You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________________


Taon at Pangkat : ________________________________________ Iskor: _____________________________

I. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

___1. Ang malaya at personal na ugnayan ng tao sa Diyos na tanggapin ang katotohanan ng
presensiya nito sa kanyang buhay at pagkatao ay tinatawag na ______
a. relihiyon b. pananampalataya c. pananalangin d. espiritwalidad

___2. Ang pagmamahal ng Diyos ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Sa kabila ng


pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao, patuloy pa rin niya itong minamahal dahil ang TAO
ay mahalaga sa Kaniya. Ang pagmamahal na ito ay tinatawag na
a. Eros b. Agape c. Philia d. Affection

___3. Bakit mahalagang taglayin ng tao ang pagmamahal sa Diyos?


a. Nagbibigay ito ng lakas ng loob at nagiging daan ito upang makamit ang kabutihan ng tao.
b. Pinadadalisay nito ang puso ng bawat tao upang magmahal ng ganap.
c. Nababago nito ang kamalayan at paniniwala ng tao.
d. Lahat ng nabanggit

___4. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay
sinungaling.” Ang pahayag ay _______
a. Tama, dahil dapat na mahalin ang kapwa.
b. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
c. Tama, dahil maipapakita ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa.
d. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.

___5. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang pagsisimba o pagsamba?


a. Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng mga turo o aral nito.
b. Upang makapagbigay ng papuri, paghingi ng tawad, pasasalamat at humiling sa Kaniya.
c. Upang malaman ng tao ang tunay na kahulugan ng kaniyang paglalakbay sa mundong ito.
d. Upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot niya mula sa pagsamba.

___6. Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang buhay ng tao sa pamamagitan ng _______.


a. Pagpapatibay ng isip at paghubog ng kilos-loob c. Pagsusuri ng sariling buhay
b. Pagsasabuhay ng mga biyaya ng Espiritu d. Lahat ng nabanggit

___7. Isa ito sa mga paraan upang mapangalagaan ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos at
nakatutulong ito sa tao upang maunawaan niya ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
a. Pagsisimba b. Panalangin c. Pagninilay d. Pag-aaral ng salita ng Diyos

___8. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya sa Diyos maliban sa :


a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos c. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos
b. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa

___9. Ang mga sumusunod ay angkop na konsepto ng Pagmamahal sa Diyos maliban sa ___
a. Ang pagmamahal sa Diyos ay ang malayang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
b. Ang pagmamahal sa Diyos ay ang aktuwal na pagkaranas sa kabutihan, kapangyarihan, at pag-
ibig Niya na ibinabahagi natin sa kapuwa.
c. Ang pagmamahal sa Diyos ay ang nagaganap lamang sa buhay ng isang tao bunga ng kanyang
relihiyong kinaaniban.
d. Ang pagmgmamahal sa Diyos ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.
__9. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cita at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng
Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Cita sa kaniyang kasambahay.
Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Clara ng pagmamahal
sa Diyos?
a. Hindi, dahil siya ay malupit sa kaniyang kasambahay.
b. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
c. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
d. Hindi, balewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kasambahay.

___10. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos?


a. Si Larissa na mayaman ngunit mapagmataas sa kapwa.
b. Si Axle na may kapansanan at kinamumuhian ang kalagayan paminsan-minsan.
c. Si Sheryl na puno ng pagsubok ang buhay ngunit patuloy na nakikibaka at nagtitiwala.
d. Si Frankie na matalino kung kaya’t hindi nagpapatalo sa mga taong nakapaligid sa kanya.

___11. Si Marianne ay mula sa mahirap na pamilya. Marami ng pagsubok ang dumating sa kaniyang
buhay ngunit patuloy siyang umaasa na darating ang panahon ay malalagpasan niya ang mga
pagsubok na ito? Anong katangian ang tinataglay ni Marianne?
a. Pagkakaroon ng negatibong pananaw c. Pagkakaroon ng determinasyon sa buhay
b. Pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos d. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili at sa Diyos

___12. Ang pananampalataya ay katiyakan sa mga bagay na ating inaasahan. Ito ang katunayan ng
mga bagay na hindi natin nakikita. Alin sa mga sumusunod ang kaugnay nito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay nagtitiwala at naniniwalang may Diyos.

___13. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa Diyos ngayong panahon ng pandemya?


a. Patuloy na pagdarasal at pakikipag-ugnayan sa Diyos.
b. Patuloy na naglilingkod sa kapwa sa tulong ng grasya at lakas ng Diyos.
c. Patuloy na ginagawang inspirasyon ang kabutihan at kapangyarihan ng Diyos.
d. Patuloy na nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na magkakaroon ng lunas ang pandemya.

