Professional Documents
Culture Documents
Kilala bilang isang aktibistang Katoliko sa Italya, si Beato Pier Giorgio ay isang aktibong layko
ng Simbahan na nakikilahok sa mga usaping panlipunan, lalo na sa pagsanib niya sa iba't ibang
Katolikong samahan tulad ng St. Vincente de Paul Society at Catholic Social Action. Isang mahusay na
mountaineer, naging isa sa kanyang mga libangan ang maging isang atleta kasama ng kanyang mga
kaibigan. Sa Turin na kanyang tahanan niya iniliaan ang kanyang mga kawanggawa para sa mga
mahihirap at maysakit. Sumanib din siya sa Tertian ng mga Dominikano at itinuturing na isa sa mga
santong patron ng samahang ito. Pinuri siya ni Papa San Juan Pablo II noong 1989 at 1990 bilang
"Ginoo ng Walong Mapapalad" or "Man of the Eight Beatitudes". Noong 2010, hinimok ni Papa Benito
XVI na sumunod sa yapak at halimbawa ni Frassati "upang matuklasan ang halaga ng ilaaan ang sarili
para sa Diyos… upang tumugon sa kanyang tawag sa mga mahahalagang pasya sa buhay ng tao."
Si San José Luis Sánchez del Río (28 Mario 1913 – 10 Pebrero 1928) ay isang batang Kristero na
pinatay ng pamahalaanng Mehikanong pinamumunuan ng ateista at anti-Kristiyanong pangulong si
Plutarco Elías Calles sa dahilang pagtangging itakwil ang kaniyang pananampalataya.
Noong nadakip si Sánchez ng mga kawal ng pamahalaan ni Calles, sinubukan nilang wasakin
ang pananampalataya ng bata a pamamagitan ng pagpanood sa kaniya ng pagbigti ng kaniyang kapwa
Kristero. Nang mabigo ang mga kawal, pinutol nila ang mga paa ng bata at sapilitang siyang ipinaglakad
sa bayan patungo sa sementeryo. Ginalis-galis din nila ang bata gamit ng matsete hanggang dumudugo
na siya sa kaniyang maraming sugat. Nagawa pa ng mga kawal na pagsabihan saying "'Pag sumigaw
kang 'Mamatay si Kristong Hari!' pananatiliin ka naming buhay." Ngunit ang tanging isinasagot lamang
ng bata ay "Hindi ako bibigay. Mabuhay si Kristong Hari!" Nang marating nila ang sementeryo, ilang
ulit pinagsasaksak ng mga kawal ang bata gamit ng mga bayoneta. Sa tindi ng galit ng komandante kay
Sánchez, inilabas niya ang kaniyang pistola at siya mismo ang bumaril sa bata. Bago mamatay si
Sánchez, gumuhit siya ng krus sa buhangin at hinalikan.
Idineklara siyang isang martir at ibineatipika ni Papa Benedicto XVI noong ika-20 ng
Nobyembre 2005. Kinanonisa si Sánchez ni Papa Francisco noong ika-16 ng Oktubre 2016.
Siya ay naging nobisyo, hindi Pari; ang kanyang buhay bilang nobisyo sa mga heswita ay
kinamalasan ng pambihirang kabanalan: ang matapat na pagtupad ng kanyang tungkulin, ang pag-iingat
sa kanyang mga paningin, ang matimyas na pagmamahal sa Mahal na Birhen at sa Santisimo
Sakramento. Namatay siya noong Hunyo 21, 1591 sanhi ng isang sakit na nakuha niya sa pagtulong sa
nasalanta ng peste.
Sa araw na natanggap ni Dominic ang kanyang unang Komunyon, sumulat siya ng apat na
pangako sa isang maliit na aklat:
1. Ako ay laging mangungumpisal, at kung ipahihintulot na aking confessor ay laging tatanggap ng
banal na Komunyon.
2. Nais kong pabanalin ang mga Linggo at mga kapistahan sa isang espesyal na paraan.
3. Ang mga kaibigan ko ay si Jesus at si Maria.
4. Mamatay na muna bago magkasala.
Sa kanyang murang edad ay makikita na ang kanyang kaibahan sa pangkaraniwang mga bata.
