You are on page 1of 4

MODULE CODE: PASAY-ESP10-Q3-W1-3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT PARA SA IKATLONG MARKAHAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
TAUNANG PANURUAN 2021 – 2022

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem. Sa inyong sagutang papel, isulat ang letra na kumakatawan
sa pinakatamang sagot.
ang taglay ni Dennis sa pagharap sa hamon sa
1. Ito ay tumutukoy sa personal na ugnayan ng buhay?
tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na A. Katarungan C. Pag-asa
malaman at tanggapin ang katotohanan sa
B. Katatagan D. Pagtitimpi
pagkatao.
A. Pag-ibig C. Pagtitiwala
B. Panalangin D. Pananampalataya Para sa bilang 6-9: Suriin at tukuyin kung anong
gawain ng pangangalaga sa ugnayan ng tao sa
2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na ang Diyos ang ipinahahayag ng bawat sitwasyon.
pagmamahal ng Diyos ay may malalim at
malaking magagawa sa buhay ng tao A. Panalangin
MALIBAN sa
B. Panahon ng pananahimik at pagninilay
A. Nababago ang kamalayan ng tao
B. Natututong magmahal at magpahalaga sa C. Pagsisimba o Pagsamba
mga bagay na nagbibigay kasiyahan. D. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
C. Nagagabayang magpasya at kumilos ang E. Pagmamahal sa Kapwa
tao batay sa pagpapahalagang moral at F. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa
pagsasabuhay ng mga birtud. espiritwalidad
D. Nakararanas ang tao ng pagbabalik-loob
(conversion of life).
6. Si Fatima ay madalas magbasa ng mga librong
3. Ito ang dapat isabuhay at taglayin ng tao katulad ng “Purpose Driven Life” at manuod ng
upang harapin ang mga hamon sa buhay at mga palabas na nakatutulong sa pagpapalago
mas mapalalim ang ugnayan ng tao sa Diyos. ng buhay pananampalataya.
A. Birtud
7. Si Miguel ay hindi nakakalimot na
B. Maka-Diyos magpasalamat Diyos sa lahat ng biyayang
C. Pakikipagkapwa natatanggap ng kanilang pamilya.
D. Positibong pananaw
8. Si Rona ay sumasama sa youth camp ng
4. Ang mag sumusunod ay katangian ng dakilang kanilang simbahan upang mas lumalim ang
pagmamahal ng Diyos MALIBAN sa pagkakakilala sa Diyos at pahalahagahan ang
pakikipagkapwa.
A. Ang pagmamahal ng Diyos ay
nagbubuklod sa lahat ng tao. 9. Si Daniel ay naglalaan ng oras na magkaroon
B. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng reflection sa mga bagay na kanyang
ng espiritu. ginawa, kung ito ba ay nakabuti o nakasama,
at dapat bang ipagpatuloy o dapat bang
C. Ang pagmamahal ng Diyos ay may
baguhin.
hangganan at katapusan.
D. Ang pagmamahal ng Diyos ay 10. Uri ng pagmamahal ayon kay C.S. Lewis na
nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at tumutukoy sa pinakamataas na uri ng
pagbabago sa buhay ng tao. pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na
walang hinihinging kapalit.
5. Si Dennis ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa
A. Agape C. Eros
pandemya. Sa halip na panghinaan ng loob sa
B. Affection D. Philia
hirap ng buhay, malakas ang paniniwala ni
Dennis na malalagpasan din niya kasama ng
kanyang pamilya ang mga pagsubok at muling
magkakaroon ng pagkakakitaan. Anong birtud
Page 1 of 2
MODULE CODE: PASAY-ESP10-Q3-W1-3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