___14. Ang pagdarasal tuwing bago magsimula ang pang-araw-araw na gawain ay;
a. nagpapasiguro sa atin ng kaligtasan at proteksyon sa maghapon.
b. nagbibigay-lakas sa atin upang matutong mabuhay ng marangal.
c. nagpapaalala sa atin na tayo ay mahal ng Diyos at lagi siyang nakabantay.
d. nagiging magandang babae o lalake tayo sa paningin ng tao kapag tayo ay nagdadasal.

___15. Si Jerome ay may matinding sakit. Nakapagpatingin na siya sa iba’t ibang espesyalista ngunit
hindi pa rin nabibigyan ng lunas ang kanyang sakit. Kung ikaw si Jerome, ano ang gagawin mo?
a. Kamumuhian ko ang aking sarili.
b. Hindi ko iinumin ang gamot sa aking sakit.
c. Maghihintay na lamang ako ng aking kamatayan.
d. Magdarasal sa Diyos at hindi mawawalan ng pag-asa.

___16. Mahal na mahal ni Jam ang kanyang ama. Isang araw, habang siya ay nasa paaralan,
nakatanggap siya ng balita na naaksidente ang kaniyang ama at agad na binawian ng buhay. Labis
ang pagdadalamhati niya. Masakit man sa kalooban, buong tatag na tinanggap niya ang nangyari
at umaasang sa grasya ng Diyos ay malalampasan ng kanilang pamilya ang trahedyang ito.
Nagsasabuhay ba si Jam ng kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil hindi na niya maaaring maibalik pa ang buhay ng ama.
b. Hindi, dahil nabalewala ang buhay ng kaniyang ama ng hindi nila inaasahan.
c. Oo, dahil kailangan pa ring ituloy ang buhay ng may katatagan at pagtitiwala sa Diyos.
d. Hindi, dahil ang pagkamatay ng kaniyang ama ay labis na nakaapekto sa kaniya at sa pamilya.

___17. Ito ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga ng tao, dakilang kaloob ng Diyos sa tao
upang gumawa at makapag-ambag sa lipunan na dapat pangalagaan, ingatan at palaguin.
a. Buhay b. Kaibigan c. Damdamin d. Karapatan
___18. Paglabag sa buhay na tumutukoy sa pag-alis ng “fetus’ o sanggol sa sinapupunan ng ina.
a. Suicide b. Aborsiyon c. Mercy Killing d. Organ Transplant

___19. Alin sa mga isyu ang may kinalaman sa paggalang sa buhay ng tao na naglalayong maibsan
ang dinaranas na paghihirap (suffering) dulot ng malubhang (terminal) sakit sa pamamagitan ng
direkta o hindi direktang pagkitil sa buhay ng tao?
a. Murder b. Suicide d. Alkoholismo d. Mercy Killing

___20. Ito ay medical na proseso na naglalayong ihiwalay ang genes at baguhin ito upang magamit
ng maayos, ihanda ang genes upang ilipat sa ibang host at lumikha ng bago o parehong nilikha.
a. Aborsiyon b. Euthanasia c. Organ Transplant d. Genetic Engineering

___21. Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
a. Aborsiyon b. Euthanasia c. Genetic engineering d. Pagpapatiwakal/Suicide

___22. Ang mga sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
A. nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa C. nagpapahina ng enerhiya
B. nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit D. nagpapabagal ng isip

___23. Bakit ang aborsiyon sa Pilipinas ay itinuturing na paglabag sa paggalang sa buhay ng tao?
a. Maraming tao ang nagnanais magkaroon ng anak.
b. Pag-iwas ito sa bunga ng isang moral na kilos na dapat gampanan.
c. Taliwas ito sa kahulugan at layunin ng buhay ng tao na pangalagaan ang kaloob ng Diyos.
d. Nalalagay sa alanganin ang buhay o bingit ng kamatayan ang isang babae gumagawa nito.

___24. Alin ang pinakadahilan kung bakit hindi sang-ayon ang iba sa genetic engineering?
a. Maaaring makaapekto ito sa kalusugan ng tao.
b. May direktang pagkontrol ito sa banal na kaganapan ng tao.
c. Kailangan pa ng mas masusi at matalinong pag-aaral ukol dito.
d. Kailangan ng malaking halaga para maisagawa ang prosesong ito

___25. Bakit mahalagang matukoy at maunawaan ng tao ang mga paglabag sa kasagraduhan ng
buhay?
a. Upang maiwasan ng mga kabataan ang mga gawaing ito sa kanilang buhay.
b. Upang makabuo ng mga argumento o posisyon tungkol sa mga paglabag sa buhay.
c. Upang magkaroon ng kamalayan ang kabataan sa magiging sanhi at bunga ng mga paglabag
sa buhay.
d. Upang maihanda ang mga kabataan sa mga isyung may moral na implikasyon at makabuo ng
moral at matibay na paninindigan sa hinaharap.

