You are on page 1of 6

Gabay sa Pagtuturo

Leksiyon sa Pamamahayag
Pahina 1

Dapat Suriin Ng Tao Ang Kaniyang Relihiyon Kung Ito’y Sa Diyos

Nagagalak kami sapagkat nakasama naming kayo sa paghanap ng kalutasan sa


isang napakalaki at napakahalagang suliranin sa larangan ng relihiyon. Ang
tinutukoy namin ay ang tungkol sa malaganap na paniniwala na ang lahat ng
relihiyon ay pare-parehon sa Diyos. Posibleng ang iba sa inyo na naririto ngayon ay
ganyan nga ang paniniwala. Bakit naming sinasabing ito’y malaking suliranin?
Sang-ayon kaya sa mga aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia ang paniniwalang ito?
Paano natin ito malalaman? An gagamitin nating batayan ay huwag ang opinion ng
sinumang tao, kundi ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia.

PASIMULA:
ANO ANG ISA SA MGA PANGYAYARING NATALA SA BIBLIA NA
NAGPAPATOTOO NA HINDI LAHAT NG RELIHIYON AY SA DIYOS?

1. Ang ginawang paghahandog ng magkapatid na Cain at


Abel ...................................................................... Gen.
4:3-5(a) NPV......................................................
3Dumating ang panahon na naghandog sa PANGINOON si Cain ng ilang bunga niya sa bukid. 4Ngunit
ang inihandog ni Abel ay ang pinakamagandang bahagi ng kanyang panganay ng kanyang kawan. Nalugod
ang PANGINOON sa handog ni Abel. 5Ngunit hindi naging katanggap-tanggap sa kanya ang handog ni Cain.
Bunga nito, nagalit si Cain, at nabadha sa mukha niya ang pamamanglaw

 Sino ba si Cain at si Abel na binabangit dito sa ating binasa? Sila ang mga
unang anak nina Adan at Eba, ang mga unang taong nilalang ng Diyos.
Ano ang ginawa ng magkapatid? Kapuwa sila naghandog o sumamba sa
Diyos.subalit dahil ba sa parehong sa Diyos nila iniukol ang kanilang
pagsamba ay parehong tinanggap ito ng Diyos? Maliwanag ang ating
nabasa sa Biblia: “Nalugod ang Panginoon sa handog ni Abel. Ngunit hindi
naging katanggap-tanggap sa Kaniya ang handog ni Cain.” Ano ang
pinatutunayan sa atin ng pangyayaring ito? Na hindi lahat ng
isinasagawang pagsamba sa Diyos ay tinatanggap Niya.
T. Baka naman nang dumating ang panahong marami na ang tao ay pare-pareho
nang tinatangap ng Diyos ang lahat ng pagsamba at paglilingkod na
ipinatutungkol sa Kaniya ng tao?
2. Ang ginawa ni Moises nang malaman Niyang siya’y
isang Hebreo ........................................................ Heb.
11:24-27 MB.....................................................
24Dahil sa pananalig sa Diyos, tumanggi si Moises, nang siya'y may sapat na gulang na, na
tawaging anak ng prinsesa, na anak ng Faraon. 25Inibig pa niyang makihati sa kaapihang dinaranas ng
bayan ng Diyos kaysa magtamasa ng panandaliang aliw na dulot ng kasalanan. 26Itinuring niyang higit
na mahalaga ang pagbabata ng kadustaan dahil sa Mesias kaysa mga kayamanan ng Egipto;
sapagkat nakapako ang kanyang paningin sa mga gantimpala sa hinaharap. 27Ang pananalig din sa
Diyos ang nag-udyok kay Moises na lisanin ang Egipto kahit magalit ang hari. Matatag ang kanyang
kalooban sapagkat para niyang nakikita ang Diyos.

