You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 2

Pangalan:_____________________________________________________ Iskor:

Baitang at Pangkat:_________________________ 20

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ano ang tawag sa pangkat ng mga tao na namumuhay ng sama-sama sa isang tiyak na lokasyon at
nakikibahagi sa uri ng pamumuhay, kultura, at interaksiyon?
A. Sambahayan B. Pamilya C. Komunidad D. Pamahalaan
______2. Ang komunidad ay binubuo ng mga institusyon na nagsisilbing haligi nito para mapatatag at
makatulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod na institusyon ang
tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng isang komunidad ?
A. Paaralan B. Simbahan C. Sambahayan D. Pamahalaan
_____3. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagkakaunawaan ang mga tao sa komunidad nila Ruel. Kristiyano,
Muslim, Iglesia ni Cristo o Sabadista man ay matatag ang kanilang paniniwala sa Diyos na Lumikha. Anong
batayang impormasyon ang tinutukoy sa pahayag ?
A. Namumuno B. Relihiyon C. Wika D. Pangkat-etniko
_____4. May pagkakaunawaan ang mga tao sa Barangay Marikit dahil sa pamumuno ng ng kanilang
Kapitan na si Kapitan Leo Santos. Bukod sa pagiging mahusay na lider ay tapat din siya sa kaniyang
sinumpaang tungkulin at mapagmahal sa kaniyang nasasakupan. Ang batayang impormasyon na tinutukoy
ng pahayag ay_______.
A. Populasyon B. Wika C. Namumuno D. Relihiyon
_____5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa komunidad ?
A. Tuwing umaga ay makikita sa mga daan ang nilalangaw at nagkalat na basura sa Barangay Santa
Barbara.
B. Hindi dumadalo ang mga mamamayan sa mga pagpupulong kapag nagpapatawag ang pinuno ng
Baranggay.
C. Sama-sama ang mga mamamayan sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng
bagyo.
D. Pumupunta lamang ang mga tao sa baranggay upang manghingi ng ayuda.
_____6. Ano ang mangyayari kapag nagkakaisa ang mga namumuno at mamamayan sa isang komunidad ?
A. Magwawatak-watak ang mga tao.
B. Magkakagulo ang mga mamamayan.
C. Magiging maunlad at payapa ang komunidad.
D. Magiging malayo sa pag-unlad ang isang komunidad.

_____7. Tuwing araw ng Linggo ay masayang nagpupunta ang mag-anak ni Ginoong Cruz sa sikat na parke
sa kanilang bayan upang maglibang. Anong institusyon ang tinutukoy sa sitwasyon ?
A. Paaralan B. Simbahan C. Pook-Libangan D.Sentrong Pangkalusugan
_____8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng mga ospital o health center ?
A. Magsagawa ng check-up sa mga buntis at mga pasyente.
B. Magbigay ng libreng gamot at bakuna sa mga mamamayan.
C. Magturo ng mga kaalaman at kagandahang asal sa mga mag-aaral.
D. Paniniguro na maayos ang kalusugan ng bawat kasapi ng komunidad.
______9. Madasalin ang pamilya Roxas. Naniniwala sila na ang lahat ng mga biyaya na natatanggap ng
bawat kasapi ng pamilya ay kaloob ng Diyos. Anong institusyon ang nagtuturo ng matibay na
pananampalataya at pananalig sa Diyos ayon sa Bibliya ?

A. Ospital B. Paaralan C. Pook-Libangan D. Simbahan

_____10. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng simbahan ?


A. Tumugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain, damit, gamot, at iba
pa.
B. Turuan ang mga mag-aaral ng mga kaalaman at kagandang asal na magagamit nila sa kanilang
paglaki.
C. Pangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.
D. Patibayin ang paniniwala at pananalig sa Diyos.

______11. Ang simbahan ang pinagdarausan ng pagtitipon, pagdiriwang at programa ng komunidad. Ano
ang masasabi mo sa pahayag sa itaas?
A. Tama B. Mali C. Hindi-tiyak D. Hindi alam

Panuto: Pag-aralan ang mapa sa ibaba at sagutin ang mga tanong.


Ito ang mapa ng komunidad kung saan nakatira si Jose.

______12. Pagkagaling sa Paaralan ay naisipan ni Jose na pumunta sa parke upang maglibang sandal bago
umuwi. Mula sa paaralan, sa anong direksyon matatagpuan ang parke ?
A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog

______13. Mula sa simbahan, saang direksyon matatagpuan ang bantayog ?


A. Hilagang-Silangan B. Hilagang-Kanluran C. Timog-Silangan D. Timog-Kanluran

______14. Ito ay ang pagyanig o pag-uga ng lupa na nagiging sanhi ng pagguho ng mga gusali, bahay at iba
pa.
A. Bagyo B. Sunog C. Baha D. Lindol
______15. Anong kalamidad o sakuna ang maaaring maging sanhi ng pagkawala ng buhay at ari-arian dahil
sa usok at malaking apoy?
A. Pagsabog ng Bulkan B. Baha C. Lindol D. Sunog
_____16. Madalas na daanan ng bagyo ang inyong lugar. Ano ang mungkahing gawin ?
A. Ipagwalang-bahala ang mga babala.
B. Manood ng paboritong palabas sa telebisyon araw-araw.
C. Manood ng balita tungkol sa lagay ng panahon at maging handa sa lahat ng oras.
D. Makipagkuwentuhan sa kapit-bahay.
______17. Madalas bumaha sa inyong lugar. Isang araw, nakita mo ang iyong kaibigan na nagtapon ng
basura sa kanal. Ano ang mainam mong gawin ?
A. Sigawan ang kaibigan.
B. Huwag na lamang siyang pansinin.
C. Isumbong siya sa pulis at sabihin na kasuhan.
D. Kausapin siya nang maayos at sabihin ang masamang dulot ng maling pagtatapon ng basura.
_____18. Mag-isa ka lamang sa bahay ng biglang maramdaman mo ang sunod-sunod na pagyanig. Ano ang
dapat mong gawin ?
A. Tumakbo sa labas at humingi ng tulong.
B. Umiyak sa kabilang tabi.
C. Hanapin ang cellphone at magvideo.
D. Humanap ng matibay na mesa upang masilungan.

_____19. Ano ang masamang epekto ng maling pagtatapon ng basura ?


A. Magiging malinis ang mga kanal at mga bahagi ng tubig.
B. Magdudulot ito ng mga pagbaha at pagbabara ng mga kanal.
C. Marami ang makaiiwas sa sakit.
D. Dadami ang mga isda at yamang-tubig.

_____20. Ang earthquake drill ay isinasagawa sa mga paaralan upang maging handa ang mga mag-aaral sa
panahon ng lindol. Ano ang iyong gagawin kapag nagsasagawa nito ?
A. Makipagkuwentuhan sa katabi.
B. Maupo sa isang tabi at pagtawanan ang mga kaklase.
C. Maglaro sa loob ng silid.
D. Makinig nang mabuti at maging handa sa mga susunod na gagawin.
***

You might also like