You are on page 1of 2

BIONOTE

October 12, 2017

HALIMBAWA 1

ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount Carmel


College-Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa nagtapos ng Junior High School
at Senior High School Science and Technology, Engineering and Mathematics Strand sa
Aurora National Science High School. Nagtapos siya ng May Karangalan noong siaya ay
nasa Senior High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary Medicine sa
Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The Nucleus bilang
tagapagsulat ng balita.

Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian”
ang opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng balita sa
kategoyag Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd
placer. Noong siya ay nasa ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The
Nucleus”. Kabilang siya sa Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino.
Nasungkit nila ang 1st place sa DSPC’15, samantalang napasama sila sa Top 10 sa
RSPC’15. Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik na may pamagat
na BIODEGRADABLE PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia esculenta)
CORMS bilang Best Research sa kanilang paaralan.

HALIMBAWA 2

ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre


noong taong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay nakapagtapos ng ika-
labindalawang baitang sa sekondarya ng Aurora National Science High School. At
nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa Paaralang Sentral ng Dipaculao na kung saan
siya ay nakatanggap ng Ikalawang Karangalan bilang isang estudyante ng ikaanim na
baitang. Isa rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok
bilang represebtatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math Contest noong siya ay nasa
ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee
noong siya’y nasa ikaapat na baitang at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak.
Siya ay isa ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang
ikaanim na baitang na kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay nasa ikaapat at
ikalimang baitang, at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na baitang na
lahat ay Division Level.Kasalukuyang nag-aaral ng ika-labindalawang baitang sa Aurora
National Science High School at naghahandang kumuha ng entrance exam sa
Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines.

HALIMBAWA 3

ZIA CZARINA A. GARCIA. Isinilang sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-
labing lima ng Abril taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Maria Aurora
Central School ngunit kalaunan ay lumipat sa Sagana Elementary School sa Nueva Ecija
at doon tinapos ang kanyang Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang
junior high sa Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay kasalukuyang nag-
aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior High School Student.

Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP,
History Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG o Supreme Pupils
Government noong nasa elementarya at siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa kanyang
klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at
siya ay nagtapos na may ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior High siya
ay nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at makapagtapos bilang isang
Dentista.

HALIMBAWA 4

VON ANDREW C. LOPEZ. Siya ay nakapagtapos ng Junior High School sa Aurora


National Sciece High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng ika labing-dalawang
baitang sa nasabing paaralan, sa Strand ng (STEM). Nakapagtapos siya ng ikalawang
karangalan noong siya ay nasa mababang paaralan ng mucdol sa Dipaculao Aurora,
Naging Presidente siya ng SPG ng kanilang paaralan. Hilig niyang maglaro ng football na
nakarating na rin siya ng (CLRAA) sa larong football noong nasa ika-apat na taon sa
hayskul. Hilig niyang magkwento at magbasa ng mga komiks. Sa kasalukuyan ay
pinaghahandaan niya ang mga pagtataya sa admisyon sa iba’t ibang kolehiyo at
akademiya.

You might also like