 Ano ang ginawa ni Moises nang malaman niyang siya ay isang Hebreo?
Iniwan ang palasyo ng Egipto na kinalakhan niya at sumama sa mga
Israelita. Anong relihiyon ang kinagisnan niya? Ang relihiyon ng mga
Ehipcio, paganismo rin. Ano ba ang relihiyon ng mga Israelita? Iyong
tunay, sapagkat sila ang hinirang o inihalal noon na bayan ng Diyos.
Ngunit, ano ba ang kalagayan noon ni Moises sa Ehipto? Kinikilala siyang
anak ng prinsesa na anak ni Faraon.
Gabay sa Pagtuturo
Leksiyon sa Pamamahayag
Pahina 2

 Kaya, kung totoong pare-pareho lamang na sa Diyos ang lahat ng


relihiyon, sana ay hindi na tinalikuran ni Moises ang lahat ng tinatamasa
niya sa palasyo. Gayunma’y, ano ang ginawa ni Moises? Minabuti pa
niyang iwan ang Egipto at ang kanilang maling relihiyon at sumama sa
Israel na bayan ng Diyos at magtiis ng kaapihan at kadustaan dinaranas
nila noon.
T. Ano ang katunayang maging sa panahong iyon ay iisa lamang ang tunay na
relihiyon sa Diyos, bagaman marami na rin noon ang mga relihiyon?
3. Ang Israel lamang ang may Diyos noon .............. II
Hari 5:15..........................................................
15At siya'y bumalik sa lalake ng Dios, siya at ang buong pulutong niya, at naparoon, at tumayo sa
harap niya: at siya'y nagsabi, Narito ngayon, aking talastas na walang Dios sa buong lupa, kundi sa
Israel: isinasamo ko ngayon sa iyo na tanggapin mo ang kaloob ng iyong lingkod.

T. Dahil sa ang Israel lamang ang may tunay na Diyos o nasa tunay na relihiyon,
sino lamang noon ang may karapatan na magsagawa ng tunay na pasamba?
4. Sa Israel ibinigay ang karapatan sa tunay na
pagsamba ............................................................
..............................................................................Roma
9:4 MB...................................................................
4Sila'y mga Israelita at itinuring ng Diyos na mga anak niya. Nakita nila ang maliwanag na tanda
na nagpapakilalang siya'y kasama nila. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos; sa kanila rin ibinigay ang
Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang mga pangako.

 Ano ang ipinahihiwatig ng banggit na tunay na pagsamba? Mayroong


hindi tunay. Alin ang tunay na pagsamba o paglilingkod? Ang isinasagawa
sa loob ng tunay na relihiyon. Samakatuwid, hindi nakapagtataka na
pamuhunanan ng gayon ni Moises ang paninindigan sa relihiyon ng mga
Israelita, sapagkat iyon lamang ang tunay na relihiyon noon. Samantalang
ang mga iba pa ay hindi tunay na relihiyon.
 Kaya, hindi dapat ikagalit o ipagdamdam ng sinuman kapag sinasabi
namin na hindi pare-parehong sa Diyos ang lahat ng mga relihiyon. Bakit?
Sapagkat napatunayan na iyan sa mga pangyayari noon pa mang una.

I. SA PANAHONG CRISTIYANO BA AY NAGPATULOY ANG


KATOTOHANANG HINDI PARE-PAREHONG SA DIYOS ANG LAHAT NG
RELIHIYON?

1. May dating relihiyon si Pablo – Judaismo ............ Gal.


1;13-14 SNB......................................................
“Alam ninyo ang buhay ko noong nasa relihiyon pa ako ng mga Judio – kung
paanong labis kong pinag-usig ang mga Cristiano. Sinikap kong lipulin silang lahat.
Sa mga kasinggulang ko ay wala nang mas deboto pasa akin sa aming relihiyon.
Sinikap kong sundin nang ganap ang lahat ng matatandang kaugalian at
alituntunin ng aking relihiyon.”

