You are on page 1of 2

Christine Mae S.

Molde

STEM 12 – Health

September 11, 2023


FILIPINO

BIONOTE

Si Christine Mae S. Molde ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Jocelyn at Eugene Molde. Siya ay
ipinanganak noong Disyembre 1, 2005 sa lungsod ng Tagbilaran sa lalawigan ng Bohol. Ang pamilya ni
Christine ay naninirahan sa lungsod ng Calape sa barangay Abucayan Norte. Siya ay nag-aral at nagtapos
ng kanyang primarya sa paaralang Mandaug Elementary School sa lungsod ng Calape. Siya rin ay nag-
aral at nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high student at kasalukuyang nag-aaral bilang
senior high student sa paaralang Holy Cross Academy sa lungsod ng Tubigon.

Nasa primarya pa lamang si Christine ay marami na siyang parangal na natanggap. Noong siya ay nasa
Day Care pa lamang ay hinirang siya bilang ika-tatlo sa mga estudyanteng may parangal sa kanilang klase
at nakatanggap din ng iba pang mga espesyal na karangalan katulad na lamang ng Most Neat and Clean,
Most Punctual, at marami pang iba. Siya ay isang consistent honor student ng kanilang paaralan mula
Kinder hanggang ika-anim na baitang. Siya ay sumali at naging Girl Scout noong nasa ika-dalawang
baitang pa lamang at aktibong sumasali ng mga camping sa iba’t ibang paaralan. Isa din sa mga naging
pambato si Christine sa kanilang paaralan sa patimpalak na singing bee at ang kanilang grupo ay nagwagi
ng ika-tatlong pwesto. Sumali din siya ng mga patimpalak ng kanilang paaralan katulad na lamang ng
Prince & Princess. Siya ay sumali ng Prince & Princess ng tatlong beses, noong siya ay nasa ika-apat, ika-
lima, at ika-anim na baitang. Sumasali din si Christine taon-taon ng sinulog dance showdown sa kanilang
paaralan. Miyembro din siya sa organisasyon ng kanilang paaralan na Drum & Lyre Band noong nasa ika-
apat siyang baitang hanggang sa magtapos siya ng kanyang pag-aaral bilang primarya sa kanilang
paaralan. Hinirang bilang kampyon ang paaralang Mandaug Elementary School sa kompetisyon ng drum
& lyre noong Mayo 10, 2018 sa lungsod ng Calape. Nagtanghal din sila sa iba’t ibang lugar kabilang na
dito ang lungsod ng Panadtaran, Tubigon, Bohol noong fiesta sa nasabing lugar. Noong nasa ika-limang
baitang pa lamang si Christine ay sumali siya sa isang summer class ng piano. Siya ay nag-aral paano
tumugtog ng piano at pagkaraan ng ilang linggo ay isa siya sa mga tumugtog ng piano kapag may mga
misa sa kanilang kapilya. Tumugtog din siya noong ikinasal ang kanila kakilala sa simbahan at noong
fiesta sa kanilang barangay. Naging consistent honor student din siya noong siya ay nag-aaral ng
kaniyang sekondarya bilang isang junior high student sa paaralang Holy Cross Academy. Ipinagpatuloy
niya ang pagiging isang girl scout noong siya ay nasa ika-pitong baitang hanggang ngayon na siya ay nasa
ika-labing-dalawang baitang na. Aktibo siyang nakikilahok sa mga programa ng kanilang paaralan tulad
ng outreach program noong siya pa ay nasa ika-walong baitang. Sumali din siya sa organisasyon ng
kanilang paaralan na SCA o Student Catholic Action at kamakailan lang noong siya ay nasa ika-labing-
siyam na baitang ay hinirang siya bilang isang SCAN ng nasabing organisasyon. Nakapagtapos siya ng
kanyang junior high na may natanggap na mga parangal. Naging consistent with high honor student din
si Christine noong siya ay nasa ika-labing-isang baitang. Noong nagkaroon ng camping ang girl scout sa
kanilang paaralan ay hinirang ang kanilang grupo bilang overall champion. Naging lider din si Christine sa
kanilang pananaliksik sa asignaturang Filipino. Aktibong nakikisali din siya sa mga aktibidad ng kanilang
organisasyon na Youth for Christ at kamakailan lang ay sumali siya sa PYD o Parish Youth Day na ginanap
sa Tubigon Cultural.

Pangarap ni Christine na mag-aral sa Unibersidad ng San Carlos sa lalawigan ng Cebu at kumuha ng


kursong Bachelor of Science in Nursing. Balak niyang mag-aral ng kaniyang kolehiyo sa Cebu nang sa
gayon a niya ang kaniyang lola at mga pinsan na naninirahan sa Cebu. Balang araw, gusto niyang maging
isang matagumpay na nurse at makapagpagamot ng maraming tao. Hangad niyang maging isang nurse
upang mabantayan at magabayan ang kalusugan ng kaniyang pamilya dahil may mga edad na ito at may
dinadamdam na mga sakit. Balak niyang makapagpatayo ng isang shelter balang araw para magabayan
at matutukan ang karamdaman ng mga mamamayan ng kanilang lugar lalong-lalo na sa mga matatanda.
Kung maging isang ganap na nurse na si Christine ay gusto niyang gamitin ang kaniyang kursong kinuha
hindi lamang upang makapagtrabaho at makapagsuntento sa kaniyang pamilya kundi pati na rin
makatulong sa mga kapwa niya mamamayan na may mga karamdaman.

You might also like