___26. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay at katawan na magagamit niya sa kanyang
kaganapan.
b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilkha ayon sa Likas na Batas
Moral.
c. May kakayahang hanapin, alamin at unawain at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng
mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa at magpahalaga sa
kaniyang sarili, kapuwa at iba pang nilikha.

___27. Aling batayan sa paghubog ng paninindigan tungo sa moral na pagpapasiya sa buhay ang
kumakatawan sa pansariling paghubog ng tamang katwiran at mapanuring kaisipan?
a. Unibersal b. Institusyonal c. Natural d. Personal

___28. “Ang buhay ng tao ay sagrado o banal.” Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa pahayag
na ito?
a. Ang buhay ng tao ay dapat pangalagaan, ingatan at palaguin .
b. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang sarili at makapaglingkod sa iba.
c. Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay.
d. Ang buhay ng tao ay kaloob mula sa Diyos, bawat isa ay may karapatang mabuhay at igalang.

___29. Kailangang igalang ang buhay dahil ito ay pagpapakita ng ____________.


a. Pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa c. Pag-iwas sa kasalanan
b. Pag-unawang mahalaga ang buhay d. Wala sa nabanggit
___30. Ang isyu sa ABORSIYON ay may magkasalungat na posisyon. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI nagtataguyod ng kasagraduhan ng buhay?
a. Ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) at ang pagkitil sa buhay ng
isang sanggol ay masama.
b. Ang lahat ng sanggot ay may karapatang mabuhay at may mahusay na potensiyal na maging
kapaki-pakinabang sa lipunan.
c. Ang katawan ng isang babae ay bahagi ng kaniyang sarili at nararapat na siya ay maging
malaya sa kung ano ang nais niyang gawin sa kanyang katawan.
d. Kung magiging katanggap-tanggap ang aborsiyon sa lipunan, maaaring maging regular na
solusyon o paraan ito upang hindi ituloy ang pagbubuntis.

___31. Si Aina ay may negatibong pananaw sa buhay. Lagi niyang ikinukwento na kaya may buhay
ang tao ay upang maranasan nito ang kaligayahan anuman ang paraan ng pagkamit nito. Kung
ikaw ang kaibigan ni Aina ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin ko sa kanya na ang buhay ay hindi mawawalan ng pagsubok at hindi laging masaya.
b. Sasabihin ko sa kanya na ang buhay ay dapat pahalagahan, ingatan at gawing produktibo.
c. Sasabihin ko sa kanya na paminsan-minsan lang dapat maging maligaya.
d. Sasabihin ko sa kanya na tama ang kanyang pananaw.

___32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtitibay ng tao sa moral na paninindigan
upang maitaguyod niya ang kahalagahan ng buhay?
1.-unawain at suriin ang mga isyu at Gawain tungkol dito
2- gawing batayan ang pag-unlad at paglago ng kabuhayan
3- makinig at sundin ang mabuting halimbawa ng ibang tao
a. 1 lamang b. 2 lamang c.1 at 3 d.1, 2, at 3

___33. Paano naipapakita ng tao ang pagpapahalaga sa buhay?


a. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa tunay na layunin nito at pagpapahalaga upang maging
makabuluhan ito.
d. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga suliranin na maaaring makasakit sa sarili at kapwa.
b. Sa pamamagitan ng pagiging matagumpay.
c. Sa pamamagitan ng pagiging tanyag.

___34. Ang “Fallen 44” ay karumal-dumal na pinatay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa
pangyayaring ito, ano ang ipinagwalang-bahala ng nasabing grupo?
a. Dignidad ng Tao c. Pagmamahal sa Diyos
b. Kasagraduhan ng Buhay d. Kahalagahan ng Paggawa

___34. ”May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng
pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila
ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at wala sa tamang pag-iisip sa oras na ginawa nila iyon.
“Ano ang mahalagang diwa ng isinasaad ng pahayag?
a. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang
buhay.
b. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang
pinagdaraanan .
c. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal.
d. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.