Nang minsang ang dalawang kaklase niyang laging gumagawa ng gulo ay nilagyan ng nyebe at basura
ang kalan ng paaralan na maaring magdulot ng sunog, ibinintang nila it okay Dominic nang ito ay
nalaman ng kanilang guro.. Hindi ikinaila ni Dominic ang akusasyon dahil alam niyang kung malalaman
ng guro kung sino ang may gawa, ay maaring magbunga ito ng pagpapatalsik sa paaralan ng dalawa
niyang kaklase. Kaya mas pinili niyang tumahimik kahit na siya ay napagalitan sa loob ng kanilang
klase. Nang malaman ng kanilang guro ang katotohanan, tinanong niya si Dominic kung bakit hindi niya
ipinagtanggol ang sarili noong siya ay pinagsasabihan, sinabi niya na si Hesus ay nananitiling tahimik
noong panahaon na siya ay pinaparatangan ng kasalanang hindi Niya ginawa. Noong Oktubre 1854, si
Dominic ay personal na ipinakilala kay Fr. Bosco - kasama ang kanyang ama. Sa Kanilang pagkikita,
sinubok ni Bosco ang katalinuhan at pang-unawa ni Dominic sa pananampalatayang Katoliko. Ibinigay
niya kay Dominic ang isang kopya ng babasahing katoliko, na tumutungkol sa apologetics. Inasahan ni
Bosco na ibibigay ni Dominic ang ulat sa susunod na araw, ngunit sampung minuto lamang ang
nakalipas ay ibinigay na ni Dominic ang teksto at buong paliwanag tungkol sa kahalagahan nito.
Hinangaan ni ng husto ni Bosco si Dominic sa ipinamalas nitong katalinuhan. Nagpahayag si Dominic
ng interes na maging isang pari at hiniling nito na pumunta sa Turin upang dumalo sa Oratoryo ng St.
Francis de Sales. Sumang-ayon si Fr. Bosco na isama siya. Sa Oratoryo, si Dominic ay nag-aral nang
direkta sa ilalim ng pangangalaga ni Fr. Bosco. Nagsumikap siya sa piniling bikasyon at palaging
nagtanong kapag may hindi siya maintindihan ang isang bagay na kanyang pinagaaralan. Sinariwa niya
ang kanyang mga pangako noong kanyang Unang Komunyon na isinulat niya sa kanyang maliit na libro
noong pitong taong gulang pa lang siiya. Pagkalipas ng anim na buwan sa Oratoryo, si Dominic ay
nagpahayag ng pagnanais na maging santo sa pamamagitan ng isang talumpati. Sa kanyang pananalita,
4|PAROKYA NG NUESTRA SE ÑORA DE LA ASUNCION
KOMISYON NG KABATAAN
nagbigay siya ng tatlong mahahalagang puntos; kalooban ng Diyos na lahat tayo ay maging mga banal,
madaling maging isang santo, at may dakilang gantimpala sa langit para sa mga banal. Bagamat gusto ni
Dominic na maging isang santo, naging palaisipan sa kanya kung paano niya ito makakamit gayong siya
ay isang bata. Kaya naman siya ay nagboluntaryong magpenetensya at gumawa ng mga pisikal na
sakripisyo gaya ng pagsusuot ng maninipis kapag taglamig at paglalagay ng bato sa kanyang higaan
kapag matutulog sa paniniwalang ito ang maglalapit sa kanya sa kabanalang kanyang inaasam. Nang
mabatid ni Fr. Bosco ang kanyang ginagawa, itinuwid niya ito at ipinaliwanag na bilang isang bata ang
dapat niyang gawin sa halip ay ang italaga ang kanyang sarili sa pagaaral at maging masayahing bata.
Mabilis namang naibalik ang kanyang pagiging masigla at masayahing bata. Habang patuloy siyang
umuunlad sa kanyang pag-aaral, nagsimula namang bumagsak ang kanyang kalusugan. Nagsimula
siyang mawalan ng ganang kumain at nanghina ang katawan. Ikinabahala ito ni Fr. Bosco at dinala siya
sa doctor. Inirekomenda nito na pauwiin si Dominic sa kanyang pamilya para doon magpagaling.
