You are on page 1of 14

PAUNANG

PAGTATAYA:
• Panuto: Basahing mabuti ang bawat
pangungusap at unawain ang bawat
tanong. Piliin ang titik ng pinaka angkop
na sagot at isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. LIKAS SA TAO ANG PAGIGING MAKA-
DIYOS AT ANG PATUNAY NITO AY:
a. Ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng
Diyos.
b. Ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos
c. Ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at
kahinaan
d. Ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa
katotohanan.
2. ISINILANG ANG TAO NA HINDI PERPEKTO
KATULAD NG DIYOS SUBALIT MAARI SIYANG:

a. Sumunod sa kapangyarihan ng Diyos


b. Tumulad sa kabutihan ng Diyos
c. Manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos.
d. Magsaliksik upang maging perpekto tulad ng
Diyos.
3. HINDI MAARING SABIHIN SA ISANG TAONG
NAGUGUTOM NA IPAGDASAL NIYA ANG KANYANG
PAGDURUSA. KAILANGAN AY:

a. Manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom.


b. Makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama.
c. May gagawin ka upang maibsan ang kanyang gutom
d. Tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang
pagdurusa
4. ANO ANG KAHULUGAN NG PAHAYAG NA “PATAY
ANG PANANAMPALATAYANG WALANG KALAKIP NA
GAWA”?

a. Mahirap maligtas ang iyon kaluluwa kung magdasal ka


lamang
b. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng
pananampalataya
c. Ipagdasal natin ang mga taong nagugutom
d. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos
5. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kabutihang
ginagawa natin.” Ano ang ibig sabihan nito?

a. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa


b. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa
ating kapwa
c. Nararamdaman ng tao ang kanyang kabutihan
d. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay.
6. Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot
naman sa kaniyang kapatid ang sinungaling.” Ang pahayag ay
____________.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa
b. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisimba
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa
mabuting ugnayan sa kaniya.
d. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa
Diyos kung minamahal din ang kapwa
7. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na
magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit
ganito, malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinaparusahan
niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng
kanyang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos?

a. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos?


b. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng
Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay
d. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung
hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa.
8. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na
pananampalataya maliban sa:

a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos


b. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa
d. Nagmamahal sa Diyos at namamahal sa kapwa
9. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng
pananahimik o pagninilay?

a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang


buhay
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng
aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang
kaniyang mga salita
10. Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod
sa kapwa na siyang pinagmulan ng tunay na kaligayahan
na hinahanap ng tao sa kanyang sarili?

a. Paglilingkod
b. Pagmamahal
c. Pagtugon sa tawag ng pagtulong sa kapwa
d. Pagkamaka Diyos
A.TAMA O MALI:

Isulat ang salitang “Tama” kung ang pahayag ay sumasang-


ayon sa katotohanan at salitang “Mali” kung ito ay taliwas sa
katotohanan.
________1. Ang pagmamahal, ayon kay Scheler ay ang
pinakapangunahing kilos sa pagkat ito ay ibat ibang pagkilos ng tao.
_______ 2. Diyos ang pinagmulan ng tao kaya kinakailangang siya ay
mahalin at paglingkuran
_______ 3. Ang paggawa ng kabutihan sa ating kapwa ay pagpapatunay
na minahal natin ang Diyos dahil kabahagi ng buhay natin ang iba.
_______ 4. Kung mahal natin ang Diyos ay hindi natin susundin ang
kanyang mg autos.
_______ 5. Mas higit na makabuluhan ang paglilingkod sa kapwa at
pagpapadama ng pagmamahal kung ito ay iniaalay natin sa Diyos.

You might also like