___35. Kapag ang tao ay gumon sa ipinagbabawal na gamot, ang isip ng tao ay nagiging “blank
spot, ” ito ay nangangahulugang
a. nahihirapan ang isip na magproseso ng iba’t ibang impormasyon na dumadaloy sa isip.
b. nakikipag-away na humahantong sa pisikal na sakitan at nauuwi sa krimen.
c. nag-iiba ang pag-uugali at kawalan ng pokus sa ginagawa.
d. wala sa nabanggit

___36. Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa argumento ng “Pro-Choice? ”


a. Ang sanggol ay itinuturing n isang tao mula sa sandali ng paglilihi ng babae.
b. Ang aborsiyon ay ligtas na pamamaraan para sa mga “battered” women o asawa.
c. Hindi maituturing na pagpatay ng isang fetus ang pagpapalaglag dahil umaasa pa ito sa
katawan ng kaniyang ina.
d. Sa kaso ng rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala ng kaniyang
karanasan kaya maaari itong ipalaglag.
___37. Masama ba ang pagpapatigil sa paggamit ng life-support system sa isang pasyente na
nagdudugtong sa buhay ng tao?
a. Oo, sapagkat ito ay tanda ng kawalan ng pagmamalasakit.
b. Oo, sapagkat ito ay itinuturing na assisted suicide upang wakasan ang buhay ng isang pasyente.
c. Hindi, sapagkat ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa proseso ng kamatayan at hindi ito
tuwirang naglalayong pumatay.
d. Hindi, sapagkat karapatan ng pamilya ng pasyente na magpasyang ipaalis ang life-support system
sa nahihirapang mahal sa buhay.

___38. May malubhang sakit ang isang nagdadalang-tao ina. Sa pagsusuri ng doktor, kailangang
alisin ang kanyang bahay bata na maaaring magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang
sinapupunan. Maituturing bang halimbawa ng aborsyon ang gagawing proseso ng doktor?
a. Hindi, sapagkat hindi naman kagustuhan ng ina na siya ay magkasakit.
b. Oo, sapagkat ligtas ang pamamaraang medikal at may maliligtas pa rin namang buhay.
c. Hindi, sapagkat may kalayaang magpasiya ang isang babae sa kondisyon ng kaniyang katawan.
d. Oo, sapagkat tuwirang nilalabag nito ang pamantayan at obligasyong moral na ingatan ang
kabanalan ng buhay.

___39. Ang patriyotismo/pagmamahal sa bayan ay ang pagpapakita ng pag-uugnay ng sarili sa


bayan at pagmamalasakit sa kapakanan nito. Upang magawa ito, kailangang gawin ang mga
sumusunod maliban sa ___
a. Pagkilala sa sariling bayan at mga mamamayan nito.
b. Makiisa sa pagsasaayos ng mga kahinaan ng bansa.
c. Pagmamalaki sa mga kalakasan at tagumpay ng bansa.
d. Pagtanggi sa impluwensiya at pagbabagong dulot ng globalisasyon.

___40. Hinango sa salitang “pater” na iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.


a. Nasyonalismo b. Pyudalismo c. Patriyotismo d. Konsumerismo

___41. Kung isasabuhay ng isang Pilipino ang pagmamahal sa bayan, ito ay nakakatulong upang
a. mapigilan ang korapsiyon sa bansa c. mabawasan ang pagmamalabis sa kapwa
b. walang mangyayaring kalamidad sa bansa d. magkakaroon ng “sense of pride” ang Pilipino

___42. Anong pagpapahalaga bilang indikasyon ng pagmamahal sa bayan ang kaisipang “ikaw, ako,
sila, tayo” ay magkasama sa pag-unlad bilang tanda ng mabuting mamamayan?
A. Pagkakaisa B. Kaayusan C. Katarungan D. Paggalang

___43. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paglabag sa pagmamahal sa bayan?


a. Pag-aaral ng kulturang Pilipino c. Pangingibang bansa upang doon magtrabaho
b. Pagbili ng kasuotang gawa sa pinya d. Pagbababasa ng mga panitikang Pilipino

___44. Si Allen, isang Pilipino ay mahilig sa mamamahaling gamit na gawang ibang bansa. Naniniwala
siya na ito ay nakapagpapaangat ng kanyang personalidad. Ano ang nilalabag ni Allen?
a. Pagpapahalaga sa sarili c. Pagmamahal sa kapwa
b. Pagmamahal sa bayan d. Paggalang sa buhay

___45. Alin ang HINDI ANGKOP na kilos ng taong nagmamahal sa bayan?


a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain sa lahat ng pagkakataon
b. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
c. Pagsisikap na makamit ang mga pangarap upang guminhawa ang pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

