You are on page 1of 3

Division of Cebu Province

District of Bantayan 1
Secondary Schools
SY 2020-2021

3rd QUARTER SUMMATIVE TEST BLG. 1 IN EsP 10


(LINGGO 2-3)

Pangalan:_________________________Baitang/Pangkat:_______________ Petsa:______

I. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa patlang bago ang bawat numero.
___________ 1. May mga basihan kung bakit pinaka-espesyal ang tao sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang na dahilan?
a. May katawan at espiritu
b. Nakakapag balansi kung alin ang tama at mali sa mga sitwasyon sa buhay
c. May kakayahang magparami ng pera at ito’y sambahin
d. May Diyos at malasakit sa kapwa
___________ 2. Ang buhay ng tao ay maituturing na paglalakbay; sa paglalakbay na ito, kailangan ng
tao ng makakasama upang marating ang patutunguhan. Sinu-sino ang dapat kasama ng tao sa
paglalakbay sa buhay?
a. Kapuwa tao at Google map c. Diyos at Kapuwa Tao
b. Diyos at Pari d. Diyos lamang
___________ 3. Ito ay ang pagpapakita ng malayang pagpasya na alamin at tanggapin ang totoong
kabuluhan ng presensiya ng Diyos sa buhay ng tao, nagsisilbi rin itong personal na ugnayan ng tao at
Diyos.
a. Panalangin c. Pananampalataya
b. Pagsisimba d. Espiritwalidad
___________ 4. Ang Diyos ay pinaniniwalaang lumikha sa lahat ng meron ang mundong ibabaw. Alin
sa sumusunod ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha ng Panginoon?
a. Mga Hayop c. Mga Tao
b. Mga Halaman d. Mga kayamanan
___________ 5. Alin sa sumusunod ang magpapatibay na ang tao ay kalarawan ng Diyos?
a. Parangal sa mga gawi c. Araw-araw na pag sisimba
b. Pagtulong sa kapwang nangangailangan d. Promosyon sa trabaho
__________ 6. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita
ng Diyos.
a. Pagsisimba/pagsamba c. Pag-aaral sa salita ng Diyos
b. Pananahimik d. Panalangin
__________ 7. ” Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay
sinungaling”. Ang pahayag ay _____.
a. Tama, dahil mahalin ang kapuwa
b. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
c. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at
pagsisimba.
d. Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal
din ang kapuwa.
___________ 8. Ano ang nakasaad sa Hebrew 11:1?
a. “ Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam , ang
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.”
b. “ At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay
inyong tatanggapin.”
c. “ Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo’y may
pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa
bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito’y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi
ninyo magagawa.”
d. Lahat ng nabanggit.
____________ 9. Alin naman ang ibig sabihin ng nakasaad sa Hebrew 11:1?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
e.
____________ 10. Naging bahagi na ng araw-araw na buhay ni Aleah ang pagbabasa ng banal na aklat,
sa paraang ito, marami siyang impormasyong nakukuha at lubusang nakikilala ang Diyos. Ito ay halimbawa
ng_____?
a. Panahon ng Pananahimik/Pagninilay
b. Pag-aaral ng salita ng Diyos
c. Pagmamahal sa Kapuwa
d. Pagsamba

II. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pinagpipilian sa ibaba . Isulat ang titik sa patlang
bago ang bawat numero.
A. Pagmamahal sa Kapuwa
B. Panahon ng Pananahimik/Pagninilay
C. Pag-aaral ng salita ng Diyos
D. Pagsisimba/Pagsamba
E. Panalangin

____________ 11. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi masasabi na
maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. Mahalagang
maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
_____________ 12. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapag- isip at makapagnilay. Mula rito mauunawaan
ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito upang malaman ng tao kung ano ang
ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya patutungo.
_____________ 13. Ito ay isang uri ng komunikasyon upang sumamba, magpasalamat, humingi ng tawad,
humiling, dumaing at magpuri. Maaari niya itong gawin sa umaga (pagdarasal sa umaga), sa tanghali at sa
gabi (pagdarasal bago matulog).
_____________ 14. Lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung siya ay mag-aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan
o Koran.
_____________ 15. Ang paraan ng tao upang makipag-usap sa Diyos.
____________ 16. Pagiging kaanib o kabilang sa isang relihiyon.
____________ 17. Pag tulong sa kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang kinakaharap sa
kasalukuyan

III. Essay. (3 pts.)


18-20. Sa anong paraan maipapakita o maipamalas mo ang iyong pananampalataya, pagtitiwala at
pagmamahal sa Diyos?
ANSWER KEY:

1. C
2. C
3. C
4. C
5. B
6. A
7. D
8. A
9. B
10. B
11. A
12. B
13. E
14. C
15. E
16. D
17. A
18. Answers vary
19. ;
20. ;

You might also like