga
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
C. Pagtulong sa kapwa kapag may inaasahang kapalit
D. Paggamit sa mga kagamitang galling sa ibang bansa

43. Anong paglabag ng pangangala ng kalikasan ang tumutukoy sa malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakakaapekto
sa panahon at nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima?
A. Illegal na pagputol ng mga kayo. C. Global warming at climate change.
B. Kumersiyalismo at urbanisasyon. D. Pulosyon sa hangin tubig at lupa.

44. Anong paglabag sa pangangalaga ng kalikasan ang hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-
ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan?
A. Polusyon sa hangin, tubig at lupa.
B. Malabis at mapanirang pangingisda.
C. Pagconvert ng mga lupang sakahan.
D. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan.

45. Alin sa mga sumusunod na paglabag ang tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na
pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga?
A. Climate change B. Global warming C. Kumersiyalismo D. Urbanisasyon

46. Alin sa sumusunod ang marapat na gawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya
mo para sa kalikasan?
A. Magdasal para sa pagtaas ng ekonomiya ng bayan.
B. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
C. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng malaki.
D. Lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa ilog.

47. Alin sa mga sumusunod ang TAMANG pagtrato sa kalikasan?


A. Pagsusunog sa mga basura.
B. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
C. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
D. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.

48. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan. Ano ang kahulugan ng pangungusap?


A. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
B. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
C. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
D. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.

49. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?
A. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi.
B. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.
C. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

50. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?


A. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan.
B. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag.
C. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proketong pangkalikasan dahil sila ang may pondo.
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing
pangkalikasan.

Prepared by:

GEMARIE M. GARCIA JEAN THERESSA S. GARAZA FERNANDO D. VUIDA JR.


Subject Teacher Subject Teacher Subject Teacher

Checked by: Approved by:


HERI BERT B. PASCUA JOEL B. MANUEL
Head Teacher III School Principal IV

You might also like