Bagamat gusto ni Dominic na manatili, iginiit ni Fr. Bosco na kailangan niyang umuwi para sa kanyang
kalusugan. Lahat ay umaasa sa kanyang kagalingan, maliban kay Dominic na nagsasabi na siya ay
malapit nang mamatay. Patuloy na lumala ang kanyang kalagayan, sa kabila ng regular na pagtingin sa
kanya ng kanyang doctor. Ngunit sigurado si Dominic sa nalalapit niyang kamatayan, kaya hiniling niya
sa kanyang mga magulang na tawagin ang pari ng kanilang parokya upang siya ay makapagkumpisal sa
huling pagkakataon. Matapos niyang magkumpisal ay pinahiram na siya ng Banal na Langis. Hiniling
niya sa kanyang ama na basahin sa kanya ang panalangin mula sa Exercise of a Happy Death hanggang
sa siya ay makatulog. Makalipas ang ilang oras ay nagising siya at sinabi sa kanyang ama, “Paalam,
ama, paalam … Ano’t napakaganda nitong aking nakikita!” Siya ay muling nakatulog at pagkalipas ng
ilang minute ay binawian na ng buhay. Marso 9, 1857 noon at si Dominic ay 15 taong gulang lamang.
Sumulat ang kanyang ama kay Fr. Bosco upang ipaalam ang malungkot na balita. Napukaw ng buhay ni
Dominic si Fr. Bosco at naisulat niya ang talambuhay nito, “Ang Buhay ni Dominic Savio”. Sa
pamamagitan nito, lumaganap ang kaalaman tungkol kay Dominic at naging dahilan ito upang
manawagan sila na ito gawing santo. May mga tutol dito sapagkat napakabata pa ni Dominic upang
gawing santo at hindi siya isang martir. Gayunpaman, hindi sumang-ayon si Pope Pius X at binuksan
ang posibilidad ng kanyang kanosisayon. Si Dominic Savio ay ipinahayag na venerabl noong 1933 ni
Pope Pius XI, na-beatifica noong 1950, idiniklerang santo noong 1954 ni Pope Pius XII.
Naging masyadong mahirap ang pamumuhay ng kanilang pamilya kaya napilitan silang mag-
anak na ibenta pati ang kanilang mga ari-arian kaya naging palipat-lipat sila sa mga bayan kapag anihan
na. Noong 1899 lumipat sila sa maliit na bayan ng Ferriere, Italya. Sa kagustuhan ng ama ni Maria na
mabuhay ang pamilya nila napilitang makipagkasundo siya kay Signor Serenelli na may anak na lalake,
si Alessandro. Nakatira lamang sila sa iisang bahay na pagmamay-ari ng Konde ng Mazzolini.
Nagkaroon ng malaria ang ama ni Maria na siyang naging dahilan ng pagkamatay niya. Siyam na
gulang lamang si Maria noon. Sa pagkamatay ng kanyang ama mas naging malakas si Maria. Naging
masaya ang pamilya kahit mahirap ang pamumuhay nila. Silang lahat ay nagkaroon ng malalim na
pagmamahal at pananalig sa Diyos. Isa sa mga pinakamahalagang kaganapan ng kanyang buhay ang
unang Komunyon niya noong Hunyo 16, 1901. Kaiba si Maria kaysa sa mga ibang bata ng Ferriere.
Mas matanda si Alessandro kaysa kay Maria ng ilang taon. Masyadong makamundo ang pag-
iisip nito na naging mabigat na problema kay Maria. Ilang beses rin na tinangka ni Alessandro na alukin
si Maria ng pakikipagtalik sa gulang niyang iyon. Ngunit matindi ang pagtanggi ni Maria sa mga alok ni
Alessandro dahil sa kanyang pagmamahal sa Diyos.