 Si Apostol Pablo ang nagsasalita sa mga talatang ito. Ano ang kaniyang
pinatutunayan? Na may dati siyang relihiyon – Judaismo. Anong uri
siyang kaanib sa unang relihiyong kinaaaniban niya? Isa siyang deboto o
aktibong miyemro sa Judaismo, sapagkat ang paniniwala niya noon ay
nasa tunay na relihiyon siya. Subalit…
T. Namalagi ba si Apostol Pablo sa Judaismo na siyang una niyang relihiyon?
Gabay sa Pagtuturo
Leksiyon sa Pamamahayag
Pahina 3

2. Hindi, kundi inilagay sa paglilingkod .................. I


Tim. 1:12...........................................................
12Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin,
sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;

 Bakit kailangan pang ilagay sa paglilingkod gayong naglilingkod na si


Pablo ng mga panahong iyon, kung saan ay isa nga siyang masiglang
kaanib sa Judaismo? Sapagkat wala pa siya sa tunay na relihiyon o tunay
na palilingkod.
T. Paano nakarating sa tunay na paglilingkod si Apostol Pablo?
3. Inilagay sa Iglesia ............................................... I
Cor. 12:28(a).....................................................
........................................................................
28At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta,
ikatlo'y mga guro,

 Ano ang pinatutunayan ng pangyayaring ito? Na nagpapatuloy ang


katotohanang mayroon lamang iisang relihiyong sa Diyos. Sa panahong
Cristiyano, alin iyon? Ang tunay na Iglesia.
 Kaya, nawawalan ng kabuluhan ang anumang paglilinkod na gagawin ng
tao gaano man ang kaniyang puhunan at gaano man ito kataimtim sa
kaniyang kalooban kung siya’y nasa labas ng tunay na Iglesia. kaya, si
Apostol Pablo ay inalis sa relihiyon na dati niyang kinaaaniban at dinala
sa Iglesia. Ang mga panyayaring ito sa buhay ni Apostol Pablo ang
maibibigay natin na isa pang matibay na patotoo na mayroon lamang
iisang tunay na relihiyong sa Diyos.

II. BAKIT HINDI NAPANSIN NG MARAMI NA HINDI SA DIYOS ANG


KANILANG RELIHIYON?

1. Sila’y nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos


..............................................................................Roma
10:2-3 MB.........................................................
2Mapatutunayan kong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos, subalit mali ang
kanilang batayan. 3Sapagkat hindi nila nakilala ang pagpapawalang-sala na kaloob ng Diyos, at
nagsikap silang magtayo ng sarili nilang pamamaraan sa halip na sundin ang pamamaraan ng Diyos.

 Sapagkat binulag sila ng kanilang mga pagsisikap at magandang layunin


sa paglilinkod. Akala nila’y sapat na iyon para maging tunay ang isang
relihiyon. Ano tuloy ang hindi nila napansin? Na mali na ang kanilang
batayan. Bakit mali? Sapagkat ang nasusunod na ay ang kanilang gusto
at hindi na ang gusto ng Diyos. Sa tunay na relihiyon, kaninong
kagustuhan ba ang dapat na masunod? Ang sa naglilingkod ba o ang sa
paglilingkuran? Natural, ang kagustuhan ng Diyos na pinaglilingkuran.
T. Ano naman ang dahilan at hindi rin nahalata ng iba na hindi tunay ang kanilang
relihiyon?
2. Lumalapit at pinararangalan din ang Diyos ........ Isa.
29:13 NPV.........................................................
13Sinasabi ng PANGINOON: "Ang mga taong ito'y lumalapit sa akin sa pamamagitan ng kanilang
mga bibig at pinararangalan ako sa pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit ang mga puso nila'y
malayo sa akin. Ang pagsamba nila sa akin ay batay lamang sa mga tuntuning gawa ng tao.
Gabay sa Pagtuturo
Leksiyon sa Pamamahayag
Pahina 4

 Paano nila pinararangalan ang Diyos? Ang sabi ng Diyos, “Pinararangalan


Ako sa pamamagitan ng kanilang mga labi.” Kaya hindi nakapagtataka na
ang bukambibig ng marami ngayon sa kanilang pagsamba ay, “Praise the
Lord,” “Aleluya”, “Purihin ang Panginoon.” Lamang, ano ang pintas ng
Diyos sa kanila? “Malayo ang kanilang puso sa Akin.” Bakit sinabi ito ng
Diyos?
T. Ano ba ang tunay na layunin ng kanilang paglapit sa Diyos?
3. Ang puso ay nasa pakinabang ............................
..............................................................................Ezek.
33:31 NPV.........................................................
31Ang bayan ko'y lumalapit sa 'yo, gaya nang lagi nilang ginagawa, at nauupo sa harapan mo para
makinig sa iyong mga salita, ngunit hindi naman nila isinasagawa. Ipinahahayag nila sa kanilang mga labi
ang kanilang pagsamba, ngunit ang mga puso nila ay matakaw sa pakinabang na di makatarungan.

