You are on page 1of 3

Ang Kapistahan Ng Kristong Hari

Homiliya ni Msgr. Clemente Ignacio

Mga kapatid ngayon ay ipinagdiriwang natin ang isang masayang


okasyon, ang Kristong Hari. Sobrang saya ng kampana, ayaw tumigil kanina.
Pinaputol na namin ‘yong elektrisidad para tumigil ‘yong kampana. Mga
kapatid bagamat dinarakila ng ating simbahan ang ating Panginoon, siya ang
ating hari, two thousand yrs old na po ang ating simbahan, mahigit 2000 yrs.
Old, pero itong celebration ng Christ the King sa ating liturya sa kalendaryo
ng ating simbahan ay less than 100 yrs. old

Ito’y itinatag ni Papa Pio XI noong 1925. Kaya noong nakaraang


century po lamang ito at ipinaliliwanag n’ya ang dahilan kung bakit itinatag
nya itong dakilang kapistahan ng Kristong Hari sa insiklikal na kanyang
sinulat, ito iyong “Quas Primas.” Kung nais ninyong basahin itong Quas
Primas ay makikita po natin ito sa internet. Pasok lang po tayo sa ating
Quiapo website, www.quiapochurch.com. Pagkalabas noong ating website
page, ‘yong home page natin, pindutin natin ‘yong nakalagay na “link to
Vatican”, at pag lumabas na iyong sa Vatican piliin natin iyong English na
translation tapos itype nating Quas Primas.

Alam po ninyo noong binabasa ko itong insiklikal na ito kahit na 1925


pa ito, parang pinaguusapan ito ng Santo Papa noon ang karanasan ng ating
bayan ngayon. Parang ngayon lamang isinulat itong Quas Primas at
napakagandang basahin natin ito, sapagkat mayroong konteksto na
pinanggagalingan itong Quas Primas.

Ano ba ang nangyari noong 1925. Noong 1925, ay katatapos lamang


ng World War 1. Sira ang Europa, at ‘yong mga inaasam-asam noong
panahon na iyon, iyong modernismo noong panahon na ‘yon, iyong pag
progreso ng Europa noon ay pansamantalang tumigil. Pero naroroon na sa
kultura at isipan ng mga tao iyong modernismo. Pagkatapos, iyong 1925 rin
ay ilang taon pa lamang pagkatapos nitong tinatawag na rebolusyon sa
Russia, itong tinatawag na “Bolshevic revolution”; kung saan nagkaroon sa
kauna-unahang panahon ng isang gobyernong Totalitarianismo, na masasabi
nating ateista, hindi naniniwala sa Diyos, lumaban sa Diyos, sa relihiyon. At
ang bunga nito ay ang tinatawag nating Soviet Communism.

Kaya ano iyong nakikita ng santo papa noon? Ang nakikita niya ay mga
pangyayari, mga kultura, mga palaisipan sa lipunan kung saan ang mga
halaga ni Kristo at ang pananampalataya sa ating Panginoon ay isinasa-
isang tabi at hindi lang ‘yon, kinakalaban pa. Ang kaharian ng Diyos, ang
kaniyang mga halaga ay ipinagpapalit sa kahariang likha ng tao, ‘yong mga
pagiisip noon nais sirain itong magagandang itinuro ng ating Panginoon sa
atin at siya noon ay hinahawakan, dala-dala ng simbahan at itinuturo ng
simbahan, pero ang inaataki noon ay ‘yon mismong empire ng ating Diyos.
Kaya sinabi ni Santo Papa Pio XI, simulan natin sa ating mga pagdiriwang
itong dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Mga kapatid nabanggit ko, noong
binabasa ko ‘yong Quas Primas, parang kasalukuyang panahon natin ito.
Naalala ko noon iyong pagtingin sa simbahan sa Europa ay nakakalungkot.
Nag punta ako noon sa Germany, tumira ako sa isang simbahan, pero ‘yong
simbahan na iyon ay napakalamig walang nangyayari, at sa loob ng
simbahan ang makikita natin ay isang museo. Iyong kalis, ‘yong mga
kandelaria, ‘yong mga krusipiho, ‘yong mga stola’t kasuotan ng mga pari,
‘yong mga kasuotan ng mga sakristan, nakadisplay na lamang doon na
parang isang alaala lamang at ang mga tao pumapasok para tingnan, “ano
nga ba itong Katolisismo? Ano nga ba itong mga ginagamit noong araw sa
misa?” Patay na ang simbahan. At pumunta ako doon sa isang simbahan
kung saan mayroong misa. Ang nakita ko isang matandang pari, kasi wala
na silang bokasyon doon sa kanilang lugar, isang matandang matandang
pari at nakita ko rin kakaunti lamang ang nagsisimba, panay matatanda. At
paglabas ko ng simbahan, nakita ko ang isang graffiti, kulay pulang
pinturang ginamit sa mismong pader ng simbahan. At tinatanong ko sa mga
tao “ano ba ‘yong nakasulat doon?”, ayaw nilang sabihin sa akin. Hanggang
isang bata-bata ang tinanong ko at sinabi, “Ang nakasulat po diyan ay
“priest go home”, Pari umuwi ka na, hindi na namin ikaw kailangan”. Iyan
ang nangyari sa lipunan kung saan masasabi nating Western First World. Ang
kanilang pananaw sa simbahan at sa lipunan ay unti-unting nasira. At ang
mga halaga ni Kristo, isinasa-isantabi na ng ganoong lipunan. Nasabi ko,
parang ngayon lamang sinulat iyong Quas Primas, sapagkat dito po sa ating
bayan nagsisimula nang pumasok itong mga ganitong pagiisp at kultura.
Mga pagiisip na isinasa-isantabi na ang mga halaga ng kaharian, mga
palaisip at mga kultura na nagsasabing huwag ng makialam ang simbahan
sa pribado at publikong buhay natin. Itong mga pagiisip na ito ay
nagbubuhat sa mga bansa na western countries.