___46. Pinagwawatak-watak ng iba’t ibang ideolohiya o paniniwala ang mga tao sa iisang bansa.
a. Walang Kasiguruhan b. Depende c. Mali d. Tama

___47. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


a. Sapagkat ito ang tanda ng ating pagkakakilanlan, kung saan malayang hinuhubog ang ating
potensyal at pagkatao.
b. Sapagkat biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kaniyang kinabibilangan at
pamayanang matitirhan.
d. Sapagkat nakilala siya ng mundo dahil sa talino, kasanayan at angking kagalingan na hinubog sa
kaniyang bayang sinilangan.
c. Sapagkat dito tinatanggap at iniingatan ng tao ang kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin
ang kaniyang mga kakayahan.
___48. Ang marubdob na paggawa ng trabahong pinili sa sariling bansa ay tanda ng pagiging
patriyotiko. Ang pahayag ay
a. Tama B. Mali c. Walang halaga d. Depende

___49. Ang ideolohiyang bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong kultura, wika
at mga kaugalian o tradisyon ay tinatawag na
a. Patriyotismo b. Nasyonalismo c. Kolonyalismo d. Pyudalismo

___50. Alin sa mga sumusunod na katangiang Pinoy ang nagpapabukod-tangi sa atin sa ibang lahi?
a. ang pagiging magalang c. ang pagiging matatag sa anumang kalamidad
b. ang pagiging mapagmahal sa pamilya d. ang pagiging maka-Diyos, maka-tao at maka-bansa

___51. “Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga” bilang tatak Pilipino, isinusulong nito ang
a. culture of death b. culture of resiliency c. culture of punctuality d. culture of justice

___52. Mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, anong dimensyon ng tao ang hinuhubog sa pagkatao
ng isang Pilipino kapag pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa ang isinasaalang-alang?
a. pampolitikal b. Pangkatawan c. Ispiritwal d. Moral

___53. Alin sa mga simpleng bagay na ito ang tungkuling dapat mong isabuhay bilang isang
kabataang Pilipino?
a. mag-aral nang mabuti c. makipag-gitgitan sa pila
b. mangopya o magpakopya d. pagtatapon ng basura kahit saan

___54. Saan nakaugat sa pagkatao ng isang Pilipinng handang magbahagi ng talino,


magpahalaga sa karangalan ng pamilya at mangalaga sa integridad ng kapuwa?
a. sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may pagmamahal sa bayan
b. sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may takot sa Diyos.
c. sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may ambisyon
c. sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong makasarili

___55. Kapag ang paggalang sa karapatan ng iba ay naisasabuhay at hindi nandaraya sa kapwa,
tanda ito ng pagkakakilanlan ng taong may pagmamahal sa bayan at nagpapahalaga sa
a. Kaayusan b. Katarungan c. Katotohanan d. Kapayapaan

___56. Alin sa mga sumusunod ang naidudulot kapag ikaw ay may pagmamahal sa bayan?
a. Nagkakaroon ng pagkakaisa c. Nakakatulong sa pagtaas ng ekonomiya
b. Nagkakaroon ng kaunlaran d. Lahat ng nabanggit

___57. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatibay na katwiran na “ang pagmamahal sa bayan ng
isang Pinoy ay nagbibigay ng koneksiyon o ugnayan sa kaniyang bayang sinilangan?
a. Nagiging daan sa pagpapabuti nito c. Pinag-uugatan ng pagkakakilanlan bilang mamamayan
b. Nagbubuklod sa mga mamamayan d. Naipagpapatuloy ang mga ipinaglaban ng mga ninuno

___58. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?


a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
b. Nagtataguyod ng mga reporma sa pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
c. Nagagamit ang lakas ng midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
d. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan at magdamayan.

___59. Alin sa mga sumusunod na mentalidad ang nagpapakita ng pagiging mainggitin sa tagumpay
ng iba, hinihilang pababa ang kapwa at nakaaapekto sa pagkakakilanlan ng tao gayundin ng
bayang pinagmulan nito?
a. Crab mentality c. Entitlement Mentality
b. Colonial Mentality d. wala sa nabanggit

___60. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bansa


gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
b. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
c. Masamang makasanayan ng mga Pilipino ang ganitong gawain
d. Nakaaapekto ito sa pagiging isang mabuting “global citizen” ng bansa.

Inihanda ni: Ibinalideyt ni:

JULIE ANNE B. LANCETA JADE ANITA B. PASCUAL


Guro sa EsP 10, EsP District Writer TWG - EsP DepEd Riza, EsP District Validator
Silangan National High School San Mateo National High School

You might also like