 Hindi ba lalong hayag na hayag ngayon ang katuparan ng sinabing iyan


ng Diyos? Marami ang mga nangangaral ngayon na ang ipinang-aakit sa
mga tao ay ang mga bagay na materiyal o mga bagay na panlupa. Anu-ano
ang mga halimbawa? Pinangangakuan nila ang mga tao na
magkakatrabaho, makararating sa ibang bansa, makabibili raw ng lupa,
bahay, sasakyan. At kung may karamdaman, gagaling daw sa
karamdaman, magkakaroon daw ng kapayapaan ang sambahayan at ibat’
iba pa. Tuwang-tuwa at gustong-gusto naman ito ng mga tao na ang sabi
ng Biblia ay matakaw ang puso sa pakinabang.
 Ano naman ang ipinipilit ng iba? Iba raw iyong sa kanila. Sapagkat lahat
daw ng mga kababalaghang kanilang isinasagawa ay sa pangalan ni
Cristo.
T. Ang paggamit ba sa pangalan ni Cristo at ang paggawa ng iba’t-ibang himala ang
batayan ng pagiging tunay ng isang relihiyon at katunayan ng maliligtas sa Araw
ng Paghuhukom?
4. Kahit pa ginagamit ang pangalan ni Cristo- Ang
isasagot ni Cristo: “Kailan man ay hindi kayo naging
Akin.”.................................................................... Mat.
7:21-23 TLB......................................................
“Hindi lahat ng mga wari’y relihiyoso, ay totoo ngang mga taong banal.
Maaring tinatawag nila akong ‘Panginoon,’ ngunit hindi pa rin sila mapupunta sa
langit. Sapagkat ang napakahalagang tanong ay kung sinusunod nila ang aking
Ama na nasa langit. Sa paghuhukom, maraming magsasabi sa akin, ‘Panginoon,
Panginoon, ipapahayag namin sa iba ang tungkol sa iyo at ginagamit ang iyong
pangalan sa pagpapalayas ng mga demonyo at paggawa ng marami pang dakilang
himala.’ Ngunit sasagot ako, ‘Kailanman ay hindi kayo naging akin. Lumayas kayo,
sapagkat masasama ang inyong mga gawa.”

 Dahil ba sa ginagamit ng tao ang paggawa ng iba’t-ibang kababalaghan


ang pangalan ni Cristo ay kikilanin ba siya ni Cristo at makakapasok na
siya sa kaharian ng langit? Maliwanag ang pahayag ni Cristo: “Kailanman
ay hindi kayo naging Akin. Lumayas kayo, sapagkat masasama ang iyong
mga gawa.” Bakit sa halip na kilalanin ay itinakuwil pa sila? Sapagkat
nasa labas sila ng tunay na relihiyon-hindi nila sinusunod ang utos ng
Ama.
 Kaya hindi maiiwasan ng tao na magsuri kung tunay na sa Diyos at kay
Cristo ang kaniyang relihiyon.
Gabay sa Pagtuturo
Leksiyon sa Pamamahayag
Pahina 5

 Paano naman ang paniniwala ng iba na malaya raw ang tao na pumili ng
relihiyong gusto niyang aniban?

III. SINASANG-AYUNAN BA NG BIBLIA ANG PANINIWALA NA MALAYA ANG


TAO NA PUMILI NG RELIHIYONG AANIBAN NIYA?

1. Hindi kahit saan, kundi sa dakong pipiliin ng Diyos


..............................................................................Deut.
12:4-5 (a) MB.....................................................
4At sa pagsamba ninyo kay Yahweh, huwag kayong tutulad sa kanila na sumasamba sa kanilang
mga diyus-diyusan kahit saan maibigan. 5Sa halip, hanapin ninyo ang lugar na pipiliin niya sa lupain ng
isa sa inyong mga lipi; doon lamang niya ipapahayag ang kanyang pangalan at iyon ang ituturing
niyang tahanan.

