You are on page 1of 12

Dalaw Patron

Sa mga Calle ng Poblacion 2018


Diocesan Shrine of St. Agustine
Sta.Cruz Parish
Dalaw Patron sa mga Calle ng Poblacion
Tema: “San Agustin, huwaran ng mga Pari at mga
Nagtalaga ng buhay sa Diyos”
Insert: Karakol
Tanong: Alam ko na ang lahat ay pamilyar na
pamilyar sa tugtuging ito, ano ang ginagawa natin sa
tuwing maririnig ito? Ano nga ba ang karakol?

Ito ay isang paraan ng Pananalangin na pasyaw upang


magpuri at magpasalamat sa Diyos kung kaya’t hindi
dapat gamitin ang mga tugtugin na parang
nambabastos (tulad ng Spaghetti pababa, o tatlong
bibe) ang mga deboto ay hindi lamang nag sasayaw
kundi sinasamahan nila ang patron na inililibot sa
bayan upang higit na pagpalain ng Diyos ang bayan at
ang mga tao sa tulong ng patron.
Sino nga ba si San Agustin?
Si San Agustin ay isinilang noong ika – 13
ng Nobyembre, 354, sa Tagaste (ngayon Souk-
Ahras, Algeria) sa hilagang Africa. Ang
kanyang mga magulang ay sina Patricio at
Santa Monica. Si Patricio ay pagano at opisyal
na Romano samantalang si Monica ay isang
masugid na Kristiyano na nagsikap hubugin sa
pamumuhay Kristiyano ang kanyang anak.
Noong taong 370, nag-aral siya sa Cartago ng
retorico sa pagnanais na maging isang
manananggol sa batas. Iniukol niya ang sarili
sa pananaliksik sa mga kaalaman ukol sa
mundong ito at unti-unting tinalikuran ang
pananampalatayang Kristiyano, noong nasa
Milan naman siya ay hinikayat siya ng
kanyang ina na makinig sa mga paliwanag ng
Obispo ng Milan, si Ambrosio. Ngayon ay si
San Ambrocio.
Sa pamamagitan ng pakikinig sa mahusay
na Obispo, naantig ang kanyang puso,
nagbagong-loob at nagpabinyag sa naturang
Obispo noong gabi ng Muling Pagkabuhay
taong 387, sa gulang na 33.
Tinugon ng Diyos ang mga panalangin at
pagpapakasakit ng kanyang ina.
Nang sila ay pabalik na sa Africa namatay si
Sta.Monica sa Italya subalit natupad ang kanyang
minimithi na makita niya si San Agustin na isang
matapat na Katoliko.
Noong taong 391 siya ay inordenahang pari at
makaraan ang limang taon hinirang siyang Obispo.
Siya ang naging pangunahing pinuno ng Simbahan
sa Africa.
Sa panahon ng kanyang pagiging Obispo
marami siyang iniakdang mga aklat at sulatin
hinggil sa pagpapaliwanag at pagtatanggol ng
pananampalataya sapagkat noon ay laganap ang
iba’t ibang maling sekta na nagpapagulo sa
pananalig at umaakit sa maraming Katoliko. Dahil
dito, siya ay itinanghal bilang isa sa mga dakilang
Ama at Pantas ng Simbahan.
Nagwakas ang kanyang paglilingkod bilang
matapat na Obispo ng Hippo nang siya ay bawian
ng buhay noong Agosto 28, 430 sa gulang na 76.
QUESTION: Kung si San Agustin ay taga Hippo,
paano siya napunta sa Tanza?

Sino si San Agustin de Tanza?


May paniniwala na noong 1795, may isang
magsasaka mula sa barrio Amaya ang nakatagpo
sa imahen ni San Agustin na nakahiga sa gitna ng
isang sunog na palayan na kung tawagin ay
Bañadero, malapit sa Ilog Obispo. Ang
magsasaka na walang kaalaman o kamalayan
kung ano o sino ang natagpuan niya ay
nagpasyang dalhin ang kanyang natagpuan sa
munisipyo. Ang pinuno ng bayan, na wala ring
kaalaman ay nagpasyang ilagay ang imahen sa
ilalim ng hagdan ng munisipyo at doo’y naging
talian ng mga kalabaw at kabayo.
Dahil sa kalapastanganang ginawa sa imahen
ni San Agustin ay sinasabing nagpakita sa
panaginip ng noon ay kura paroko na si Padre
Narciso Manas. Inatasan sa panaginip si Padre
Narciso Manas na kunin siya mula sa munisipyo
at ilagak sa simbahan kung saan siya ay
maigagalang at ang mga tao ay
makakapamintuho. Simula noon, napakaraming
himala at pagpapala ang naganap at doon
nagsimula ang lubusang debosyon kay San
Agustin.
Mayroon din namang paniniwala ang ibang
tao na ang imahe ni San Agustin ay nagmula pa
sa bansang Espanya at bahagi ng mga Cargo ng
lumubog na galleon sa Manila Bay. Ayon sa
teorya ang imahen ay lumulutang-lutang sa
dagat hanggang makarating sa bunganga ng
Ilog Obispo hanggang sa makarating sa
Bañadero.
May isa paring paniniwala na ang imaheng ito
rin ni San Agustin ay inukit dito sa Pilipinas, sa
kadahilanang ito ay inukit katulad ng mga inukit
na imahen sa Pilipinas: “Isang matandang balbasin
na nakadamit ng mahaba; may “miter” upang
ipaala-ala na isa siyang Obispo; medyo nakatikom
ang palad upang mahawakan ang tungkod, ang
munting modelo ng simbahan na nasa ibabaw ng
isang aklat upang ipakita at pahalagahan ang
kanyang pagiging duktor ng simbahan.”

