Professional Documents
Culture Documents
1|Page
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Junior High School Grade 10
Introduksyon
Sa modyul na ito ay inilalarawan ang pananaw, konsepto o kaisipan tungkol sa Diyos. Ang
pagsamba at pasasalamat bilang bahagi ng ating araw-araw na buhay. Masasalamin din dito ang
pagmamahal ng mga Pilipino sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga gawain, kapistahan,
pagsamba at iba pang panrelihiyong pagdiriwang.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Pangunahing Pag-unawa
1. Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng matibay na pananampalataya
2. Ang pananampalataya ay isang matibay na paniniwala sa Diyos
3. Ang espirituwalidad ay ang debosyon o katapatan sa lahat ng bagay na espirituwal
______________________________________________________________________________
Mahalagang Tanong
1. Paano naging mahalagang bahagi ng buhay ng tao ang Diyos?
_____________________________________________________________________________
2|Page
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Junior High School Grade 10
Pag-unlad na Gawain
PAGMAMAHAL SA DIYOS
3|Page
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Junior High School Grade 10
Ang pagmamahal na ipinamalas ng Diyos ay itinuturing na huwaran ng mga tao. Kaya naman
upang maipakita ng mga tao ang pagmamahal sa Diyos, mahalagang maipamalas muna niya ang
pagmamahal sa kaniyang kapuwa tao.
Ang taong may pananampalataya ay may matibay na paniniwala kaugnay ng mga gawain,
paniniwala, at iba pa sa isang partikular na relihiyon. Dahil sa kaniyang pananampalataya ay
tinutupad niya nang taos-puso ang mga kautusan at inaasahan sa kaniyang kinabibilangang
relihiyon.
4|Page
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Junior High School Grade 10
Ang pagmamahal sa Diyos ay pagsunod sa kaniyang mga utos. Naipakikita ang pagmamahal
at pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng:
1. Pagpapairal ng kabutihan
- Ang Diyos ay mabuti at hangad niya ang kabutihan ng tao at ng lahat niyang nilikha.
Bilang mga mananampalataya, inaasahan din Niyang maging instrumento ka ng
pagpapairal ng kabutihan.
2. Pangangalaga sa kapaligiran at sa lahat ng nilikha Niya
- Bilang isang mananampalataya, tungkulin natin na pangalagaan ang lahat ng kanyang
nilikha. Nilikha Niya ito batay sa ating mga pangangailangan upang maging ganap ang
ating pag-iral.
3. Paggalang sa karapatan at pag-iral ng tao
- Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Kawangis mo ang iyong kapuwa. Bilang
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, marapat mahalin mo ang iyong kapuwa.
4. Pagsunod sa Kaniyang utos at kagustuhan
- Walang ginusto ang Diyos kundi ang kabutihan ng tao at ng lahat ng kaniyang nilikha.
Dahil dito, walang dahilan ang tao upang hindi sundin ang Kaniyang mga utos.
5. Pakikipag-ugnayan sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin
- Nakikipag-usap ang tao sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang nag-uugnay
sa tao at Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin ay nakapagpapasalamat tayo sa
Kanya at naibabahagi natin ang ating mga hiling, hinaing, at tiwala.
6. Paglaan ng panahon sa pananahimik at pagninilay
- Mahalagang maglaan tayo ng panahon ng pananahimik upang ating mapagnilayan at
masuri ang ating mga sarili. Ito rin ang pagkakataon upang pagmuni-munihan ang mga
ginawa, naging desisyon, at mga kilos sa partikular na sitwasyon.
7. Pagsamba
- Ang mga simbahan, mosque o anumang bahay dalanginan ay itinuturing na tahanan
ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagsamba ay tinutupad natin ang ating tungkulin bilang
mananampalataya.
8. Pag-aaral ng salita ng Diyos
- Ang salita ng Diyos ay naka-sinsel sa mga banal na aklat. Ang pag-aaral ng salita ng
Diyos ay pagkilala sa kaniyang mga plano. Isa ito sa matibay na pundasyon ng ating
pananampalataya.
9. Paglaan ng panahon na basahin ang mga aklat kaugnay ng espirituwalidad
- Hindi lamang sa banal na aklat mababasa ang salita ng Diyos. Maraming mga
babasahin na maaring magbunyag sa atin ng salita ng Diyos.
10. Pagtuklas sa Kaniyang prisenya sa iyong buhay
- Naniniwala tayo na ang Diyos ay nariyan sa ating mga buhay. Kaagapay natin Siya sa
ating mga paghihirap; Kasama natin siya sa ating tagumpay.
5|Page
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Junior High School Grade 10
Pakikipag-ugnay na Gawain
Ibigay ang mga argumentong inilahad ni St. Thomas Aquinas kaugnay ng pagiging buhay
at totoo ng Diyos. Magbigay ng sariling paliwanag.
Paglalagom/Ebalwasyon
Paghambingin ang pananampalataya at espirituwalidad gamit ang venn diagram sa ibaba:
6|Page
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Junior High School Grade 10
Repleksyon
Nauunawaan ko na _______________________________________________________
Sanggunian
Para sa karagdagang kaalaman, sumangguni sa sumusunod:
7|Page