At noong Hulyo 5, 1902, 3:30 ng hapon habang nagsusulsi si Maria sa kanilang bahay,
pwersahang inalok siya ulit ni Alessandro na makipagtalik sa kanya ngunit matigas talaga ang pagtanggi
ni Maria at sinabing “Hindi! Isa itong kasalanan! Hindi ito gusto ng Diyos!” Ngunit nagdilim na ang
paningin ni Alessandro at pinagsasaksak niya ang bata ng 14 beses. Naitakbo pa rin si Maria sa ospital at
ginawa ng mga doktor ang lahat para maligtas siya subalit hindi sila nagtagumpay. Tumagal pa rin si
Maria ng higit sa 20 oras. Sa mga nalalabing oras niya nagawa pa rin niyang patawarin si Alessandro sa
kanyang pagkakasala at sinabing gusto niyang makasama si Alessandro sa langit. Hulyo 6, 1902
namatay si Maria sa gulang na 11 taon, 9 buwan, at 21 araw habang nakatanaw sa larawan ng Mahal na
Birhen. Sa kanyang pagkamatay napanatili niya ang kadalisayan ng kanyang pagiging birhen at ang
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Nahuli si Alessandro at nahatulan sana ng kamatayan ngunit dahil menor de edad lamang
nakulong lamang siya. At sa loob 30 taon sa kulungan natutuhan ni Alessandro ang magbagong buhay
dahil sa isang panaginip niya kay Maria. Nakita niya sa kanyang panaginip si Maria na binibigyan siya
ng mga lily (simbolo ng kadalisayan) na nasunog sa kanyang mga kamay. Pagkalabas ni Alessandro sa
kulungan, humingi siya kaagad ng kapatawaran sa ina ni Maria. Abril 27, 1947 nang ipahayag siyang
isang “beata” ni Papa Pio XII. Pagkalipas ng 48 taon ng kamatayan – Hunyo 24, 1950 - itinalaga siyang
martir at Santa, ang pinakabatang Santa. Nandoon ang ina ni Maria; ang pinakaunang ina sa kasaysayan
Noong 1896, nagsimula ang kanyang paghihirap at pagtitiis sanhi ng kanyang sakit sa baga na
kanyang ikinamatay noong Setyembre 30, 1897, sa edad na dalawampu’t apat. Bago siya malagutan ng
hininga, winika niya: “Gugugulin ko ang aking langit sa paggawa ng kabutihan sa lupa, magpapaulan
ako ng mga rosas.”
Sa tanang buhay niya ay wala siyang ginawang himala o kahit anong pambihira bagay. Hindi rin
siya nakarating sa ibang malalayong lugar para sa mga misyon. Kinilala siya bilag pintakasi ng mga
Si San Lorenzo Ruiz bilang isang Lingkod ng Simbahan at Deboto ng Mahal na Birheng Maria
Si San Lorenzo noong siya’y bata maliban sa siya ay namasukan sa kumbento ng mga pareng Dominiko
sa Binondo bilang houseboy at sacristan. Dito nag-umpisang mahubog ang kanyang pananampalataya nang
siya’y naging aktibong miyembro ng Cofradia del Santisimo Rosario kung saan siya’y naging madasalin at ang
buhay naman niya’y naging maka-kristiyano. Nabigyan si Lorenzo ng mabuting edukasyon sa ilalim ng mga
Dominikong pare at nang magtapos siya, siya’y kinuhang “eskribiente” o kalihim ng kumbento. Dahil sa
kaniyang kagalingang ipinakita, ibinigay sa kanyang ang malaking responsabilidad na magsalin ng mga
dokumento ng binyag, kumpil at kasal sa opisyal na libro ng simbahan. At dito napanatag ang loob ng mga pare
at lubos siyang pinagkatiwalan. Sa paglilingkod niya sa simbahan ng Binondo kung saan nahubog ang kanyang
pagiging aktibo sa mga gaawin ng simbahan, na siyang nagpatibay ng kanyang pananampalataya sa Diyos at
patuloy na nagpalalim ng kanyang debosyon sa Mahal na Birhen, lalo na sa pagdarasal niya ng Santo Rosaryo.
Si Lorenzo ay dinakila bilang beato ni Papa San Juan Pablo II noong ika-18 ng Pebrero 1981 dito sa
Luneta Park kasama ng labing-anim niyang kasama. Ang proseso ng kanyang beatification ay nagtagal lamang
ng limang taon at ito’y isa na sa pinakamabilis na proseso ng beatification sa kasalukuyang panahon. Nguni’t
mas higit pa dito, si Lorenzo ang kauna-unahang tao ginawang beato sa labas ng Vatican sa dalawang-libong
taong kasaysayan ng simbahang katolika. Walang iba bago kay Lorenzo ang naging beato sa labas ng Vatican at
sa kanyang sariling bansa.Kasama din ni Lorenzo na ginawang beato ay sampung Hapon, apat na Kastila, isang
Italyano at isang Pranses. Siyam dito ay mga pareng Dominico, dalawa ay laykong Dominico, dalawang
madreng Dominico at apat na layko, kasama si Lorenzo.