11. Minahal ni Angelo si Diane dahil sa maganda


at maputi ito. Anong uri ng pagmamahal 18. Ito ay “isang estadong sikiko (psychic) o pisikal
mayroon si Angelo. na pagdepende sa isang mapanganib na
A. Agape C. Eros gamot, na nangyayari matapos gumamit nito
B. Affection D. Philia nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na
pagkakataon.
12. Itinuturing ito na sagrado at
pinakamahalagang regalo na ipinagkaloob ng 19. Ito ay tumutukoy sa sadyang pagkitil ng isang
Diyos sa tao na dapat pahalagahan, ingatan at tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling
alagaan. kagustuhan.
A. Buhay
20. Paglabag sa paggalang sa buhay ng tao na
B. Isip at kilos-loob
maaaring magdulot ng cancer, sakit sa atay,
C. Talento
baga at kidney at maaaring mauwi sa
D. Talino
kamatayan.
13. Isang paraan na napapadali ang kamatayan
ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal ng
makinang sumusuporta sa buhay ng pasyente o TAMA O MALI
pagtigil sa pagbibigay ng mga gamot at PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
serbisyong medikal. Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga ipinahahayag
A. Active euthanaisa na pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M
B. Passive euthasia kung ito ay mali.
C. Pro-choice
D. Pro-life 21. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagkakaroon
ng karapatang humingi ng pagpapala at
14. Tumutukoy ito sa isyu ng aborsiyon na biyaya.
kinikilala ang likas na karapatan at dignidad ng
tao na mabuhay mula sa konsepsiyon 22. Binabago ng pagmamahal ng Diyos ang
hanggang kamatayan. buhay ng tao sa pamamagitan ng
A. Induced pagpapatibay ng isip at paghubog ng kilos-
B. Miscarriage loob.
C. Pro-choice
23. Ang pananampalataya ay kailangan lamang
D. Pro-life
ng tao sa oras o panahon ng pangangailangan
15. Uri ng aborsiyon na sa pamamagitan ng pag- at matinding pagsubok.
inom ng mga gamot o pills na magwawakas ng
buhay ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang
24. Mapapatunayan lamang ng tao na siya ay
ina. nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya
A. Induced sa kaniyang kapwa.
B. Miscarriage 25. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay
C. Surgical magiging ganap kung hindi ito maipapamalas
D. Wala sa nabanggit sa iba.

Para sa bilang 16-20: Suriin at tukuyin kung anong


paglabag sa paggalang ng buhay ang ipinahahayag
ng bawat pahayag:

a. Aborsiyon Inihanda ni:


b. Alhokolismo at paninigarilyo Mary Annabelle C. Cabreros
Pasay City East High School
c. Euthanasia or mercy killing
d. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
e. Pagpapatiwakal

16. Tumutukoy sa pagpapalaglag at pag-alis ng


fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
17. Ginagamitan ito ng modernong kagamitan o
medisina upang tapusin ang paghihirap ng
taong maysakit.

Page 2 of 2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ____________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT PARA SA IKATLONG MARKAHAN


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 10
Taunang Panuruan 2021-2022

I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng pinakatamang
sagot sa tabi ng bilang.

1. Ang buhay ang pinakadakilang kaloob ng "Diyos sa tao dahil dito, nararapat lamang na:
A. gawin ang magpapasaya sa sarili
B. ipagsawalang bahala ang buhay
C. pahalagahan ang buhay sa lahat ng pagkakataon
D. bumaling sa barkada at bisyo kapag may suliraning pinagdadaanan

2. Ikaw ay naniniwala na ang buhay mo ang pinakadakilang kaloob ng Diyos. Ano ang pinakamabuti mong gagawin
upang maipakita ang pasasalamat sa Kanya?
A. Magdasal lagi. C. Sumunod sa payo ng magulang.
B. Pumasok sa seminaryo o kumbento. D. Laging gawin ang tama at maging tapat.

3. May tamang panahon ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” Ano ang
mensahe ng pahayag na ito?
A. May responsibilidad ang tao sa kanyang buhay.
B. Ang buhay ay mahalaga ano man ang pinagdadaanan ng tao.
C. Hindi dahilan ang mabigat na suliranin upang ibaling ang sarili sa bisyo.
D. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdadaanan.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


A. Pagiging tapat sa sarili at kapwa
B. Paggawa ng paraan upang makatulong sa suliranin ng bansa
C. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
D. Pagsisikap na makamit ang pangarap para guminhawa ang sariling pamilya lamang.

5. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanyang bayan?


A. Nakikilala siya ng mundo dahil sa talino at galing na hinubog sa kanyang bayang sinilangan.
B. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ng tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan.
C. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao.
D. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mahal sa buhay upang hubugin ang kanyang mga kakayahan.

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay
ang pagmamahal sa bayan?
A. Katarungan at Pagkakaisa C. Katotohanan at Pananampalataya
B. Paggalang at Pagmamahal D. Pagkamasarali at Pandaraya

7. Paano napauunlad ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?


A. Nagmumulat ito ng kamalayan sa tao, sa mga isyu at problema ng bayan.
B. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
C. Ginagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
D. Nabibigay pagkakataon ang mga mamamayan na magkaisa ,magtulungan at magdamayan.

8. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan?


A. Masamang matutunan ng kabataang Pilipino.
B. Nakaaapekto ito sa mabuting pakikipagkapwa.
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang Sinilangan.
D. Mas pinapahalagahan nito ang pansariling interes.