Kung atin namang sisiyasating mabuti ang


altar na kung saan nakalagay ang imahen ni San
Agustin ay mababasa natin“ SAN AGUSTIN,
1795.: kung ganon, ang mga pinuno ng lokal na
simbahan ay tinanggap ang 1795 na pagkakatagpo
sa imahen ni San Agustin.

Sa katunayan, ipinagdiwang pa ng buong saya


at ringal ang ika-200 anibersaryo noong 1995.
Naging kaugalian ng mga taga Tanza na
tawaging “Tata Usteng” si San Agustin,
(minsan nga ay kilala si Tata Usteng at hindi si
San Agustin) Ito ay ang tawag ng pagmamahal
sapagkat para sa mga taga Tanza si San
Agustin ay isang ama na palaging
nagmamahal, sumusubaybay at nangangalaga
sa kanyang mga anak.
Tignan natin ang larawang ito.

Ano ang ipinakikita sa atin ng larawan?


“Ang larawang ito ay simbolo ng tunay na
paglilingkod na ipinamalas sa buhay ng ating patrong
si San Agustin” ipinakita sa atin ang kahulugan ng
Renwed Servant Leader, ito ay ang (Lubusang
paglilingkod na unang ipinamalas sa atin ng ating
Panginoong si Hesus.
Ang taong ito ay dineklara ng CBCP bilang Year of
the Clergy and Consecrated Life (Dec.03, 2017 –
Nov.25, 2018).
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Year of the
Clergy and the Consecrated Life?

Ito ay upang maihanda ang mga mananampalataya sa


ikalabing anim ng Marso 2021.
Ano ba ang kahalagahan nito sa ating mga
mananampalataya? Bakit kailangan tayong maging
handa?
Ating ipagdiriwang ang ika-500 taong anibersaryo ng
Krsitiyanismo sa Pilipinas.

Balikan natin ang kasaysayan ng ating


pananampalataya:
Ang unang misa sa Pilipinas ay ginanap sa Limasawa
sa Linggo ng Pagkabuhay, March 31, 1521 maaalaala
natin na si Raja Humabon (bininyagang Carlos) at ang
kanyang kabiyak na si Hara Amihan (bininyagang
Juana) ang mga unang bininyagan. Si Hara Amihan ay
niregaluhan ng Sto.Nino na makikita natin sa isang
shrine na nakalagay sa gilid ng Simbahan sa Cebu.

 Sa ngayon tayo’y nasa ika-6 na taon ng


paglalakbay tungo sa 2021.
 Matatandaan natin na noong July 2012 ang CBCP
ay pinahayag ang 9 na taong paglalakbay patungo
sa bagong Ebanghelisasyon. (New
Evangelization)
 2013 – Year of Integral Faith Formation
 2014 – Year of the Laity
 2015 – Year of the Poor
 2016- Year of the Eucharist and the Family
 2017 – Year of the Parish as Communion of
Communities
 2018 – Year of the Clergy and Religious
 2019 – Year of the Youth
 2020 – Year of Ecumenism and Inter-Religious
Dialogue
 2021 – Year of Missio ad Gentes (Mission to the
Nations)
Ang taong 2021 ay maituturing na: A Year of
Great Jubilee for the Church in the Philippines.

Sa taong ito ating mapagninilayan ang


napakahalagang gamapanin ng mga Pari / Relihiyoso /
Relihiyosa sa buhay ng mga mananampalatayang
Pilipino. Ang mga taong ito katulad ng ating patron na
si San Agustin ay tinatawag nating pinunong tunay na
naglilingkod, sila ang tinatawag na Servant Leaders.

Isang servant Leader na KATULAD NI KRISTO


SA PAGMAMAHAL; KATULAD NI KRISTO
SA PAGLILINGKOD.

Ang Taon ng mga Pari at ng mga Nagkonsagra ng


buhay ay isang panawagan para sa ating lahat na
siyasatin, bigyang pansin ang ating pansariling
misyon at paglilingkod, sabi nga ni Kristo
(NAPARITO AKO SA MUNDO HINDI PARA
PAGLINGKURAN KUNDI PARA
MAGLINGKOD.)

QUESTION: Nakikita mo ba ang iyong sarili na


ginagampanan ang misyon na ito sa tulong ng
ating patrong si San Agustin?
Speaker Schedules:

JM / Lucy – San Pedro July 20, 2018

Grace / Mabi – San Francisco July 21, 2018

Orly / Charlene – San Jose July 23, 2018

Grace / Mabi – San Juan July 24, 2018

Heidi / Lerma – Santo Domingo July 25, 2018

Orlie / Eva – San Miguel July 27, 2018

Jm / Lucy – St.Anthony July 28, 2018

You might also like