Si San Lorenzo ang siyang kauna-unahang santo ng Pilinas at ayon sa Santo Papa, “The Most Improbable of
Saints.” Ang pagsasaksi ni Lorenzo ang siyang simbolo ng katapangan walang hanggang ang kinakailangan
natin para ipakita na maaaring rin nating magawa. Para kay San Lorenzo, walang pinagkaiba ang kanyang
10 | P A R O K Y A N G N U E S T R A S E Ñ O R A D E L A A S U N C I O N
KOMISYON NG KABATAAN
pananampalataya at buhay. Buhay na walang pananampalataya ay walang halaga…ipinakita niya na ang
pagiging banal at kabayanihan ay kaya ng kahit sino man.”
Ang pagdating ni Lorenzo at kanyang mga kasama sa lupain ng Hapon noong panahong iyon ay nabalot
sa ‘di kagandahang palad. Noong kasi, ang pamunuan ng bansang Hapon ay nagsagawa ng matinding
pagpaparusa at pagpatay ng mga Kristiyanong mananampalataya sa bansa, lalo na sa bayan ng Nagasaki.
Mabilis kasing lumago ang sektang Kristiyano kasama na ang mga Katoliko kung kaya’t nabahala ang
gobyerno at dagliang naglunsad ng malawakang paglilitis at pagpatay sa mga nanatiling Kristiyano. Sa maikling
panahon mula 1637-39, mahigit sa tatlumpong libong Kristiyano ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa
pananampalataya kasama na si Lorenzo at mga kasama. Matapos ng dalawang beses niyang matunghayan ang
pagpasakit sa kanyang mga kasama, at matapos na dalawang beses niyang itinakwil ang kanyang relihiyon at
magbalik-loob, si Lorenzo ay nahatulang maparusahan ng water torture gaya ng kanyang mga kasama.
Tinanggap na ni Lorenzo ng bukas loob ang kanyang sinapit na paghihirap at ito’y namalagi sa kanya hanggang
sa huli. Makaraan ang dalawang araw, si Lorenzo ay ihinarap muli sa kanyang manlilitis kung saan siya ay
tinanonng diretso kung itatakwil ba niya ang pagiging Kristiyano. Sa diretso at buong loob, kanyang sinabing
“Iyan ay di ko magagawa dahil ako ay isang Kristiyano at handa akong mamatay para sa Diyos. At para sa
Kanya’y ibibigay ko kahit higit pa sa libo kong buhay. Kung kaya, gawin na ninyo ang nais ninyo sa akin.”Para
sa mga huwes, malinaw itong kaso ng isang Kristiyanong buong-buo ang loob na mamatay para sa kanyang
pananampalataya kung kaya siya’y nahatulang mamatay. Nagpatuloy ang pagpaparusa at si Padre Antonio
Gonzalez, ang namuno sa misyon, ang siyang unang binawian ng buhay nang siya’y tinamaan ng mataas na
lagnat dahil sa water torture. Namatay siya noong ika-24 ng Setyembre, 1637. Makalipas ang tatlong araw, si
Lorenzo at kanyang mga kasama, ay kinaladkad palabas ng piitan upang bitayin. Habang nakatali ang kamay sa
likod, at may busal ang bibig, sila’y isinakay sa kabayo at ipinarada sa lansangan ng Nagasaki kung saan may
mga karatolang nag-aanunsiyo ng kanilang sentensiyang kamatayan. Ang kanilang destinasyon ay ang
Nichizaka Hill, na tinaguriang ‘Bundok ng mga Martir” kung saan naghihintay ang kanilang kahuli-hulihang
parusa. Pagdating nila sa Nichizaka Hill, sila ay ibinitin ng patiwarik at ibinaba sa isang hukay. Noong
panahong iyon, ito na ang isa sa pinakamasakit na paraan ng kamatayan. Tinatalian ang katawan ng bihag ng
mga mabibigat na bato habang siya’y nakabitin. Sa tindi ng pagkakaipit ng dibdib, ang bihag ay makakaranas
ng pagkaubos ng hininga hanggang tuluyan na itong malagutan ng hininga. Pagkaraan ng dalawang araw nitong
parusa, si Lorenzo ay namatay. Ang katawan ni Lorenzo at mga kasama ay sinunog ng mga Hapon at ang abo
nito’y isinaboy sa karagatan upang hindi na ito magamit ng mga Kristiyano sa kanilang pagsamba sa Diyos.
Buong tapang at puso na ipinahayag ni Lorenzo ang kanyang pag-ibig at pananampalataya sa Diyos.
11 | P A R O K Y A N G N U E S T R A S E Ñ O R A D E L A A S U N C I O N
KOMISYON NG KABATAAN