You are on page 1of 1

Si Bb. Suzanne A.

Valencia,
dalawampu't pitong taong gulang, ipinanganak
noong ika-11 ng Setyembre taong 2007 at
lumaki sa barangay Sampa, bayan ng Sta.
Teresita. Siya ay nag aral ng elementarya sa
Sampa-Pacifico Elementary school, nagtapos ng
junior high school sa paaralang Governor
Feliciano Leviste Memorial National High School
at nag tapos ng senior high school sa paaralan
ng Lemery Senior High School. Itinuloy niya ang
kaniyang pag aaral at nakapag tapos sa
Batangas State of University. Siya ay nakapag
tapos ng kursong Bachelor of Science in
Accountancy (BSA), nakapasa sa board exam at
sa kasalukuya'y isang Certified Public Accountant.

Matapos makapasa sa board exam, naghanap agad siya ng trabaho at


nakuha agad siya sa isang bangko. Habang nag tatrabaho ay patuloy at isa-isa
niyang kinakamit ang kaniyang pangarap. Nakapag libot at namasyal siya sa mga
sikat na lugar at beach resort sa buong pilipinas kasama ang kaniyang mga
kaibigan at pamilya. Nagpunta rin siya sa mga bansang kaniyang pinapangarap
puntahan nung siya'y bata pa, nabibili niya na rin ang kaniyang mga nais o luho.

Sa kaniyang kasipagan, na promote siya bilang manager sa bangko na


kaniyang pinag tatrabahuhan. Dahil sa patuloy na pag ganda at ayos ng takbo ng
kaniyang trabaho, nakapag ipon siya ng pera at binilhan ng mga sasakyan ang
kaniyang mga magulang. Naka bili rin siya ng lupa at nakapag pagawa ng sariling
bahay at nakapag pundar ng sarili niyang sasakyan. Naipag patayo naman niya ng
negosyo ang kaniyang mga magulang, regalo niya ito sa kanila at pasasalamat
dahil sa pag aaruga, pagmamahal at pagsasakripisyo makapag tapos lamang siya
ng pag aaral. Kalaunan, nakapag patayo na rin siya ng kaniyang sariling negosyo na
dati ay pinapangarap niya lamang. Kuntento siya sa buhay na meron siya at
patuloy na nagsusumikap.

You might also like