 Ano ang pinatutunayan sa atin ng mga talatang ito? Na mula pa nang una
ay hindi malaya ang tao na sambahin ang Diyos sa paraan at sa dako na
gusto niya. Sino ang pumipili ng dako at paraan upang maisagawa ng tao
ang tunay na pagsamba sa Diyos? Ang Diyos mismo.
T. Alin ang dakong pinili ng Diyos sa panahong Cristiano upang ang naglilingkod ay
makapasok sa kaharian ng langit?
2. Ang makipot na pintuan ....................................... Mat.
7:13-14 TLB......................................................
“Ang langit ay mapapasok lamang sa pamamagitan ng makipot na pintuan! Ang
daan patungo sa impiyerno ay malapad, at ang kaniyang pintuan ay sadyang
maluwag para sa karamihan na ang pinili ay ang magaang pagdaan dito. Subalit
ang pintuang daan patungo sa buhay ay maliit at ang daraanan na makipot, at ilan
lamang ang nakakasumpong nito.”

 Bakit kakaunti lamang ang nakakasumpong ng makipot na pintuan


gayong ito ang patungo sa buhay? Sapagkat ang hinahanap ng iba ay
kung alin ang magaan at medaling paraan. Kung saan sila nakarating
ayon sa ating Panginoong Jesucristo? Doon sa maluwang na pintuan at
malapad na daan subalit patungo sa impiyerno.
T. Sino ang makipot na pintuang patungo sa buhay o sa ikaliligtas?
3. Si Cristo - dapat pumasok ................................... Juan
10:7 at 9 MB.....................................................
7Kaya't muling sinabi ni Jesus, "Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa.

9Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't
lalabas, at makatatagpo ng pastulan.

 Ano naman ang ipinag-uutos ni cristo? Dapat pumasok sa Kaniya ang tao
upang maligtas.
 Ang sabi ng iba, matagal na raw nilang tinupad ang utos na ito ni Cristo,
sapagkat tinanggap na raw nila at sinampalatayanan si Cristo. Kaya, ang
paniniwala nila ay nakapasok na sila kay Cristo.
T. Sino ang tunay na pumasok at dumaan sa ating Panginoong Jesucristo? Iyon
bang nagpahayag lamang ng pagtanggap at pagsampalataya sa Kaniya?
S. Ang pumasok ay napaloob sa kawan .................. Juan
10:7 at 9 REB ...................................................
Gabay sa Pagtuturo
Leksiyon sa Pamamahayag
Pahina 6

“Kaya muling nagsalita si Jesus: Buong katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako


ang pintuan ng kulungan ng mga tupa … Ako ang pintuan; Ang sinomang taong
pumasok sa loob ng kawan sa pamamaitan ko ay maliligtas…”

T. Alin ang kawan na kinapalooban ng mga taong tunay na pumasok kay Cristo?
S. Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo ....................
..............................................................................Gawa
20:28 Lamsa.....................................................
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang buong kawan na rito’y
hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang i glesia ni
Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.”

Konklusyon

Ito ang dahilan kaya kami ay nananalig na ang Iglesiang aming kinaaaniban ay
ang tunay na relihiyong sa Diyos, sapagkat nang kami ay umanib dito, ang aming
sinunod ay ang kalooban ng Diyos na itinuro ng ating Panginoong Jesucristo. Kaya
hindi namin matiis na hindi ibahagi sa inyo ang mga katotohanang ito sapagkat alam
naming pinakahahangad ninyo na maging makabuluhan din sa Diyos ang inyong
ginagawang pagsamba at paglilingkod sa Kaniya. Dahil kayo man ay namumuhunan
ng maraming sakripisiyo at alam din namin na ito’y ginagawa ninyo nang buong
kataimtiman at buong katapatan. Subalit, gaya ng pinatutunayan sa atin ng Banal na
Kasulatan. Ang lahat ng ito’y magkakaroon lamang ng halaga kung ito ay isinasagawa
natin sa loob ng relihiyong pinili ng Diyos.

Gabay sa Tagapagturo by MMB BY:


ERAÑO G. MANALO

You might also like