You are on page 1of 1

BIONOTE NI JEN LAURINE COSICOL

Si Jen Laurine M. Cosicol ay isinilang sa Calapan, Oriental Mindoro noong Pebrero 6,


2004. Siya ay lumaki sa Lucio Laurel, Gloria Oriental Mindoro at ngayon ay kasalukuyang
naninirahan sa Manguyang, Gloria Oriental Mindoro.

Si Jen ang panganay na anak sa kanilang pamilya. Siya at ang kaniyang bunsong kapatid
ay lumaki kasama ang kanilang lolo at lola, samantalang ang kanilang ina noon ay nagtatrabaho
sa Maynila bilang isang call center agent at ngayon naman ay nasa ibang bansa bilang teacher.

Taong 2010 nang magsimula siyang mag-aral ng elementarya sa ‘Malaya Adventist


Elementary School’ at doon din nagtapos ng elementarya, taong 2017. Siya ay nagtapos ng
kaniyang sekondarya bilang Junior High sa ‘Bansud National High School – Regional Science
High School’ taong 2021 at kasalukuyang nag-aaral sa nasabing paaralan bilang isang Senior
High School student.

Sumasali rin sya sa mga patimpalak noong siya ay nasa elementarya, tulad ng quiz bee at
iba’t-ibang beauty pageants o talent shows. Napili rin siya bilang Majorette ng kanilang banda at
miyembro rin sya ng Choir ng kanilang paaralan na tinanghal na “Back-to-Back Champion” sa
Bansud Choral Competition – Elementary Level taong 2015 at 2016. Naging Bise-Presidente rin
siya ng SGO o Supreme Government Officers noong siya ay nasa elementarya, at nagtapos na isa
sa mga achievers at nakatanggap ng ‘silver medal’.

Ngayong siya ay nasa Senior High, siya ay nangangarap na makapag-aral at


makapagtapos ng kolehiyo at makapasok sa paaralan ng medisina upang maging ganap na
Doktor.

You might also like