9. Bilang mag-aaral, paano ka higit na makakatulong sa pag-unlad ng iyong sarili at bayan?


A. Pagiging totoo at tapat sa kapwa.
B. Pagsunod sa utos at paggalang sa mga nakatatanda.
C. Mag-aral nang mabuti at maging mabuting mamamayan.
D. Pagtulong at pakikiisa mga gawaing pampamayanan.
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ____________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________________________

10.Ano ang pangunahing dahilan bakit kailangan pangalagaan ng tao ang kalikasan?
A. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa tao na dapat niyang gampanan.
B. Nakadepende sa kalikasan ang hinaharap nang tao dahil sa biyayang taglay nito.
C. Nanggagaling sa kalikasan ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kanya.
D. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya, kaya kailangan niya pangalagaan
at pahalagahan.

11.Paano maipapakita ng tao ang kanyang pagpapahalaga sa kalikasan sa mga bagay na kanyang ginagawa?
A. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening.
B. Nagpapatupad ng mga batas ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kanya.
C. Ginagawa ang tungkulin bilang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan ng pag-
unlad
D. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at kapwa na maiwasan ang pagkawasak ng kalikasan sa
pag-unlad.

12. Bilang mamamayan, anong paraan ang maaari mong gawin bilang tagapamahala at tagapangalaga ng
kalikasan?
A. Magpatupad ng mga batas. C. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.
B. Magkaroan ng pagkukusa at maging disiplinado. D. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.

13. Paano ka makatutulong sa pagsasagawa ng programang nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan?


A. Makikipag-ugnayan at makikisa sa mga programang pampaaralan at pangkomunidad na nagtataguyod ng
wastong pangangalaga sa kalikasan.
B. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag.
C. Hihikayatin ang mga tao na magtanim at makiisa sa gawaing makakalikasan.
D. Magkaroon ng takot sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.

14. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, MALIBAN sa isa:


A. Pagsusunog ng basura C. Paghiwahiwalay ng mga basura bilang nabubulok at di-nabubulok
B. Illegal na pagputol ng mga puno. D. Pagtapon ng mga basura sa dagat at ilog.

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutang pangangalaga sa kalikasan?


A. Illegal logging C. Paggamit ng mga plastik at mga makapinsalang “aerosols”.
B. Pagtatanim ng mga puno D. Pagtapon ng mga “chemical wastes” sa karagatan

II. PANUTO: Tukuyin kung anong paglabag sa pagmamahal sa bayan ang tinutukoy sa pahayag. Piliin
ang pinakatamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

A. Kaisipang Kolonyal B. Paglabag sa Batas at Patakaran C. Kumpadre System


D. Graft and Corruption E. Kawalan ng Katarungan F. Maling Paggamit ng Filipino Time

16. Ito ang umiiral na di patas o pantay na pagtingin sa tao sa lipunan


17. Ito ang pagpapasok ng mga tao sa iba’'t ibang gawain dahil sa napangakuan ang kakilala, kaibigan, at kamag-
anak na hindi na pinagbabatayan ang kakayahan at kasanayan. Ito ang isa sa dahilan ng pagbaba ng ekonomiya
18. Ito ang patuloy na paniniwala na kapag ang mga produkto at bagay ay nagbuhat sa ibang bansa, ito ay masarap,
maganda ang kalidad at maaaring ipagmalaki kahit saan.
19. Ito ang patuloy na katiwalian sa pamahalaan at lipunan. Ang pangungupit sa kaban ng bayan na nagreresulta sa
pagbagsak ng ekonomiya at kaguluhan.
20. Ito ang patuloy na kawalan ng disiplina ng mga mamamayan na nakahihila sa pag-unlad ng bansa.

III. PANUTO: Isulat ang A kung TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng angkop na kilos ng upang
maipamalas ang pagmamahal sa bayan at B naman kung MALI at hindi ito nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan.

21. Ariin ang tagumpay at kabiguan, kalakasan at kahinaan ng bayan bilang sariling tagumpay, kabiguan, kalakasan
at kahinaan.
22. Higit na naniniwala na ibigay ang sariling galing sa ibang bansa.
23. Isantabi ang kasaysayan at kultura ng bayan.
24. Tangkilikin ang sariling produkto.
25. Ingatan ang kultura at ugaling Pilipino.

Inihanda ni: Bb. Rachel S. Samson


Pres. Corazon “Cory” C. Aquino National High School

You might also like