You are on page 1of 5

Si Shena Suson ay isinilang noong ika-anim ng Hulyo taong

2005, sa probinsya ng Zamboanga Sibugay. Ang kaniyang mga


magulang ay sina Ginang Jocelyn Suson at Libert Suson. Siya
ay nakapagtapos ng elementarya sa Lower Bulawan
Elementary School, bilang 5th Runner Up. Siya ay nagtapos ng
kanyang Junior High School bilang With Honors.

Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral sa Baitang 12 at kumukuha


ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa San Roque
National High School at sekretarya siya ng kanilang klase.
PROBINSYA NG ZAMBOANGA SIBUGAY

Ang paglalakbay ay isa sa mga paborito kong gawin kasama


ang aking pamilya at mga kaibigan. Malawak at payapang
lugar malayo sa gulo at transportasyon.
May kalayuan ang lugar na ito kung saan una kong minulat
ang aking mga mata at ito ang probinsya ng Zamboanga
Sibugay. Dito ka makalalanghap ng sariwang hangin at
makikita mo rito ang malalawak na palayan.
Umalis kami ng bahay alas-singko ng umaga upang hindi
mahuli sa biyahe. Sumakay kami ng bus mula Divisoria
papuntang Sibugay at inabot rin ang biyahe ng humigit
kumulang 4 na oras. Pagdating naming sa Integrated Bus
Terminal(IBT), sumalubong sa amin ang ingay ng mga
transportasyon. Bago kami makarating sa aming probinsya,
sumakay kami ng motor at inabot rin ng isang oras ang aming
biyahe. Pagdating namin sa Bulawan, napakainit at bumungad
sa amin ang malalawak na palayan at sa likod nito ang
matatayog na bundok. Marami aong nakitang magsasaka na
pawis at bilad sa araw. Pagkatapos ng isang taong pananatili
sa lungsod ng Zamboanga, nakabalik na rin ako sa aming
probinsya.
Sa unang araw ng pananatili ay napansin kong maraming
nagbago at isa narito ang mga kabahayan. Maraming lugar
ang aming nalakbay kasam ang aking pamilya. Kaysarap
pagmasdan ang mga tanawin lalong-lalo na ang masayang
mukha ng mga tao. Tila ay nabitin ako sa aming pananatili
dahil kinakailangan na naming bumalik sa Zamboanga City
upang mag- aral muli. Maraming masasayang bagay ang
naiwan at nangyari sa lugar na ito.
Si Veamaamor S. Feliciano ay isinilang
noong ikalabimpito ng Disyembre taong
2004, sa probinsya ng Zamboanga Del
Sur. Siya ay nakapagtapos ng
elementarya sa San Roque Elementary
School, bilang 4th Honorable Mention.
Naging aktibo din siya sa mga paligsahan
tulad na lamang nang Journalism, Radio
Broadcasting at maging sa isports. Sa
kanyang elementarya, siya ay naging
parte ng 'The Vision Quest' ang opisyal na
pahayagan ng paaralan ng San Roque
Elementary School na kung saan nakamit
niya ang ikalawang gantimpala sa
Division Schools Press Conference bilang isang Sports Writer. Nakamit din nya ang
unang gamtimpala sa larangan ng Badminton District Meet.

Siya ay nagtapos ng kanyang Junior High bilang With High Honor (Class
Valedictorian). Sa kasalukuyan siya ay nasa Ikalabindalawang Baitang at
kumukuha ng Academic Strand na Humanities and Social Sciences sa paaralan ng
San Roque National High School. Sa parehong paaalan, taong 2019, siya ay nahalal
bilang isang Supreme Student Government President at naging parte din siya ng mga
iba't ibang organisasyon at kasalukuyang presidente sa kanilang silid-aralan.

Sa kasalukuyan, siya ang tumatayong presidente ng Peace Club Organization ng


kanilang paaralan at noong ika-29 ng Nobyembre taong 2022, iginawad sa kanya
ang parangal bilang isang Facilitor at Resource Speaker sa isang programa. Taong
2021, siya ay pinarangalan nang JCI Zamboanga bilang isang JCI Youth Leadership
Awardee. Naging miyembro din siya ng Senior Scouts na may katayuan bilang isang
Crew Leader. Naging parte din siya ng Campus Journalism taong 2022 na kung saan
siya ay nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Regional Schools Press Conference sa
larangan ng Photojournalism na kung saan inirepresenta niya ang bayan ng
Zamboanga City.
MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN

Ni: Veamaamor S. Feliciano

Huwag talikuran ang magandang kinabukasan sa panandaliang kasiyahan.

Karamihan sa mga modernong kabataan ngayon ay nahaharap sa ganitong

sitwasyon. Alam ba nila na ang isang tao ay maaaring magbuntis sa murang edad at ang

maagang pagbubuntis ay isang malaking responsibilidad? Alam natin na ang pagpapalaki

ng pamilya o pagkakaroon ng mga anak ay hindi madali. Lalo na kapag bata ka pa at

hindi pa mulat sa reyalidad.

Ngunit ano nga ba ang sanhi sa paglobo ng ganitong isyu? Isa sa mga dahilan rito

ay ang maagang pakikipagrelasyon. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay

nagmamadali na pumasok sa isang relasyon na hindi man lang iniisip kung ano ang

magiging kahahantungan. Nagiging mapusok at nakakaligtaan na ang kanilang mga

limitasyon. Pangalawa, ay ang kawalan ng kaalaman tungkol sa sex education. Isa rin ito

sa mga naging kontribusyon sa pagdami ng kaso sa maagang pagbubuntis ng mga

kabataan, na kung saan tila na no-normalize na ang ganitong uri ng sitwasyon. Pangatlo,

ay ang impluwensiya ng mga kaibigan. Bilang isang kaibigan, tungkulin nating manguna

sa tuwid na landas, hindi sa baluktot. Dagdag na rin dito ay ang pagkakaroon ng

problema sa pamilya. Ilan lamang ito sa mga rason kung bakit nahaharap ang mga ibang

kabataan sa ganitong pangyayari. Ang maagang pagbubuntis ay maraming masamang

dulot. Bilang isang mag-aaral, nasaksihan ko kung gaano kahirap ang tinatahak na landas

ng aking kapwa kabataan. Dahil sa hindi handa na maging isang magulang, aborsyon ang

kanilang naiisip na hakbang. Karamihan sa kanila ay kinakailangang huminto sa pag-aaral

at maghanap na lamang ng trabaho. Bilang isang mag-aaral, ang maipapayo ko sa aking

kapwa ay maging responsable sa bawat kilos na gagawin. Lagi nating tatandaan na sa

bawat kilos na ating isasagawa ay mayroong kapalit. Alamin natin ang mga limitasyon at

maging maalam. Nawa’y lagi nating pakakatandaan ang winika ni Jose Rizal, ‘Ang

kabataan ay ang pag-asa ng bayan’. Nawa’y maging sangkap tayo sa pagkakaroon ng

pasulong na sistema ng mundo at hindi paurong.


Pangalan: Mark Denver Ortega

Baitang at Seksyon: XII- Humss Da Vinci

Larawang Sanaysay

Maagang gumigising para magtinda minsan inuunahan pa nila ang


pagtilaok ng manok. Iba’t ibang tao ang nakakasalamuha nila
araw-araw at iba’t ibang diskarte ang kanilang ginagawa upang
mapabilis lang ang benta ng kanilang paninda. Dugo’t pawis ang
kanilang puhunan kung kaya’t hinahangaan sila ng lipunan dahil sa
kanilang marangal na trabaho.

You might also like