You are on page 1of 2

HALIMBAWA 1

ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount Carmel College-Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa
nagtapos ng Junior High School at Senior High School Science and Technology, Engineering and Mathematics Strand sa Aurora National Science
High School. Nagtapos siya ng May Karangalan noong siaya ay nasa Senior High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary Medicine sa
Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The Nucleus bilang tagapagsulat ng balita.

Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian” ang opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College,
bilang tagapagsulat ng balita sa kategoyag Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd placer. Noong siya ay nasa
ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The Nucleus”. Kabilang siya sa Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino.
Nasungkit nila ang 1st place sa DSPC’15, samantalang napasama sila sa Top 10 sa RSPC’15. Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik na
may pamagat na BIODEGRADABLE PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia esculenta) CORMS bilang Best Research sa kanilang paaralan.

HALIMBAWA 2

ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre noong taong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay
nakapagtapos ng ika-labindalawang baitang sa sekondarya ng Aurora National Science High School. At nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa
Paaralang Sentral ng Dipaculao na kung saan siya ay nakatanggap ng Ikalawang Karangalan bilang isang estudyante ng ikaanim na baitang. Isa rin
siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok bilang represebtatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math Contest noong
siya ay nasa ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee noong siya’y nasa ikaapat na baitang at nakakuha
ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Siya ay isa ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang ikaanim na baitang na
kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay nasa ikaapat at ikalimang baitang, at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim
na baitang na lahat ay Division Level. Kasalukuyang nag-aaral ng ika-labindalawang baitang sa Aurora National Science High School at
naghahandang kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines.

HALIMBAWA 3

ZIA CZARINA A. GARCIA. Isinilang sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-labing lima ng Abril taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang
Primarya sa Maria Aurora Central School ngunit kalaunan ay lumipat sa Sagana Elementary School sa Nueva Ecija at doon tinapos ang kanyang
Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high sa Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay kasalukuyang nag-
aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior High School Student.

Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP, History Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG
o Supreme Pupils Government noong nasa elementarya at siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa kanyang klase. Sa sekondarya ay patuloy pa
din siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at siya ay nagtapos na may ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior High siya ay
nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at makapagtapos bilang isang Dentista.

HALIMBAWA 4

VON ANDREW C. LOPEZ. Siya ay nakapagtapos ng Junior High School sa Aurora National Sciece High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng ika
labing-dalawang baitang sa nasabing paaralan, sa Strand ng (STEM). Nakapagtapos siya ng ikalawang karangalan noong siya ay nasa mababang
paaralan ng mucdol sa Dipaculao Aurora, Naging Presidente siya ng SPG ng kanilang paaralan. Hilig niyang maglaro ng football na nakarating na
rin siya ng (CLRAA) sa larong football noong nasa ika-apat na taon sa hayskul. Hilig niyang magkwento at magbasa ng mga komiks. Sa
kasalukuyan ay pinaghahandaan niya ang mga pagtataya sa admisyon sa iba’t ibang kolehiyo at akademiya.

HALIMBAWA NG BIO-NOTE SA AGHAM


Si Patrocinio Villafuerte ay kilala bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Philippine Normal University. Siya ay isinilang noong
Mayo 7, 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija. Siya ay isang guro at manunulat sa Filipino.

Siya ay nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong Gradwado, Masterado sa Sining ng pagtuturo
sa Philippine Normal College, siya rin ay may titulong Masterado sa sining sa Filipino, Gawad Merito, na kanyang natamo mula sa Manuel Luis
Quezon University.

Sa husay at talino ni Pat Villafuerte, siya ay iginawad bilang kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professional Chair in
Filipino. Nagkamit na siya ng dalawang Presidential Awards sa Malacañang. Nagtamo ng napakaraming parangal ng Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature.

Nakapaglimbag na rin siya ng napakaraming akda, isa na rito ang sabayang pagbigkas na kanyang ginawa, na may pinamagatang “Pamana
ng Lahi.” Maging ang “Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa,” na kanyang inilimbag, gamit ang kanyang talento.

Di matatawaran ang galing at talentong mayroon si Patrocinio Villafuerte sa dami ng karangalang kanyang nakamit. Isa siyang modelo
para sa mga kabataang may angking talento tulad niya.

>Ang bionote na ito ay masyadong mahaba. Nagbibigay na ng opinyon ang sumulat ng bionote sa pagpapahayag ng “Sa husay at talino ni….”.
Kung kaya tila ipinagyayabang siya.

Sapat na ang mga impormasyong nakatala.

Kung maaari ay paiksiin pa ito sa isang talata lamang. Hindi na kailangan pang ilagay ang kapanganakan ng awtor. Sa halip na sabihin na siya ang
kauna-unahang nagkamit ng isang parangal, sabihin na lamang na nakamit niya ito.

HALIMBAWA NG BIO-NOTE SA TEKNOLOHIYA

Si Steven Paul Jobs (Pebrero 24, 1955 – Oktubre 5, 2011) o mas kilala bilang Steve Jobs, ay isa sa mga nagtatag at CEO ng Apple Inc. at ang
CEO ng Pixar hanggang sa binili ito ng Disney. Siya ang dating pinakamalaking shareholder ng Disney at kasapi siya sa pangkat ng mga direktor ng
Disney. Siya ay isang prominenteng tao sa larangan ng industriyang kompyuter at libangan.

Sa huling bahagi ng 1970s, si Jobs kasáma si Steve Wozniak, Mike Markkula at iba pa ay nagdisenyo, lumikha at nagbenta ng isa sa
matagumpay na mga linya ng personal na kompyuter, ang Apple II series. Noong 1980’s, si Jobs ang isa sa mga nakakita ng potensiyal ng Xerox
PARC na may grapikal na interpasyo gamit ang isang daga na nagdulot sa pagkakalikha ng Macintosh. Pagkatapos ng pakikipag-alitan sa mga
lupon na direktor ng Apple noong 1985, si Jobs ay nagbitiw sa trabaho at nagtatag ng NeXT, isang kompanya na lumikha ng plataporma ng
kompyuter na pang mataas na edukasyon at pangnegosyo. Ang pagbili ng Apple sa NeXT ay nagbalik kay Jobs sa kompanyang kanyang itinatag at
nagsilbing CEO nito mula 1997 hanggang 2011. Noong 1986, kanyang binili ang dibisyong grapiko ng Lucasfilm Ltd na umusbong mula sa Pixar
Animation Studios. Siya ay nanatiling CEO at pangkaramihang tagahawak ng sapi(stock) nito sa halagang 50.1 porsiyento hanggang sa mabili ito
ng kompanyang Walt Disney noong 2006. Kalaunan, si Jobs ang naging pinakamalaking tagapaghawak ng sapi nito sa halagang 7 porsiyento at
naging kasapi ng lupon ng mga direktor ng Disney.

>Ang bionote na ito ay medyo mahaba din.Medyo kulang din ng mga impormasyon gaya ng kanyang mga nakamit na karangalan.Kung maaari ay
maiksiin pa at huwag nang ipahayag at isa-isahin ang mga nagawa ng kompanya sa mga taong nakalagay.

You might also like