Kagabi naririto si Fr. Anton Pascual at sinabi niya “Ang hirap dito sa RH
Bill na ito, hindi lang ang pinaguusapan dito ay ‘yong tungkol sa ang
Reproductive Health, kasama na dito ang mas malalim pang mga pagiisip at
kultura na nanggagaling sa ibang bansa nais pumasok ngayon sa ating
bayan, at sirain itong kultura nating mga Pilipino. At ano ba itong mga
halagang ito? Iyong mga halaga na nagsasabing, ang mahalaga ay iyong
sarili kong karapatan, iyong sarili kong kalayaan, ako ang magpapasya
tungkol sa aking buhay at tungkol sa magiging anak ko. Kung itong anak na
ito’y isisilang ko ba o hindi, ako ang mahalaga, ako ang magpapasya. Ito
‘yong tinatawag na “individualism”, ‘yong pagkakanya-kanya, mula sa
kultura galing sa mayayamang bansa. Hindi ganyan ang Pilipino. Ang Pilipino
ay makapamilya, ang Pilipino’y hindi kanya-kanya, ang Pilipino’y
nagdadamayan. At ito ‘yong mga magagandang halaga na matagal na
hinubog sa atin ng ating simbahan, ng Kristianismo sa buhay natin. Iyong
mga halaga halimbawa na, ang simbahan ay isa-isangtabi na, labanan, sirain
ang mga pinuno ng simbahan. Doon sa panahon ni Papa Pio XI, ganoon na
ang nangyayari, inaatake na ang simbahan. At nakita nga natin sa ibang
mga bansa, ang kalungkot lungkot na pangyayari, namatay na ang simbahan
sa kanilang lugar. Pero sa atin, mahalaga ang simbahan, mahal natin ang
Simbahan, ito ang ating ina, ito ang sinasabi nating may karunungang
gumagabay sa atin. Mahalaga kasi sa atin ang ating pananampalataya. May
mga pagiisip na unti-unti, sumisira sa ating pananampalataya. Buksan lang
natin ang ating internet, basahin natin ‘yong mga komento sa mismong mga
website ng mga news providers natin dito sa ating bansa. Makikita natin ang
maraming komento, ang paninira sa ating simbahan, ang paninira sa ating
mga kaparian. Iyong mga pagaatakeng sinasabing mga Damaso sila. Itong
mga ganitong pagiisip, mga kapatid, hindi iyan maka-Pilipino, hindi iyan
Asian, iyan ay unti-unting pumapasok, nais sirain ang ating kultura. Marami
ngayon na mga pagiisip na kailangang bantayan natin. Ang mga pagiisip na
ito ay laban sa kaharian ng ating mahal na Poong Nazareno. Ang mga
halagang dala-dala nito ay laban sa mga halaga ng ating mahal na Poong
Nazareno. Kaya nga sinabi ng Santo Papa noon, tandaan natin palagi itong
dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Siya ay isang paalaala sa atin tungkol
sa, unang-una, ang ating Diyos na mapagmahal; pangalawa, tungkol sa
kanyang kaharian na kanyang itinatag dito sa lupa at makikita nating
magtatagumpay sa katapusan ng daigdig at magiging buong buo; at
pangatlo, tungkol sa mga halaga, sa mga pinahahalagahan ng kaharian, at
iyong mga halagang ito na atin ding dapat yakapin at maging bahagi ng
buhay ng ating mga pamilya at ng ating sarili.

Ang dakilang kapistahan ng Kristong Hari ang maaring magligtas sa


ating bayan kung isinasapuso natin ang kapistahang ito. Mga kapatid ang
simbahan natin na nagdadala nitong mga halaga ng kaharian ay
nagpapaalaala sa atin at tulad ng ating Panginoon doon sa krus,
inanyayahan niya tayo, hindi niya tayo pinuwersa na sumunod sa kaniya,
kundi inanyayahan niya tayo sa magagandang mga panaginip niya para sa
atin. Nawa ang kapistahang ito’y maging paanyaaya sa atin na laging isa-
puso ang mga halaga ni Kristo at maging maingat sa mga halagang lalaban,
sa mga halaga ng Kaharian. Huwag natin itong pasakupin sa ating buhay, si
Kristo lamang, ang kaniyang kaharian ang maaaring manakop sa buhay
natin.

You might also like