You are on page 1of 6

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 2

Pangalan:_____________________________________________________________
Paaralan:_____________________________________________________________
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga institusyon sa komunidad?
A. pamilya B. paaralan C. simbahan D. himpapawid

_____2. Si Ben ay nakatira sa Barangay San Vicente. Anong impormasyon ang tinutukoy ng
salitang may salungguhit?
A. wika C. relihiyon
B. populasyon D. pangalan ng komunidad

_____3. Ano ang tawag sa sinasalita ng mga tao sa isang komunidad upang magkaintindihan
ang bawat isa?
A. wika B. relihiyon C. lokasyon D. populasyon

_____4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng MALI tungkol sa


komunidad?
A. Magkakapareho ang bawat komunidad.
B. Ang komunidad na may pagtutulungan ay umuunlad.
C. Ang pagkakaisa ng bawat kasapi ay mahalagang sangkap ng isang komunidad.
D. Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng isang indibidwal.

_____5. Kristiyano man o Muslim, matatag ang paniniwala naming sa iisang Diyos. Anong
impormasyon ang tinutukoy sa Kristiyano at Muslim?
A. wika B. relihiyon C. namumuno D. populasyon

_____6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa kahalagahan ng


komunidad?
A. Ang komunidad na may pagsisikap ay siguradong hindi uunlad.
B. Mahalaga na may pagkakaisa at pagkakaunawaan ang isang komunidad.
C. Ang komunidad na may pagkakaunawaan at mapayapa ay malapit sa kaguluhan.
D. Bilang isang bata ay wala kang magagawa upang mapahalagahan ang inyong komunidad.

_____7. Ang komunidad ay binubuo ng _________ na nakatira sa iisang tiyak na lokasyon o


lugar.
A. pamayanan C. pagkakaisa

1
B. sambayanan D. lokasyon

_____8. Ano ang tawag sa institusyon na humuhubog sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa
pag-unlad?
A. health center C. paaralan
B. barangay hall D. simbahan

_____9. Ang nanay ni Jomar ay kabilang sa mga nagtataguyod ng serbisyong pangkalusugan.


Saan nagtatrabaho ang nanay ni Jomar?
A. paaralan B. simbahan C. pamahalaan D. ospital

_____10. Alin sa mga sumusunod ang tagapangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng ating


komunidad?
A. paaralan B. simbahan C. pamahalaan D. ospital

_____11. Ang ating komunidad ay nasa malawak at patag na lugar kung saan karamihan sa mga
tao ay pagtatanim ang ikinabubuhay. Saan matatagpuan ang ating komunidad?
A. lungsod B. industriyal C. kapatagan D. talampas

_____12. Alin sa mga sumusunod ang magagawa ng isang batang tulad mo para sa iyong
kinabibilangang komunidad?
A. Pagtatanim ng puno C. Paggawa ng tulay
B. Paggawa ng bahay D. Paghuli sa mga magnanakaw

_____13. Ang mga tao sa aming komunidad ay nagkakaintindihan dahil sa wikang ginagamit
dito. Ano ang wikang ginagamit ng mga tao sa bayan ng Bato?
A. Sinugbuanong Binisaya B. Kapampangan C. Cebuano D. Hiligaynon

_____14. Si Ginang Marites Durano ang namumuno sa aming Barangay. Ipinapatupad nila ang
mga ordinansa para sa kaayusan ng barangay. Ano ang tawag sa namumuno sa isang barangay?
A. tanod C. Barangay health workers
B. konsehal D. kapitan

2
_____15. Gamit ang mapa sa itaas, anong istruktura ang makikita sa Hilaga?
A. palayan B. paaralan C. simbahan D. bundok

_____16. Ano ang makikita sa Silangan?


A. palayan B. paaralan C. simbahan D. bundok

_____17. Ano ang tawag sa istatwa ng mahahalagang tao sa lipunan?


A. bantayog B. pananda C. mapa D. direksiyon

_____18. Ang Tudaya Falls na matatagpuan sa Barangay Sibulan ay isang anyong tubig na ang
tubig ay nanggagaling sa mataas na lugar papunta sa mas mababang anyong tubig. Anong uri ng
anyong tubig ang Tudaya Falls?
A. talon B. ilog C. dagat D. bukal

_____19. Kung ang pinakamataas na anyong lupa ay bundok, Ano naman ang tawag sa anyong
lupa na mas mababa kaysa sa bundok?
A. pulo B. bundok C. burol D. kapatagan

_____20. Ito ay pagyanig o pag-uga ng lupa na nagiging sanhi ng pagguho ng mga gusali, bahay
at iba pa.
A. bagyo B. sunog C. baha D. lindol

_____21. Ito ay may dalang malakas na hangin at ulan na nakasisira ng mga pananim at ari-
arian ng mga tao.
A. bagyo B. sunog C. baha D. lindol

3
_____22. Tuwing tag-ulan, bumabaha sa inyong komunidad. Ano ang maaari mong imungkahing
gawin?
A. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga kanal.
B. Maging alerto sa mga nagaganap sa paligid.
C. Huwag lumabas ng bahay.
D. Unahing iligtas ang sarili.

_____23. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng sunog?


A. Pagguho ng lupa
B. Nakasisira ng mga tanim at kabahayan
C. Mawawala ang bahay at ari-arian dahil sa usok at apoy
D. Magdudulot ito ang maraming tubig ulan na nakakasira ng mga pananim

_____24. Anong sakit ang maaaring makuha sa tubig baha?


A. dengue B. ubo C. leptospirosis D. sakit ng tiyan

___25. Naramdaman mo ang pagyanig ng lupa habang nasa loob ka ng bahay, wala kang kasama
dahil nasa trabaho ang iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Sumigaw at umiyak
B. Tawagan ang nanay
C. Matulog
D. Sumilong sa matatag na mesa at lumabas ng bahay kapag tumigil na ang pagyanig.

_____26. Ang inyong tahanan ay malapit sa ilog. Ayon sa kinauukulan, may paparating na
malakas na bagyo. Ano ang dapat ninyong gawin?
A. Lumikas agad sa evacuation center.
B. Hintayin munang tumaas ang tubig bago lumikas.
C. Huwag papansinin ang abiso ng kinauukulan.
D. Matulog na lang maghapon dahil walang pasok.

_____27. Papasok ka sa paaralan, nakita mong makulimlim at maitim ang ulap. Ano ang dapat
mong dalhin?
A. payong B. sapatos C. flashlight D. unan

_____28. Ibinabagay ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag- init. Alin ang dapat mong
isuot kapag maalinsangan ang panahon?
A. kapote C. makapal na damit
4
B. sando at shorts D. dyaket

_____29. Ang bilang ng tao sa aming barangay ay 4,878 at barangay ng kaklase ko ay may
3,987 na tao. Ano ang tawag sa bilang o dami ng mga tao at pamilya na naninirahan sa isang
komunidad?
A. wika B. relihiyon C. lokasyon D. populasyon

_____30. Ang aming komunidad ay nasa kapatagan. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy
kung saan matatagpuan ang isang Komunidad?
A. populasyon B. lokasyon C. relihiyon D. wika

_____________________________ __________________________
Parent’s Signature over Printed Name Date

Answer Key

1 D 16 B

2 D 17 A

3 A 18 A

4 A 19 C

5 B 20 D

6 B 21 A

7 B 22 A

8 C 23 B

9 D 24 C

5
10 C 25 D

11 C 26 A

12 A 27 A

13 A 28 B

14 D 29 D

15 C 30 B

You might also like